RESD stage 4

2175 Words
Sinamahan si Tina ni MK sa clinic ng Nephrologist. “Miss Vergara, your mother’s condition is getting worst due to some complications. She is hypertensive that’s why she has unstable blood pressure. Nasa stage 4 na ang kanyang RESD and the only solution is Kidney transplant para humaba pa ang kanyang buhay,” paliwanag ng doctor. Nanikip ang dibdib ni Tina sa narinig mula sa Nephrologist. "Dok, magkano po ang magagastos sa Kidney transplant?” lakas-loob na tanong ni Tina. Alam niyang malaki ito pero susugal siya kung kinakailangan. “More or less two million,” wika ng doctor. “Diyos ko.” Napahawak si Tina sa dibdib. Saan niya kukunin ang halagang two million. Napaluha siya, hindi niya kayang mawalan ng ina. “Kung iyon ang kailangan, then go for it,” nahahabag na wika ni MK kay Tina. Napatingin kay MK ang naluluhang dalaga, "Sir, wala pa po akong pera.” “Ako na ang bahala sa gastos." wika ng binata at bumaling sa doctor, "Doc, how soon the kidney transplant procedure can be done?” “We need to find a kidney donor first,” wika ng doctor. “Ako po, Doc. Pwede po ako," agarang sagot ni Tina. “Tin, are you sure?” nag-alalang wika ni MK. “Yes. You can," sang-ayon na wika ng doctor. "People can live with one kidney. If you are willing you’ll undergo x-ray and series of tests to know your health condition and the compatibility of your kidney to the recipient,” dagdag pa nito. Na-confine si Bea sa hospital para maobserbahan ang kalagayan nito. Ipinalipat ni MK si Bea sa private room at may kasama pang private nurse. Walang magawa si Tina kahit tinatanggihan niya ang ibang tulong nito. Pikit-mata na niyang tinanggap ang lahat ng tulong ni MK. Hindi na rin siya nakakapasok sa trabaho dahil wala ring magbabantay sa kanyang ina sa hospital. “Anak, bakit dito mo ako pinalagay sa private room?” wika ng bagong gising na pasyente. “Mama, wag po kayo mag-alala. Tutulungan tayo ni Sir MK,” wika ni Tina. Nais ng dalaga na palakasin ang naghihinang kalooban ng ina. “Anak, sabi ko naman sa’yo 'wag mo na ako alalahanin,” wika ni Bea. Naaawa siya sa anak na nagsasakripisyo para sa kanya. “Mama, gagaling ka. Pangako.” Pinipigilan na maiyak ng dalaga. Hindi niya hahayaang igupo ng sakit ang kanyang ina. Gagawa siya ng paraan. Kung ito man ay nangangahulugan ng pagsakripisyo ng sarili niyang kapakanan. Makalipas ng isang araw ay muling kinausap si Tina ng Nephrologist. “Miss Vergara, regarding your X-rays and laboratory tests results. You are healthy but your blood type isn’t compatible with your mother’s,” paliwanag ng doctor. Nag-alala si Tina sa sinabi ng doctor. “Doc, ano pong ibig sabihin niyon?” “Kailangan natin ng ibang kidney donor, Miss Vergara. For the meantime, the patient can be discharged today but we will increase the frequency of the dialysis.” anang doctor. Tumango na lamang si Tina sa doctor at nanlulumong lumabas ng clinic. Dasal niya na makahanap agad siya ng donor. Nag-aalala na siya pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. “Anak, anong sabi ni Doc? Pwede na ba akong lumabas?” masayang bungad ni Bea. Natigilan si Tina. Nakarating na pala siya sa kuwarto ng hindi niya namamalayan. “Opo Mama. Bukas po.” Pilit na pinasigla ni Tina ang boses sa harap ng ina. “Salamat naman kung ganoon. Masyado ng malaki ang utang na loob natin kay MK.” wika ni Bea. Mas higit siyang nag-aalala para kay Tina kaysa sa kanyang sarili. Nagreport si Tina sa office ng Delizioso pagkatapos niyang maiuwi ang ina sa bahay. Gusto na niyang pumasok ng trabaho. “Kumusta na si Tita Bea, Tin?” tanong ni Ems. Ito muna ang umako ng lahat niyang responsibility sa restaurant. “Medyo bumubuti naman ang lagay niya," malungkot na wika ni Tina. Gusto niyang isangguni sa kaibigan ng problema niya. “Tin, meron ba akong hindi alam?” mahinang wika ni Ems. Sinisigurong walang makakarinig sa kanilang usapan. “May kumakalat na tsismis dito sa Delizioso tungkol kay Sir MK. May bago daw itong babae. Kayo na ba?” seryosong tanong ni Ems kay Tina. “Ems, sa’yo ko lang sasabihin ito. At please lang, wag mo ng ikuwento kahit kay Mama. Boyfriend ko nga si Sir MK pero kunwari lang iyon,” pabulong na wika ni Tina. “Talaga?” magkahalong gulat at excitement na wika ni Ems. “Bakit? Paano?” “Kunwari lang para sa lola niya,” wika ni Tina. Hindi niya masabi sa kaibigan ang iba pang detalye ng kasunduan nila ng binata. “So, sa mga mata ng lola nya ay mag-dyowa kayo pero sa iba ay hindi. Ganun ba?” naguguluhang wika ni Ems. Tumango naman si Tina. “Hay naku, friend. Nagwo-worry tuloy ako sa’yo. Baka masaktan ka sa huli.” nag-alalang wika ni Ems. Alam niya kasing may pagtatangi ang kanyang kaibigan kay MK. "Sir Brix, please payagan n’yo na akong pumasok. Kelangan ko ng trabaho para sa gastusin namin ni Mama," nakikiusap na wika ni Tina sa isa niyang boss. Tina, your mother needs you. Ang bilin ni MK ay 'wag ka muna papasukin," wika ni Brix. “Po?” gulat na wika ni Tina. Sa ginagawa ni MK ay lalong dumadami ang utang na loob niya sa binata. “Yes, Tina. Pinabigyan ka niya ng indefinite leave,” turan ni Brix. “P-pero, Sir Brix.” Lalong nag-alalala si Tina. Paano na ang panggastos nilang mag-ina? “By the way, here. Take this. Iniwan ni MK para sa’yo.” Iniabot ni Brix sa dalaga ang isang paper bag. “Don’t worry about your work. Pwede ka pa naman bumalik anytime. Take good care of your mom," wika ni Brix. Naging busy na ito sa cellphone ng tumunog ito. “Thank you po, Sir Brix.” Nagpaalam si Tina at isang thumb up naman ang sagot ng boss sa dalaga. Pagkauwi sa bahay ay pumasok ng banyo si Tina para tingnan ang laman ng paper bag. Isang box ng mamahaling cellphone ang nakita niya at letter envelope. Binuksan niya ang letter envelope. Naglalaman ito ng isang ATM card, dalawang susi at isang sulat. Binasa agad ng dalaga ang sulat. ‘Honey, I’ll be away for a couple of weeks. Here’s my spare keys of my condo and ATM card. Please use the ATM for your expenses. I also bought a new cellphone for you. I might call you while I’m away. Don’t stress yourself too much. Mama Bea will get well. – MK ‘Bakit Honey?’ sabi ng isip ni Tina. Sulat lang naman iyon at wala naman makakakita. Binalibaliktad niya sa kanyang kamay ang hawak na ATM card at mga susi. Binuksan niya rin ang cellphone box at isang latest model na cellphone ang tumambad sa kanya. Tuwa na may halong pangamba ang kanyang naramdaman. First time niyang makahawak ng mamahalin na cellphone. Narinig niya ang tawag ng kanyang ina. Tarantang ibinulsa niya ang susi at ATM card at binalot ng tuwalya ang cellphone bago lumabas ng banyo. Sa tulong ng pera ni MK ay nakahanap sila ng kidney donor na nag-match kay Bea. Matagumpay na naisagawa ang kidney transplant. Matapos ang dalawang buwan na confinement sa hospital ay nailabas si Bea para sa bahay na lang ito magpalakas. Hindi pa makabalik si Tina sa trabaho dahil hindi pa niya maiwan ang ina ng mag-isa sa bahay nila. Minsan natutulala si Tina habang pinagmamasdan niya ang Hospital bill na mahigit dalawang milyon na binayaran ni MK. Mula ng maoperahan ang kanyang ina ay lagi na lamang sila sa video call nag-uusap at nagkukumustahan. Nasa labas ito ng bansa para sa isang world tour na ginagawa ng isang variety show na kinabibilangan ng binata. Para kahit paano ay makatulong siya sa binata ay dinadalaw niya ang condo unit nito at nililinis. Nasa condo na uli ni MK si Tina. Sobrang nami-miss niya ang binata. Nilibot ng kanyang tingin ang buong unit nito. Dumako ang kanyang tingin sa nakasabit na mosaic picture ni MK sa sala. Napangiti siya, nilapitan ito at hinaplos-haplos. Sadyang napakaguwapo ng binata at kinikilig siya kapag naiisip ito. Binuksan niya ang kuwarto ni MK at naalala niya ang unang gabi niya sa kuwartong ito. Sinubukan niyang buksan ang mga cabinets at lahat ay hindi naka-lock. Tumambad sa kanya ang mga naka-hanger na mga branded jackets at jeans sa unang cabinet. Mga branded shirts at polo at undergarments naman sa pangalawa. Three-piece suits naman na gawa ng mga sikat na designer sa pangatlo. Puro mamahaling leather shoes at rubber shoes naman sa pang-apat. Hindi biro ang halaga ng laman ng cabinets ni MK. Napadako siya sa paglima na cabinet at kumunot ang noo niya sa nakita. Lahat damit pambabae ang laman at lahat ay bago at mukhang mamahalin din. Naroon din ang damit na ipinasuot sa kanya ni MK. Natukso siyang kunin ang isa at itinapat sa kanyang katawan. Mukhang kasya sa kanya sa isip nia. Bigla siyang napatigil at ibinalik sa cabinet ang damit. Sino sa mga naging girlfriends ni MK ang may-ari ng mga damit? Malamang yung pinagamit sa kanyang black dress ay isa sa mga damit ng mga naging girlfriend ng binata. Malungkot na napaupo sa kama si Tina. Ilan na kayang babae ang natulog sa kama nito? Pero ang totoo ay nami-miss niya ito ng husto. Wala sa loob na nahiga siya sa malambot na kama at niyakap ang unan. Inamoy-amoy at hinalik-halikan na wari bang ang binata ang kayakap. “Oh, Ken. I missed you so much,” usal ni Tina habang sinisibasib siya ng halik ni MK sa kanyang leeg na bumaba sa dibdib. Nagtagal dito ang binata na wari bang isang sanggol na sabik na sabik sa gatas ng ina. Bumaba ang mga labi ng binata sa puson ni Tina. Napaungol si Tina sa antisipasyon ng maramdaman ang mga labi malapit sa parte ng pagkab*b*e niya. “Ohhhh Kennnn” “b***h!” Gulat na napabalikwas si Tina mula sa pagkakahiga. Isang babae ang nasa harapan niya at nanlilisik ang mga mata nito. “What are you doing in my boyfriend’s bed!” singhal ng babae kay Tina. “Dapat naglilinis ka. Hindi namamahinga.” Hindi agad nakapagsalita si Tina. Isang mestisang babae ang nasa harap niya. Naka-shorts at sleeveless blouse at mataas na takong ng sapatos. Napagkamalan siyang kasambahay ng babaeng mataray. “What are you waiting for? Go and finish your duty!” singhal uli ng babae. Nahimasmasan na si Tina. Sinakyan niya ang akala ng babae. “Mam, tapos na po ako maglinis.” “Next time, pagkatapos mong maglinis, umalis ka na. Dinumihan mo pa ang higaan niya. Ambisyosa.” Nakapameywang ang babae na dinuro si Tina. “Mam, sorry po. Di na mauulit.” Nagpipigil ng inis si Tina sa mapagmataas na babae. Umismid ang babae. “By the way, where’s Mark?” Iginala nito ang paningin. “Mam, wala po siya dito.” Diyata hindi alam ng babaeng ito na wala sa bansa si MK. “Alam ko, wala siya dito. Saan siya nagpunta?” Nagsasalubong ang mga kilay ng kanyang kaharap. “Out of the country po, Mam. Pasensiya na po. Pero ibinilin niya na i-lock ang kanyang kuwarto pag-alis ko,” wika ni Tina. Narinig niya ang pabulong na mura ng kanyang kaharap bago umalis. Malungkot na nag-iisip habang nakasakay ng bus pauwi si Tina. Naiisip niya ang babaeng mestisa. Isa itong model at starlet. Baka iyon ang may-ari ng mga damit na nakita niya sa cabinet. Bigla siyang naawa sa sarili. Ano nga ba ang turing ni MK sa kanya? Isang kaibigan o tagahanga na tinutulungan lang. ‘Hoy Tina, gumising ka. Kunwari lang ang pagiging boyfriend niya sa’yo.’ Naisip niya ang lola ni MK. Mabait ito at boto sa kanya. Na-guilty siya sa isiping nagsisinungaling sila sa matanda. At tampulan na rin siya ng tsimis sa mga kasamahan niya sa trabaho na isa sa mga babae ni MK. Naging matamlay ang dalaga hanggang makarating ng bahay. “Tin, anak. May dinaramdam ka?” wika ni Bea ng mapansin na hindi gaanong kumikibo ang dalaga. “W-wala po, Ma.” Pilit ang ngiti ni Tina. “Nami-miss ko lng po ang trabaho.” “Maayos na ako anak. Pwede mo na akong iwan dito mag-isa,” wika ni Bea. Naawa siya sa anak na ilang buwan ng nagbabantay sa kanya. “Saka, baka hindi ka na makabangon sa utang mo kay boss MK. Sinagot na nga niya ang transplant ko.” “Kaya mo na ba, Ma? Papasok na ako sa trabaho kung okay ka na.” Lihim na natuwa si Tina. Makikita na niya si MK. Ayon sa balita ay pauwi na ng bansa ang grupo nito. Na-guilty siya na hindi niya lahat sinasabi sa ina ang totoo. Lingid sa ina na patuloy silang sinusuportahan ni MK sa lahat ng kailangan. Lubog na siya sa utang na loob sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD