Tina's dream

2295 Words
Tinutumbok ng sasakyan ni MK ang isang five star hotel. Hindi niya alam kung anong gimik na naman mayroon ang kanyang mga barkada at kanina pa siya kinukulit na pumunta. Ito pa naman ang gabi ni Lady Scorpion sa Exec’s Night Club. Baka sakaling mapapayag na itong magpa-take-out sa kanya. Sa tuwing naiisip niya ang dancer ay nilulukuban siya ng masidhing pagnanasa dito na waring ito lamang ang makakatighaw ng kanyang pananabik sa pakikipagn*ig. Magpapakita lang siya sa tatlo niyang barkada at pagkatapos ay aalis na siya para pumunta sa club. ‘See you Lady Scorpion’, excited niyang wika sa sarili. Tumuloy si MK sa penthouse na nasa rooftop ng hotel. Palapit pa lang siya ay napansin niya na iba ang ambiance ng penthouse. Parang may disco lights sa loob. “MK is here,” wika ni Brix. Nakaupo ito malapit sa pintuan at mukhang naiinip na. “What’s this? What’s the occasion?” nakangiting tanong ni MK habang nakikipag fist-bump sa mga barkada. Napadako ang kanyang mga mata sa isang dulo na may tabing na pulang kurtina at natatapatan ng spot lights. “Bro, nakalimutan mo na ba? Tonight is our stag party for Adrian," excited na wika ni Ferdie. May hawak itong baso ng alak sa isang kamay at mukhang tipsy na. “And we’ll be having a small fun." Gumiling-giling pa ito na ginaya ang sayaw ng isang dancer. “Bro, idea ni Ferdie ito. Pinagbigyan ko lang,” wika naman ni Brix. Tiningnan kasi siya ni MK at waring humihingi ng paliwanag. “Sit down, Bro. You’ll enjoy tonight.” Hinila ni Ferdie si MK patungong sofa. “Wait. Hindi ako pwede mag-stay," tanggi agad ni MK. Mabubulilyaso na naman ang lakad niya kay Lady Scorpion. "Stay for a while, Bro." Pinindot ni Ferdie ang remote control at pumailanlang ang maharot na tugtog. “Alright!” sigaw pa nito. Hinila naman ni Brix ang lubid ng kurtina at bumukas ito. Bumulaga sa kanila ang nakatalikod at umiindayog na babae. Body hugging at manipis na black mini-dress ang suot ng dancer na nagpalitaw sa makikinis at mapuputi nitong mga hita at binti. “Hohoho. C’mon swing it, Baby.” Sumasayaw na rin si Ferdie sa tuwa. Napako sa kinatatayuan si MK ng humarap ang dancer. ‘Damn, si Lady Scorpion.’ Sa isang iglap ay tinakbo at itinakip ni MK ang kanyang katawan sa dancer na napatigil din sa pagsasayaw. “Stop! Please stop this!” sigaw ng binata. “Hey, what’s the problem?” Nayamot at napakamot sa ulo si Ferdie. "Let her dance, Bro." Nakaharang pa rin si MK, “Guys, listen up. I know tonight is Adrian’s night but can we just enjoy without her.” “Oh c’mon, MK. If you’re not willing to join us. You’re free to go.” Yamot na yamot na si Ferdie. “Ferds, I think MK is right. We only meet once in a while. So, let’s drink and have some chit-chats instead,” saad naman ni Adrian. “But we paid for her,” Makulit na si Ferdie at lasing na. Hindi niya gusto ang pakikialam ni MK. Ngunit inis na rin si MK sa kakulitan ni Ferdie. “I’ll return your money with interest if that’s your problem.” "No, you leave!" galit na wika ni Ferdie. “Hey, hey. You two, please calm down.” Namagitan na si Brix sa dalawa. “ Ferds, perhaps MK has his reason. It’s fine with Adrian. Right Bro?” Tumingin