Yes, it's Saturday

2545 Words
Sa labas ng club ay naghihintay na si Ems. Katulad din ng kay Tina ang porma nito. Mukha din itong tomboy. Nagtatrabaho bilang serbidora sa katabing club. Pareho sila ni Tina na nagtatrabaho tuwing gabi at nag-aaral tuwing araw. “Kanina ka pa Ems?” wika ni Tina sa kaibigan. “Medyo. Nilalamok na nga ako eh. Ba’t pala ang tagal mo?” wika ni Ems. Mukhang nainip na sa paghihintay. “Pasensiya na," paumanhin ni Tina. "Kinausap ko pa kasi si Ninang Josie. Dapat sa loob ka na lang naghintay.” “Ayaw ko nga. Makikita ko ang mga hayok na customer na nagdiriwang habang sumasayaw ka.” Nabigla rin si Ems sa tinuran niya dahil natahimik si Tina. “Sorry ha, Tin. Pareho lang pala tayong walang choice." Pinara niya ang isang taxi. "Ayan, may taxi na. Tara na," yakag ni Ems sa kaibigan. Walang kibo na sumunod sa kanya si Tina. Samantala, sa isang condo unit ay nagmamadali sa pagbihis si MK. “Babe, why don’t you stay until tomorrow. Ilang oras na lang naman,” naglalambing na wika ni Kristel. Nakayakap ito sa likod ni MK at naglalakbay ang mga kamay sa katawan ng lalake hanggang sa ilalim ng zipper ng pantalon nito. Wari bang hindi pa sapat ang pinagsaluhan nila. Binaklas ni MK ang kamay ni Kristel, “I have to go. May commitment pa ako bukas.” Hindi niya gawain ang matulog kasama ang sinumang babae na kanyang nakakaniig. Napabuntunghininga siya. Kasalanan ito ni Lady Scorpion. Hindi pa rin sumapat si Kristel para maibsan ang pagnanasa niya sa dancer na iyon. “Babe, balik ka ulit ha. I missed you a lot.” Muling nanguyapit si Kristel kay MK at madiin itong humalik. Unang bumawi si MK at dumiretso sa pintuan. “I’ll text you. Bye.” Pauwi na si MK sa kanilang mansion. Natugunan saglit ni Kristel ang init ng kanyang katawan subalit ang imahe pa rin ni Lady Scorpion ang nasa kanyang isip. Muli na namang nag-react ang nakatago sa ilalim ng zipper ng kanyang pantalon. Napamura siya sa sarili. Ano bang mayroon sa dancer na iyon at umuukit sa kanyang hypothalamus? Babalikan niya ito sa sabado at sisiguraduhin niyang magiging kanya ito sa loob ng isang gabi. Malalasap ni Lady Scorpion kung paano siya magpasaya ng babae at tiyak ito na ang maghahabol sa kanya. Natigil ang kanyang makamundong iniisip ng umilaw ang suot niyang smart watch. Nagsuot siya ng head phone at pinindot ang receive button. “Yes Gio.” “Hello Mark, I’m sorry to wake you up this early but I have to. We must leave tomorrow at ten in the morning for a commercial shoot in Boracay,” wika ng kanyang Manager na nasa kabilang linya. Ang manager ni Mark ay kasing-edad lamang niya at magkaibigan sila kung magturingan. “I thought we’ll go there next week?” nayayamot na wika ni MK. Mukhang pinapanay-panay ni Gio ang mga out-of-town nilang lakad ng hindi siya kinukunsulta. “Supposedly, Pero yung kapartner mo na Korean celebrity ay dumating na,” wika ng nasa kabilang linya. "Okey. Bye." Humihikab na si MK at agad niyang pinutol ang tawag. Akala ni Gio ay nasa bahay lang siya. Wala pa siyang tulog at papauwi pa lang siya sa kanilang bahay. Nag-dial uli siya para tawagan ang kanyang personal assistant. “Caloy, please prepare all my things needed for the commercial shoot in Boracay.” “Yes Sir, Handa na po, Asan na kayo?” wika ng kanyang P.A. Isa itong malayo niyang kamag-anak. "Pauwi na," wika niya at agad pinutol din ang tawag. Napabuntunghininga si MK. Pasasaan ba at mapupunta rin sa kanya si Lady Scorpion. Umibis agad si MK mula sa sasakyan pagkarating at tumuloy sa kanyang kuwarto. Magsa-shower muna siya para matanggal ang init ng kanyang katawan at umidlip saglit. Ngunit waring naging mailap na sa kanya ang antok. Samantala, nagpahatid ang dalawang dalaga sa Dagat-dagatan. Ito ang tawag sa kanilang lugar dahil madalas lubog ito sa baha tuwing maulan at high tide. Mistula itong dagat na may nakalutang na maliliit na mga barong-barong. Mula sa binabaan nilang kalsada ay babaybayin nila ang mahigit isang daang metro na haba ng tulay na kahoy bago marating ang kanilang bahay. Magkapitbahay ang dalawa at hindi lang sila ang umuuwi ng madaling araw sa kanilang lugar dahil marami rin silang nakakasabay na galing sa trabahong panggabi. At dito sa lugar na ito nabuo ang kanilang pagkakaibigan at mga pangarap. “Ems, good night,” paalam ni Tina sa kaibigan bago kumatok sa kanilang barong-barong. “Good morning na friend.” Nakangising itinama ni Ems ang sinabi ni Tina bago kumatok din sa kanilang barong-barong. Kumatok si Tina at nagbukas agad ang kanilang pintuan. “Mama,” pinasigla ni Tina ang boses at humalik siya sa ina. “Masaya yata ang aking anak,” nakangiting wika ng ina ni Tina. “Si Mama talaga. Masaya naman ako lagi di ba?” malambing na niyakap ni Tina si Bea. Ayaw niyang magpakita ng kalungkutan sa ina at ayaw niyang nakikitang malungkot ito. Naupo ang dalaga sa isang sofa na tagpi-tagpi ang cover at nagtanggal ng sapatos at nagpalit pantulog. Apat na metro kuwadrado lang ang sukat ng kanilang barong-barong. Kurtina ang nagsisilbing tabing sa tulugan nilang mag-ina. Magkasama na ang sala at kainan at ilang hakbang ay maliit na palikuran. “Gusto mo ba ng pandesal at magkape muna?” wika ni Bea ng marinig sa labas ang naglalako ng hot pandesal. “Wag na po, Mama. Iidlip po muna ako.” Humakbang si Tina patungong higaan at tumabi na rin ang kanyang ina. Yumakap siya dito. “Madalas pa rin ba kayong mahilo?” “Hindi na gaano. Pahinga ka na, Anak.” Niyakap na rin ni Bea si Tina. “Bukas samahan kita sa dialysis center. 'night, Ma." Ngunit ilang minuto pa bago inantok si Tina. Marami siyang iniisip. Gusto niyang makaipon ng pera para sa kidney transplant ng ina. Pumayat na ang kanyang ina at wala na ang dating sigla nito. Hindi na nito kaya ang magturo pa ng sayaw. Choreographer ito ng isang sikat na dance group bago ito dinapuan ng sakit. Pangarap din niya noon na makasali sa isang dance group. Nag-audition siya sa ilang grupo ng dance group pero hindi siya pinapayagan ng ina. Katwiran nito na magtapos muna siya ng pag-aaral bago gawin ang nais. Kung pumayag lang sana ang kanyang ina ay sana hindi siya dancer sa isang club ngayon. Pero hindi niya sinisisi ang ina at ang importante ay kasama niya ito ngayon. Dinagdagan nga ni Scarlet ang late night performance ni Tina dahil sa laki ng kanyang pera na kailangan. Sa paulit ulit na pagsasayaw ni Tina ng halos wala ng saplot ay naging bingi na siya sa mga malalaswang hiyawan ng mga customer. Nagmistula na siyang bulag sa mga customers na pinagpipiyestahan ang kanyang katawan tuwing performance niya. Naging abala si MK sa nakalipas na buwan. Pagkatapos ng kanyang taping sa studio ay tumutuloy siya sa meeting place nila ni Brix. Inihahanda nila ang kanilang bagong negosyo. “MK, Bro. We must launch the restaurant as soon as possible,” wika ni Brix na siyang namamahala sa renovation ng nabili nilang 2-story building. “The renovation is almost done. I think we should start hiring chefs and crews.” Journalism graduate si MK at Business Management graduate naman si Brix. Wala silang alam sa cuisine pero napagkasunduan nilang magsosyo sa isang restaurant business. Mayroon silang posisyon sa kani-kanilang kumpanya pero nais nilang dalawa na magkaroon sa sariling negosyo. “Maluwag ang schedules ko next week. We will start the hiring of personnel. I asked Ate Marra’s assistant to assist us in the hiring process,” wika ni MK. “Pero pagdating sa mga female crews, tayo ang pipili,” pabirong wika ni Brix. “Sure. Why not?” Sang-ayon naman ni MK at sabay pa silang nagkatawanan. Biglang naalala ni MK si Lady Scorpion. Hindi pa siya nakakabalik sa club dahil sa sobra siyang abala sa mga showbiz commitments. Ilang Sabado na pala ang lumipas. May parte ng utak niya ang naghihimagsik kapag naiisip niya na pinagpipiyestahan ang alindog ni Lady Scorpion at may parte din ng katawan niya ang nagre-react. Mag-iisang buwan na pala siyang tigang mula ng huli silang magniig ni Kristel na panay na ang text at tawag nito sa kanya. Panay ‘alibi’ naman siya na abala siya sa trabaho ngunit may oras siya kung gugustuhin niya. Bigla siyang napatingin sa suot na smart watch. Oh yes, it’s Saturday and he must see and take out Lady Scorpion. Para sa ikatatahimik ng kanyang isip at puson. Nagligpit agad siya ng laptop at papeles. “Bro, let’s just continue our discussion tomorrow. I’ll go ahead.” “Ok,” Napatango na lamang sa pagtataka si Brix. Samantala, sa isang malaking astrodome ay walang pagsidlan sa tuwa sina Tina at Ems. “Ems, sa wakas graduate na tayo.” Naluluhang wika ni Tina habang nagyayakapan ang dalawa sa sobrang katuwaan. Natupad na ang matagal nilang minimithi, ang diploma sa college. Isa na lang ang hiling ni Tina sa maykapal, ito ay ang gumaling ang kanyang ina. Lalong naiyak si Tina ng maalala ang ina na hindi nakasama sa graduation niya dahil sa karamdaman. “Masaya ako para sa ating dalawa, Tintin. Pero 'wag ka ng umiyak ha.” Pinunas ni Ems ang mga luha ng kaibigan. “Masisira ang make-up mo. Tahan na.” Pilit inaalo ni Ems ang kaibigan. Naiintindihan niya ang damdamin nito. Pauwi naman si MK ng mga oras na iyon. Bad trip siya sa naging resulta ng lakad niya. Nagbabad siya sa club para makita si Lady Scorpion pero ibang solo performer ang lumabas sa gabing ito. Ang sabi sa kanya ni Scarlet ay nakabakasyon daw ito at hindi alam kung kailan babalik. Baka naunahan na siya ng iba at ibinahay na ito. Naipukpok niya ang kamay sa manibela sa sobrang inis na nararamdaman. Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Ano ba ang mayroon sa Lady Scorpion na iyon at na-obsessed na siya dito. Isang night club dancer na ang pigura ay nakaukit na sa hypothalamus niya. May mga gabing laman ito ng kanyang imahinasyon, kung paano niya ito inaangkin at pinaliligaya. Pero ngayong gabi ay bigo ulit siya. “Prrrrrt.” Nagulat si MK sa pito ng isang traffic enforcer, naka green light na pala. Makalipas ang isang linggo. Maaga pa ay nakapila na sina Ems at Tina para sa isang job interview. Ang damit na isinuot nila sa graduation ay suot uli nila ngayon dahil iyon lang ang pinakabago nilang damit. Maya-maya pa ay lumabas ang may edad ng babae at nagsalita. “Good morning. May I have your application papers?” Pagkatapos kolektahin ng babae ang mga dokumento ay pinapasok na sila at pinaakyat ng mezzanine floor. Humanga si Tina sa ganda ng interior design. Napaka-cozy ng ambiance ng restaurant. Ang mezzanine ay malawak na puwedeng pagdausan ng malalaking events. Tanaw niya ang first floor na mas malawak. Magaganda ang mga chandeliers na nakabitin sa high ceilings at floor-to-ceiling ang tinted at one-way na mga glass windows. Tanaw din ang mga luntiang halaman at man-made fountain sa malawak na garden na maaring pagdausan ng garden weddings. Black and gold ang mga dining tables and chairs na gawa sa kumbinasyon ng wired steel at upholstery. May CCTV din sa bawat sulok ng restaurant. Kaunting palamuti na lamang ay handa na ang lugar sa grand opening. “Ems, ang ganda ano? Sana pareho tayong matanggap,” bulong ni Tina kay Ems na iginagala din ang paningin. “Malakas ang vibes ko. Matatanggap tayo,” balik-bulong ni Ems kay Tina. Bigla nitong kinalabit si Tina. “Tin, may nakita akong dalawang guwapo.” “Saan?” Iginala ni Tina ang tingin sa mga kasabay nilang mga aplikanteng lalake. “Doon sa ibaba. Dalawa,” bulong uli ni Ems. “Ikaw talaga pag guwapo, ang linaw ng mata mo,” nangingiting biro ni Tina. “Miss Garcia, please come inside,” tawag ng babaeng interviewer. Tumayo si Ems at pumasok na sa kuwarto. Naghanap si Tina ng comfort room. Pagkatapos niyang magbanyo ay nag-retouch siya ng make-up at nagsuklay ng buhok. Paglabas ni Tina ng comfort room ay namataan niya ang isang matangkad na lalake na nakatayo sa labas ng Men’s room. Nakatingala ito at parang may sinisipat sa itaas ng kesame. Sandaling tumigil si Tina at tiningnan ang lalake na nakatalikod. Pinagmasdan niya ito, matangkad na parang basketball player, matipuno dahil halata sa suot na fitted polo shirt. Napalingon sa kanya ang lalake. Tumigil ang mundo ni Tina at napatda siya sa kinatatayuan. “Miss, are you okay?” Biglang nagising ang diwa ni Tina ng marinig ang baritonong boses. Nakalapit na pala sa kanya ang lalake. Kumurap-kurap siya at baka panaginip lang. “Hi,” ikinaway ng nakangiting lalake ang kamay nito sa harap ng mukha ni Tina. “Ha-hi,” Parang sasabog ang dibdib ni Tina sa tuwa. Na star-strucked siya. Wala na siyang masabi. “Are you an applicant?” wika ng lalake. “Ye-yes Sir,” Gustong-gusto na ni Tina na humiyaw sa tuwa. “Oh, alright. Good luck,” wika ng lalake na ngumiti muna bago tumalikod saka pumasok sa pintuan na may restricted sign. Bumalik si Tina sa loob ng banyo at hindi na niya napigil ang katuwaan. Nagtatalon siya at pigil ang boses sa pagtawa. “OMG! Si Mark Grey. Anong ginagawa niya dito.” Larawan pa rin ng katuwaan si Tina ng bumalik sa kanyang puwesto. “Saan ka ba pumunta? Tinawag ka na. Kasunod ko sana." wika ni Ems sa nakangiti pa rin na kaibigan. “Ems, guess who kung sino ang nakita ko?” Pigil ang excitement at nangingislap ang mga mata ni Tina. “Sino?” pabulong na wika ni Ems. “Si Mark Grey,” kinikilig na wika ni Tina at niyugyog pa ang braso ni Ems. “Weh, maniwala ako. Di nga.” Tiningnan ng may pagdududa ni Ems si Tina. “Siya nga, promise.” Pinanlakihan pa ni Tina ng mga mata ang ayaw maniwala na kaibigan. “Miss Cristina Vergara. Please come inside,” tawag ng interviewer. Nang matapos ang interview ay kalahati sa mga aplikante ang pinauwi at ang iba ay naiwan kabilang sina Ems at Tina. Lumabas ang interviewer. “Ladies and Gentlemen, I’m happy to announce that you were all hired. Today, I would like to introduce to you the owners of this restaurant, Mr. Brix Andrew Choi and Mr. Mark Kenneth Portman.” Napahawak sa braso ni Ems si Tina ng lumabas ang mga tinukoy. “Good morning everyone,” Halos sabay na wika ng dalawang lalake na parehong nakangiti. “Good morning Sirs” sabay-sabay din na bati ng mga newly hired crews. “Welcome to Delizioso Restaurant,” maiksing wika ni Mark Grey. “Welcome Ladies and Gentlemen, see you tomorrow,” wika naman ni Brix. “Totoo nga Tin, siya na nga ” pabulong na wika ni Ems na ang tinutukoy ay si Mark Grey. “Sabi ko sa’yo eh,” pabulong na wika ni Tina. Nagbaba ng tingin si Tina ng mapansin niya na sa kanya nakatingin si Mark Grey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD