BATTLE'S POV
Sa isang abandonang ospital, tatlong Kilometro ang layo pakanan mula sa Capital Palace, nakatayo ang mag-asawang Erika at Akihiro.
"Handa na kami! Wala nang atrasan, Patay kung patay na toh." Wika ni Akihiro habang ito'y seryoso.
"Kung nagtatago ka lang sa amin, hindi mo matutupad ang hinahangad mo." Seryosong tugon ni Erika.
Nagpakita si Akane sa mag-asawa at sinabing "Nahangad ko na ang lahat, pero may natititira pa ko."
"Ano na naman yun?" Tanong ni Erika kay Akane.
"Kayo..." Sagot ni Akane na mayroong mademomyong ngiti.
"Ah!!! Ganun pala ah... Hanggang kamatayan na toh!" Tugon ni Akihiro kay Akane.
Na-activate ni Erika ang kanyang Fanatic Vision.
Na-activate naman ni Akane ang kanyang Atheist Mode habang ito'y nakademonyong ngiti at sinabing "Magugulat nalang kayo sa Grasp ko."
Ginising ang kanyang Macrocosmic Vision, gumawa ng dalawang bola gawa sa Dark Matter at binato na niya agad ito.
"Ano?! Dalawang Stellar Invasion?!" Nagulat si Erika aa nakita niya.
"Imposible..." Wika ni Aron.
Gumawa si Erika ng malakas ng hangin sa pagtulak niya sa kanyang harapan, nawala ang Bolang gawa sa dark matter at natumba si Akane.
"Ako na." Sabi ni Akihiro kay Erika.
"Wait Honeylab!" Erika.
Tumayo agad si Akane pagtapos siyang napuruhan sa atake ng kanyang kalaban. Gumawa naman si Akane ng dalawang bola na gawa sa apoy at binato na niya ito sa mga kalaban niya.
"Buhay siya!" Nagulat si Erika kay Akane.
"Hayzz!!!" sabi ni Akihiro habang gumagawa siya ng bolang gawa sa tubig at daling binato ito sa papalapit na bolang apoy.
Si Erika naman ay nagpalitaw ng isang mapulang Laser sa kanyang mata para matamaan sa isa pang bolang apoy.
Nagkaroon ng Dalawang Spectral Gun si Akihiro habang pumunta siya sa likuran ni Erika.
Gumawa ulit si Erika ng malakas ng hangin sa pagtulak niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang harapan para mapatumba ulit si Akane.
Tumamling naman si Akane pakaliwa para maiwasan ang malakas na hangin.
Ginising ang Macrocosmic Vision ni Erika at daling tumingin sa kalupaan kung saan nakatayo si Akane, nagkaroong ng mainit na bilog sa kinatatayuan ni Akane.
Tumambling ulit si Akane Pakaliwa para lumayo sa nagbabagang lupa. Gumawa ng fireball sa kanyang kamay at binato kay Erika.
Nakita ni Akihiro na maaring tatama ang fireball sa kanyang asawa, kaya pumunta siya sa harapan ng kanyang asawa at nagpaputok ng balang gawa sa tubig para matamaan ang fireball gamit ang kanyang Spectral Revolver.
"Erika, tapusin mo na!!!" utos ni Akihiro kay Erika.
Tumango si Erika sa utos ng kanyang asawa at tumakbo papunta kay Akane.
Tumalon si Erika at nag-screw punch kay Akane na mayroong lightning at maliit na bulaklak na aura.
Biglang bumalik sa Atheist Grasp ang mga mata ni Akane at nagkaroon na hinding nakikita na harang sa kanyang harapan. Nahinto si Erika sa palutang na paghiga.
Pero biglang tumakbo si Akihiro habang ang kanyang kanang kamao ay nakapalibot ng kuryente, sinapak ni Akihiro si Akane gamit ang kanang kamao habanh sumisigaw ng "AEISAEIAHHHH!!!!"
Ang kanilang kinatatayuan ay nakaroong ng isang pagsabog, at napalibutan ito ng fog pagkatapos ng pagsabog.
Natumbahan silang tatlo at biglang nawalan ng malay si Erika dahil sa pangyayari.
Tumayo si Akihiro at pinagising si Erika.
"Honeylab, Gising?!" Sabi ni Akihiro habang pinapagising ang kanyang asawa.
Akala ni Akihiro na patay na ang asawa niya, pero chineck ni Akihiro ang pulso ni Erika sa Leeg at tumitibok ito.
Pero...
"Ano, Ikalawang Chairman ng Capital State? Tayong dalawa naman. Mas Thrill ang isa kaysa sa dalawa kasi ang boring." Lumapit si Akane kay Akihiro.
"Ano ba talaga pakay mo kung bakit mo ito ginagawa?" Galit na tinanong ni Akihiro kay Akane.
"Hmmmmm??? Pake mo ba?" Akane.
"Ikaw!!!!" Tumataas ang tensiyon ni Akihiro kay Akane.
Dahil sa tensiyon, nagpakawala ng mabibilis ng mga iilang suntok ni Akihiro, hanggang sa mapaatras ang kanyang mga braso, isang hindi makitang suntok ang pinakawalan ni Akihiro. Natamaan si Akane ng mga suntok na iyon at muntikan na siyang matumba noong natamaan siya ng inivisible punch ni Akihiro.
Nagkaroon ng isang lightning surface ang kanang kamao ni Akihiro at sinapak niya si Akane sa Bodega.
Daling hinawakan ni Akane ang kanang braso ni Akihiro at sinampal si Akihiro sa mukha na malakas.
Tumama si Akihiro sa Wall at nagkaroon nanaman ng Fog sa area kung siya tumama. Mayroong malinya na sugat sa noo niya at sa baba.
Daling tumayo si Akihiro at lumaban kahit medyong hinang hina na ito.
Nagpalitaw si Akihiro ng limang maladahong sandata at sabay-sabay na binato kay Akane.
Pero sa pagtulak ni Akane sa kanyang Harapan, gumawa siya ng malakas ng hangin para maibalik kay Akihiro ang sandata.
Tumalon si Akihiro sa kanan para maiwasan niya ang atake ni Akane habang may lightning surface ang kanang kamao ni Akihiro. Tumakbo si Akihiro at daling sinapak si Akane sa mukha gamit ang kanyang kanang Kamao habang sumisigaw ng "AEISAEIAHHHHHHH!!"
Yumuko ang ulo ni Akane at umupo sa kanyang kinatatayuan para mailagan niya ang atake ni Akihiro. Sinipa ni Akane ang kaliwang binti ni Akihiro gamit ang kanyang kanang paa.
Dahil sa atake ni Akane, natumba nalang si Akihiro, nakahiga ng de-sideview si Akihiro habang sumasakit ang kanyang paa.
"So Ano Ikalawang Chairman ng Capital state susuko kana ba?" Tanong ni Akane kay Akihiro.
Hindi makasagot si Akihiro dahil sa sakit kaya sinipa ni Akane ang ulo ni Akihiro at biglang nahilo ito.
"So ngayon, bago ko tapusin ang mortal kong kaaway. Uunahan kita dahil chairman ka. " Akane.
"Mananalig lang." Makadiyos na bulong ni Akihiro habang nasasaktan siya.
"Ano?? Game kanang mawala sa mundo?" Tanong ni Akane kay Akihiro na mayroong Demonyong ngiti.
May nagbato ng fireball kay Akane. Natamaan si Akane sa braso at nagkaroon ng galos.
Nagtataka si Akane dahil rito
At...
"Dumaan ka muna sakin bago mo balak patayin ang Ikalawang Chairman." Si Erika
"Ikaw...." Nagalit si Akane kay Erika
"Ano???" Tinaas ang kanyang kanang kilay "Lalaban ka pa ba?"
"Ikaw, dating p****k na Fourth Year student na ngayon ay first lady ng ikalawang chairman. Patawa!" tugon ni Akane at tumawa.
"Bakit??? Anong masama sa p****k, mamatay Tao?" Tanong ni Erika.
Ningitian lang ni Akane so Erika.
"Oo! p****k ako, anglalaki ako dati at alam ng asawa ko yun pero tinanggap ako kaya nabago ang kinatayuan ko. Ikaw kaya, noong nagkasama kayo ni Akihiro sa buhay niya. Ano nabago mo?" Eto ang mga salita na binitawanan sa harap ni Akane.
"Bakit ko babaguhin ang gusto ko? Para saan ba yan?" Tanong ni Akane.
"Para sa kinabubuti ng lahat dahil alam ko na nagkakasala ka." Paliwanag ni Erika. "Kala ko nagbago kana, hindi pala."
"Hmmm..." Tumawa na mademonyo si Akane. "Matagal ko na plinano ang lahat. Traydor ako ng Capital State? Oo! Pero ikaw ang makasalanan kaysa sakin."
"Ah.. Talaga? Ba't ka nakulong noong Teenager ka? Kasi makasalan ka rin. Lahat tayo makasalanan." Erika.
Biglang sumigaw si Akane ng "Wala akong paki!!!"
Tumakbo si Akane paabante kay Erika habang nagbato ng fireball sa kanyang Kalaban. Nagbato naman si Erika ng waterball sa nalalapit na fireball at nawala ang mga ito.
Hindi inaasahan na nagkaroon ng pagsabog sa pagitan nilang dalawa at napalibutan sila ng usok.
Sinipa ni Erika si Akane sa mukha gamit ang kanyang kaliwang binti. Hinawakan naman ni Akane ang paa ni Erika, pero pumiglas ito at sabay nagpakawala ng iilang sampal sa mukha bodega ni Akane, hanggang sa nagkaroon ng hindi makitang sampal. Sinarado ni Akane ang kanyang bodega gamit ang kanyang dalawang braso para maiwasan ang sakit.
Tinulak ni Erika si Akane sabay sampal na dalawang beses sa mukha ni Erika.
Hinawakan ni Erika ang dalawang braso ni Akane, sabay na-activate ang kanyang Macrocosmic Vision at inignan ni Erika ang mata ni Akane.
Lumuha ng dugo si Akane, ar biglang iniisip niya ang kanyang bunsong kapatid na babae na si Meriko at ang kanyang anak na babae na si Amiko.
"Ililigtas ko kapatid at anak ko." bulong na sinabi ni Akane.
Kumurot ang noo at nagtataka na si Erika roon at sinabing "A-ano?! Ma-ma-may anak ka?!"
"Ililigtas ko kapatid at anak ko." Inulit ang kanyang sinabi.
Bumangon si Akihiro na mayroong karamdaman sa likod, at nakatingin siya sa kila Erila at Akane habang dahang-dahan na naglalakad papunta sa kinatatayuan ng dalawang babae.
Samantala,tumutulo parin ng dugo si Akane sa kanyang mukha.
Pero nagliwanag ang Macrocosmic Vision ni Akane habang nakatingin sa mata ni Erika. Biglang lumuha naman ng dugo si Erika.
Napansin ni Akihiro na nagsisiluhaan ng dugo ang dalawa
Tinulak ni Akihiro si Akane at nadapa silang dalawa.
"Outch!!!" nasaktan ang Likod ni Akihiro dahil natamaan ang kanyang likod sa lupa.
"Amiko... Meriko..." bulong ni Akane..
Gumulong pakanan si Akihiro para makalayo kay Akane at daling tumayo siya kahit masakit ang kanyang likod
Samantala, nakatingin si Erika kay Akane at handang itong sapakin sa mukha.
Bumalik sa dati ang kalagayan ni Akane, daling tumayo at sabay tumambling para atakehin si Erika.
Sinarado ni Erika ang kanyang mukha para madepensahan ang kanyang mukha.
Sinampal ni Akane si Erika sa kaliwang sintido, pero yumuko ang ulo ni Erika at sabay sinipa ang tuhod ni Akane.
Natumba si Akane at nadapa sa sahig.
Nagkaroon ng isang malabulaklak na sandata si Erika at tangkang sasaksakin ang leeg ni Akane.
Pero....
"HUWAG!!!" Sigaw ni Akihiro kay Erika.
Biglang lumingon si Erika kay Akihiro para matigilan niya itong saksakin.
"Ano? Saksakin mo ko?" Sabi ni Akane kay Erika.
"Huwag mong gawin." Utos ni Akihiro sa kanyang asawa. "Mamatay-tao ka rin?"
Nalilito na si Erika kung sasaksakin niya si Akane o hindi.
"Wala sa plano na patayin natin si Akane." Paliwanag ni Akihiro kung bakit hindi pwedeng patayin si Akane.
"Saksakin mo na ko. Ginusto mo yan, diba???" Sabi ni Akane kay Erika.
"Tandaan mo ang ikalimang utos na ginawa ng diyos." Pakumbabang Tugon ni Akihiro kay Erika
"Ano, Erika?!" Sigaw ni Akane
Nalilito na si Erika kung gagawin niya o hindi.
Pero binitawan ang panaksak, tumayo at sinipa nalang ito sa bodega
Gumulong si Akane at tumayo na dahan-dahan pagkatapos.
"Mabuti, sinunod mo ang asawa mo pero para saan pa ba kung buhay pa ko." Sabi ni Akane
"Ano sabi mo?!" Tanong ni Akihiro na mayroong puot.
"Alam kong may anak ka, Akane...." Biglang pinagsalitaan ni Erika ng ganito si Akane. "Tapos ginagawa mo tong lahat? Ano kang klaseng Ina?!"
"Paki mo ba sa buhay ko?" Akane.
"Makinig ka. Hindi ka tatanggapin ang anak at kapatid mo sa ginagawa mo, nararamdam ko yun presensiya mo. Nagka-anak kana! atupad mo na ang pangarap mo tapos ganito nalang ang aftermath ng pangarap mo?" Wika ni Erika kay Akane
Yumuko ang ulo ni Akane at biglang tumulo ang luha.
"Erika..." Bulong ni Akihiro.
"Pag namatay ka, magiging Ulila ang anak mo kaya hindi kita sinaksak sa leeg mo." Wika ni Erika habang tumulo ang luha.
Lumapit si Erika kay Akane at sinabing "Hindi sa dahil sinunod ko ang sabi ng asawa ko dahil sa sitwasyon mo."
Huminto si Erika at sabing "Akane kung hindi mo naintindihan, Pwest! Patayin mo nalang ako." At tinaas ang kanyang mga kamay.
"Honeylab?!" Nagulat si Akihiro sa sinabi ni Erika at tumakbo papunta sa kanyang asawa.
Tumulo parin ang luha ni Akane at tumahimik.
"Oh!! Ba't hindi mong magawa?!" Erika.
"A-ayo-ayoko..." bulong ni Akane.
"Honeylab..." Pag-alala ni Akihiro kay Erika.
"Ano sa tingin mo, Susuko kana?" Tanong ni Erika kay Akane.
Hindi sumagot si Akane sa tanong ni Erika, malungkot at nasasaktan ang damdamin niya dahil sa nabitawang salita ni Erika sa kanya.
Pero...
Tinalikuran ni Akane si Erika, nagbato ng isang maitim na bola. Unti-unting hinihigop ang mga bagay-bagay hanggang sa mabuo ng isang malabuwan na laki.
Habang nagkakaganoon ang buong lugar.
"Ano???!" Nagulat si Erika sa ginawa ni Akane.
"What the a-hole is that?!" Tanong ni Akihiro kay Erika.
"Dusk Hole..." Sagot ni Erika. "Hihigupin ito ng mga ilan surface until na mabuo ng isang moon-size na sphere."
"So paano nating masira yan?!" Akihiro.
"Hindi ko alam...." Sagot ni Erika.
Nag-iisip si Akihiro kung paano.
"Honeylab, mamatay na tayong lahat rito." Sigaw ni Erika habang umiiyak.
"Ako na bahala! Idistract mo si Akane basta Safe ka afterwards...." Seryoso utos ni Akihiro kay Erika.
"Eh paano ka?!" Erika.
"Basta ligtas ka..." Akihiro.
"Eh paano ka nga?!"
"Huwag mo kong aalanganin basta mahal kita." Sagot ni Akihiro.
"Eh mapapahamak ka lalo." Depensa ni Erika.
"Sino Chairman Ngayon? Basta Gawin mo ang plano ko, maliwanag??" sabi ni Akihiro.
"Ehhhhh.."
Habang umiiyak si Erika, hinalikan ni Akihiro si Erika sa labi na matagal
"Mahal kita..." Sabi ni Erika pagtapos ng halik.
"Mahal na mahal kita..." Sagot ni Akihiro.
Tumulo ang luha ni Erika.
"At salamat dahil ikaw ang asawa ko..." Sabi ni Akihiro.
"Salamat din..." sabi ni Erika at pumunta sa likuran ni Akane.
Sinubukan ni Erika na pabagsakin si Akane. Samantala, ibubuwis ang buhay ni Akihiro sa kanyang Subdue dahil babasagin niya ito.
"Pasensya na sa gagawin ko, best Friend ko.." Bulong ni Erika at nag-"screw punch si Erika at sumisigaw ng "SUPERIOR... MEGA... KARRRMAAAA!!!"
Nalaman ni Akane na may susugod sa kanyang likuran. Napahinto si Erika dahil sa hindi makitang hadlang gawa ni Akane sa kanyang harapan. At sabay nagbuga ng apoy kay Erika.
Ang mga paa ni Erika ay nakapatong sa sahig, ang mata niya ay naging kulay asul at naglabas ng mapulang laser sa apoy ni Akane.
Samantala, kumuha si Akihiro ng kanyang dalawang Spectral Revolver at ginamit niya iyon para barilin at subukang wasakin ang maitim na bola na nagpapahila sa malabatong bagay.
"I do what I do..." ganito ang kanyang sinabi habang nagpapaputok ng kanyang mga Shadow Revolver.
Samantala, patuloy parin sa pagbuga ng apoy si Akane habang nagpapalabas ng malapulang laser si Erika sa kanyang mata.
Pinalo ni Erika ang kanyang kanang hita gamit ang kanyang kanang kamay, magawa lang ng mga maliliit na bulaklak. Binato ang mga bulaklak sa katayuan ni Akane at biglang sumabog.
Umabante nalang si Akane pagkatapos tumigil sa pagbuga ng apoy.
Tumalon at nag-screw punch si Erika para atakehin si Akane.
Wala nang magawa si Akane kundi tanggapin ang sakit, natumba at nawalan ng malay.
Natapos na ang utos ni Akihiro kay Erika, pero hindi pa tapos ang nasa kalagayan ni Akihiro...
Sige parin siyang binabaril ang dusk hole, pero hindi sapat para basagin ito.
"Honeylab?!!!" Sigaw ni Erika kay Akihiro.
Pero hindi pinansin ito ni Akihiro dahil sa kanyang ginagawa.
"Honeylab!!!" Sinigawan ulit ni Erika si Akihiro.
Hindi parin siya nakikinig sa sigaw ng kanyang asawa.
Naluhod nalang si Erika at umiiyak dahil masisilayan niya ang pagsawi ng kanyang asawa.
Pero may humawak sa balikad ni Erika at sinabing "Hindi kayang basagin ng isang tao yan."
Tumingin si Erika sa taong naglagay ng kamay sa kanyang balikad.
At nagulat siya na si Akane ang nasa likod.
"Buhay ka pa?!"
"Hindi na ako lalaban." Pakumbabang sabi ni Akane..
"Huh??!" Nagtataka si Erika na bakit sinabi ni Akane na hindi siya lalaban.
"Pero tutulungan ko kayo ngayon." Sabi ni Akane kay Erika.
Nagtatak parin si Erika ka Akane at sinabing "T-Teka!!! Bakit nabago ang-"
"Hindi lahat ng taong masama ay mananatiling masama. Mnsan matagal at may takdang oras para mabago." Paliwanag ni Akane.
"Huh?!"
"Sorry, hinangad ko lang ang pagiging Atheist sa katawan at isipan ko pero may mas mahalaga roon bago ako nagkaganito."
"Pinagsasabi mo?!" Hindi parin makapaniwala si Erika.
Niyakap ni Akane si Erika at sinabing "Ililigtas ko ang State para sayo at sa mamayanan natin dahil Bestfriend kita."
Wala nang magawa si Erika kundi ihug niya rin ito.
"Dapat ako ang maghingi ng sorry, kung kinuha ko yun Fanatic Medallion sa Dusk Area ay hindi ka magkakaganito." Sabi ni Erika kay Akane.
"Huwag mo nang isipin ang nakaraan. Mas mabuti na ikaw ang magpamana ng Fanatic Medallion kung hindi ito mabasag." Sabi ni Akane.
"Kaya nga eh." sabi ni Erika at tumatawa ito.
"Ako ang dapat talaga ang magsorry. Plinano ko toh pero mas mahalaga ang peace kaysa sa puro giyera giyera." Wika ni Akane.
Nangitihan sila Erika at Akane sa isa't isa.
Pero nakita ni Akane si Akihiro at tinanong kung "Teka, ano ba ginagawa niya?"
"E-ewan ko! Babasagin ni Akihiro ang bola." Sagot ni Erika.
May naalala si Akane na "Wait! May bomba akong tinanim rito, nasa ilalim ng kama at balak ko papasabugin ang building na ito pero..."
"Pero ano?! Teka nga lang muna!" Pagtataka ni Erika.
"Basta mahanap mo yun at itapon mo sa Capital Bay Area, malayo sa may bay fence.." Utos ni Akane kay Erika.
"Pero pwedeng macause ng dynamite fishing." Erika.
"Pero mas safe ang State sa pagsabog." paliwanag ni akane at tumayo.
"Ano gagawin mo?!" Tanong ni Erika kay Akane.
"Tutulungan ko si Akihiro." Sagot ni Akane. "Mas maganda na naging Main SF tayo dati."
"Tutulungan mo ang asawa ko?!" Erika.
"Pero sana mahanap mo ang anak at kapatid ko." Utos din ni Akane kay Erika.
"Teka! Hindi pwede..." Depensa ni Erika.
"Mas mainam na maging ulila sila kaysa na mabuhay ako." Paliwanag ni Akane.
Tumalon si Akane papunta kay Akihiro at sinabi kay Erika na "Hanapin mo na at kami na bahala rito."
****
"Akihiro..." Sigaw ni Akane kay Akihiro.
"Ba't ka nandito?!" Galit na tugon ni Akihiro habang nagpapaputok ng water at fire bullet gamit ang kanyang Spectral Revolver.
"Hindi sapat yan, promise..." Sabi ni Akane kay Akihiro.
"Paki ko! Mamatay nalang ako..Gusto mo sumama?" Tanong ni Akihiro habang Tuloy parin sa pagputok ng kanyang Spectrañ Revolver.
"Oo! Gusto kong sumamang basagin yan." Sagot ni Akane at pumunta siya sa tabi ni Akihiro.
"Anong nakain mo?" Galit na pagsabi ni Akihiro.
"Isa lang ang tanging paraan para masira yan. Mag Aeisaeiah ka at mag Superior Mega Karma ako." Payo ni Akane kay Akihiro.
Tumigil sa pagpuputok ng kanyang Spectral Revolver at tumingin kay Akane.
"Ang dami kong traso sa inyo lalo na sa Capital State pero babawi ako sa inyo."
"Si Erika, Anong ginawa mo sa kanya?" Pag-aalalang tanong ni Akihiro kay Akane.
"Ligtas siya." Sagot ni Akane.
Nakatingin si Akihiro kay Erika habang tumatakbo si Erika at naghahanap ng Bomba...
"Teka lang! Anong nasa isip mo?" Tanong ni Akihiro kay Akane.
"Wala na ko tension para magkagulo tayong tatlo, Ikalawang Chairman." Sagot ni Akane.
"Huh??!" Nagtataka si Akihiro kay Akane.
"Since na nagkasama tayo, minahal na kita... Pero-"
"Pinatawad na kita." Pamandaliang sabi ni Akihiro kay Akane.
"Ta-talaga?!"
"Okay na Akane, Past is Past amd Move on."
Nakangiti si Akane kay Akihiro dahil pinatawad na siya.
"So, Ano na?"
"Akihiro handa kana bang magbuwis ng buhay?" Tanong ni Akane kay Akihiro.
"Kung takot ako mamatay, hindi nalang ako tumakbo bilang Chairman ng Capital State." Sagot ni Akihiro habang nakatingin sa bolang naghihila ng mga bagay.
"Sensya na kung sasabihin ko yun." Ani ni Akane.
"Ok lang yun! Ano ba ginagawa ni Erika???" Tanong ni Akihiro.
"Hinahanap niya ang Bomba, ag sumabog yun ay buong State Damay." Sagot ni Akane.
"Teka!! ikaw yun gumawa neto ah." Ani ni Akihiro habang nakatingin kay Akane.
"Kaya nga eh." Tumawa si Akane at nasabing "Sorry..."
Nakangiti si Akihiro kay Akane.
"Back on topic na..." Wika ni Akane.
"Okay..." tumingin si Akihiro sa bolang itim.
****
Nahanap ni Erika ang bomba, isang minuto nalang ang natitira.
Hawak ni Erika ang bomba habang nakatingin kila Akihiro at pabulong na sinabing "Babalik ako, honeylab..."
Umalis siya sa Building at dali-daling lumipat ito papuntang Capital Bay, limang kilometrong layo mula sa abandonahang ospital
Nasa 40 seconds nalang ang natitira bago sumabog.
"Sorry Mga Isda, papasabugin ko lang ah! Hindi ko sadya ito." Wika ni Erika at tinapon niya sa Tubig ang bomba.
At daling daling umalis pabalik aa abadonahang ospital.
Samantala.
"Game?" Tanong ni Akihiro kay Akane kung handa na siya.
"Game..." Sagot ni Akane.
Nakapikit ang mata ni Akihiro habang ang kanyang kanang kamao ay nagkaroon ng lightning na kapangyarihan, samantala napalitaw ni Akane ang kanyanh Atheist vision.
"AEIIIII... SEIIIIII.... AHHHHH!!!"
"SUPERIOR... MEGAAAA!!! KARRRMAAAA!!!"
Noong nasa malapit na sila ng bolang itim, nagpakawala ng suntok si Akihiro ng kanyang kanan kamao habang nag-screw punch si Akane na may kasamag lightning at mabulaklak na aura sa kanyang mga kamao.
Nabasag nila ang dusk hole at nagkaroon ng malakas na pagsabog, kasunod ng malalaking usok na nakapalibot sa loob ng gusali.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si Erika at saktong nakita niya si Akane at Akihiro.
Pero nakahiga at nakapikit ang kanilang mga mata.
Lumapit si Erika roon at pinapagising ito...
"Honeylab? gising na, honeylab?"
Pero hindi ito nagising.
Chineck ang pulso ni Akihiro, pero hindi na ito tumitibok.
"Hindi..." tumulo ang luha ni Erika na may dalang pangangamba.
Tinignan rin ang pulso ni Akane, pero hindi na rin ito tumitibok. Hanggang sa umiyak nalang si Erika, kasabay ng pagkaroong ng mahinang ulan.
Dumating ang mga pulis, bumbero at mga medical unit.
"Ma'am Erika, ano pong nanyari???" tanon ng isang pulis kay Erika.
Hindi makasagot si Erika dahil sa pangyayari at ang naging resulta ng laban na ito
Nilagay nila sa isang bedsheet si Akihiro. Ganoon din si Akane pero may posas naman siya.
Tumutulo ang luha ni Erika habang nakatingin siya sa dalawang taong mahal niya sa buhay na naging bangkay na.
Hanggang sa nahimatay ito, at dinala rin siya sa Hospital.
-
ERIKA LANDEZ' POV
Ilan minuto ang nakalipas, nagkamalay na ko at nagising, pero nasa bagong ospital ako napadpad.
Si Diane ang kasama ko sa ER.
"Madam, salamat at Gising kana." Sabi nita sa akin
Nangitihan ko siya.
"Maayos kana ngayon?" Tanong niya sa akin. "Sabi daw ng doctor magpahinga ka muna."
Pero biglang napaisip ko ang aking asawa. Sana buhay pa siya, magkaroong ng isang milagro o hindi kaya'y pangalawang buhay niya.
"Yun master mo?" Tanong ko kay Diane.
Napatahimik nalang si Diane, yumuko ang kanyang ulo at biglang tumulo ng luha sa kanyang mukha.
"Asaan siya???"
"Na-nasa Morque na po siya." Dahan-dahan na sinagot ni Diane kung nasaan ang aking asawa.
"A-ano???" Eto ang sinabi ko habang nagulat ako sa sagot ni Diane.
Hindi ko mapaliwanag ang lahat, ibig sabihin ay wala na si Akihiro?
Teka lang, wala na si Akihiro, sino magiging kapalit sa kanya bilang Chairman? At.
Hindi, asawa ko.
****
Ilan minuto ang nakalipas,
Pumunta at pumasok ako sa morque, may bitbit akong dextros sa kanang kamay ko para makaroon muna ako ng lakas dahil hindi pa ako gumagaling.
"Asaan po yun bangkay ng Ikalawang Chairman?" Tanong ko sa isang tao sa morque.
"Eto po." Tinuro ang bangkay ng asawa ko, tatlong mesa mula sa aking kinatatayuan.
Pumunta ako sa sinabi ni Kuya, at tinitigan ko lang iyon.
"Lalabas po muna ako, Madam." Tugon niya at lumabas sa pinto ng morque.
Tinanggal ko ang kumot sa ulo niya, at siya nga yun.
Bigla akong umiiyak ng todo dahil wala na siya.
"Honeylab, Iniwan mo nalang kaming mag-ina..." Wika ko habang nakatingin ako sa kanya.
Ang luha ay tumulo mula mukha ko hanggang sa mukha na asawa kong bangkay na.
Eto ang araw na hindi ko makalimutan. Ang asawa ko ay isang dakilang bayani ng Pilipinas.
Pero kapalit ng buhay niya, ang saya at ligaya ko ay pinalit sa lungkot dahil wala na ang araw sa mundo ko.
-CHAPTER END-