HAROLD Hindi namin alam kung anong gagawin namin habang nakahiga si Anika sa kama at minamasahe namin ang kaniyang mga kamay at paa. Pinaamoy na siya ni Martha ng amonya para magising siya habang hinihintay naming dumating ang doktor na tinawagan ko para matingnan ang asawa ko. Gusto ko sanang dalhin siya sa ospital, pero dahil malapit lang ang kaniyang doktor, kaya hinintay na lang namin siya. Ramdam ko ang kaba at takot na nararamdaman ng mga katulong ko dahil nanginginig ang mga kamay nila habang minamasahe namin si Anika. Si Jhing naman ay inutusan kong maghintay sa gate para pagbuksan agad ang tinawagan kong doktor upang mabilis siyang makapasok sa bahay ko. Biglang bumukas ang pintuan, pero ibang mukha ang nakita ko. Hindi dumating ang doktor ni Anika, kaya akala ko nagpadala si

