CHAPTER 2

1305 Words
“PAANO ba `yan, friend. Kamote ka na naman,” wika ni Paris nang ibaba ang huling baraha. Deklaradong talo na naman si Prix. “Bilib na talaga ako sa pagiging mandurugas nyong apat. Walang palya.” Ibinaba na rin ni Prix ang mga hawak pang baraha. “Hay buhay. Parang life.” “Masyado ka kasing malinis maglaro,” wika ni Leila. “Minsan sa buhay ng tao, kailangan din niyang mandaya para makuha ang gusto. Hindi na uso ang papatay-patay ngayon. Or else, maiiwan kang nakanganga. If you’re desperate to win, mandaya ka na.” “Huy. Huwag mo ngang maturu-turuan iyang si Prix. Baka seryosohin niya iyan. Wala akong balak na matalo kahit kailan, ‘no?” “Kaibigan ba talaga kita?” sarkastiko niyang baling kay Blu. “Grabe sya, o.” “‘Love you, friend.” “Tseh. O, siya sige na. Ano na ang demand ninyong mga peste kayo. At nang makabalik na ako sa trabaho ko. Marami pa akong kailangang ayusin—aray!” Hinila na ni Paris ang buhok niya. “Wala ka nang inisip kundi trabaho. Prix, darling, we’re here to unwind, remember? Kaya huwag kang traydor.” Right. She almost forgot. Hindi lang pala isang simpleng get-together ang dahilan kung bakit nagtitipon-tipon sila roon. Paraan din nila ito na hindi tuluyang malunod sa kani-kanilang mga trabaho. Dahil kung dedicated si Prix sa kanyang trabaho bilang professional nature and wildlife photographer, mas lalo na ang mga kaibigan niyang ito sa kani-kanilang propesyon. “Ako na ang mauuna,” presinta ni Leila. “Since I’m a broadcast journalist and I’m a little short of sensationalized stories, bigyan mo ako ng lighter news, Prix, `yong may malaking impact sa aking mga viewers.” “Hija, photographer ako at hindi tsismosa.” “Hep! Ang usapan natin, lahat ng request ng mga mananalo sa poker games natin, pagbibigyan ng mg matatalo. As long as kayang ibigay. Kayang-kaya mo namang ibigay ang request ko, Prix. Ikaw pa. Ang galing mo kaya.” “Okay,” mabilis niyang sang-ayon saka binalingan si Paris. “O, ikaw. Anong pambobola ang iaalay mo sa akin para mauto ako?” “Give me your greatest picture, Prix.” “With my autograph?” “Gaga. Hindi picture mo ang hinihingi ko. ‘Yung pinakamagandang larawan na nakuhaan mo. `Yong hindi mo pa napapa-publish pero kapag ibinandera ko sa magazine ko ay mapapansin nang husto ng mga readers ko.” Isa itong publisher at editor-in-chief ng sarili nitong fashion magazine. “Pero lahat ng greatest photos ko ay nai-print na. ‘Yung picture ko na lang kasi.” “Gusto mong dagdagan ko ang request ko?” “Hindi na. Sige, maghahanap na lang ako ng iba pang photos na ibibigay. O, ikaw naman, Bluhilda.” “I heard sa Spade International ka nagtatrabaho?” tanong ni Blu. “Oh, my gosh! Talaga, Prix?!” singit ni Paris. “You’re working for Spade?!” pigil-tili na tanong naman ni Jereth. “Oo. Pero huwag kayo masyadong excited na dalawa. Lumalaki butas ng ilong nyo. Baka masinghot  nyo na ako. Anyway…what’s the big deal with Spade International? Bakit ganyan ang reaksyon nyo?” Tinapik siya ni Jereth sa balikat. “Tagabundok ka nga. You don’t have any idea that the man behind that giant company is one of the hottest bachelors in town nowadays.” “True!” segunda ni Leila. “He is really hot. Nakita ko na siya sa personal at, `day, walang-wala ang itsura niya sa mga pictures niya sa magazines at lifestyle newspapers.” “Nakita mo na ang isang picture niyang kumalat sa social media at naging viral photo? ‘Yung naka-board shorts lang siya habang naglalakad sa beach bitbit ang surfboard niya?” “OMG! Nakita mo rin pala iyon?! Gosh! He is really dreamy! And those abs…grrrrrr, mare!” Nag-apir pa ang dalawa. Nakisali na rin sina Paris at Jereth sa kalandian ng mga ito habang si Prix ay kunot-noo lang na pinagmamasdan ang mga kaibigan. Kilala niyang wala namang pakialam sa mga lalaki ang mga ito lalo na sa mga lalaking hindi naman napapakinabangan ng mga ito sa kani-kanilang mga trabaho at buhay. Ngayon lang niya nakita ang mga ito ng ganito. There must really be something about that Spade International guy. Her boss. Mayamaya ay tila nakahalata ang mga ito na hindi siya nakikisali sa pagpa-fangirl ng mga ito. “Have you met him?” tanong ni Blu. “Who?” “Your boss.” “Nope.” “Then, umpisahan mo nang maghagilap ng impormasyon tungkol sa kanya dahil siya ang magiging request ko.” “Information?” “Like if he’s still single, his favorite color, food, magkaano na ang worth niya at kung ilang anak ba ang gusto niya.” Agad sumang-ayon ang iba pa nilang kaibigan. “Okay. First of all, my employer is not a ‘he.’ My employer is a ‘she’ and her name is Ri-an, not Ace.” “No, no, no,” kontra ni Paris. “He’s not a ‘she’. He’s a ‘he’. And his full name is Rian Ace Morales. Oh, by the way, it’s not ‘Ri-an’, okay? It’s ‘Ryan’. Rian lang ang spelling. Nagkamali yata ang nurse na nag-asikaso ng birth certificate niya na inakalang babae siya dahil sa sobrang ganda niyang baby nang ipanganak.” “Saan mo naman nalaman iyan?” “Wala. Imagination ko lang.” Napailing na lang si Prix. Wala nang pag-asang tumino ang mga kaibigan niyang ito. “Whatever. Teka nga, Blu, bakit ba iyon pa ang naisipan mong i-request? Information lang? Ano naman ang mapapala sa mga iyon? Ayaw mo na si Mr. Rian Ace Morales na mismo ang ibigay ko sa iyo? Mas malaki ang mapapakinabangan mo sa isang iyon.” Nakakalokong ngiti pa ang ibinigay niya sa kaibigan. “Gaga ‘to. Para sa iyo si Ace, ‘no? Mas bagay kasi kayo nun. Matino siya, ikaw hindi. O diba? Perfect!” “Ewan ko sa inyo. O, ikaw, Jereth. Anong kabaliwan naman ang hihilingin mo?” “Ipakilala mo kami sa prospective boyfriend mo.” “What?” “Kahit hindi pa kayo ‘official’. O kahit hindi pa niya alam ang existence mo. Basta, isang lalaking gusto mo…kahit crush lang.” “Ang tanda ko na para magka-crush.” “Hindi ka puwedeng tumanggi, Prix,” ani Leila. “Dahil tiglilimang dates mula sa amin ang kapalit niyon.” Ginatungan pa iyon ni Blu. “Hindi lang iyan. Ibi-build up ka pa ni Leila sa publiko as the most eligible bachelorette in town.” “Pati na rin sa magazine ko,” wika ni Paris. “Mas malaking problema iyon dahil sigurado akong dadami pang lalo ang lalaking maghahangad na makilala ang dakilang si Paradise Vistanilla, photographer extraordinaire.” Prix knew exactly what these women were trying to do. They were blackmailing her to have a guy in her life. Siya na lang nga naman kasi ang hindi pa nakaka-boyfriend kahit kailan. “I can’t believe this…” “Take it, Prix,” patuloy ni Jereth. “And you only have a month to accomplish it.” “‘Kainis ang mga ‘to…” Pero totoong wala na siyang magagawa. They had been having this kind of game for a long time, at wala pa ni isa sa kanila ang tumanggi. “Fine. Two months, then.” “One month!” sigaw ng mga ito. “Oo na!” sigaw din niyang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD