HAROLD
Kitang-kita ko sa mukha ni Anika ang iritasyon dahil sa biglang pagdating ni Clara, kaya natigil ang ginagawa naming dalawa sa ibabaw ng kama.
Hindi ko akalain na ang demure at old-fashioned kong asawa ay gano'n ka-hot at appealing kapag pala nakasuot siya ng revealing na nighties.
Hindi siya nagsusuot ng ganyan noon, kaya nang makita ko si Anika kanina na gano'n ang suot niya, ay nag-init talaga ako. Ang tawag ko nga sa kaniya ay Mrs. Prim and Proper dahil palaging pormal ang kaniyang pananamit kahit narito siya sa loob ng bahay.
Maganda si Anika, matangos ang ilong, at napakaganda ng hugis ng mga mata at labi. Ang sabi niya, foreigner daw ang kaniyang ina, pero dahil lumaki siyang ulila, hindi na niya alam kung may kapamilya pa siya.
Simula nang makilala ko si Anika sa barko, ay nagustuhan ko na siya. Ang akala ko noon ay mayaman siya dahil mayayaman ang karaniwang guest namin sa barko kung saan empleyado ako sa isang Western restaurant, pero kaya pala siya nakasama sa paglalayag namin dahil nanalo pala siya ng ticket sa Christmas party ng kompanya na kaniyang pinapasukan.
Dahil maganda si Anika, niligawan ko agad siya at hindi ko inalis ang mga mata ko sa kaniya. Maraming magandang babae sa barko, mga foreigner na halos hubad na sa aking paningin, pero kahit pagsasamahin ko silang lahat, iba pa rin ang angking ganda ng asawa ko.
Nag-stand out talaga siya kahit maraming magandang babae ang nakapaligid sa kaniya. Siguro ay dahil simple lang siya at maamo ang mukha. Natural na mapula ang mga labi at may mga matang kakaiba kung tumingin.
Maganda ang asawa ko, pero dahil simple lang siya at lumaki sa ampunan, hindi siya nagsusuot ng mga séxy na damit. Ayaw rin ni Anika mag-ayos kahit sa opisina siya nagtatrabaho dahil mas gusto niya ng simple lang ang pananamit niya.
Hindi rin siya mahilig sa mga branded na gamit, alahas, at sapatos, kaya hindi ko inaasahan ang biglang pagbabago sa kilos at ugali niya nang iuwi ko siya dito sa bahay galing sa ampunan.
Ang akala ko, iniwan ako ni Anika kaya bigla siyang nawala noon. Nahuli ko siyang sumakay sa magarang kotse matapos niyang yakapin at halikan sa pisngi ang lalaking nakatagpo niya noon sa isang fast food restaurant, kaya nagalit ako sa asawa ko.
Hindi ko akalain na ang babaeng mahinahon, mabait, at malambing sa akin ay niloloko pala nila ako.
Pauwi na sana ako noon, pero dahil sa traffic dulot ng maraming sasakyan at mabagal ang usad ng mga ito sa traffic light, kaya natigil ako sa pagmamaneho.
Nang gabing iyon, bigla akong natigilan at napatingin sa gilid ng kalsada nang makita ko si Anika kasama ang isang may edad na lalaking noon ko lang nakita. Nakangiting niyakap at hinalikan niya sa pisngi ang lalaking iyon. Niyakap naman siya nito at hinaplos pa ang mahabang buhok ng asawa ko bago sila sumakay sa kotse at hinatid siya sa labas ng subdivision kung saan kami nakatira.
Simula noon, nagbago ang lahat sa aming dalawa ni Anika. Napuno ako ng galit sa kaniya kahit mahal ko siya. Natuto akong umuwi ng gabi o kung minsan ay madaling araw pa ng lasing dahil naglalasing ako sa bar.
Gusto kong kausapin si Anika at sabihin sa kaniya ang totoo, pero hindi ko iyon kayang sabihin sa kaniya. Masakit sa akin ang nakita ko, kaya itinago ko sa kaniya ang nalaman ko dahil hindi ko siya kayang komprontahin.
Sa mga panahong iyon, doon ko muling nakita si Clara. Siya ang first love ko, pero iniwan ako pati na rin ang anak namin sa poder ng kaniyang ina at umalis siya papuntang Dubai ng walang paalam noon.
Sinabi ko sa kaniya na kasal na ako at may asawa na, pero nagmakaawa siya sa akin na tanggapin ko siyang muli. Sinabi ni Clara na sobrang hirap namin noon, kaya iniwan niya kami para magtrabaho sa Dubai. Gusto niyang bumalik sa buhay ko—namin ng aming anak dahil nalaman niya na nasa poder ko si Claire dahil kinuha ko siya sa ina ni Clara noon para makasama ko siya at mabigyan ng maayos na buhay.
Pumayag si Clara na pumasok bilang yaya ng aming anak para makasama niya ang anak namin. May kasunduan kami na hindi niya sasabihin kahit kanino ang kahit anong alam niyang impormasyon tungkol kay Claire dahil legal naming anak si Anika.
Naglihim ako kay Anika tungkol kay Claire, pero minabuti kong itago ang lahat dahil nakita ko kung gaano niya kamahal ang anak ko. Kaya siguradong magagalit siya sa akin kapag nalaman niya ang totoo.
Natatakot akong iwan ako ni Anika noon kapag nalaman niya na anak ko ang batang dinala ko sa bahay. Maaari rin na kamuhian niya si Clare at magbago ang pakikitungo niya sa anak namin kapag nalaman niya na ako talaga ang ama ng bata at may anak ako sa iba, kaya pinili kong ilihim ang lahat.
Mahal na mahal niya si Claire. May pagkakataon na inuuna pa niya ang anak ko kumpara sa akin, pero hindi ako nagtatampo sa kaniya dahil alam kong mahal niya ang bata.
Everything seems perfect sa buhay namin ni Anika hanggang sa nakita ko siya na kasama ang lalaki niya. Nagsimula akong magduda sa bawat kilos at ginagawa niya, hanggang sa nasabi ko kay Clara ang tungkol dito nang malasing ako at tumuloy sa kwarto ni Claire at abutan ko siyang nakahiga sa tabi ng aming anak suot ang manipis na pantulog.
That night, may nangyari sa amin ni Clara. Pinagsisisihan ko iyon, at sinabi ko sa kaniya na kalimutan na lang namin ang tungkol doon dahil may asawa na ako at ayaw kong masira ang pagsasama namin ni Anika.
****
I was so into her earlier. Kahit alam kong may ibang lalaki sa buhay ng asawa ko, dahil mahal ko si Anika, isinantabi ko ang galit na nakatago sa puso ko. Nadala ako sa tukso at init ng apoy ng panunukso ng asawa ko sa akin. She's hot. Para bang ibang bersyon ng pagkatao niya ang nakita ko sa pagbalik niya. More fierce, strong, and seductive.
Honestly, nag-i-enjoy talaga ako kanina. She hardly took the first move or became intimate with me before, kaya ako lagi ang nauunawaan na mag-initiate. Pero kanina, she's different. I was disappointed and frustrated nang nagbago ang mood niya, pero hindi ko na siya pinilit dahil ayaw kong maulit ang nangyari noong gabing inuwi ko siya dito sa bahay at bigla siyang na-shock.
I'm mad at her, kaya malamig ang pakikitungo ko sa kaniya, pero nagbago iyon nang makita ko kung paano siya nanigas sa harap ko at sinabi ng doktor na posible siyang mawala sa akin.
Kapag nangyari iyon, paano ang big deal ko sa KM Corporation? She's the only one na may koneksyon sa investors ko. Magaling sa negosyo si Anika, and I can attest to that, pero simula nang umalis siya, mas lalo lamang akong nabaon sa kasalanan.
Ang sabi ni Clara, sumama sa ibang lalaki si Anika. Lumipat siya sa silid namin at sinabing buuin namin ang aming pamilya dahil anak namin si Claire at wala na ang asawa ko.
She's a devil that kept whispering in my ears that Anika won't come back because she chose her lover. Out of anger, I allowed Clara to get close to me again.
I just don't care about whatever she's doing. Kahit anong gusto niyang gawin, nawalan ako ng pakialam dahil wala akong ibang gusto kundi ang mawala ang sakit na nararamdaman ko simula nang umalis si Anika at iniwan ako.
Hindi alam ni Clara na pinahanap ko si Anika. Nahirapan akong mahanap siya dahil walang nakakakilala sa kaniya. Wala rin siyang pamilya, at wala akong alam na mga lugar na puwede niyang puntahan.
Bahay at trabaho lang ang routine ng asawa ko. Wala siyang mga kaibigan sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin, kaya hindi ko alam kung paano siya hahanapin at kung saan ako magsisimula sa paghahanap ko sa kaniya.
She's a devoted wife and mother to my child, kaya hindi ko inaasahan na magagawa niya akong lokohin. Ang sabi ni Clara, ginamit ni Anika ang kaniyang katawan para makuha ang malaking deal na iyon dahil kung talagang interesado sa kompanya ko ang investor, ako ang kakausapin niya dahil ako ang presidente ng aking kompanya. But he refused, at tanging asawa ko lang ang gusto niyang kausapin.
Inayos ko ang suot kong damit at iniwan sa veranda si Clara. I'm done with her, at nailabas ko na ang init na dapat sana ay pinagsaluhan namin ng asawa ko. She's willing to be my mistress, kahit bumalik si Anika dahil mahal raw niya ako, but I doubt it, kasi kilala kong materialistic ang kababata ko.
She's clinging to me dahil nakita niyang successful na ako. Mayaman at may pera. I kept her para kay Claire, pumayag akong manatili siya dito sa bahay, pero ngayon nandito na si Anika, legally siya ang asawa ko, kaya hindi nagreklamo si Clara nang paalisin ko siya sa silid at bumalik siya sa dati niyang trabaho.
Kinausap ko rin ang lahat ng mga maid dito sa bahay na wala silang sasabihing kahit ano kay Anika dahil conflicted ang kondisyon niya. I don't need anything that will trigger her trauma again, kaya mas mabuting manahimik silang lahat dahil mananagot sila sa akin kapag may masamang nangyari sa asawa ko.
Papasok sana ako sa aking opisina nang nakarinig ako ng malakas na kalabog mula sa master bedroom. Sinundan ito ng malakas na sigaw ng mayordomang si Martha, kaya patakbo kong tinungo ang aming silid.
“What's wrong?” tanong ko agad nang abutan kong natataranta si Martha habang si Jhing naman ay may hawak na telepono nang lumapit sa akin.
“Si Ma'am, Sir!”
“Anong nangyari sa kaniya?” galit na tanong ko kay Jhing.
“Sir, nadatnan namin siyang naghahabol ng hininga nang pumasok kami dito, kaya napasigaw po ako,” paliwanag ni Martha.
Agad kong dinukot ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan ko ang doktor ni Anika. I instructed him to come immediately dahil mukhang inatake na naman ang asawa ko.
This isn't good. Nagalit lang siya dahil naistorbo kami kanina. She's in heat earlier, pero dahil biglang kumatok si Clara, nawalan na siya ng gana.
Dammit, mananagot si Clara sa akin mamaya. Kung hindi siya nagselos, hindi sana mangyayari ito. Ginamit pa niya si Claire para hindi matuloy ang pagniniig naming ni Anika, kaya pinarusahan ko siya kanina.
I took her and used her harshly. Ang akala ni Clara ay gigil na gigil ako sa kaniya, but what she didn't know is that I'm releasing my frustration on her. Confident akong gawin iyon sa veranda dahil hindi kami makikita at maririnig ni Anika.
Hindi siya makatayo at hindi rin niya alam ang relasyon namin ng kababata ko, pero malakas ang pakiramdam ng asawa ko dahil pinagseselosan na ni Anika si Clara, kaya nag-iingat ako na huwag niya kaming mahuli dahil siguradong iiwan niya akong muli at sasama na siya sa lalaki niya.