"Nicholas, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa binata pagkatapos nilang kumain ng tanghalian. "Sure!" Naiwan silang dalawa sa kubo. Ang kaniyang mga magulang ay nagpapahinga na sa loob ng bahay pagkaalis ng kaniyang mga kapatid maliban kay Marie. Pumunta kasi ang ito sa bahay ng kaibigan na malapit lang din sa kanila. "Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" tanong nito sa kaniya. Lumapit ito at umupo sa kaniyang tabi. Umusod naman siya. Ngumiti lang si Nicholas sa kaniyang naging reakskyon. "Akala ko ba gusto mong mag-usap tayo? Bakit lumalayo ka naman sa akin?" tanong nito sa kaniya. "Oo nga, pero hindi kailangan na dumikit ka sa akin. Hindi ba tayo magkakarinigan kapag nasa kabilang banda ka? Hindi ka naman bingi, 'di ba?" pamimilosopo niya rito. "Baka lang naman kasi na m

