ALAS SINGKO na ng hapon nang lumabas sa silid si Amber. Bitbit niya ang food bed tray na inakyat sa kaniya kanina ni Nanay Ynes nang dalhan siya ng tanghalian. Nadatnan niya sa kitchen ang matanda na naghahanda ng iluluto para sa hapunan kaya tinulungan na rin niya ito. "Hi," boses buhat sa kanilang likuran. Sabay pa silang napalingon ni Nanay Ynes at nakita nila ang nakangiting si Nicole. "May I join you?" tanong nito bagama't hindi na hinintay ang sagot ninuman sa kanila at nagsimula nang tumulong sa ginagawa nila. Kapwa sila tahimik habang patuloy sa kanilang ginagawa. Maya-maya ay tumikhim si Nicole. "Amber, do you know that the happiest part of our life is being young?" kapagkuwa'y tanong nito dahilan para sabay muli silang mapatingin dito ni Nanay Ynes. "But it is even bett