ng nagpapasaklolo si Brix kay Adrian. “Yeah, we can do some club hopping tonight. C’mon bro.” Inakbayan na ni Adrian si Ferdie at paakay na tinungo ang pintuan. Sumenyas naman ng thumb-up sign si Brix kay MK bago sumunod sa dalawa. Naiwan sina Tina at MK. Sindak pa rin ang dalaga ng makilala niyang isa si MK sa mga lalake. Inakay siya ni MK sa braso at pinaupo sa binakanteng sofa ng mga kaibigan nito. Napayuko si Tina at hindi na napigilan ang mapahagulhol. Pakiramdam niya ay gumuho ang buo niyang mundo. Hindi niya alam kung ano pang mukha ang ihaharap kay MK at kung may trabaho pa siya kinabukasan. “Take-off your mask Lady Scorpion," wika ni MK habang nakatayo sa harap ni Tina. Sa wakas makikita na niya ang mukha ng babae na umaalipin sa kanyang kamunduhan. Isang makapangyarihang utos ang narinig ni Tina. Napaangat siya ng mukha at napatingin sa mga mata ni MK. Hinawakan nito ang kanyang baba at tinitigan din siya. Hindi maintindihan ni MK ang sarili. Bigla siyang kinabahan ng tumitig siya kay Lady Scorpion. Pahablot niyang tinanggal ang maskara. “What the, Tintin!” gulat na napaatras si MK sa natuklasan. Napahilamos siya sa mukha at hindi malaman ang iisipin kung magagalit o matutuwa siya. Tuluyan ng napahagulhol si Tina. Sari-saring damdamin ang naramdaman niya. Ngayong natuklasan ni MK sa kanyang pagkatao ay baka iba na ang maging turing nito sa kanya. Naupo si MK sa tabi ni Tina. Binabayo ng sariling mga kamao ang kanyang mga hita. Hindi niya akalain na ang mahinhin na si Tina ay si Lady Scorpion. “Why you’re doing this kind of job?” Dati buo ang pagnanasa niya sa dancer ngunit ngayon ay awa na ang naramdaman niya kay Tina. “Para po sa Mama ko. May sakit kasi siya," sagot ng dalaga na patuloy sa paghagulhol. “Tell me. Ilang ulit mo pang gagawin ang pagsasayaw sa club?” Pakiramdam ni MK ay binabalot ng galit ang puso niya. Nai-imagine niya ang mga hayok na customer ng club na pinagpipiyestahan ng maraming mata ang katawan ni Tina. “May renal end stage disease ang Mama ko. Nagda-dialysis siya three times a week.” Nagpapahid ang dalaga ng kanyang mga luha. “Sir, parang awa n’yo na po. Wag n’yo akong tatanggalin sa trabaho," nagsusumamong wika ng dalaga. Kumunot ang noo ng binata, "Who says I’ll firing you out? Of course not,” wika nito. Napahinto sa pag-iyak si Tina. “Salamat po Sir. Hayaan po n’yo pagbubutihan ko pa lalo ang trabaho ko sa restaurant," sumisinok na wika ng dalaga. Nahimasmasan siya sa tinuran ng binata. “But there are certain conditons,” wika ng binata. May nabuong pilyong desisyon sa kanyang isip. “Sir,” Napaangat ng mukha si Tina. Kahit anong kundisyon basta huwag lang siyang mawawalan ng trabaho. “First, never go back to that club again.” Diretso ang tingin ni MK. Iniwasan niyang tumingin kay Tina dahil ayaw niyang magbago ang kanyang mga sasabihin kapag nakita niya ang mga luha nito. “Yes, sir.” Tumango si Tina. “Second, what we will agree tonight shall remain between us only.” “Yes, Sir.” Tumango uli si Tina. Dasal niya na huli na si MK na makakaalam ng lihim niya. Third condition, You’ll only dance for me, Lady Scorpion. In my place, every Saturday at 12 midnight.” Nilingon ni MK ang nakatungong dalaga. Hindi makasagot si Tina. Gusto niyang magprotesta pero paano? Ayaw niyang mawalan ng trabaho. Alang-alang sa kanyang ina lahat ay gagawin niya. Nanigas siya ng maramdaman niya ang kamay ni MK sa kanyang baba, napapikit siya dahil amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. “Fourth condition, You will do whatever I tell you to do. I’ll pay you triple.” Lalong inilapit ni MK ang mukha sa dalaga, kulang na lang kuyumusin niya ng halik ang mga labi nito. “Stop crying. Please change clothes. I’ll take you home.” Pinunasan niya ng kanyang daliri ang mga luha ng dalaga. Tumayo si Tina at tinungo ang ladies room kung saan naiwan ang kanyang mga damit saka nagbihis ng maong jeans at t-shirt. Habang si MK ay naghihintay at nakaupo pa rin sa sofa at busy sa cellphone. Ngumiti ito ng lumabas ang dalaga. "Are you done?” tanong ng binata. Nahihiyang tumango naman si Tina. Napapitlag siya ng maramdaman ang paghawak sa kanyang siko ni MK at iginiya siya palabas. May kakaibang kasiyahang naramdaman si MK na hindi niya mawari. Basta ang alam niya ay kumpleto na ang kanyang gabi. Palabas na sila ng lobby ng hotel ng may tumawag. “Tina, sandali.” Kumunot ang noo ni MK habang nakatingin sa papalapit na lalake. Mas matangkad siya sa lalake ngunit mas malaki ang katawan nito at ang mga braso nito na parang kay Hulk Hogan. “Sir, saan n'yo dadalhin si Tina. Ang usapan ay usapan. Bawal siya isama sa labas.” Mahina ngunit matigas na wika ng lalake at naka-cross arm pa ito. “Boss, ihahatid ko lang siya. Don’t worry, she’s safe with me.” Ngumiti si MK sa kausap dahil masama na ang tingin nito sa kanya. “Kuya Dagul, Kilala ko po si Sir MK. Amo ko po siya,” wika ni Tina sa nagtatanong na tingin sa kanya ng bouncer. “Pero Tina, ibinilin ka ni Josie sa akin.” Napakamot sa ulo ang bouncer. “Boss, narinig mo naman ang sinabi sa’yo ni Tintin. Ako na ang maghahatid sa kanya," turan ni MK sa kausap saka tinapik ang balikat nito. “Ok lang po Kuya Dagul. Iwan n’yo na ako. Salamat na lamang po,” magalang na wika naman ni Tina sa nagpoprotestang bouncer. Alam niya na sumusunod lang ito sa utos ng kanyang ninang na nais siyang protektahan. “Sige, ikaw ang bahala.” Nagkibit-balikat na lamang ang bouncer saka tumalikod. “Let’s go.” Iginiya uli ni MK si Tina palabas ng parking area habang hawak ito sa siko. “Sir, huwag n’yo na po akong ihatid. Kaya ko naman umuwi.” Bahagyang inilayo ni Tina ang sarili sa binata. Hindi niya mawari ang pakiramdam sa mga dantay ng kamay ng lalake sa kanyang siko. “No. I won’t let you go home alone,” tutol ni MK. Iginiya niya ang dalaga sa passenger side ng kanyang kotse at pinagbuksan. “C’mon, hop in.” Walang nagawa si Tina kundi ang sumunod. Kaba na may kasamang excitement ang kanyang nararamdaman. Nakasakay siya sa kotse ng kanyang ultimate crush at ihahatid pa siya sa kanilang bahay sa Dagat-dagatan. Mabuti na lamang at walang ulan at hindi high tide kaya nakatuloy ang sasakyan ni MK hanggang sa tapat ng bahay nina Tina. Akmang magbubukas na si Tina ng pinto ng kotse ng pigilan ni MK ang kanyang kamay. “I’ll open the door for you," wika ng binata sabay bukas ng pinto sa tagiliran nito. Lumigid ito at pinagbuksan si Tina. Pagbaba ni Tina ay umalalay pa ang kamay ng binata sa isang kamay niya na lalong nagpatindi ng kaba ng dalaga. “Thank you, Sir. Ingat po,” wika ni Tina habang papasakay na si MK. Hinintay muna niya itong makaalis bago kumatok sa kanilang pintuan na mabilis namang nagbukas. Waring naghihintay sa pagdating niya ang kanyang ina. “Mama, good evening po.” Nagmano siya sa ina. “Good morning na.” Pagtatama ng kanyang ina. “Umaga ng Cristina. Sino ba ang naghatid sa’yo?” May himig pag-uusisa ang tinig nito. “Boss ko po. Si Sir MK,” wika ng dalaga. Nagkunwaring hinihikab na siya para hindi na gaanong mag-usisa ang ina. “Anak, overtime pa ba yan? Hindi ba sabi mo 11pm ang closing ng restaurant?” mausisang tanong ng ina. “Ma, may birthday party po kasi sa restaurant kaya extended po oras namin.” Ramdam ni Tina ang guilt feeling sa pagsisinungaling sa ina. “Matulog na uli kayo, Ma.” Yaya niya sa ina ng mahiga siya sa kanilang higaan. Tumabi na si Bea sa anak. Dalaga na nga ang anak niya at maganda. Marami ang mga lalakeng nagkakagusto kay Tina sa lugar nila. At siya ay mahina na para protektahan ang anak. “Tin, anak. Wag ka sana magpapaligaw sa Boss mo ha. Artista yun,” wika ng ina saka niyakap ang anak. Isang tango ang tanging tugon ni Tina sa ina. Hindi agad dalawin ng antok si Tina. Nakapikit siya pero gising na gising ang kanyang diwa. Naiisip niya ang muli nilang paghaharap ni MK kinabukasan at ang mga kundisyones nito sa kanya. Paanong sayaw ang kanyang gagawin sa harap nito. At paano kung higit pa sa sayaw ang ipagawa nito sa kanya? Ngayon pa lang ay gusto ng manginig ng mga tuhod niya. Pero magkakaroon ng kasagutan ang kanyang suliranin sa pera dahil babayaran siya ng lalake ng malaki at maaring makaipon pa siya ng pangpa-kindey transplant para sa ina. Hinagilap niya ang naka-mute na cellphone. Tinitigan ang wall paper nito na walang iba si MK. ‘MK, sana kahit sa panaginip maging tayo.’ ‘Napakaganda ng paligid. Mala-paraiso ang hardin at punong-puno ng mga bulaklak. Masayang-masaya si Tina at napakaganda niya sa suot niyang puting gown. Napakaganda rin ng musika na nagmumula sa grupo ng mga violinist. Mahaba ang kanyang nilalakaran na punong-puno ng mga rose petals. Damang-dama niya ang simoy ng hangin sa paligid at sumasabay din ang awit ng mga ibon sa saliw ng tugtog. Sa unahan ay may mga naghihintay sa kanya. Nakasuot ng puting roba ang isa at ang isa ay puting tuxedo. Nakangiti ang isa sa kanya at napakaguwapo, walang iba si MK. Nagsimula ang seremonyas ng pari. “Tayo ay narito ngayon upang pagtibayin ang pag-iisang dibdib nina Mark Kenneth Portman at Cristina Vergara.” “Cristina, tinatanggap mo ba na maging kabiyak itong si Mark Kenneth?” “Yes, Father.” “Mark Kenneth, tinatanggap mo ba na maging kabiyak itong si Cristina?” Napadilat ng mga mata si Tina dahil sa yugyog ng kanyang ina. “Anak, umuungol ka. Napagod ka yata masyado,” wika ng kanyang ina. “Siguro nga, Ma.” Ipinikit uli ni Tina ang mga mata. Baka sakaling bumalik pa ang nabitin niyang panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD