Chapter 18

2141 Words

Mga bandang alas otso nang umaga ay nagising na kaming lahat, may mga ilang tao rin sa resort, may nga torista rin akong nakita noong sumilip ako sa may veranda ng villa namin. Maganda ang dagat, kulay puti ang buhangin at ang kalmadong kulay blue na dagat ay napakaganda rin. May mga iilang tao na nagsu-swimming na sa dagat. Katatapos ko lang maligo, naka-bathrobe lang ako at may tuwalya na nakalagay sa buhok ko. Naka-upo ako sa kama ko habang nasa gilid ko ang panlinis ko sa sugat ko, mabuti na lang ay mayroon dito sa villa ng panlinis sa sugat. Marahan kong tinatanggal ang gauze ng sugat ko, tiningnan ko ito, medyo tikom na ito at mga ilang araw na lang ay gagaling na ito. Hindi naman ako nahahapdian kasi sanay na ako sa mga ganitong daplis or tama ng bala. Habang nililinis ko ang s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD