Lady Scorpion

2526 Words
Sa isang State University. Naghihintay si Tina ng kanyang next class period. Malalim ang kanyang iniisip. Nakatitig ang dalaga sa kanyang mumurahing Android phone pero wala dito ang kanyang iniisip. Hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng Doctor tungkol sa sakit ng kanyang ina. “Hoy, Tintin. Titig na titig ka na naman sa ultimate crush mo,” pabirong puna ng bagong dating na si Ems. Naupo ito sa kanyang tabi. Malungkot na ngumiti ang dalaga. Ang wallpaper ng kanyang cellphone ang tinutukoy ng kanyang kaibigan. Ang celebrity-model na si Mark Grey na ang kanyang ultimate crush. Nag download siya ng picture nito at ginawa niyang wallpaper ng kanyang cellphone. “Pinagdiskitahan mo na naman ang love of my life ko,” pabirong wika ni Tina. “Sus, kontrabida na naman ako. Pinapangarap mo pa rin ba na siya ang maka-devirginize sa’yo?” pilyang humagikhik si Ems. Alam kasi ni Ems na patay na patay siya kay Mark Grey at pinapangarap niyang masilayan ito sa personal. Follower din siya ng mga social media accounts ng nasabing actor. “Heh, tumahimik ka nga. Baka marinig ka ng ibang estudyante,” saway ni Tina sa kaibigan. Nakita niyang nakatingin sa kanila ang grupo ng mga babaeng nakaupo sa di kalayuan. “Bakit ikaw? Crush mo din siya ah,” pabiro pa niyang itinulak si Ems na muntik ng ikinahulog nito sa upuan. “Tintin, ano ba! May kasama ng selos yang tulak mo,” pakunwaring singhal ni Ems kay Tina. “Hindi ko siya crush. Hinahangaan ko lang kasi magaling siyang artista.” “Sorry na. Napalakas lang.” Niyakap ni Tina si Ems bilang lambing sa kaibigan. Ito lang ang karamay niya sa lahat ng problema. “Kumusta pala ang check-up ni Tita Bea?” Alam ni Ems na ang ina ni Tina ang suliranin nito. Malungkot na tumingin sa kaibigan si Tina. Larawan ng pag-aalala ang mukha ng dalaga. “Ems, sabi ni Dok kailangan gawing three times a week ang dialysis ni Mama. Yun na lang ang paraan maliban sa transplant.” “Hala! Paano na yan? Mas malaki na ang perang kailangan mo,” nag-aalalang wika ni Ems. Naawa siya sa kaibigan. “Kailangan ko ng twelve thousand weekly,” maluha-luhang wika ni Tina. Wala na silang pera dahil ang konting naipon ng kanyang ina ay nagamit na nila sa pagpapagamot nito. Tumatanggi na nga ang kanyang ina na magpagamot pero ayaw niyang pumayag sa gusto nito. Ayaw niyang maagang mawala sa kanya ang ina dahil ito na lang ang tanging kasama niya sa buhay. Malayo ang probinsiya ng mga kamag-anak nila at ang kanyang ina ay ulila na sa mga magulang at wala rin itong naging kapatid. Gagawin niya ang lahat madugtungan lamang ang buhay nito. “Kung kinakailangan doblehin ko ang kayod ko sa gabi ay gagawin ko,” maluha-luhang wika ni Tina. Sa ganitong pagkakataon ay hindi maiwasan ni Tina na maalala ang nakaraan. Ang asawa ng kanyang ina na itinuring niyang pangalawang ama. Dahil sa sobrang pagmamahal dito ni Bea ay lahat ng luho ng lalake ay pinagbigyan hanggang sa nalulong na nga sa casino. At sa bandang huli ng wala ng mahita sa kaniyang ina ay iniwan na sila. At ang masakit ay nahatak pa ng bangko ang ipinundar na bahay ng kanyang ina at bumagsak sila sa maliit na barong-barong sa Dagat-dagatan. Awang-awa rin si Ems sa kaibigan. Saksi siya sa lahat ng paghihirap nito para lang mairaos ang buhay. “Huwag kang mag-alala. One month na lang naman graduate na tayo. Makakahanap na tayo ng disenteng trabaho,” pampalubag loob na wika ni Ems kay Tina. Pareho sila ng kurso sa college. BS Hotel and Restaurant Management. Pangarap nilang dalawa na magtrabaho sa isang cruise ship kapag may sapat na silang work experience para makaahon sa hirap ang kani-kanilang pamilya. “Hindi pwedeng maantala ang dialysis ni Mama. Mahalaga ang bawat araw. Saka di naman tayo makakahanap ng trabaho agad after graduation. Kailangan makaipon ako ng pera sa kahit anong paraan,” disperadang wika ni Tina. Talagang gustong-gusto niya na magkatrabaho pagkatapos ng kanyang graduation para matustusan ang dialysis ng ina. At kung kinakailangan ay kakapit na siya sa patalim. “Tintin, wag mong sabihin na tutulad ka sa iba.” may himig babalang wika ni Ems. Alam ni Tina ang ibig sabihin ng kaibigan pero paano nga ba kung iyon na lang ang natitirang paraan? Handa ba talaga siya? “Kakausapin ko si Ninang Josie. Kailangan makaipon ako ng pera. Hindi sapat ang libreng tulong na nakukuha ko sa Medical Assistance Center” Dasal niya na sana pumayag ang ninang niya. Malungkot na umakbay si Ems kay Tina. “Kung may maitutulong lang ako sa’yo. Ang hirap talaga ng maging mahirap.” Pareho lang kasi sila na mga breadwinner sa kanilang pamilya. “Hi, Ladies.” Napasimangot si Ems ng makita ang mga paparating. “Nandito na naman ang mga bagyo.” Asar na asar siya sa mga bagong dating. Palihim na kinalabit ni Tina si Ems para tumigil ito sa pagpaparinig. Pilit ang ngiti ni Tina sa dalawang bagong dating. “Hi, Rani. Hi, Luke.” Parehong magandang lalaki at anak mayaman pero sobra din sa yabang. Lahat ng magaganda sa campus ay pinupormahan ng dalawa ngunit hindi makaobra sa kanila. “Tina, tara. Bar hopping tayo. Tapos naman na ang exams,” wika ni Luke na mahilig magpalipad hangin sa dalaga. “Sige na girls. Minsan lang kami magyaya. Yung iba nga kami pa ini-invite,” mayabang na hirit pa nito. “Payag na kayo girls. Para maranasan n’yo ang sumakay sa bagong super car ni Luke.” Panigunda ni Rani na lalong nagpataas ng kilay ni Ems. “Super car ba ikamo? Eh mga tatay n’yo ang bumili nyan. Di naman kayo,” supladang wika ni Ems. “Sorry guys. Pero may work pa kami after our classes,” mahinahon na tanggi ni Tina. “Sagot na namin ang sahod n’yo today. Gusto n’yo doblehin pa namin,” mayabang na hirit uli ni Luke. “Sorry Mr. Standard electric fan este Luke, pero hindi kami sanay gumastos ng hindi pinaghirapan na pera,” sabay tayo ni Ems at hinatak si Tina. “Tara na Tintin, may parating daw na bagyo ayon sa PAGASA.” “May bagyo?” Duet ng dalawang lalake na naiwang napakamot sa kanilang mga ulo. Napasunod na lamang ang nangingiting si Tina sa kaibigan. Hindi alam ni MK kung anong lugar ang tutumbukin ng kanyang sasakyan basta ang gusto niya ay lumuwag ang kanyang pakiramdam at makalimot. Bigla siyang nalungkot pagkatapos ng kasal ng kanyang kuya. Groomsman siya sa kasal ng dalawa. Naalala niya ang masayang araw nila ni Steffanie. Kung sana kasama pa niya ngayon ito siguro hindi hungkag ang buhay niya. Napabuntunghininga si MK. Pakiramdam niya ay nilulukuban siya ng matinding kalungkutan. Ini-on niya ang touch screen FM radio at naghanap ng masayang tugtog. Kahit papaano ay malilibang siya habang naghahanap ng lugar na tatambayan. Ngunit parang nakikiayon ang tugtog sa kanyang kalungkutan. Pinindot niya uli at inilipat sa ibang FM station pero malungkot pa rin ang kanta. Pinatay na lamang niya ito. Inabutan siya ng heavy traffic sa kalsada at nag-usad pagong ang mga sasakyan. Pero wala siyang pakialam sa traffic na dati-rati ay ikinabubugnot niya. Ngunit hindi niya hahayaang malungkot ang gabi niya dahil maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya. Kumbaga sa manok ay palay ang madalas lumapit sa kanya para tukain. Kinuha niya ang kanyang cellphone, tatawagan niya si Kristel, ang kasalukuyan niyang karelasyon. Ang kanilang relasyon ay matatawag na friendship with benefits sa kadahilanang wala silang seryosong usapan. Pinagbibigyan nila ang isa’t isa sa tuwing kailangan ng katabi sa kama. Nagda-dial na siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng Exec’s Night Club. May-ari nito ang tiyuhin ng kanyang kaibigan. Sa bungad pa lamang ay sinalubong na siya ng Floor Manager. “Good evening, Sir. Welcome to Exec’s,” masayang bati ng Manager. “Hi Scarlet. VIP room please,” wika ni MK. “This way, Sir.” Iginiya si MK ng Manager patungo sa isang VIP room. Maganda ang puwesto ni MK. Kaharap niya ang ledge kung saan nagpe-perform ang mga high class dancers kapag malalim na ang gabi. Tinawag itong high class dahil magaganda at sexy ang mga performer sa club at may presyo kapag natipuhan ng mga customers. Pinindot ni Scarlet ang buton sa dingding at pumasok ang isang sexy na crew na naka black mini-skirt at violet tube blouse. “Violet, asikasuhin mo si Sir," wika ng manager bago tumalikod. Nginitian ni MK ang na-star struck na serbidora. Punong-puno ng tao ang club. Bihira lang siya pumunta sa ganitong lugar ngunit sa panahong ganito ay parang nais niyang lunurin ang sarili sa alak kahit hindi niya hilig ang maglasing. Patingin-tingin siya sa mga dancers na nagpe-perform sa ledge at habang lumalalim ang gabi ay pabawas ng pabawas ang suot ng mga sumasayaw. Napukaw ang atensiyon ni MK ng may magsalita sa mikropono. “Good evening everyone! Now! The most awaited part of the night has come! Brace yourself, Gentlemen! Here she is! Lady Scorpion!” Isang palakpakan at sigawan ang pumuno sa loob ng night club. Napaunat sa kinauupuan si MK. Pumailanlang ang isang maharot na tugtog at dumagundong ang hiyawan ng mga customers maliban yata sa kanya na titig na titig sa isang umiindayog na nakamaskarang pole dancer at nababalutan ng black coat ngunit litaw ang mapuputi nitong mga hita. Dumadagundong ang sigaw ng mga lasing na at hayok sa laman na mga customer ng club. “Striiiip!” iisa ang sigaw nila. Hindi kumukurap si MK. Nag-aabang sa mga susunod na eksena. Kasabay ng pagtanggal ng pole dancer sa coat ay ang hiyawan. Napalunok si MK sa tumambad. Hindi sa suot nitong t-back bikini at dalawang stars sa dibdib ang nagpabagsak ng panga niya. Maliban sa maputi at long legs ng dancer ay sinundan niya ng titig ang bawat kurbada ng katawan nito. Isang hour glass figure ang nasa harapan niya. Mula sa mayamang mga dibdib, maliit na baywang at perpektong hubog ng pang-upo. Naka-maskara ang buong mukha nito at tanging mga mata ang nakalitaw at kumunot ang noo niya ng mahagip ng paningin niya ang kumikislap sa mga mata nito. ‘Umiiyak ba siya’ wika niya sa sarili. Patuloy ang indayog ng dancer sa gitna ng ledge at paikot-ikot sa mga stainless pole sa gitna ng stage at patuloy din sa pagwawala ang mga customer ng club. Habang nakatitig si MK ay nag-init ang kanyang pakiramdam at bigla siyang nainggit sa pole. Biglang humigpit ang suot niyang pantalon. Mayroon na gustong kumawala sa ilalim ng kanyang zipper. Panay ang lagok niya ng alak dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napukaw ang pagnanasa niya ng isang dancer. Halos ang ibang mga customer ay gusto ng umakyat sa ledge na maagap namang sinasaway ng mga bouncer. Pinindot ni MK ang buton sa dinding at pumasok uli si Violet. “Yes, Sir. You need something or someone?” wika ng kinikilig na waitress. “I want to talk to Scarlet,” wika niya. Ilang saglit ay bumalik ang waitress na kasama na ang Floor Manager. “Hi, Sir. Need someone beside you?” nakangiting