"Yes Daddy, I need an extraordinary and luxurious dress for Marcus Guererro's birthday next week. Please.." paglalambing ko kay Daddy habang kausap ko sya sa cellphone. Sandaling nanahimik ang linya ni Daddy. Hindi sya makapagdesisyon. Isang malalim na buntong hininga lang ang itinugon nya sa akin. Agad namang kinuha ni Mommy ang cellphone sa kanya at kinausap ako. "Your daddy can't decide yet. But, I will assure you, that we will send you the dress that you needed. Promise anak.. Baka nag-aalala lang ang daddy mo na magpunta ka doon mag-isa kaya hindi sya agad makapangako sayo. But don't worry ako na ang bahala" sabi sakin ni Mommy. Lumiwanag ang mga mata ko sa promise ni Mommy. Pagdating sa mga magagandang damit, alahas at sapatos ay si mommy talaga ang mas nakakasundo ko. Kapag hind

