Nakahiga na rin si MK. Naging mailap na rin ang antok sa kanya. Kakaiba ang mga pangyayari sa gabing ito. Naiisip niya ang mga sinabi niyang conditions kay Tina. Ini-imagine niya ito bilang si Lady Scorpion na may vital statistics na 36-22-36 at umiindayog sa maharot na tugtog sa kanyang harapan ngunit waring nahihigitan ito ng isang Tina na simple at mahinhin. Napapikit ang binata at naglumikot ang isip. Ano kaya kung pagbigyan niya ang hiling ng kanyang Momsie na apo sa tuhod? Dati-rati laman ng kanyang imahinasyon ang pag-angkin kay Lady Scorpion subalit ngayon ay mas higit na gusto niya itong protektahan bilang si Tina. Natigil ang kanyang pagmumuni-muni ng tumunog ang kanyang cellphone. “Hello Gio.”
“Good, you’re still awake man.” May himig pagkayamot ang boses nito.
“What’s up?” sumabay sa kanyang hikab ang kanyang tanong.
“Trending ka sa celebrity tweets ah. Somebody from press group saw you at the hotel lobby with a young lady. Mabuti na lang walang picture kaya puwede pang i-deny. Mark naman, di kita pinagbabawalan sa personal mong buhay pero sana naman umiwas ka sa paparazzi . Alam mo naman di pa tapos ang movie n’yo ni Kim Chiao. Masisira ang mga plano sa movie.” May himig pagkainis ang tono ng kanyang manager.
“What do you mean? What plan?” Kumunot ang noo ni MK. Napakabilis talaga ng tsismis sa mundo ng showbiz.
“I told you before pa. Dapat na maging sweet kayo ni Kim in public. Pero iba naman pala ang inaasikaso mo,” naiinis pa rin na wika ng Manager.
“Do we really need that kind of gimmick?” Minsan ito ang rekmamo ni MK sa mundong ginagalawan dahil pati personal na buhay ay dapat scripted na rin.
“Mark, you need to. We agreed on this, right?” may pakiusap ang tono ni Gio.
Napabuntunghininga si MK. “Can we talk about it tomorrow? I have to catch-up for sleep.” Humihikab na siya at ayaw niyang pag-usapan ang bago niyang leading lady.
Maagang nagreport kinabukasan si Tina bago dumating ang kanyang shift. Gusto niyang makausap si Ems na bukod tanging makikinig sa kanya maliban sa kanyang ina.
“Tin, saan ka pala galing kagabi? Nagtanong sa akin si Tita Bea kung alam ko raw kung nasaan ka.? Kasi daw tumawag siya sa Delizioso pero guards na lang ang naroon. Saan ka ba nagpunta kasi?” Sunod-sunod na usisa ni Ems.
“Ems, may sasabihin ako sa’yo.” Malikot ang mga mata ni Tina. Sinisiguro na walang makakarinig sa kanya. Mabuti na lamang wala sa mesa nito ang manager na si Brix.
“Ano yun, sige sabihin mo.” Mataman na tiningnan ni Ems ang mukha ng kaibigan na larawan ng malaking problema.
“Binigyan kasi ako ni Ninang Josie ng dance performance bilang Lady Scorpion sa isang stag party. Pumayag ako kasi malaki ang bayad, sapat na para sa isang buwan na dialysis ni Mama. Pero-“ Napahinto si Tina sa pagsasalita, may waiter na nag-abot kasi ng chit payments kay Ems.
“Pero ano?” agad na tanong ni Ems ng makaalis ang waiter.
“Ems, grupo ni Sir Brix at Sir MK pala yun. Stag party para sa isa nilang kaibigan.” malungkot na wika ni Tina na waring gusto ng maiyak.
“Ano? Paano ngayon yan. Kilala ka na nila.” nag-aalalang wika ni Ems.
Hinihimas ni Tina ang sentido, waring kinakalma ang naramdamang suliranin. "Si Sir MK lang ang nakakilala sa akin kasi pinahinto niya ako at hindi na natuloy.”
“A-anong sabi niya?” agad na tanong ni Ems.
“Hindi naman daw niya ako tatanggalin dito,” wika ni Tina. Biglang pumasok na sa office si Brix kaya natigil na sa pagkuwento si Tina.
"Good morning, Boss Brix." Magkasabay halos ang dalawa na bumati.
Ngumiti naman ang binata, “Tina, you’re so early for your shift," puna nito.
“Napaaga lang po, Sir.” Nahihiyang ngumiti si Tina. Pakiramdam niya pati kay Brix ay naiilang na siya.
Nang lumabas ang manager sa office nito ay muling nagsalita si Ems. “Tin, balita dito sa buong Delizioso na sabay daw kayong kumain ni Sir MK. Mag-iingat ka sa kanya. Matinik daw sa chicks yun," may himig babala na wika ni Ems.
Hindi dumating si MK sa office. Lihim na ipinagpasalamat ito ni Tina ngunit lihim din siyang nalungkot dahil hindi niya ito makikita. Nagtagal sa office si Brix dahil nga wala si MK.
“Tina, neighbors pala kayo ni Ems?”
Napalingon si Tina sa nagsalita. Nasa malapit sa kanya si Brix at naghatak ito ng extra chair saka naupo.
“Yes, Sir,” sagot ng dalaga habang abala sa cash register.
“How long you’ve been friends?” tanong uli ng binata.
Nagpakita ng interes si Brix sa usapan. Mukhang hindi busy, sa isip ni Tina. “Since high school pa, Sir. Classmates kami until college.”
“I bet. You care each other like sisters," wika ni Brix.
“Yes, Sir. Magkasangga kami sa lahat.” nakatawang wika ni Tina. Pero hindi niya magawang makipag-eye to eye contact sa kausap dahil sa nangyari kagabi. Nagkunwari siyang nagtse-check ng mga papeles sa mesa kahit ilang ulit na niya itong ni-review kapag walang payments na pumapasok
“She said that both of you were working students. Mahirap ba ang mag-aral habang nagwo-work?”
Natigilan si Tina. Hanggang saan kaya ang naikuwento ni Ems kay Brix? “Mahirap po Sir pero kinaya naman.”
“Both of you are strong women,”wika naman ni Brix na mukhang interesado sa kanilang pinag-uusapan.
“Kailangan po maging matibay, Sir.” Bumigat ang dibdib ni Tina. Sana nga maging matibay siya. Dasal niya na sana ay huwag na lang siyang usisain ni Brix tungkol sa naging trabaho nila.
“Yeah, inner strength is important. Excuse me.” Tumayo si Brix at lumayo ng tumunog ang cellphone nito.
Lihim na nagpasalamat si Tina at mukhang naging busy na si Brix sa kausap nito sa cellphone.
Lumipas ang mahigit isang linggo pero walang MK na sumipot sa opisina. Lungkot at saya ang naramdaman ni Tina. Lungkot dahil hindi niya nakita ang lihim niyang crush. Saya dahil hindi pa niya naihahanda ang sarili sa napag-usapan nilang pagsasayaw sa harap mismo ni MK. At dahil dito ay waring nakampante naman ang kalooban niya dahil napanood niya sa television na nag-out of town shows si MK. Kahit busy siya sa trabaho ay sinusundan pa rin niya ito sa social media. Papauwi na si Tina ng tumunog ang kanyang cellphone.
‘Wait for you at my condo,” Napakunot-noo si Tina. Hindi niya kilala ang nag-message. ‘U owe me 3 saturdays’ Napamulagat si Tina. Diyata si MK ang nag-message sa kanya. Bigla siyang kinabahan, nag-atubili. Balak niyang hindi sumipot sa usapan, hindi pa siya handa. Sasabihin na lang niya na hindi agad niya nabasa ang message. Nag-ring ang kanyang cellphone. “He-hello.”
“Take a taxi from there.”
‘OMG, now na.’ sabi ng isip ni Tina. Hindi na siya nakasagot dahil nawala na ang kanyang kausap. Nag-message uli ito sa kanya, ‘R6, 9F, Grey Tower’. Humugot ng malalim na hininga si Tina. Sigurista si MK, tumawag pa talaga para siguraduhin siya. Wala na siyang aatrasan, ‘bahala na’ sabi ng isip niya.
Matapos magpakita sa guwardiya ng identification card at mag-register sa visitors list ay dumiretso na si Tina sa kanyang sadya. Napahinto siya sa tapat ng main door ng unit ni MK, nag-atubiling mag-door bell. Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ni Tina. Wari bang nag-aabang na talaga ito sa kanya.
“Hi. come-in,” nakangiting bati ni MK at iniawang ang pinto para papasukin ang dalaga. Mukhang magsa-shower pa lang ito dahil may nakasampay na tuwalya sa balikat nito.
“Good evening po, Sir.” Alanganing ngumiti si Tina. Naroon na naman ang pakiramdam niyang excited pero kinakabahan.
Tumambad kay Tina ang isang eleganteng living room. Kulay puti at abuhin ang mga dingding at asul naman ang U-shape na sofa.
“Are you ready?” wika ni MK sabay salampak sa sofa. “Come. Sit down.” Tinapik ng kamay nito ang karugtong ng kinauupuang sofa.
Atubiling naupo si Tina sa at nakatungo ang ulo. Hindi siya makatingin ng kay MK. “Sir, magsisimula na po ba ako?” Sobrang kaba ang kanyang nararamdaman at wala siyang makita na ibang tao sa loob.
“Yeah, in my room.” Tumayo si MK at pinasunod si Tina.
Pakiramdam ni Tina ay tinatakasan na siya ng lakas. Nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa tumambad na puting kama na may nakapatong na black dress at black mask.
“You’ll wear those.” Itinuro ni MK ang black dress at mask. You can take a shower in the other room if you want. Unless you wanna take a shower with me,” pilyong wika ni MK na kumindat pa kay Tina.
Narinig ni Tina ang lagaslas ng shower at bigla siyang napatalikod. Aninag ang tao sa loob ng shower room at hindi pa siya sanay makakita ng nakahubad na lalake.
Hindi pa rin magawang kumilos ni Tina. Para siyang tuod at nanatiling nakatayo. Parang nawalan ng koordinasyon ang kanyang utak at katawan. Narinig niya uli ang pagbukas ng pinto ng shower room.
“You aren’t ready yet?” wika ni MK sa nakatalikod na dalaga.
Parang nagising naman si Tina. Humarap siya ngunit nakatapis lang ng tuwalya si MK. Muli siyang tumalikod.
Natawa naman si MK sa reaksiyon ni Tina, “Hey, hindi ako nangangain ng tao.” Namumutla na kasi ito.
“Sir, sor-ry po.” Nakatalikod pa rin ang dalaga.
“Don’t call me Sir when we’re not in the office and don’t use po and opo. Clear.” wika ni MK.
“Opo, Sir. Este, Yy-es – “ Napahinto sa sasabihin si Tina. Nag-atubiling banggitin ang pangalan ng kanyang boss.
“MK,” dugtong ng binata. "And please face me while we're talking."
"Y-yes, MK.” sagot ni Tina pero hindi pa rin lumingon.
“Serve your Master, Lady Scorpion.”
Napalingon si Tina. Hawak ni MK ang black dress at mask at iniaabot ito sa kanya.
“Would you serve your Master? Or would you not?”
Seryoso ang mukha ni MK at hindi ito nakangiti. Naisip ni Tina ang sakit ng kanyang ina. Ang perang pampagamot dito. “Y-yes, MK,” kinakabahang wika niya at inabot ang black dress at mask. Lumabas siya ng silid at pumunta ng kabilang kuwarto.
Napangiti si MK. Ngiting tagumpay.
Mabilis na nag-shower si Tina. Iniwasan niyang mabasa ang kanyang buhok para hindi na siya maabala sa pagpapatuyo nito. Isinuot ang black dress at mask. Gusto niyang matapos agad ang kanyang gagawin dahil kailangan siya ng kanyang ina at ayaw niya itong mag-aalala sa kanya. Napatingin siya sa harap ng salamin. Hindi naman pala see-through ang damit. Medyo mababa lang ang neckline nito kaya medyo litaw ang kanyang cleavage at hapit sa katawan niya. Isinuot niya na rin ang black mask at nakayapak na lumabas ng kuwarto.
Narinig ni Tina ang malamyos na tugtog galing sa kuwarto ni MK. Isa ito sa mga kanta na nirecord ni MK na may pamagat na ‘You’re my woman’. Maganda ang lyrics ng kanta, kahit siya ay madalas niya itong pakinggan sa kanyang cellphone. Napatigil sa may pintuan si Tina. Sinusundan niya ang kanta sa kanyang isip.
‘It was a time when i felt like i was alone.
Then i meet you and you turn my world alive.
No need to say it, no need to turn away,
We have an understanding day by day.’
“Are you ready to serve your master?” wika ni MK ng mapansin siya.
Nagsimulang kabahan si Tina. “Y-yes,” nauutal na wika niya.
Nakasandal sa kama si MK at nakabihis na ng jersey short at sleeveless shirt. May hawak itong folder na sa tingin ni Tina ay binabasa nito. “Come." Sumenyas si MK na maupo si Tina sa tabi ng kama.
Sumunod naman ang dalaga. Parang naririnig na niya ang dagundong ng kanyang dibdib. Lalo pa ng maghubad ng pang-itaas si MK. Pagkatapos kumilos ang kamay ni MK. Inalis ang mask ni Tina.
“From now on, no more Lady Scorpion.” wika nito at dinama ng hinlalaki ang mga labi ni Tina, paulit-ulit na para bang tinatantiya kung gaano ito kalambot.
Napapikit si Tina. Waring may init na tumutulay mula sa daliri ng binata. Hindi niya alam kung ano pa ang kasunod sa ginagawa ni MK. Kinuha nito ang isa niyang kamay at idinaiti sa matipunong dibdib nito.
“Marunong kang magmasahe, Tin?” wika nito.
Napatango si Tina. Kakaiba ang naramdaman niyang sensasyon ng dumikit ang kanyang kamay sa dibdib ng lalake.
Humiga ng pataob si MK habang hawak pa rin ang kamay ni Tina. “Give me a massage, Tin?”
Nangingiti pa rin si Tina habang lulan ng taxi pauwi. Magpapamasahi lang pala ang kanyang boss MK. Sobra ang kilig niyang naramdaman. Nalamas niya ang likod ni MK. Ano kaya ang pakiramdam kung ibang parte naman ng katawan ng lalake ay masahiin niya? Ipinilig niya ang ulo, mukhang iba ang naiisip niya. Napaidlip pa nga ang binata habang minamasahi niya. Naisip niya siguro dahil napagod sa mga provincial tours nito. Pero bakit wala itong kasamang P.A sa condo? Ganoon ba talaga si MK? Mahilig mag-isa? Dasal niya sana masahi na lang lagi ang ipagawa sa kanya. ’Kanino kayang damit yung ipinasuot sa akin?’ Napaisip bigla si Tina.