SUMALUBONG ang ingay sa kaniyang pandinig pagpasok niya sa doorway ng bahay nila Sherwin. Kaagad niyang hinanap si Amber sa mga babaeng sumasayaw roon sa living room pero hindi niya ito nakita. "Where is she?" pasigaw na tanong niya sa mag-ama nang salubungin siya ng mga ito. "Lasing na raw kase si Amber, Sir Xin, kaya dinala siya ni Sam sa kuwarto para makahiga ng maayos," si Sherwin na bakas sa anyo at tinig ang pagkabahala. Matapos marinig ang sinabi nito ay lalong nagliyab ang kaniyang mga mata at nagsaltik ang mga bagang. Iniwan niya ang mga ito at siya na mismo ang naghanap kung saang silid naroon si Amber. Natataranta ang mag-amang napasunod sa kaniya. Nang matagpuan niya ang asawa ay nakalatag itong nakahiga sa kama at tila natutulog na nga. Wala ng pakialam sa sarili. "Ambe

