Chapter 5

1494 Words
Mas maaga pa sa alas sinko ako nagising kaya ikinagulat ito ni Madam. Hindi ko alam baka excited lang ako sa bago kong buhay. Isa pa ay sanay talaga ako gumising ng maaga. Nagpakitang gilas ako kay Madam. Ako ang nagluto ng almusal para makita nya na hindi ako magiging pabigat dito. Lihim na natutuwa sa akin si Madam. Ayaw nya lang ipakita. Gusto nyang imaintain ang strikto look nya. Ipinaalam din nya sa akin na sasahod ako ng sampung libo kada buwan kapalit ng pagtatrabaho ko. Napakalaki nito para sa akin. Tiyak na malaki ang maiipon ko sa ganung kalaking halaga. Mag-iipon ako para makapag-aral muli at makapagtapos Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako kay Madam. Mahigpit ang yakap ko at panay pasasalamat ang sinabi ko sa kanya. "Huwag ka sa akin magpasalamat. Dapat kay Gabriel. Kung hindi ka nya kaibigan ay hindi kita tatanggapin. Mahirap na. Maraming manloloko ngayon." Sabi ni Madam. Bigla akong nalungkot dahil hindi ko nga alam kung magkikita pa ba kami ng taong yun. "Hindi ko po alam kung magkikita pa po kami Madam" malungkot kong sabi sa kanya. Napakamot ulo si Madam. "Hindi ba nya nasabi sayo?" Pagbubulgar nito. "Ang alin po?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Maya maya ay. "Mukhang ako yata ang pinag uusapan nyo ha" Nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong nanlamig. Kilala ko ang boses na yun. Yung boses ng taong nagpapakilig sa akin. Paglingon ko sa pinananggagalingan ng boses. "Gabriel!" Masaya kong sabi at wala na akong pakialam sa sasabihin nila basta gusto kong yumakap sa aking kaibigan. Na crush ko din pala. Mahigpit ko syang niyakap at ganun din sya sa akin. Nang napansin ko na medyo napatagal na ang yakap ko sa kanya ay unti unti na akong kumalas sakanya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya Malaki ang mga ngiti nya sa akin. "Dito na ako magtatrabaho. Bilang driver at hardinero kapalit ni Tatay." Pagbabalita nito. Walang pagsidlan ang aking tuwa. Makakasama ko dito ang aking kaibigan. Yung kaibigan kong pinagkakautangan ko ng buhay. Ang saya saya ko. "Eh. Wala naman akong ipagdadrive kaya magiging hardinero na lang muna ako dito." Sabay kindat sa akin. Sa totoo lang hindi bagay sa kanya ang maging hardinero. Sa gwapo nyang iyon. Sa kisig ng katawan nya, sa ganda ng mga mata at ngiti nya mas bagay sa kanya ang mag artista. Iniwanan pala nya yung mga kaibigan nyang mayaman. Nung malaman ni Wilbert na nakatakas ako ay agad din daw sya nitong pinalayas. Pero ayos na din. Mas maganda na malayo sya sa mga iyon. Bumalik na ako sa pagtatrabaho. Ngayon ay mas ginaganahan akong magtrabaho dahil meron akong inspirasyon. Si Gabriel. Kinikilig ako habang nag-momop sa kwartong una kong nilinisan. May pakanta kanta pa ako habang naglilinis. Unang kwarto pa lang ang aking nalinisan. May siyam pa na natitira. Masaya kong isinara ang pinto. Maya maya ay may narinig akong kalabog mula sa kwarto na hindi ko pwedeng pasukin. Nakaramdam ako ng takot. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Sabi ni Madam ay wala namang ibang tao dito kundi kami lang bakit may naririnig akong ingay sa loob nito. Napatingin pa ako sa aking likuran kung may tao, nang masiguradong wala ay dahan dahan akong nagtungo sa pinakadulong silid. Nakakasigurado ako na dito nanggaling ang ingay kanina. Kinakabahan ako sa makikita ko sa loob nito. Hinawakan ko ang doorknob. Nang pihitin ko ito ay bigla itong bumukas. Mas lalo akong kinabahan. Para akong mahihimatay habang binubuksan ko iyon. Nang biglang. "Anna!" Sigaw sa akin ni Madam. Halos malaglag ang puso ko sa pagkagulat sa kanya. Galit na galit syang sumugod sa akin at hinawakan ang aking braso. Kita ang matinding galit sa kanyang mukha. Kinaladkad nya ako pababa, papunta sa kusina. Halos madapa ako sa bilis ng aming lakad habang nakahawak pa rin sya sa aking braso. Labis naman ang pagsisisi ko kung bakit ko ba sinuway si Madam. Ayan tuloy nagalit sya sa akin. Naku baka palayasin nya ako sa mansyon. Dinala nya ako sa kusina at doon pinagalitan ng husto. "Ang ayoko sa lahat ay sinusuway ang utos ko! Kabilin bilinan ko na huwag kang lalapit sa kwarto na iyon.!" Sigaw ng matanda. Halos mapapikit ako sa kanyang pagbulyaw sa akin. Maya maya pa ay pumasok si Gabriel dala ang malaking hose. Kakatapos nya lang yata magdilig ng mga halaman. Nahuli nya ako sa aktong pinapagalitan