Chapter 5

1336 Words
ANIKA Sa loob ng maikling panahon na dinala ako ni Harold dito sa bahay niya, marami na akong nakita at napagtanto. Obviously, ang babae niya ang utak sa kinasangkutan kong insidente. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin, pero malakas ang hinala ko na tama ang kutob ko. Nang umalis si Harold at naiwan akong mag-isa, pinagmasdan at pinag-aralan ko ang buong silid. Sinuri ng aking mga mata ang mga gamit na nakita ko, maging ang bintana, dahil naghahanap ako ng exit route at gamit na magagamit ko para ipagtanggol ang aking sarili kung sakaling may muling magtangka sa buhay ko. Magdamag akong nagtiis ng gutom at tanging tubig lamang ang laman ng tiyan ko dahil wala akong nakitang pagkain dito sa silid. Hindi rin ako puwedeng lumabas dahil siguradong nagkalat ang mga CCTV sa labas, kaya makikita nila kung lalabas ako. Kapag nangyari iyon, mahuhuli nila akong nagpapanggap lamang, kaya minabuti kong matulog na lang muna at hintayin na sumikat ang araw kinabukasan. “Good morning, Ma'am.” Tinig ni Martha ang narinig ko nang magising ako at nagmulat ng aking mga mata. Sandaling iginala ko ang aking paningin sa paligid para tingnan kung may iba pa kaming kasama dito sa bahay bago ko kausapin ang kasama kong kasambahay. “Kumusta po ang pakiramdam mo, Ma'am Anika?” tanong ni Martha sa akin. “I'm fine,” mahina kong sagot. “Sinong kasama natin dito sa bahay ngayon?” agad kong tanong kay Martha. “Umalis po si Sir para pumasok sa opisina niya. Si Miss Clara naman po, hinatid si Claire sa play school na pinapasukan niya.” Nangunot ang aking noo dahil bago sa pandinig ko ang pangalan na binanggit ni Martha. “Sino si Claire?” tanong ko sa kaniya. “Anak po ninyo ni Sir Harold, Ma'am.” Natigilan ako. Nangunot rin ang aking noo dahil hindi ko alam na may anak pala ako. Ang dami ko na namang tanong ngayon sa aking isipan, kaya minabuti kong magtanong kay Martha. “Alam ba niya na narito ako?” “Yes, Ma'am,” mabilis na sagot ng kasambahay. “Pumunta ba siya dito para bisitahin ako habang natutulog ako?” Umiling si Martha habang nakatingin sa akin. “Pasensya ka na, pero kasi, malapit si Claire kay Clara. Pati atensyon niya ay nakikipag-kompetensya ang babaeng iyon.” Napapikit ako dahil biglang kumirot ang aking ulo. May malabong alaala rin ako ng aking nakikita sa pagpikit ng aking mga mata, pero hindi ko ito naunawaan. “Martha, ano ang tunay na estado ng relasyon namin ni Harold bago ako nawala?” nakapikit na tanong ko sa aking kausap. “Ma'am, wala ka ba talagang maalala?” tanong rin niya sa akin. Nagmulat ako ng aking mga mata at malungkot na umiling sa kaniya. “Nagising na lang ako na hindi ko maigalaw ang aking katawan sa orphanage, Martha,” malungkot na sabi ko sa kaniya. “Ang akala ko nga, wala akong pamilya kasi ilang buwan na ako doon dahil walang pumupunta para dalawin ako, pero kahapon, biglang dumating si Harold at sinabing siya ang asawa ko.” Marahang tumango si Martha at pagkatapos, malungkot siyang tumingin sa akin. “Nasaksihan ko ang naging pagsasama ninyong dalawa ni Sir Harold. Maraming mainggit sa iyo dahil mahal na mahal ka niya. Maging kami dito sa bahay, nakita namin na masaya ang pagsasama ninyong dalawa. Hanggang isang araw, dumating si Miss Clara, at dito nagsimulang magbago ang lahat.” Pinakinggan ko ang paliwanag ni Martha at pinakiramdaman ko kung may basehan ba ito, pero batay sa nakita ko, mukhang nagsasabi siya sa akin ng totoo. “Sino si Clara, Martha?” Nagtanong pa rin ako, kahit alam ko na kung ano ang relasyon niya kay Harold. Gusto ko kasing marinig kung ano ang sasabihin ni Martha. “Kababata siya ni Sir Harold. Ang sabi niya, siya daw ang first love ni Sir, kaya nang mamatay ang mga magulang niya, dinala siya dito sa bahay ng asawa mo dahil hindi raw siya puwedeng hayaan na mag-isa kasi nagtangka na raw magpakamatay si Clara dahil sa labis na kalungkutan.” Marami pa akong narinig mula kay Martha, pero isang bagay ang gusto kong itanong sa kaniya dahil gusto kong malaman kung alam ba niya kung nasaan ang pamilya ko. “How about my family, kilala mo ba sila, Marta?” Umiling si Martha bilang sagot. “Simula nang tumira ka dito, walang kahit na sino ang pumunta dito sa bahay para dalawin ka. Ang sabi mo sa amin, ulila ka na at tanging si Harold at Claire na lang ang natitira mong pamilya.” Ang lungkot naman pala ng buhay ko. Kaya pala ganito na lang ako itrato ng asawa ko, dahil alam niya na wala akong ibang pupuntahan dahil wala akong pamilya. “Ma'am, ang mabuti pa, kumain ka muna para makainom ka ng gamot,” sabi ni Martha sa akin. “Salamat,” mahina kong sagot. “Puwede ba akong humingi ng pabor sa iyo, Martha?” “Sige, Ma'am, basta kaya ko po, walang problema.” Sandali ko siyang pinagmasdan dahil gusto kong makasiguro na nasa akin ang loyalty niya. Mapanganib kasi ang mga tao sa paligid ko, kaya hindi ko sila puwedeng pagkatiwalaan dahil alam kong banta sila sa kaligtasan ko. “It's hard for me to say this, pero puwede ba na walang ibang dapat makaalam na nagkakausap tayo?” tanong ko kay Martha. “Ayaw kong malaman ni Harold at Clara na nakakausap mo ako dahil wala akong tiwala sa kanilang dalawa.” “Makakaasa ka po, Ma'am,” agad na sagot ni Martha. “Huwag kang mag-alala, Ma'am Anika, nasa iyo po ang loyalty ko sa bahay na ito.” Hinawakan ko ang mga kamay ni Martha. “Salamat, ito lang ang kaya kong sabihin sa iyo ngayon dahil wala akong kakayahan na bigyan ka ng reward.” “Naku, Ma'am, huwag mo na pong isipin ‘yan,” nakangiting sabi ni Martha. “Naging mabuti ka po sa akin at sa pamilya ko. Hanggang ngayon, nakakapag-aral ng libre ang mga anak ko, kaya hindi kita kayang iwan at pabayaan ngayong mahina ka.” Hindi ko alam kung paano ko nagagawa na tulungan ang pamilya ni Martha. Ang sabi niya, may ibinigay raw akong ATM card sa kaniya, at doon pumapasok ang allowance para sa kaniyang mga anak. I was taken aback when she said that because I didn't know that I was doing something like this, as I had forgotten all the important information about myself. Maaring may pera ako sa bangko, kaya may pumapasok na pera buwan-buwan sa account na hawak ng mga anak ni Martha, pero wala akong ideya tungkol doon. “Alam ba ni Harold ang tungkol diyan, Martha?” Gumalaw ang ulo ni Martha at agad umiling. “Hindi po, Ma'am.” “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “Tayong dalawa lang po ang nakakaalam tungkol dito dahil siguradong hindi papayag si Sir Harold, kaya kinausap mo ako noon na huwag kong ipaalam sa kaniya ang tungkol dito.” “Alam mo ba kung ano ang trabaho ko dati?” muli kong tanong dahil kailangan kong malaman kung ano ang source of income ko. “Nandito ka lang po sa bahay araw-araw, pero kahit madaling araw, nakikita kitang kaharap mo ang iyong laptop, Ma'am.” Ibig sabihin, plain housewife lang pala ako. It's good na walang alam ang walang-hiyang lalaking iyon tungkol sa pagbibigay ko ng tulong sa pamilya ni Martha dahil siguradong magtatanong siya. Pabor sa akin ang nalaman ko dahil ngayon, alam ko na may isang tao akong makapagkakatiwalaan sa loob ng pamamahay na ito. I'll use this opportunity and her loyalty para marami pa akong malaman. Gusto kong makakuha ng sapat na ebidensya na magdidiin kay Clara at kay Harold sa nangyaring aksidente sa akin, at kapag nangyari iyon, tatapusin ko ang aking pagpapanggap at sabay ko silang babalikan at pagbabayarin sa mga kasalanan nilang ginawa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD