ANIKA
Ilang araw na akong nakakulong dito sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Kasama ko si Martha, at tanging siya ang nag-aalaga sa akin. Hindi niya ako iniwan, at hiningi niya kay Harold na alagaan niya ako.
Pumayag naman ang walang-hiyang lalaking iyon dahil gusto niyang gumaling ako agad. Inutusan pa niya si Martha na palaging hilutin ang mga paa at binti ko para makalakad daw akong muli.
May doktor din na sumusuri sa akin, pero pang-best actress ang drama ko dahil hindi nila ako mahuling nagpapanggap lang.
Ligtas ako hangga't walang alam si Harold na gising ako at nakakakilos ang mga kamay at braso ko. Wala siyang gagawing masama sa akin dahil kailangan niya ako, at hangga't hindi ako nakakakilos, siguradong ipagagamot niya ako sa magaling na doktor, kaya mas magiging mabilis ang paggaling ko.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Clara kasama ang isang batang babae. Pinaalis niya si Martha at inutusan ito na maghanda na raw para sa hapunan ko.
“Now talk to your fake mother, Claire,” utos ni Clara sa bata.
“But I don't like her, Mommy. She's not my real mother,” narinig kong sagot nito, kaya lalo lamang nilang nakuha ang atensyon ko.
“I know, sweetie. Pero hindi ba gusto mong magsama na tayo ng Daddy mo?” tanong rin ni Clara.
“Yes, Mom,” mabilis na sagot ng bata.
“Then, gawin mo ang sinabi ko, Claire!”
Malakas ang tinig ni Clara, kaya narinig ko ang sinabi niya. “Alam kong mahal na mahal ka ng babaeng iyan, kaya hindi ka niya matiis. Siguradong magigising agad siya kapag nanatili ka sa tabi niya.”
“But you know I hate her, Mom. She's crippled. Mas maganda ka sa kaniya. Ikaw ang totoo kong Mommy at hindi siya.”
Nakuyom ko ang aking kamao. Mukhang masalimuot pala talaga ang buhay ko. Hindi ko alam kung anong tunay na kwento sa pagitan namin ni Claire, pero nasisiguro ko na kahit bata pa siya, ay hindi ko siya puwedeng pagkatiwalaan.
“Listen, Claire,” sabi ni Clara sa bata. “Kaya nga kita pinaampon sa kaniya para makasama mo ang Daddy mo. Ito na ang tamang pagkakataon para magkasama-sama tayong tatlo, kaya gawin mo ang sinasabi ko.”
“Yes, Mommy. Gagawin ko po ang sinabi mo.”
“Sige, galingan mo. Kapag nagising na siya at nakapirma na siya ng kontrata, palalayasin na natin siya dito sa bahay, kaya magkakasama-sama na tayong tatlo ng Daddy mo. Gusto mo ba iyon, Claire?”
“Yes, Mommy!”
Masaya ang tinig ng bata. Alam pala niya na hindi ko siya anak. Lihim akong napangisi. Anak siya ni Clara dahil kahit bata pa, namana niya ang kasamaan ng ugali ng kaniyang ina.
“Mommy, please wake up,” narinig kong pakiusap ni Claire sa akin. Hinawakan pa niya ako sa braso, kaya ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang munting palad.
“I miss you so much, Mom! Please wake up. I need you, Mommy!”
Magaling rin palang magpanggap ang batang ito. Paslit pa lang ito ay marunong nang magpanggap at magsinungaling gaya ng ginawa ng kaniyang tunay na ina dahil ito ang nakikita ng bata.
“Mommy, gumising ka na please. Miss ko na ang pumunta sa park,” pakiusap sa akin ni Claire.
“Lakasan mo pa para magising na ang babaeng iyan,” utos ni Clara.
I want to smack her face into the wall dahil wala namang laman ang utak niya. This bitçh thinks she is already ahead of me, pero ang hindi niya alam ay kumukuha lamang ako ng sapat na impormasyon at ebidensya para may magamit ako laban sa kanila.
Paulit-ulit akong hinawakan at hinatak sa braso ng batang si Claire para gisingin, pero hindi ako nagmulat ng aking mga mata hanggang napagod siya at kusang tumigil.
“Kung hindi lang natin kailangan ang babaeng iyan ngayon, hindi na siya sisikatan ng araw!” malakas at galit na sabi ni Clara.
This b***h is so eager to kill me, pero alam kong hindi siya magtatagumpay. She tried to kill me once just to get me out of her way, but she made a huge mistake because she didn't even bother to make sure if I was really dead.
Narinig kong bumukas ang pintuan. Hindi nagtagal, naramdaman ko ang palapit na hakbang at presensya ni Harold.
“Any improvement?”
“No,” mabilis na sagot ni Clara sa tanong ni Harold.
“Dammit! We're running out of time, Clara! She needs to wake up,” sabi ni Harold.
“Wala bang magagawa si Doktor Harizon para magising na ang babaeng iyan?” tanong ni Clara.
“No,” mabilis na sagot ni Harold. “Ang sabi niya, it depends on her kung gusto niyang magkamalay. She needs someone na magiging inspirasyon niya during the process, and I know Claire will help us because she loves her so much.”
“What are we going to do now?” tanong ni Clara sa walang-hiya kong asawa.
“Let Claire stay more often with her mom,” sagot ni Harold.
“But Dad, I want my real Mommy,” narinig kong sagot ni Claire.
“Be a good girl, Claire,” sabi ni Clara. “Kapag nakuha na namin ng Daddy mo ang multi-million contract, hindi na natin siya kailangan at matatapos na rin ang pagtawag mo sa kaniya ng Mommy. Ako na lang ang tatawagin mong Mommy dahil ako ang tunay mong ina.”
“Okay, Mom,” sagot ng bata.
“Good,” narinig kong sabi ni Harold. “Always talk to her, Claire, and I will reward you kapag nagawa mo ang inuutos ko sa iyo.”
“Okay, Daddy!”
Tahimik kong pinakinggan ang usapan kahit nakakaramdam ako ng matinding galit laban sa mga taong kasama ko dito sa silid. Puwede na nga akong manalo bilang best actress ngayon dahil magaling pala akong magpanggap.
Ang nakakatawa, wala silang ideya na gising ako at naririnig ko ang usapan nilang lahat. Sayang, hindi pa dumating ang inorder ni Martha na recorder at spy camera para makakuha ako ng ebidensya.
Hangga't wala iyon, hindi ako gigising dahil alam kong gagamitin lang nila ako. I already had a plan to take my revenge, and I will lash it out sa paraan na hindi nila inaasahan.
If I am too important to them to maintain their wealth and status in high society, I will be their downfall too. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran nila ang panloloko at mga kawalang-hiyaan na ginawa nila sa akin.
Hindi ako naniniwala na may lalaki sa buhay ko. Siguradong gawa-gawa lamang ito ni Harold dahil matagal na niya akong niloko.
Hindi ko alam ang totoo tungkol kay Claire, pero isa lang ang sigurado ako, at iyon ay fully aware siya na hindi ko siya tunay na anak. Pero nagpapanggap lamang siya na mahal ako dahil alam niya na mahalaga siya sa akin, kaya ginagamit siya ni Clara para paikutin ako sa kaniyang palad.
If they want to play a game with me, I'll let them win and enjoy the success of their wicked plan. Hahayaan ko silang maging masaya at akalain na panalo na sila, para mas masakit sa kanila kapag humagupit ang ganito ko at lahat sila, pupulutin sa kangkungan.