Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Halos hindi ako makamulat. Mugto pa ang aking mga mata dahil sa pagiyak ko kanina. Nakatulog pala ako. Naalala ko na naman ang malditang Guererro. Kumirot na naman ang aking dibdib. Tumatawag sa akin si Daddy. Nang tignan ko ang oras ay alas onse pasado na. Pero bakit kaya sya tumatawag. Gabing gabi na. May problema kaya sya. "Daddy" halos paos kong sabi "Anak. Ano ang ginawa saiyo ni Mildred? Sabi ni Manang Bella ay nagpunta daw dyan kanina?" tanong ni Daddy. Sa mga salita nya ay parang kilalang kilala nya si Mildred Guererro. Marahil ay alam ng Daddy ang maitim na budhi ng babaeng iyon. Sa tono ng boses nya ay talagang alalang alala sya. "Inapi nya ako Daddy. Kasi ampon nyo lang daw ako. Gusto nya layuan ko daw ang anak nya. Pero Daddy.. y