wika ni Scarlet. “Marami kaming bagong mukha.” “I want the Lady Scorpion,” wika ni MK. Hindi siya nagte-take out ng babae pero malakas ang udyok ng kanyang puson. “Sorry, Sir. But Lady Scorpion is only a performer. Iba na lang, Sir,” may himig paumanhin ang tono ni Scarlet. Sumabay sa init ng katawan ang init ng ulo ni MK. For the first time ay tinanggihan siya. “I will double her price.” “But Sir, lady Scorpion is not for take-out. Iba na lang, Sir,” paumanhing wika uli ni Scarlet. “Why? Somebody owned her?” The more na tinatanggihan si MK ay lalong uminit ang ulo niya. “One million for that lady scorpion.” Napanganga si Scarlet. Ilang segundo bago siya nakabawi. “Hindi po talaga puwede, Sir,” mariing tanggi uli ni Scarlet. “Hanggang sayaw lang talaga ang kontrata niya. Iba na lang --” “Never mind.” Isang senyas ng kamay ang nagpatigil kay Scarlet. Biglang tumayo si MK. Inilabas ang wallet at saka nag-iwan ng lilibuhing pera sa mesa at walang lingon-likod na umalis. Naiwang nakatunganga si Scarlet. May isa uling nadismaya dahil sa pagkabigo na mailabas si Lady Scorpion. Si Lady Scorpion ang humahatak ng maraming customer tuwing Sabado. Pero hanggang sayaw lang ang trabaho nito. Dasal niya na sana ay huwag magsumbong si Mark Gray sa may-ari ng club. Nakabihis na si Tina. Balik uli siya sa natural niyang anyo. Kupasing maong jeans, T-shirt at sneakers. Naka-pony tail ang buhok na pinatungan ng sombrero at higit sa lahat ay wala ng make-up. Sumungaw sa may pintuan si Scarlet. “Hay naku ,Tina. May isa na namang nagayuma sa beauty mo.” Inakbayan nito si Tina at kinakausap ang dalaga sa harap ng salamin. “But, in fairness, pabata ng pabata at pa-guwapo ng pa-guwapo ang mga nagkakainteres sa’yo,” kinikilig pang wika ni Scarlet. Malungkot na ngumiti si Tina. Alam niyang iisa lang ang sadya ng mga lalaking iyon. “Hayaan mo lang sila, Ninang Josie. Parepareho lang ang mga iyan. Pag nakuha ka na, good bye na ang kasunod.” Mapait ang salita ni Tina dahil yun ang naging kapalaran ng kanyang ina kaya siya isinilang sa mundo. “O heto na ang sahod mo. Kinuha ko na sa cashier at baka makursunahan ka pa ng mga lasing na customers.” Iniabot ni Josie kay Tina ang pera. “Salamat po, Ninang.” Isang gabi niya na performance ay katumbas ng isang buwan na sahod ng isang kahera ng club. “Kumusta na pala si Bea,” wika ni Josie. Dating magkasama sa dance group sila Bea at Josie noong kabataan nila. “Ninang, may sasabihin sana ako,” nag-aatubiling wika ni Tina. “Ano yon?” tanong ni Josie. “Baka puwedeng dagdagan nyo ng araw ang performance ko,” malungkot na turan ni Tina. “Tina, hindi puwede. Papatayin ako ni Bea pag nalaman niya na pinayagan kita sa trabahong ganito. Ang alam niya kahera ka lang dito. Yung isang araw mo ngang performance ang hirap ng magsinungaling. Nakukunsensiya na ako sa pagtatakip sa’yo,” nag-aalalang wika ni Josie. “Para sa kanya naman po itong ginagawa ko.” Nagkaulap ang mga mata ni Tina. “Ninang, manganganib ang buhay ni Mama 'pag di siya naagapan sa pagda-dialysis.” Napahikbi na siya. Kahera sa club ang trabaho niya pero mula ng lumala ang sakit ng ina ay nag-apply siya bilang dancer. Para walang makakilala sa kanya ay pinagamit siya ni Josie ng black mask sa pagsasayaw na pumatok naman sa mga customer. Maraming nahumaling sa kaniyang alindog at sa tuwing araw ng performance niya ay nagiging ginto ang presyo ng mga inumin sa club. “Sige pag-iisipan ko. Baka may ibang paraan pa tayong maisip,” naaawang sagot ni Josie sa inaanak. “Mag-iingat kayo sa pag-uwi ha.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD