Chapter 12

1665 Words
ANIKA Ramdam ko ang excitement ni Harold nang pumasok siya dito sa aming silid. Agad siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Kahit hindi siya magtanong, alam ko kung anong dahilan kung bakit siya narito at kung bakit mabuti ang pakikitungo niya sa akin. “How is it?” agad na tanong sa akin ni Harold. Ipinakita ko sa kaniya ang cellphone na hawak ko. “Kanina ko pa ito sinusubukan na buksan, pero bakit ayaw tanggapin ang password ko?” Ipinakita ko sa kaniya na confused ako at pilit na ipinagpipilitan sa kaniya ang password na sinabi ko. “Hey, huwag mo munang pilitin,” mahinahon na sabi ni Harold dahil nagkunwari akong nagagalit na ako. Paulit-ulit kong sinubukan ang password hanggang sa hindi na namin ito mabuksan. Ang totoo, wala naman akong natatandaan, at hindi rin ang number na sinabi ko ang naalala ko, pero ito ang ginamit ko para hindi ko mabuksan ang cellphone sa harap ni Harold. “Mag-relax ka lang muna dito, love,” sabi ni Harold. “Lalabas muna ako at tatapusin ko ang trabaho ko sa office.” Nagpaalam sa akin si Harold, pero alam ko na nagsisinungaling siya dahil si Clara ang una niyang pupuntahan. Ngumiti ako sa aking taksil na asawa. Pinasigla ko ang ngiti sa aking mga labi nang umangat ang kanang kamay ko at marahan siyang hinaplos sa pisngi. “Puwede bang dito ka muna, Harold?” malambing na tanong ko sa kaniya. “Love, may trabaho ako—” Lumapat sa maruming mga labi niya ang hintuturong daliri ko. Kinabig ko rin siya sa batok at pagkatapos, lumapit ang mga labi ko sa punong tainga ni Harold. “Five minutes lang, please,” sensual kong bulong sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-igting ng kaniyang panga, kaya lalo ko pang pinagbuti ang panunukso sa kaniya. Habang yakap ko si Harold, maingat at palihim na kinuha ko ang lipstick na binili ni Martha kanina sa ilalim ng unan at nagpahid sa aking mga labi. Napaungol si Harold nang halikan ko siya sa leeg. Patak-patak na mga halik papunta sa kaniyang punong tainga ang ginawa ko, at pagkatapos, marahan ko itong kinagat, pero sinadya kong diinan para mas masakit. Ilang ulit ko itong ginawa hanggang sa nakuntento na ako nang masiguro ko na may bakas ng labi at lipstick ko sa leeg ni Harold. Muli akong nagpahid ng lipstick sa aking labi at hinalikan sa pisngi si Harold, pati na rin sa gilid ng kaniyang mga labi. Isang mapang-akit na ngiti ang nakapagkit sa aking mga labi nang lumuwag ang pagkakayakap ko sa balikat at katawan ni Harold. Muli kong hinaplos ang kaniyang pisngi at pagkatapos, malambing na humalik ako sa kaniyang noo. “Sige na, tapos na ang five minutes, love. Bumalik ka na sa opisina mo,” mapang-akit at malambing na sabi ko kay Harold. Nakita ko siyang napalunok. Hindi maalis ang mga mata niya sa mukha ko, pati na rin sa dibdib ko dahil siniguro kong lumuluwa ito habang suot ko ang manipis na pantulog. “Ang hot mo ngayon, Anika,” pabulong na sabi ni Harold. Ngumiti ako sa kaniya. Wala siyang ideya na nilagyan ko rin ng lipstick ang hinlalaking daliri ko, kaya naiwan ang bakas ng pulang lipstick sa kaniyang ibabang labi nang hagurin ito ng daliri ko. “I know you want me, pero hindi pa puwede, Harold,” malambing na sabi ko sa kaniya. “Hindi ko pa maigalaw ang mga binti ko. Gusto ko na kung gagawin natin ‘yan ay mag-i-enjoy tayong dalawa at napapahiyaw tayo sa sarap.” “Dammit, Anika! You're seducing me,” tila hirap na reklamo ni Harold kasi alam kong sumasakit ang kaniyang puson. Bigla niya akong niyakap at agad sinunggaban ng mapusok na halik ang leeg ko. Sinadya kong umungol nang malakas nang sipsipin niya ang balat ko dahil alam kong nasa labas ng pintuan si Clara at nakikinig sa ingay dito sa loob ng silid. “Ohhh, love, ang sarap niyan!” malakas na hiyaw ko nang dilaan ni Harold ang leeg ko. Kahit nandidiri ako sa kaniya, hinayaan ko siya. Kahit dinakot niya ang dibdib ko, tiniis ko ang pandidiri ko sa kaniya dahil kailangan ko itong gawin para magtagumpay ako sa plano ko. “Yes, Harold, ahhhh, ang sarap!” Mas lumakas ang ungol at hiyaw ko para marinig ito ni Clara sa labas. Hinatak ko rin pataas ang suot na t-shirt ni Harold dahil alam kong hindi makakatiis ang kabit niya. Gagawa ng paraan si Clara para pigilan kami ng lalaki niya, kaya lalo ko lamang inakit at pinag-init ang asawa ko. Lumiyad ako at sinabunutan ko ang buhok ng taksil kong asawa. Naibaba na niya ang strap ng manipis na suot kong nighties hanggang bewang at pinanggigilan niya ang dibdib ko. Mas lalong naulol si Harold nang makita niya ang magandang hulma ng aking katawan. Nagbilang ako ng ilang segundo, at gaya nga ng inaasahan ko, nakarinig kami ng malakas at sunod-sunod na katok mula sa labas ng pintuan, kaya agad ko siyang pinigilan. “May kumakatok, Harold.” “Hayaan mo siya,” mabilis na sagot ni Harold habang patak-patak na hinahalikan ang pagitan ng mga dibdib ko. Hindi tumigil ang pagkatok at mas lumakas pa ito, kaya malakas kong tinapik sa balikat si Harold. “Tingnan mo muna, baka importante 'yan,” utos ko sa kaniya. “Ituloy na lang natin mamaya.” Narinig kong napamura si Harold. Hindi maitago ang iritasyon na kaniyang nararamdaman nang tumayo siya at humakbang palayo sa kama. Hindi na siya nag-abala na magsuot ng damit pang-itaas at nakabukas rin ang belt at zipper ng slack. Hinatak ko ang kumot at agad kong itinakip sa aking katawan para mukha akong hubad habang nakahiga sa kama. Binuksan ni Harold ang pintuan, kaya tahimik akong naghintay kung ano ang sasabihin niya. “What do you want?” malakas na tanong ni Harold. Hindi maitago ang iritasyon sa tinig niya habang kaharap ang kaniyang kabit dahil nabitin siya. Hindi ko nakita ang reaksyon ni Clara nang makita niya si Harold, pero alam ko kung sino ang nasa labas. “Sino ‘yan, Harold?” malakas at pasigaw na tanong ko. “It's Clara,” sagot ni Harold. “Papasukin mo!” utos ko. Wala akong narinig mula sa kanilang dalawa, pero nakita kong pumasok si Clara dito sa silid namin ni Harold. Ramdam ko ang init at talim ng kaniyang mga mata habang humakbang siya palapit sa akin dito sa kama. Nakita niya akong nakahiga at sa isip niya, alam kong iniisip niya na hubad ako at may nangyari sa amin ni Harold. “Anong kailangan mo?” tanong ko kay Harold. “Si Claire… umiiyak siya,” napalunok na sabi ni Clara. “Hindi ba trabaho mo ang alagaan ang anak ko?” pagalit na tanong ko kay Clara. “Kung umiiyak siya, hindi mo kailangang kumatok na para bang nasusunog itong bahay ko!” “Pasensya na, ayaw kasing tumigil ni Claire. Iyak siya nang iyak, at gusto ka niyang makasama, kaya pumunta ako dito at kumatok,” pagsisinungaling ni Clara. Ginamit pa niya ang bata, kaya hindi ako papayag na paulit-ulit niyang gamitin ang anak nila sa pagkakasala. Siguradong kasabwat niya si Claire, kaya bumaling ako kay Harold. “Kung ayaw tumigil ng anak ko, parusahan mo kung kinakailangan. Malaki na siya. Hindi siya prinsesa sa bahay na ito dahil ampon lang natin siya, Harold. She needs to know her place!” Nagkatinginan sina Clara at Harold. Hindi nila inaasahan ang narinig mula sa akin dahil ang sabi ni Martha ay mahal na mahal ko raw ang anak nina Clara simula nang legal na ampunin ko siya at binibigay ko ang lahat ng hingin niya. “Go, ikaw na ang bahala sa batang iyon, Clara. Busy kami ni Sir Harold mo,” utos ko kay Clara. “Pero—” Hindi nakasagot si Clara nang pagalitan ko siya. “Kung hindi mo kayang gawin ang trabaho mo, puwede kang mag-resign at maraming naghihintay na kapalit mo.” “It's okay,” sagot ni Harold at pagkatapos, bumaling siya kay Clara. “Go back to Claire. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Kahit ramdam ko ang pag-aalinlangan ni Clara, wala siyang nagawa kundi ang umalis. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang matalim niyang mga tingin kay Harold bago siya humakbang palabas ng silid. Tumaas ang kilay ko nang bumaling sa akin si Harold. Humakbang siya palapit sa akin, pero pinakita ko sa kaniya na naiinis ako. “Love, you shouldn't say that, kasi kahit ampon lang natin si Claire, anak na natin siya,” mahinahon na sabi ni Harold sa akin, pero nanatiling matigas ang aking ekspresyon. “Matigas na ang ulo ng batang ‘yan, Harold,” inis na sabi ko sa kaniya. “Look what she did! Nawala na ako sa mood.” “Hey.” Hinawakan ako sa braso ni Harold, pero hinatak ko agad ito. “Ituloy mo na ang trabahong gagawin mo,” utos ko sa kaniya. “Pero—” “Please, iwan mo muna ako, Harold. Kailangan ko munang kumalma para hindi ko puntahan sa silid niya si Claire at parusahan ang batang iyon sa pag-istorbo niya sa atin.” “Okay, kung iyan ang magpapakalma sa iyo, I'll go,” sagot ni Harold. “Ituloy na lang natin mamaya.” Tumango ako bilang pagsang-ayon, pero lihim akong nagbubunyi dahil alam kong nanalo ako sa larong ginawa ko ngayon. Napagtanto ko na puwede ko palang gamitin ang ganda at katawan ko para akitin si Harold at sirain silang dalawa ni Clara. Pinamukha ko rin sa kanila na hindi na nila puwedeng gamitin si Claire para paikutin ako dahil ang anak nila mismo ang gagamitin ko laban sa kanila. They thought they were smart enough to play games with me, but they don't know what I'm capable of. It's my game, and I'll make sure I keep winning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD