Naramdaman ko ang pagbalik ng yakap ni Marcus. Ramdam ko din ang pagpisil nya sa aking likuran. Napakainit ng pagkakayapos nya sa akin. Hindi ko lang talaga napigilan ang aking kasiyahan ng makita ko sya, kaya napayakap agad ako kay Marcus. Nang harapin ko ang aking kaibigan ay nasilayan ko ang paggilid ng kanyang luha. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Sya pala yung pinaasa ko dati.. sya pala yung ginamit ko lamang para sa pansarili kong kaligayahan. "Ka-Kamusta ka na?" Halos paos nyang tanong sa akin. Napakagat ako sa aking labi. Alam kong may iba na sa pagitan naming dalawa. O baka naman nabanggit na ng kanyang ina na si Mildred, ang lahat ng nangyari noon. Pati na rin ang pagkatao ni Gabriel. Kung gayon ay baka naman alam na nya ang katotohanang ginamit ko lang sya? Hindi ba