ni Madam kaya parang lulubog ako sa kahihiyan. "Oh. Lola ano pong nangyari?" Tanong nito Galit na tumingin sa akin si Madam "Ito kasing si Anna eh. Kabago bago dito ay sinusuway ako. Nakita kong lumapit sya sa dulong kwarto na bawal pasukin." Sabi nito Napakunot noo si Gabriel. "La, hindi naman nya mapapasok yun di ba dahil ang tagal nang nakasara nun. Kaya huwag mo na syang pagalitan." Sabay kindat na naman sa akin ni Gabriel. Pero naalala ko na.. "Hindi po iyon nakasara. Nabuksan ko po yun. Totoo po at may narinig akong kalabog at ingay sa loob kaya pinuntahan ko po ito. Patawarin nyo po ako." Sabi ko Nagkatinginan sila Madam at Gabriel. Parang nagulat sila sa ibinunyag ko. "Pero imposible. Matagal nang sarado ang kwartong iyon. Mula nang mamatay ang matandang Montenegro." Sabi ni Madam Parang biglang lumamig sa loob ng kusina. Parang may umihip sa aking batok. "Mula ng mamatay ang ama ni Mr. Fernando Montenegro na si Don Luis Montenegro ay ipinasara na yun. Hindi namin alam kung bakit. Kaya wala ng kahit sinu man ang nakapasok pa doon." Dagdag pa ni Gabriel Napakapit ako sa aking mga braso. Hindi ako nananaginip. Talagang may narinig akong kalabog mula doon at nabuksan ko talaga ang pinto. Kung hindi lang ako nahuli ni Madam ay baka napasok ko na talaga ang kwartong iyon. Pero sa mga kwento nila ay nangingilabot ako. "Halika puntahan natin kung talagang totoo ngang nabuksan mo ito" pagyaya ni Gabriel Mas lalo akong natakot dahil parang ayoko ng bumalik doon. Pero pinilit nila ako. Tatlo naman kaming pupunta doon. Kung magpakita man ang matandang Montenegro ay magkakasama kami. Dahan dahan kaming umakyat para balikan ang bawal pasukin na silid. Malakas ang kabog ng puso ko habang papalapit sa kwarto. Pagdating namin doon. Nakatayo kami sa harap ng pinto. Nalaglag ang panga ko ng makita ang pinto. May napakalaking padlock na nakapulupot sa doorknob. Wala naman iyon kanina. Parang gusto kong himatayin sa takot. Nagpaparamdam ba ang matandang Montenegro? Naiiyak na ako. Yung puso ko sunod sunod ang t***k nito. "Humingi ka ng tawad at mangako na hindi na lalapit pa sa pinto na yan." Utos ni Madam. Tumulo na ang luha ko dahil sa takot. "S-Sir. Patawarin nyo po ako. Wag po kayong magpapakita sa akin. Hindi na po ako lalapit sa silid na ito " iyak na sabi ko. Pinakalma ako ni Gabriel. Hinagod nya ng marahan ang aking likuran. Bakas din ang takot sa kanyang mukha. Maski sya na sobrang tapang ay tumitiklop sa silid na ito. Sa laki at ganda ng palasyong ito ay di ko inaasahan na may kilabot pala akong mararanasan dito. Dahil sa takot ko ay nagpalit na lang kami ni madam. Sya na ang maglilinis sa taas at ako na sa baba. Hinding hindi na ako babalik pa sa kwartong iyon. Bakas pa rin ang takot ko habang ako ay naglilinis na sa ibabang parte ng mansyon. Pakiramdam ko tuloy ay laging may nakamasid sa akin. Hindi tuloy ako makapag isip ng maayos. Buti na lang at nandyan parati si Gabriel para pakalmahin at pasayahin ako. "Baby Girl. Ayos ka na ba? Huwag mo nang isipin iyon. Hindi ka naman na aakyat pa doon di ba? Kaya smile na" pagpapakalma nito sa akin. Sa tuwing tatawagin nya akong baby girl ay napapatalon ang puso ko sa tuwa. May kakaiba na sa mga titig nya sa akin. Hindi ko maiwasan ang ngumiti habang kausap ko ang lalaking ito. Ganito talaga siguro kapag nagkakacrush ka na. Ngayon ko lang kasi ito naramdaman. Sana ay hindi magbago ang pagkakaibigan namin kahit kailan. Masayang masaya talaga ako sa tuwing nandyan sya para tulungan ako. Pakiramdam ko ay napakaswerte ng babaeng mapapangasawa nya. Sana nga lang ay ako yun. Lihim na naman akong nangingiti habang iniisip ko ito. Pilit ko na lamang binaon sa limot ang mga nakakakilabot na nangyari. Ang isipin ko dapat ay magtrabaho na lang mabuti para makaipon. Huwag ko dapat painitin ang ulo ni Madam. Dapat ay lagi ko syang sundin dahil baka isumbong pa nya ako kay Mr. Fernando Montenegro at mapaalis pa ako dito sa mansyon. Ginawa ko ngang busy ang aking sarili sa mga gawaing bahay at kahit paano ay nakalimutan ko ang nakakakilabot na nangyari sa akin. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit ipinasara ang kwartong iyon? Dahil lang ba talaga may nagpapakitang kaluluwa ng matandang Montenegro o baka may iba pang dahilan? Pilit ko nang binubura yun sa isip ko pero bumabalik pa din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD