MAYA-MAYA lang nakarinig ang apat na lalaki nang palapak na nagmula sa pintuan ng terrace. “Bravo! Ang galing n’yo ako’y humahanga sa inyo,” pahayag ng kanilang boss. “Oh, bakit kayo tumigil? ’Diba gusto n’yo magpatayan? Oh, ayan magpatayan kayo!” Sabay lapag nito ng dalawang baril sa bangko. “Matira ang matibay. Sasagutin ko ang pagpapalibing sa inyo!” Tumalikod ito at muling tinungo ang pintuan ng terrace. “Boss!” Tawag ni Steven. Humarap si Bryan sa mga tauhan at saka niya binigyan ang mga ito ng isang masamang tingin. “Bakit takot kayong mamatay? Pero nakikipagpatayan kayo! Dahil lang sa mga pansarili ninyong problema. Bakit ayaw ninyong isangguni sa isa’t-isa ang mga problema ninyo? Para maunawaan ng bawat isa sa inyo. Ano ba ang sinabi ko sa inyo bago ko kayo tinanggap?” gal

