Mahaba haba nga ang aming byahe. Masaya akong nakamasid sa magandang tanawin habang umaandar ang jeep na aming sinasakyan. Sa tagal nga ng aming biyahe ay naikwento ko sa kanila ang malupit na pinagdaanan ko kay Gabriel Montenegro. Nailabas ko ang sama ng loob ko habang ikinukwento ko ang buhay ko sa kanila. Napakasakit na lokohin ng taong mahal mo. Sobrang sakit na pinaniwala ka na may magulang na nagmamahal sa iyo. Yakap yakap ako ni Nanay Perla. Panay ang hagod nya sa aking likuran upang mawala ang sakit na aking nararamdaman. Nakasubsob ako sa kanyang balikat at hinahayaan lang nya akong umiyak hanggang tuluyan ng maibsan ang aking nadarama. Naramdaman ko pa ang mahigpit na hawak ni Tatay Romulo sa aking kamay. Hindi nila pinadama sa akin na ako ay ibang tao. Ngayon pa lang ay pina

