Nakapasok na si Tina sa trabaho. Hiniling niyang gawin siyang pang-umaga para maalagaan ang kanyang ina sa gabi. Excited siya sa araw na ito kasi inaasahan niya rin na magrereport si MK. Gusto niya itong makita ngunit maghapon na ay wala ito hanggang mag-turn-over na siya kay Ems. “Tina,” Palapit kay Tina ang Mess Hall Supervisor. “Pwede ka bang mag-extend as usherette? Absent kasi si Manolo," wika nito. Patakaran sa kanila ang humalili sa ibang posisyon kapag kailangan. Nag-enjoy si Tina sa pag-usher ng mga dumarating na guests. “Good evening Sir, Ma'am. Welcome to Delizioso Restaurant.” At sinasabayan niya ng matamis na ngiti. “Cristina Vergara. Wow. What a nice evening.” Napalingon si Tina sa nagsalita. Ang mahangin pala niyang admirer sa college at kasama nito ang sidekick na mahan

