HINDI mapakali sa kaniyang silid si Xin. Hating-gabi na pero hindi siya makatulog. Hindi niya maiwaksi sa isip ang mga sinabi ni Sam kanina. Hindi man niya aminin ay nakadarama siya ng pagkabahala. Paano kung gumawa ng paraan si Sam na makuha si Amber? Hindi niya malilimutan ang kumpiyansa at determinasyon na nakita sa mga mata ni Sam kanina. “Buwisit!” inis na gumod niya sa sarili sabay waksi sa kumot na nasa kaniyang ibabaw. Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama habang sapo ang noo. ••• ABALA sa ginagawang thesis si Amber nang marinig ang tunog ng kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa sa harap nila. Sinulyapan niya ang kaniyang wristwatch habang iniisip kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo niya nang mapagtanto na ala una na ng madaling araw. Bago pa niya makuha ang cell

