Chapter 7

1384 Words
ANIKA “Ma'am, dumating na po ang mga inorder natin sa Shopee,” pabulong na sabi ni Martha sa akin. Kaming dalawa lang dito sa silid, pero nag-iingat pa rin kami na walang ibang makarinig sa usapan naming dalawa dahil ayaw kong masira ang aking plano. “Nakabili ka rin ba ng cellphone at USB?” tanong ko kay Martha. “Yes, Ma'am,” mabilis niyang sagot. Marahan akong nagmulat ng aking mga mata at sumulyap sa pintuan. “Gawin mo na ang sinabi ko, Martha,” utos ko sa kaniya. “Sige po, Ma'am,” mabilis niyang sagot. “Nahanap mo ba ang gamit kong cellphone bago ako nawala?” “Hindi po, pero malakas ang hinala ko na hawak ito ni Sir Harold dahil minsan ko siyang narinig na pinag-uusapan nila ni Clara ang tungkol sa mga files na hindi nila mabuksan.” “I need that phone. Kung makukuha natin ‘yan, baka mas marami akong malaman sa nangyari noon, Martha.” Muling sumulyap si Martha sa pintuan at pagkatapos, bumaling siya sa akin. “Huwag kang mag-alala, susubukan kong pasukin ang opisina ni Sir Harold mamaya para maglinis.” “Baka mahuli ka niya, Martha,” kinakabahan na sabi ko sa kaniya. Hindi siya puwedeng mahuli dahil siya lamang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa bahay. Kapag nawala si Martha, mas mahihirapan akong makagalaw. “Huwag kang mag-alala, Ma'am. Magagawan ko iyan ng paraan,” sabi ni Martha sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago bumaling sa kaniya. “Nag-aalala ako dahil baka mapahamak ka sa binabalak mong gawin, Martha.” “Kakampi mo kami dito, Ma'am Anika. Hindi lang ako ang may malaking utang na loob sa iyo, pati na rin ang mga kasama pa nating kasambahay dito sa bahay. Gusto rin nilang tumulong sa atin. Nasa iyo ang loyalty namin dahil hindi mabuti ang pagtrato sa amin ni Clara, kaya kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang pipiliin naming tulungan.” Naluha ako habang nakikinig sa sinasabi ni Martha. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil kung wala siya, hindi ko malalaman ang mga nangyari sa akin noon dito sa loob ng bahay namin ni Harold, lalo na't pinatira na ng lalaking iyon dito sa pamamahay namin ang kaniyang kabit. Matapos kumain, iniwan ako dito sa silid ni Martha. Alam kong walang CCTV dito sa silid na kinaroroonan ko, kaya malaya akong nakakakilos. Ginalugad na ito ni Martha at ng isa pang kasambahay na kasama niya, kaya alam kong walang alam sina Harold at Clara na nakakababa ako sa kama at sinusubukan kong lumakad ng dahan-dahan kahit mabagal lang. Nagtiis akong nakakulong dito sa silid kahit mabagal lumipas ang bawat oras at araw. Palaging pumupunta dito si Claire at nagkukunwaring mahal na mahal ako at namimiss na niya ako. Namana niya ang talento ng kaniyang mga magulang. Pareho silang magaling magpaikot at magmanipula, kaya't natural kung umarte ang bata. Tahimik ang buong silid, pero ginambala ako ng tunog nang bumukas ang pintuan. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim gaya ng palagi kong ginagawa kapag nakaramdam ako na may tao sa paligid ko. Hindi nagtagal, naramdaman kong palapit ang bawat hakbang ng mga tao sa paligid ko. Tumigil sila sa gilid ng kama at nag-usap. Si Harold pala ang pumasok kasama ang doktor na laging sumusuri sa akin. Sandali nilang pinag-usapan ang tungkol sa kondisyon ko. Paulit-ulit rin na nagtanong ang walang-hiyang asawa ko kung kailan ako magigising at kung may magagawa ba sila para gumaling ako. “I'm sorry, Mr. Reyes, pero depende po sa kagustuhan ng pasyente kung kailan siya magigising,” paliwanag ng doktor. “Dammit! Nauubusan na tayo ng oras! Inutil ka! Malaki ang binabayad ko sa iyo, pero wala kang silbi!” galit na singhal ni Harold sa kasama niyang doktor. “My apologies, Mr. Reyes, complicated kasi ang kondisyon ng asawa mo. Wala akong kontrol sa katawan niya kapag ayaw niyang gumising,” paliwanag ng doktor. Marahas na buga ng hangin mula sa kaniyang baga ang narinig ko mula kay Harold para marahil pakalmahin ang kaniyang sarili bago siya nagsalita at nagtanong sa doktor. “Wala ka ba talagang magagawa para magising si Anika?” Galit na naman si Harold. Alam kong frustrated siya dahil sa kondisyon ko, kaya dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at kunwari ay nanghihinang nagsalita. “T-tubig.” Sabay na napatingin sa akin ang doktor at si Harold. Nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata at pagkatapos, biglang umaliwalas ang kaniyang ekspresyon. “God! You’re awake!” bulalas ni Harold habang nakatingin sa akin. “Nasaan ako?” Kunwari ay wala akong alam sa nangyari sa akin, kaya nagtanong ako kay Harold. “Bakit wala ako sa silid natin, Harold? Anong lugar ito?” magkasunod na tanong ko sa kaniya. “Bumalik na ang alaala mo, Anika?” tanong niya sa akin. “Anong alaala?” kunot-noong tanong ko kay Harold. “What's happening to her?” tanong rin ni Harold sa doktor na sumusuri sa akin. Bumangon ako at sumandal sa kama. Mabilis namang lumapit sa akin si Harold at inabutan ako ng isang basong tubig. “Batay sa ginawa kong pagsusuri sa asawa mo, sa palagay ko, bumalik na ang alaala niya, pero nakalimutan rin niya ang iba pang nangyari sa kaniya sa loob ng ilang buwan,” paliwanag ng doktor. “What do you mean, and who are you?” tanong ko sa doktor. Ngumiti naman ito at sinagot ang tanong ko. “I'm your private doctor, Mrs. Reyes.” “Doctor?” kunwari ay walang maalala, na tanong ko at pagkatapos, bumaling sa walang-hiya kong asawa. “Why do I need a doctor, Harold? May malala na ba akong sakit?” Nagkatinginan ang dalawa. Mukhang naguguluhan rin si Harold, pero pinili niyang ngumiti. “Love, wala kang sakit. Pero kasi... n-nadulas ka sa hagdan, kaya—kaya hindi ka ngayon makatayo dahil nabalian ka ng buto.” “What?!” malakas na bulalas ko. “Wala akong maalala na nahulog ako o nadulas sa hagdan.” Bakas sa ekspresyon ni Harold na kinakabahan siya at mukhang hindi mapakali because I caught him off guard. Nabubulol pa siya sa pagsagot sa mga tanong ko, pero pinangatawanan niya ang pagsisinungaling. “Nasaan si Martha at Claire?” tanong ko kay Harold habang hindi inaalis ang mga mata ko sa mukha niya dahil gusto kong makita mismo ng aking mga mata kung paano siya magsisinungaling sa akin. “Nasa school pa si Claire,” sagot ni Harold. “I'll call Martha, nasa kusina siya.” “No need, just ring the bell and she'll come,” pormal ang ekspresyon na sabi ko kay Harold. Tumango siya, pero ramdam ko ang kaba na kaniyang nararamdaman habang nakatingin ako sa kaniya at hindi ko inaalis ang aking mga mata sa kaniyang mukha. Bumukas ang pintuan at pumasok si Martha. Nakita niya akong gising na, kaya nagkunwari siyang masaya dahil kasama ito sa pinag-usapan namin. “Gusto kong maligo,” sabi ko kay Martha. “Prepare the bathtub for me.” “Pero, Ma'am…” Napatingin si Martha kay Harold. Tila ba lihim na nag-usap ang kanilang mga mata, pero kahit hindi ako magtanong, alam ko kung ano ang gusto nilang ipahiwatig sa isa't isa. “May problema ba, Martha?” seryoso at pormal ang ekspresyon na tanong ko sa kaniya. “Ma'am—” “Wala, love. Don’t worry, ihahanda niya ang bathtub para makaligo ka,” nakangiting sagot ni Harold, pero hindi nakaligtas sa matalas na mga mata ko ang panginginig ng kaniyang mga labi. Alam kong naroon sa silid namin si Clara, at doon na siya natutulog kasama si Harold gabi-gabi habang narito ako sa guestroom. Sinabi rin ni Martha na araw-araw ginagamit ng babaeng iyon ang bathtub kapag ganitong oras at may kasama pang dalawang katulong para pagsilbihan siya. Ito ang una kong sisirain sa kaniya. Aaalisin ko ang karapatan ni Clara na tumira sa silid ko at gamitin ang mga bagay na pag-aari ko. Kaunti pa lang ang naaalala ko, pero maraming bagay akong nalaman sa kanilang dalawa, pati na rin sa ingrata nilang anak, kaya ito na ang simula ng paniningil ko sa kanilang lahat. Simula na ng laro, at sa larong ito, sisiguraduhin kong mananalo ako at sila ang paglalaruan ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD