IMINULAT ni Amber ang namumugtong mga mata. Napapikit pa siya ulit nang masilaw sa liwanag ng araw na tumatagos sa glass-wall door ng kaniyang silid kung saan nakahawi ang kurtina. Bumangon siya pero muling napahiga nang maramdaman ang sakit ng ulo. Pinalipas niya ang ilang sandali bago muling bumangon. Iginala niya ang tingin sa paligid ng silid. Malinis na roon, wala na ang bakas ng pagwawala ni Carl Xin kagabi. Tumingin siya sa orasan na nakapatong sa bedside table, pasado alas onse na pala ng tanghali. Mabuti na lang at sabado ngayong araw at walang pasok. Umibis siya sa kama at dumiretso sa bathroom. 'Ni hindi na pala niya nagawa na magbihis kagabi. Naligo siya at natagalan doon. Naka-bathrobe siya nang lumabas sa bathroom. Patungo na sana siya sa closet nang marinig ang kalampa

