Chapter 16

1518 Words
ANIKA Nagising ako na ginagamot ng doktor na kinuha ni Harold para sa akin. Tahimik ang paligid ko, pero ramdam ko ang bigat ng atmosphere dito sa buong silid. Napakurap ako nang makita ko ang guwapong mukha ng lalaking nakatayo sa gilid ng kama at may hawak na baril habang nakatingin sa amin. Gusto ko sanang magtanong sa kaniya, pero inutusan niya sina Jhing at Martha na pumasok sa banyo. Pati si Doctor Tanerla at ang kasama rin, pero bago sila pumasok doon ay kinuha niya ang mga cellphone ng mga ito. “What are you doing, Mr. Kazimir?” tanong ko sa kaniya. “It's for your own good, Anika!” matigas niyang sagot. At pagkatapos, sinigawan niya ang mga kasama namin na huwag gagawa ng kahit anong ingay dahil kapag nakarinig siya, hindi umano siya nagdalawang-isip na barilin sila. Napapikit ako nang marahas niyang hinatak para isara ang pinto sa banyo. Nakatingin ako sa kaniya, pero hindi ako nakaramdam ng takot kahit nakikita ko ang matigas niyang ekspresyon, pati na rin ang baril na hawak niya. Mr. Kazimir… Bigla akong napasinghap nang maalala ko ang impormasyon na natuklasan ko bago ako nawalan ng malay. Kausap ko siya kanina, tapos sinabi niya na kapatid ko siya, at nalaman ko rin ang totoo kong pangalan. “You're clearly in bad shape, Anika,” sabi agad ng kapatid ko sa akin. “Kuya Aidan,” mahinang tawag ko sa pangalan niya. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib. Hindi ito dahil sa takot, kundi sa saya na unti-unti ko nang nakikilala ang aking sarili. “Bakit wala kang maalala?” tanong ni Kuya Aidan sa akin. “Naaksidente ako,” sagot ko. Nakita ko kung paano nangunot ang noo ni Kuya Aidan. “Is this the reason kung bakit ilang buwan kang hindi ka tumawag sa akin, Anika?” Marahan akong tumango bilang sagot. Muli namang napapikit si Kuya Aidan na para bang nagpipigil siya sa galit. “We trusted you dahil ang sabi mo sa amin ay magbabakasyon ka. You asked us to remove your bodyguards that I secretly placed to protect you, tapos ganito pala ang nangyari sa iyo!” Inabot ko ang kamay niya at pinisil ko ito para pakalmahin siya. “Wala pa akong maalala, pero alam ko kung sino ang nasa likod ng aksidenteng nangyari sa akin,” sabi ko kay Aidan. “Who?” matigas at galit niyang tanong sa akin. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Promise me na wala kang gagawin dahil sa akin, sila ang may kasalanan, Kuya Aidan. Gusto kong pagbayaran nila ang mga kasalanan nila sa akin, at ako mismo ang magpapataw ng parusa para sa kanila.” “You're a Kazimir princess, Anika. You don't have to do that. Marami ang puwedeng gumawa niyan para sa iyo,” sabi ng kapatid ko, pero umiling ako. “I have my own plan, Aidan,” matigas kong sabi sa kaniya. “I am behind his success. Ako ang dahilan kung bakit yumaman si Harold at nagkaroon ng magandang buhay, kaya ako rin ang dapat bumawi sa kaniya ng lahat ng binigay ko.” “Alright, let me know it, and I'll help you—” “I'll call you when the time is right,” putol ko sa sasabihin ng aking kapatid. “Prepare the document and the proposal. During our signing day, I'll take back everything,” walang emosyon na sabi ko kay Kuya Aidan. “That sounds great, Anika. Finally, natauhan ka na,” sabi niya sa akin. Hinaplos pa niya ang aking ulo at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa aking mukha, at pagkatapos, hinalikan niya ako sa noo. “Our parents will surely be proud of you kapag nalaman na nila na babalik ka na sa amin,” nakangiting sabi ni Kuya Aidan. “Don't worry, I'll send the best medical team para bumilis ang paggaling mo.” “Salamat,” nakangiting sabi ko sa aking kapatid. “All for you, my little sister,” sagot ni Kuya Aidan. “I wish I had prevented all this kung hindi mo lang pinutol ang komunikasyon mo sa akin. You asked us not to interfere. You promised us na tatawag ka sa amin kapag gusto mo nang bumalik sa amin, kaya pinagbigyan ka namin.” “I'm sorry,” naluluhang sabi ko sa kapatid ko. “Mabuti na rin na nangyari ito dahil nakilala ko ang lalaking pinili ko, Kuya.” “It's okay, I'll handle the rest,” bulong sa akin ni Kuya Aidan nang yakapin ko siya. “Stay here, pero simula ngayon, you are now under my care.” “Okay,” napangiting sagot ko. Sandali kaming nag-usap ni Kuya Aidan. Nakiusap ako sa kaniya na huwag sabihin kahit kanino kung ano ang kaugnayan namin sa isa't isa. Pumayag naman siya, kaya nakahinga ako ng maluwag. “Palabasin mo na sila,” utos ko kay Kuya Aidan. Kawawa naman kasi ang mga kasambahay ko dahil hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sila sa loob ng banyo. Dinukot ni Kuya Aidan ang kaniyang cellphone at may tinawagan. Sinabi niya sa kausap na bumuo ng special medical team para sa akin dahil kailangan ko umano ito sa aking gamutan. “Someone will pick you up here, Anika,” sabi ng kapatid ko sa akin. Dinukot niya ang wallet at inabot sa akin ang itim na card. “Use it. You'll need this card, Anika.” Inabot ko ang card at itinago sa case ng cellphone ko para walang makakita. “Salamat, Kuya.” Tumango lang ang kapatid ko at pagkatapos ay tumayo na siya at naglakad palapit kung saan nakakulong ang mga kasambahay namin pati ang doktor ko. Marahas na binuksan ng aking kapatid ang pintuan ng banyo at pinalabas ang sina Martha at Jhing, pati na rin si Doctor Tanerla. “If you all want to stay alive longer, you'll stay here,” sabi niya sa mga kaharap. “Pero kung gusto na ninyong makita si San Pedro, lumabas kayo ng silid na ito, and I'll make sure na magkikita kayo!” Namutla ang mga kaharap ni Kuya Aidan. Hawak pa rin niya ang baril at hindi ito binitawan ng kaniyang kamay nang buksan niya ang pinto at iniwan kami dito sa loob ng silid. Nakita ko kung paano nakahinga ng maluwag sina Martha. Nakikita ko na natatakot pa rin sila at bakas ang tensyon at kaba na kanilang nararamdaman, pero tahimik silang umupo sa sahig. Si Doctor Tanerla naman ay natulala. Hindi nagtagal, nakarinig kami ng malakas na putok, kaya nagkatinginan kaming lahat. “Ano ba ang nangyayari at sino ang lalaking iyon, Ma'am Anika?” tanong ni Jhing sa akin. “He's my protector,” nakangiting sagot ko. “Hindi ka ba niya sinaktan, Mrs. Reyes?” tanong sa akin ni Doctor Tanerla. Umiling ako bilang sagot. Hindi na sila nagtanong sa akin. Lahat ay tahimik na nakikiramdam nang bumukas ang pinto at pumasok si Harold. “Oh my God, anong nangyari sa iyo?” kunwari ay nagulat at nag-aalala na tanong ko kay Harold, pero tiningnan niya ako ng masama. Lumapit siya kay Doctor Tanerla at hinihingal na kinausap ito. “Doc, I need your help,” sabi ni Harold. “Si Clara, binaril ng lalaking pumasok dito sa bahay. Please help her, baka maubusan siya ng dugo.” Lihim akong napangiti sa nakita at narinig ko. Hindi ko nga pala nasabi kay Kuya Aidan na huwag niyang saktan ang dalawang ito, kaya nabugbog sila ng aking kapatid. Nakita ko kung paano nag-alala si Harold para kay Clara. Matalim na tingin ang iniwan niya sa akin, pero wala akong pakialam kahit ako ang sinisisi niya sa nangyari sa babae niya. Umayos ako ng higa sa kama at nagbalot ng kumot dahil gusto kong magpahinga. Sina Martha naman ay nagpaalam sa akin na lalabas muna ng silid ko. Pumayag ako dahil wala naman silang gagawin dito. Nang makaalis sila, kinuha ko ang cellphone na pinabili ko kay Martha. Binalikan ko ang footage na kuha ng hidden camera sa sala at pinanood kung ano ang ginawa ng aking kapatid kina Clara at Harold kanina. Hindi ako naawa sa kanila kahit nakita kong binaril pala ni Kuya Aidan si Clara. Itinago ko ang cellphone at tahimik na nag-isip ng susunod kong gagawin. Galit sa akin si Harold, pero hindi ako papayag na balikan niya ako dahil ngayon pa lang, may panibago na akong plano para matapos na ang panloloko nila sa akin. Kahit nag-i-enjoy pa ako sa larong ito, hindi ko ito puwedeng ipagpatuloy pa dahil may sarili rin akong buhay. Gamit ang aking cellphone, nag-research ako tungkol sa pagkatao ko, pati na rin kay Kuya Aidan. Wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa akin, pero may ilang artikulo akong nahanap tungkol sa kapatid ko. Isa pala siyang businessman, pero walang ibang detalye tungkol sa kaniyang personal na buhay. Tanging tungkol sa negosyo at koneksyon niya sa gobyerno ang nakita ko, kaya napagtanto ko na mayaman pala talaga ang aking pamilya. Pribado silang tao, kaya kaunti lang ang nakita kong impormasyon tungkol sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD