NASA kalagitnaan ng board meeting si Xin nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kaniyang suit pocket. Ilang sandali lang ang lumilipas ng paghinto niyon at muli na naman itong nagba-vibrate, kaya naman napilitan siyang sagutin iyon. "Excuse me," wika niya na sinundan ng pagtayo at lumabas sa conference hall. Sinundan siya ng tingin ng kaniyang ama na nandoon din sa meeting na iyon. Kinuha niya sa suit pocket ang cellphone at noon lang niya na-realize na personal phone niya ang nadala imbes na ang business phone niya, kung sabagay ay madalas ang secretary niya ang may dala niyon. Si Amber ang tumatawag kaya naman kaagad niya itong sinagot. "Nasa board meeting ako," bungad niya sa matabang na tono. "I need you here," wika naman nito. Napakunot ang noo niya matapos

