BATTLE'S POV
So kinuwento na namin sa inyo si Lala at Rona. Paano naman ang pinakabida at ang lider ng Protector?
Since noong namatay ang kanyang ama, siya ay lumaki na ulila sa Ama. Walang kamuang-muan ang pinakabida sa pangyayari ng kanyang ama na dating Chairman ng Capital State.
****
6 years later from the incident...
Sa bahay ng mga Landez.
"Aron!!! Asaan ka ba???" Sigaw ng kanyang ina, si Erika.
Hinahanap ni Erika ang kanyang anak, si Aron James Landez.
"Aron???" Sige parin sa paghahanap si Erika kay Aron.
Dumating ang kanyang anak na babae, ang panganay na anak, si Richane.
At nagkasalubong silang mag-ina.
"Asaan yun kapatid mo?" Tanong ni Erika kay Richane.
"Sino po?" Sabi ni Richane.
"Si Aron, nasaan?" Sagot ni Erika.
"Hindi ko po alam eh, ang pagka-alam ko kanina nasa sala eh." Sabi ni Richane.
"Okay!"
"Mauna na po ko Ma, may mission ako eh." Sabi ni Richane at daling umalis.
"Sige anak, Ingat ka."
Nang makaalis na si Richane, balik sa paghahanap si Erika sa kanyang anak.
"Aron???? Aron???" Sigaw niya habang naglalakad kung saan-saan para mahanap niya si Aron. Akala ni Erika ay lumayas si Aron.
Hanggang sa may nakita siyang pakas na paa sa sahig. Sinundan ito patungo sa isang lugar na nagsasanay at nakita niya si Aron, sinasapak niya ang punching bag na paulit-ulit.
"Aron?!" Nakita ni Erika si Aron.
Huminto si Aron at lumingon sa kanyang ina. "Ma..."
"Kakaligo mo lang ah..." Sabi ni Erika.
"Eh gusto ko magsanay eh." Depensa ni Aron.
"Para saan?" Tanong ni Erika.
"Wala lang! Trip ko lang, magiging S.F ako." Paliwanag ni Aron.
Lumapit si Erika kay Aron at sinabing "May kaaway ka nanaman sa school noh?!"
"Hi-hindi po!" Pasigaw na sagot ni Aron.
"Magsabi ka ng totoo." Sabi ni Erika kay Aron.
"Hindi nga po Ma." Pasigaw na sabi ni Aron.
"Hayzz!! Kain ka muna." Sabi ni Erika kay Aron.
"Eh ma-"
"Kakain ka o hindi ka kakain habang buhay?"
Wala nang magawa si Aron kundi sundin ang kanyang ina. "Kakain na ma..."
"Sige! Bilisan mo lumabas." Sabi ni Erika kay Aron at lumabas sa training area.
"Opo Ma..." Sumunod nalang si Aron na lumabas at sundan si Erika.
****
Ilan minuto na nakalipas, kumain sila Richane, Erika at Aron. Nag-uusap si Richane at Erika Habang kumakain.
"Oh Richane! Musta na turo ni Senpai mo?" Sabi ni Erika.
"Ayun Ma! Napakahirap." Sabi naman ni Richane.
"Yan! Arte mo kasi Ate." Sumabat si Aron sa usapan nila.
"Special Force ka?" Richane.
"Future Special Force..." Sabi ni Aron tapos ay sumubo ng pagkain sa kutsara.
"Aron James?!" Erika.
Lumunok si Aron at sabing "S-si Ate kasi eh..."
"Anong Ako?! Hoy Aron!!! Sumasabat ka sa usapang matanda." Wika ni Richane kay Aron bilang buwelta niya.
"Eh hindi ka pa matanda eh." Pilosopong sabat ni Aron. "Hindi pa pumuputi yun-"
"Grrr!!!!" Nagigigil si Richane kay Aron.
"Kumain ka nalang, Aron." Sabi ni Erika.
"O-Opo Ma..." Tugon ni Aron at nagpatuloy siya kanyang kinakain.
Dumating si Jadren sa kanila, pagod na pagod. "Ma, I have a bad news."
Lumingon si Erika kay Jadren at sinabing "Anong bad news?!"
"Ah... Ba-ba-" nauutal si Jadren pero hinadlang nito ni Aron sa pagsasalita.
"Bagsak ka?!" Pasigaw na sabi ni Aron habang gulat siya.
"Huh???" Jadren.
"Aron James?!!" Pataray na sabi ni Erika.
"Ma, bagsak si Kuya." Sabi ni Aron.
"Hindi ako bagsak, babalik ako sa pagiging offenser kasi hindi ko kaya." Sabi ni Jadren.
"Luh, Bakit?" Sabi ni Richane habang nagulat siya sa sinabi ni Jadren. "Sayang yun opportunity mo bilang Special Force, Sidesweeper pa."
"Eh hindi ko kaya eh, anim yung element ang pag-aaralan namin eh." Sabi ni Jadren.
"Anak, kaya nilagay kita sa sidesweeper kasi may potential ka na magagawa mo yun galawan ng Papa mo." Sabi ni Erika.
"But si Papa ay isang Protector." Sabi ni Jadren.
"Kaya nga! Pag gumanda yun performance mo bilang sidesweeper, magiging protector ka na." Sabi ni Erika at ngumiti siya kay Jadren.
"Really??!" Nagulat si Jadren sa sinabi ni Erika.
"Yun lang pala eh! Like Father Like Son nga." Sabi ni Richane.
"Pwede na." Sabi ni Erika.
Si Aron ay natatampo habang kumakain. Napansin ni Erika si Aron na tahimik nalang si Aron. "Oh!! Parang tumahimik na kumain si Aron."
Tumawa si Richane ng konti at sinabing "Kayo kasi ma eh."
"Hmmmm... Makijoin na rin ako, gutom na ko eh." Umupo si Jadren at kumain na rin.
Naubos agad ang pagkain ni Aron. Uminon ito ng isang basong tubig at dali-daling umalis na may pagkatampo.
Pero hindi ito pinansin ng tatlo.
****
Madaling Araw, Pumunta si Erika sa Kuwarto ni Aron. Binuksan ang pinto at umupo sa kama ni Aron habang ito'y tulog. Nakatayo siya sa pintuan, nakasandal siya sa pader habang nakatingin sa kama na kung saan natulog si Aron roon.
"Aron, alam ko na natatampo ka kanina. Alam mo, ang bata mo pa na maging protector." Sabi ni Erika.
"Ako nga dati, city Protector lang ako pero ginawa nila akong State ProtectorAt kasama ko tatay mo. Aron, ayokong maging mapahamak na maaga. Saka ka na maging Special Force pag natapos mo na Kolehiyo mo." Karagdagang sabi ni Erika sa tulog na si Aron.
"Promise! Magiging Special Force ka at magiging Chairman ka balang araw. Tama ba?" Sabi ni Erika.
Hindi sumagot si Aron kasi tulog na siya.
"Goodnig-" biglang na-activate yun Macrocosmic Vision ni Erika at nakita ni Erika sa vision niya na wala si Aron, nabalutan ng kumot ang unan niyang mahaba.
"Pa-pa-paanong..." Hindi mapaniwala si Erika sa kanyang nasaksihan.
****
Teka lang, Nasaan si Aron? Sa Special Force Unit Area. Pumasok siya na hindi nakikita ng Security Guard.
Nagpapakawala siya ng mga suntok habang sinasabi niya sa sarili na "Walang Kuwenta!" na paulit-ulit habang siya'y umiiyak.
Hanggang sa mapagod siya, umupo nalang siya sa sahig habang patuloy sa pag-iyak.
Pero May dumating na Isang babae. Nakatayo sa likuran ni Aron.
"Bata?" Tinawag niya si Aron.
"Ano yun?!" Pasigaw na sabi at lumingon sa likuran niya.
"May problema ba?" sabi niya at tumabi kay Aron.
"Sino ka?" Tanong ni Aron.
Mistisa ang babae, matangkad na konti, mahaba ang buhok at medyo mahinghing.
Nagpakilala ang babae kay Aron. "Ako si Jelailah, tawagin mo nalang ako Ate Jelailah. Ikaw, Ano name mo???"
"A-aron po... Aron James."
"Ah Okay! Eh bakit ka umiiyak? At saka bawal bata rito, diba?"
"Mama ko..." Paiyak na sagot ni Aron.
"Mama mo?!" Pagtatakang sabi ni Jelailah. "Bakit, may problema ba yun Mama mo?"
"Hindi ako magiging Special Force kagaya ninyo." Sabi ni Aron.
"Sinabi niya yan?!" Pagulat na sabi ni Jelailah.
"Opo.." Sagot ni Aron na may malungkot na ekspresiyon.
"Pero gusto mo ba maging Special Force?" Tanong ni Jelailah kay Aron.
"Opo..." Sagot ni Aron.
"Talaga?!" Jelailah.
"Opo..." Aron.
"Parang ayaw eh!" Sabi ni Jelailah.
"Gusto ko po." Sabi ni Aron.
"Bukas, Tuturuan kita kahit hindi Witchcraft ewan muna." Sabi ni Jelailah na may kasamang ngiti.
"Talaga po?!" Pagkagulat na sabi ni Aron.
"Oo..." Sabi ni Jelailah.
"Salamat po..." Sabi ni Aron at niyakap niya si Jelailah. Dahil sa yakap ni Aron, namutla ang mukha ni Jelailah.
****
Habang sa bahay nila, hinahanap ni Erika si Aron sa buong bahay.
"Aron!!! Aron!!" Eto ulit ang sigaw ni Erika habang hinahanap niya si Aron.
Dumating si Richane na antok na antok, nagising siya dahil sa ingay ng kanyang ina.
"Ma, Ang ingay mo!" Sabi ni Richane habang dala ang kanyang antok.
"Nakita mo ba kapatid mo?" Tanong ni Erika kay Richane.
"Sino, Si Jadren ba? Tulog siya." Sabi ni Richane.
"Si Aron???"
"Tulog sa-"
"Tulog sa kuwarto? Talaga?"
"B-bakit, Mama?"
"Nawawala si Aron!!!" Pasigaw na sabi ni Erika.
"Ano?! Nawawala?!!!" Nagulat si Richane noong nalaman niya na nawawala si Aron sa buong bahay.
"Hayzzz!!" Na-stress si Erika sa paghahanap.
"Hahanapin ko, Mama." Sabi ni Richane at umalis para tumulong sa paghahanap
"Sige, Richane." Tugon ni Erika.
Pumunta si Richane sa Kuwarto ni Aron. Binuksan ang pinto ng kuwarto ni Aron at eto na ang kanyang nasaksihan.
"Hi Ate!!" Sabi ni Aron na may kasamang ngiti, nakaupo sa kama at may bitbit na biskuwit.
"Mama!!!" Sumigaw si Richane para tawagin niya ang kanyang ina dahil nandito ang kanyang kapatid sa kanyang harapan.
****
Kinabukasan na umaga, nakaupo si Erika sa sofa, nakatingin kay Aron na nakatayo at nakasuot na uniformeng pang-eskwela.
"Aron, bakit wala ka sa Kuwarto?" Tanong ni Erika kay Aron.
"Ah... Nag-C.R?" Sagot ni Aron na parang hindi sigurado sa sagot niya.
"Wala ka sa C.R kagabi, kahit saan ay Wala ka." Sabi ni Erika.
"Eh..."
"Asaan ka ba kagabi?" Pagalit na sabi ni Erika.
"Ah..." Nag-iisip si Aron pero tumingin siya sa Orasan, mag-alas siete na.
"Ah ma! Papasok na po ako. Bye!!" Bitbit niya ang kaniyang bag at lumabas siya sa pintuan na bahay nila para makaalis papuntang eskuwelahan niya.
"Aron????!!!!" Pasigaw na sabi ni Erika.
"Nakakainis itong bata na ito..." Eto nalang ang sinabi ni Erika sa kanyang isipan.
****
Ilang minuto ang nakalipas, nasa School na si Aron at ito ang kanyang nasalubong.
"Aron?!" May estudyanteng lalaki nagtawag kay Aron, kaklase niya.
"Bakit?" Aron.
"Si Eunice.." Sabi ng kanyang kaklase.
"Oh!!! Ano meron kay Eunice?" Tanong niya.
May napansin si Aron sa paligid, may kaguluhan na nangyari sa pilaan, at nandoon si Eunice, Kaibigan ni Aron. Pinuntahan ni Aron iyon at pumunta siya sa gitna.
"Anong nangyari rito?" Tanong ni Aron na may pagkasigaw na pagkasabi
Dahil rito, natigil ang gulo, pero maraming estudyante ang nakapalibot rito.
May napansin si Aron na may bitbit si Eunice ng isang Paperbag.
"Etong si Eunice, magnanakaw ng baon." Sabi ng estudyanteng babae.
"Hindi ah!" Depensa ni Eunice.
"Eunice, ano hawak mo?" Tanong ni Aron kay Eunice.
"Baon ko yan!" Pasigaw na sabi ng estudyanteng babae.
"Akin toh!!" Sabi ni Eunice habang nilalayo ang paperbag na hawak niya.
"Ibigay mo na sa kanya niyan." Sabi ni Aron.
"Ayoko nga!!!" Sabi ni Eunice.
"Ibigay mo o sumbong kita sa Nanay mo sa pamamagitan ng spirit of the glass?" Sabi ni Aron.
"Luh?! Walang ganyanan." Sabi ni Eunice.
"Ibigay mo ba sa kanya o ano?"
"Sige na nga!" Ibigay ni Eunice ang Paperbag sa estudyanteng babae.
Hinila ni Aron si Eunice at umalis.
"Aray!!! Ano ba??" Sabi ni Eunice habang nasasaktan siya sa paghila ni Aron sa kanya.
****
Ilan oras ang nakalipas, pumunta silang dalawa sa Canteen pagkatapos ng kanilang klase.
Habang kumakain sila, pinag-usapan nila ang nangyari kanina.
"Anong klaseng kaibigan ka?" Tanong ni Aron kay Eunice.
"Maganda tapos matalino tapos mabait!" Pilosopong sagot ni Eunice. "Tapos masipag at 'saka-"
"Tahimik nga muna, Eunice..." Sigaw ni Aron. "May baon ka diba?"
Tumahimik bigla si Eunice.
"Alam mo malalaman ng Ate mo ito..." Sabi ni Aron. "At-"
"Mumultuhin ako ni mama? Ayoko nga?" Sabi ni Eunice.
"Eunice... Paano kung-"
"Gumawa kaya tayo ng gang?" Biglang nasabi si Eunice na ganito kay Aron.
"Grrrr!!! Eunice?!!" Pagalit na sabi ni Aron. "Grade one palang tayo tapos-"
"Walang masama ah!" Depensa ni Eunice.
"At babae ka!" Sabi ni Aron. "Sa lahat ng babae na klassmate natin, ikaw lang ang pinakang-pinaka-"
"Maganda?" Pilosopong tanong ni Eunice kay Aron.
"Grrr!!! Nakakainis ka na talaga eh noh!" Sabi ni Aron na mayroong inis sa kanyang ekspresiyon.
"Aron, Crush mo?" Sabi ni Eunice at tinuro niya ang likuran ni Aron kahit walang tao sa likuran niya.
"Hayzzz!! Wala akong crush. Sige na! Papasok na ko." Tumayo si Aron at umalis.
"Aron, Wait!" Sinundan ni Eunice si Aron.
****
Ilan oras ang nakalipas, natapos ang eskwela ni Aron. Pumunta siya sa isang lugar, tanging siya lang, walang kasama.
At nakita niya si Jelailah.
Binaba niya ang kanyang bag sa sahig at sinabing "Ate Jelailah, anong gagawin ko po?"
"Hmmmm..." Napaisip muna si Jelailah.. At sinabi kay Aron na "Tumakbo ka."
"Tumakbo?!" Pagulat na sabi ni Aron.
"Takbo o hindi ka na magiging-"
"Oh sige n!, Tatakbo na po..." Sabi ni Aron at tumakbo sa malayo.
Huminto siya sa sulok, isang metrong layo pagitan nila ng Ate Jelailah niya.
"Tapos na po!!!" Sigaw ni Aron.
"Hayzzz!! Tsk! Tsk!"
Pagod na agad si Aron sa pagtakbo niya.
"Balik!!!" Sigaw ni Jelailah.
"Sige po!!!" Tumakbo si Aron pabalik sa kanyang puwesto at daling tinanong na "Special Force na ba ako?"
"Ah... Pwe-pwe-"
"Pwede na? Yehey..." Pagkatuwang sabi ni Aron.
"Pero hindi pa tapos." Daling sinabi ni Jelailah.
"Huh?! Bakit?" Pagtataka ni Aron.
"Push up ka mga bente." Utos ni Jelailah kay Aron.
"Bente?!" Nagulat si Aron sa pinauutos niya. "Eh hindi ko kaya-"
"Parang ayaw mo maging special force ah." Sabi ni Jelailah.
"Sige sige! Gagawin ko na po."
Nagpush-up si Aron pero noong pang anim na ay nahihirapan na ito.
"A-a-ate..." Nahihirapan na si Aron sa pag-push up.
"Gusto mo maging Special Force, diba?" Sabi ni Jelailah.
"Gu-gu-gusto..." Sabi ni Aron habang nahihirapan na ito.
"Continue..."
Sige parin na nagpush-up si Aron kahit nahihirapan siya. Hanggang sa matapos niya itong gawin at biglang Dumapa si Aron at ito'y pagod.
"Okay, So..."
"Pwe-pwedeng break mu-muna?" Sabi ni Aron.
"Walang Break." Sagot ni Jelailah.
"Ate Jelailah?!"
"Takbo ulit..." Utos ulit ni Jelailah kay Aron.
"Nanaman?! Eh..."
"Gusto mo maging Special Force, diba??" Sabi ni Jelailah.
"Eh..."
"Bahala ka na nga di-"
"Eto na! Tatakbo na." Sabi ni Aron at dali siyang tumayo.
Tumakbo si Aron na tatlong beses na pabalik-balik.
Lagi nagsasanay si Aron sa kamay ng Ate Jelailah niya. Katulad ni Erika kay Rona, hindi siya mastriktong magturo, pero seryoso siya sa bawat galaw ni Aron. Pero dahil sa napaka-arte at napakasaway ni Aron, minsa'y Stressful.
****
Dalawang taon ang nakalipas..
Tuloy parin sa pagsasanay si Aron, hanggang sa matapos ito.
"Tapos na ko, Ate..." Sabi ni Aron.
"Wow! Lumalaki ka na nga." Paghangang sabi ni Jelailah.
"Lumilevel-up pa." Sabi ni Aron. "Tama ba ako?"
"Oo! Nice ah, magiging Special Force ka balang araw." Sabi ni Jelailah.
"So... Ano na??? Yun-"
"Eto na!" Sabi ni Jelailah habang May binigay siya kay Aron, yun favorite niya, walang iba kun'di ang polvoron.
Tinanggap ni Aron at sa sobrang dami ay binilang niya ito. "Teka lang, bakit."
"Sabi ko kahapon tatlo pero ginawa ko nang trenta kasi parang ka na rin kitang kapatid kung maituturin, at saka Isa pa ay Lumalaki kana kaya Trenta na." Sabi ni Jelailah.
"Salamat ah!" Sabi ni Aron.
"Walang anuman yun!" Tugon ni Jelailah. "Ako dapat ang magpapasalamat sa iyo." Sabi niya na mayroon ngiti at pagkaputla sa kanyang mukha.
"Walang anuman!" Tugon naman ni Aron na mayroong ngiti.
"Oh!!! Diba, may pupuntahan ka??? Yung..."
"Ay!!! Baka mapagalitan ako ni Mama!" Pagkataranta ni Aron dahil mahuhuli siya sa Inaguration ng kanyang Ina bilang Ika-apat na Chairman. "Sige na, papunta na ko sa Ceremony. Sa susunod ulit!" Paalis na si Aron palayo kay Jelailah.
"Aron?" Jelailah.
"Bakit po?" Huminto si Aron at tumingin kay Jelailah.
"Balik ka ah..." Sabi niya habang ang kanyang mata ay naglalabasan ng mga luha.
"Oo, Promise ate.." Sabi ni Aron kay Jelailah at daling umalis.
****
Sa Inauguration Ceremony sa Great Capital Hall, tatlong kilometro pakanluran mula Capital Palace, dahil Ika-apat na Chairman na ang nanay ni Aron.
"Asaan na yun si Aron?" Sabi ni Erika habang tumitingin kung saan-saan.
"Hinahanap mo pa ba yun bunsong anak mo?" Tanong naman ni Theodore, ang Ika-tatlong Chairman ng Capital State.
"Baka nasa bahay ninyo lang yun." Sabi naman ni Diane.
Sige parin tingin kung saan saan ang magiging Ika-apat na Chairman ng Capital State habang nagtataranta. "Eh kasi may sinabi siya na pupunta siya rito kasi gusto niya makita na-"
May isang bata na dumating, naka-Polo na White at Pantalon na Itim. Sabi niya na "Nandito na ko, Mama!" si Aron lang pala iyon.
"Aron, saan ka ba galing?" Tanong ni Erika habang daling pinunasan niya ang mukha ni Aron.
"Ah... Sa ano po... Sa..."
"Ano? Saan? Si Ate Jelailah mo, nasaan?" Tanong ni Erika.
Dumating ang isang organizer at sinabi na "Ah... Sir... Ma'am... Magstart na po ang ceremony..."
"Oh! We ready." Tugon ng Ika-tatlong Chairman.
"Okay!" Umalis ang organizer.
Nakatingin si Theodore sa mag-ina. "Aron??? Pwedeng-"
"Gusto ko po manood ng Ceremony..." Sabi ni Aron. "Dahil sa-"
"Oh!! Erika, your son is future Chairman, uh!" Sabi ni Theodore na may kasamang konting tuwa.
"Eh gusto ko makita kung paano kinakabahan si Mama." Sabi ni Aron.
Natawa sila Theodore at Diane.
"Aron?!" Pagulat na sinabi ni Erika habang namumutla ang kanyang mukha.
"So-sorry na, Mama." Sabi ni Aron.
"Tara na nga!" Daling Umalis si Erika papuntang likuran ng Stage dahil iilang segundo nalang ay magsisimula na ang seremonya.
Sinundan naman ni Theodore at ni Diane, habang pumunta sa audience area si Aron at nagsimula ang Inauguration, nasaksihan ni Aron ang lahat na maging Chairman na ang kanyang Ina.
****
Ilan araw na nakalipas, nasa school na naman si Aron kasama si Eunice. Naglalakad papunta sa room nila.
Habang nag-uusap silang dalawa.
"Nakaka-amazed naman ako sa pamilya mo, Aron..." Sabi ni Eunice.
"Bakit, naingit ka ba?" Tanong naman ni Aron.
"Medyo." Sabi ni Eunice at tumawa naman ito ng konti.
"Eunice, makikita ka ng nanay mo na masaya ka." Payo ni Aron kay Eunice.
"Kahit kasama na niya ate ko?" Sabi ni Eunice.
"Huh?!" Pagtataka ni Aron kung bakit sinabi ni Eunice iyon.
"Wala na din ate ko, wala na..." Sabi ni Eunice.
"Hayzzz! Pa-paanong wala na?" Pagtatakang tanong ni Aron kay Eunice.
"Hindi ko alam eh..." Sabi ni Eunice habang nagsisilaban na ng luha ang kanyang mata.
"Eunice... Wala ka nang-"
Biglang tumakbo si Eunice palayo kay Aron habang umiiyak.
"Eunice???" Sigaw ni Aron.
Nagtataka si Aron kung bakit ganito na ang pakiramdam ni Eunice ngayon.
****
Ilan oras na nakalipas naman ay umuwi kaagad sa bahay nila si Aron galing eskuwelahan niya.
Nakasalubong agad ni Aron si Jadren, naka-itim na Polo at pantalon si Jadren na may bitbit na rosas.
"Oh!! Aron, musta na study mo?" Pangangamusta ni Jadren.
"Ano po nangyari sa ate ni Eunice?" Biglang tinanong ni Aron iyon kay Jadren.
Biglang nalang napatahimik si Jadren noong natanong ni Aron iyon sa kanya.
Sabi ni Aron ay "Hindi ba, lagi mo kasabay yun pag-"
"Aron, Pwedeng huwag muna pag-usapan nalang natin yan kasi.m." Biglang nasabi ni Jadren ito kay Aron.
Dahil sa pag-aalala ni Aron kay Eunice, sinabi niya sa Kuya Jadren niya na "Kuya, sino na kaya mag-aalaga kay Eunice??? Eh-"
"Ako na bahala Aron. Basta ikaw, Mag-aral ka, gawin mo muna assignment mo at huwag kang aalis ng bahay, may pupuntahan ako ah." Sabi ni Jadren kay Aron at daling umalis.
"Wait, Kuya?!" Sigaw ni Aron.
Pero hindi pinansin ni Jadren ang sigaw ng kanyang bunsong kapatid kaya nakaalis na siya.
"Eunice, Sana maayos kana..." Eto nalang ang nasabi ni Aron sa kanyang isipan.
Nag-aalala si Aron kung paano na ang pamumuhay ng kanyang kaibigan.
****
Kinabukasan, pumunta si Aron kung saan nagtraining.
Pero.
"Nasaan kaya si Ate Jelailah?" Tanong ni Aron dahil hanggang ngayon ay wala parin si Jelailah. "Parang wala siya ngayon ah. Hindi na bali! Streching muna ako."
Nag strenching si Aron para hindi siya masaktan sa maaaring maituturo ng Ate Jelailah niya.
****
Ilang minuto after noong ay natapos na niya ang streching niya. Pero hanggang ngayon ay wala parin si Jelailah.
"Ano ba yan! Wla parin si Ate Jelailah." Pagtataka ni Aron kung bakit wala ang ate Jelailah niya. "Hindi na bali! Gawin ko nalang yun lagi niya pinapagawa sa akin."
Tumakbo si Aron hanggang sa sulok ng lugar na kinatatayuan niya at pabalik sa kanyang puwesto. Pagtapos ay nag-push up si Aron ng sampung beses.
Habang ganito, wala parin si Jelailah.
Pinatuloy parin ni Aron ang kanyang ginagawa kahit wala si Jelailah.
Hanggang Sa..
****
Walong taon ang nakalipas...
Lagi pumupunta si Aron sa training area niya, pero sa walong taon niyang pagsasanay mag-isa, hindi parin nagpakita si Jelailah ni anino man lang niya.
Natapos ang pagsasanay ni Aron kahit walang tao na gumagabay at nagpapaturo sa kanya.
Umupo siya sa sulok at kumakain si Aron ng polvoron.
"Hayzzz!!! Eighteen years old na ako ah pero bat wala parin si Ate Jelailah. Siguro nag-asawa na yun." Ganito nalang sinabi ni Aron.
May dumating ng isang babae, naka-uniporme na puti at nakapalda na asul, may bitbit na pulang shoulder bag at naka-ponytail ang buhok niya, walang iba kundi ang kanyang matalik niyang kaibigan na si Eunice.
"Aron?" Tinawag ni Eunice si Aron.
"Oh!!! Bakit ka nandito?" Tanong ni Aron.
"Wala." Sagot ni Eunice. "Sino hinihintay mo?" Tanong naman ni Eunice kay Aron.
Iniisip ni Aron na hintayin niya si Jelailah.
Pero sa akala niya na hindi na susulpot si Jelailah, ganito nalang sinabi ni Aron, "Ah... Wala... Wala! Wala naman."
"Tara! May pupuntahan pa tayo, diba?" Sabi ni Eunice.
"Oo, Tara na." Binitbit ni Aron ang kanyang bag at umalis silang dalawa sa lugar kung saan nagsasanay si Aron.
-CHAPTER END-