ANIKA
Mukhang gusto ngang makipaglaro ni Harold dahil biglang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Kung hindi ko alam na niloloko niya ako at narito na rin nakatira sa bahay niya si Clara, aakalain ko na isa siyang mabuti at mabait na asawa.
“Kunin mo ang cellphone ko sa ibabaw ng kama sa silid namin ni Harold, Martha,” kunwari ay utos ko sa aking kasambahay.
“Ma'am…”
Hesitant na magsalita si Martha, kaya kunwari nangunot ang aking noo at tiningnan ko siya ng masama.
“Bakit? Ayaw mo ba akong sundin?” matigas na tanong ko sa kaniya.
“Ma'am, ano po kasi… na kay Sir Harold po ang cellphone mo,” mahinang sagot ni Martha.
Bumaling siya ng tingin sa kaniyang amo, kaya agad nagsalita at nagpaliwanag sa akin si Harold.
“Ah, love, kasi ang sabi ng doktor mo, bawal pa sa iyo ang gumamit ng cellphone kaya itinabi ko muna,” mabilis na pagsisinungaling ni Harold.
Alam kong nagsisinungaling siya dahil hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit hindi niya binigay ang aking cellphone. There might be something in that phone against him, at hindi pa niya iyon nabubura kasi ayaw niya itong ibigay sa akin.
“My God, unahin mo pa ba ‘yan kumpara sa kontrata natin sa KM Corporation, Harold?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya.
Hindi nakaligtas sa aking paningin kung paano umaliwalas ang mukha ng lalaking pinagmamasdan ko. Biglang nawala ang pag-aalala sa ekspresyon ni Harold at napalitan ito ng excitement.
“Naalala mo na ang tungkol diyan, love?” tanong ng walang-hiyang asawa ko.
“Oo,” agad kong sagot, pero hindi inaalis ang mga mata sa mukha ni Harold dahil gusto kong makita ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko.
“Kailangan nating matawagan ang contact person natin doon, Harold,” sabi ko sa aking taksil na asawa. “Huwag tayong magsayang ng oras dahil minsan lang ang ganitong oportunidad.”
Wala pa akong naalala, pero ginamit ko ang mga narinig kong impormasyon para makuha ko ang aking cellphone dahil siguradong hindi iyon ibinigay ni Harold sa akin ng walang kapalit.
“Right! You're right!” malakas na sabi ni Harold.
Kumumpas pa ang kaniyang mga kamay. Bakas ang tuwa at excitement sa kaniyang mukha nang marinig ang sinabi ko.
"I'd appreciate it if you could share Mr. Kazimir's contact number. Email communication isn't always effective, and I'd like to speak with him directly,” sabi ni Harold sa akin.
Mr. Kazimir…
Why do I feel this name sounds so familiar to me?
Pati pintig ng aking puso ay bumilis rin. I don't understand why, but I felt like this name has a big connection with me.
“Love, I'm talking to you,” untag sa akin ni Harold.
“Sorry, what is it again?” tanong ko sa kaniya.
Ngumiti naman sa akin si Harold. Inabot pa niya ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga palad, kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ang sabi ko, ibigay mo sa akin ang personal contact number ni Mr. Kazimir at ako na ang tatawag sa kaniya.”
Nangunot ang aking noo. May pag-aakusang tiningnan ko si Harold dahil alam kong gusto niya akong paikutin sa kaniyang mga palad.
“Alam mo naman na ayaw niyang makipag-deal sa iba, Harold,” sagot ko.
Ginamit ko ang mga narinig ko sa usapan nila ni Clara para mapasunod sa gusto ko si Harold.
“Ano ba ang kaugnayan mo kay Mr. Kazimir? Lalaki mo ba siya, Anika?” mapag-akusang tanong ni Harold sa akin.
Nagtaas ako ng ulo at hinarap ko siya. “Don't you feel ashamed of accusing me in front of my doctor and our maid, Harold?” tanong ko sa kaniya.
Bigla siyang napalunok. Mukhang ngayon lang napansin ni Harold na narito pala sa silid namin ang doktor na kinuha niya at si Martha.
“My answer is simple,” sabi ko kay Harold. “He trusted me, kaya hindi siya mag-iinvest sa negosyo mo at hindi mo rin makukuha ang deal na iyan kung wala ako, Harold!”
“Fine, I'm sorry,” napalunok na sabi ni Harold. “Please, huwag ka nang magalit, love.”
Gusto kong masuka dahil nagagawa pa niyang tawagin akong ganito gayong harap-harapan niya akong niloloko.
“Go get my phone and don't waste my time,” inis na utos ko kay Harold dahil nakakaramdam na ako ng galit sa kaniya at nahihirapan na rin akong makontrol ang aking emosyon sa harap niya.
Nakita kong kumuyom ang kaniyang kamao. Alam kong galit siya, pero hindi niya ito magawang ipakita sa akin dahil ang alam niya ay wala akong maalala.
Umalis si Harold at naiwan akong kasama ang doktor ko, pati na rin si Martha. Hindi pa rin kami nag-uusap dahil nag-iingat ako sa paligid ko, lalo na ngayong narito sa bahay ang walang-hiyang asawa ko.
“Puwede ko bang malaman kung ano po ang findings mo sa akin, doktor?” tanong ko sa doktor na kasama ko dito sa silid.
“Physically, mas malakas ka na ngayon, Misis Reyes. Naigagalaw mo rin ang itaas na bahagi ng iyong katawan, pati na rin ang iyong mga kamay, pero I'm sorry to say this… nagkaroon ng damage ang lower part of your body, kaya hindi mo maigalaw ang mga binti mo.”
Nagpaliwanag ang doktor na may posibilidad raw akong makalakad, pero kailangan kong sumailalim sa therapy at gamutan.
Nag-uusap kaming dalawa nang bumalik si Harold. Agad niyang inabot sa akin ang cellphone, pero hindi ko ito mabuksan dahil wala na palang battery.
“Martha, puwede bang pakikuha ng charger sa loob ng drawer sa tabi ng kama?” utos ko sa kasambahay namin.
Nanghula lang ako, pero mukhang tumugma naman ang sinabi ko dahil sumagot si Martha.
“Kunin mo ang charger ng aking cellphone sa sala kasi nasira ang charger ng cellphone ni Ma'am Anika mo,” utos ni Harold.
“Sige po, Sir.”
Umalis si Martha, kaya naiwan kaming tatlo dito sa silid.
“Aalis muna ako, Mr. Reyes,” paalam ng doktor.
“Okay, I'll walk with you,” sagot ni Harold, at pagkatapos, sumulyap siya sa akin at ngumiti.
Alam ko kung bakit sasama palabas si Harold. Gusto niyang magtanong tungkol sa kondisyon ko, kaya hindi ako tumutol nang nagpaalam siya sa akin.
Lumabas silang dalawa ng silid. Pumasok naman si Martha at agad niyang ikinabit sa charger ang aking cellphone. Pinanood ko siya sa kaniyang ginagawa hanggang matapos siya at ipinakita sa akin ang screen.
Gumagana ang aking cellphone dahil nagcha-charge na ito. Inilapag ko muna ito sa tabi ko at hinintay na magkaroon ng sapat na battery para mabuksan ko.
“Dumating na ba sina Clara?” mahina at pabulong na tanong ko kay Martha.
“Hindi pa po, Ma'am,” sagot ni Martha.
“Alam mo na ang gagawin mo kapag dumating siya,” sabi ko sa kaniya.
Tumango si Martha at ngumiti sa akin. “Sige, kami na po ang bahala sa lahat, Ma'am.”
Inutusan ko siya na alisin ang lahat ng gamit ni Clara sa silid namin ni Harold at itapon sa guest room. Walang magagawa ang lover niya para sa kaniya dahil ako ang legal na asawa at may karapatan sa pamamahay na ito, kaya gagamitin ko ito para maputol ang mga masasayang sandali niya sa bahay ko.
Bumukas ang pintuan, kaya agad kong sinigawan si Martha. “Ang bagal mong kumilos! Hanggang ngayon ba, hindi pa tapos ang pinaggagagawa ko sa iyo!”
Agad lumapit si Harold sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at pilit pinakalma dahil alam niya na hindi ako puwedeng magalit kasi makakasama ito sa kondisyon ko, at kapag may masamang nangyari sa akin, siguradong hindi niya makukuha ang bilyong kontrata.
“Love, calm down,” mahinahon na pakiusap sa akin ni Harold. “Pinapalinis ko pa sa ating mga kasambahay ang silid natin para walang alikabok dahil bawal iyon sa iyo.”
Sumulyap siya kay Martha. “Alisin ninyo ang lahat ng basura sa silid namin,” utos ni Harold, kaya napangiti ako.
Tama siya, basura—iyan nga ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Clara, pero uunahin ko muna ang babae niya at pagkatapos, siya ang isusunod ko. Kaya magsaya muna ang manlolokong asawa ko dahil ilang araw na lang, matitikman na niya ang lupit ng paninigil at paghihiganti ko.