ANIKA Malakas na sigaw ni Harold ang narinig ko mula sa ikalawang palapag. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at muntik pang mahulog, kaya palihim akong natawa sa kaniya habang pinapanood ko siya. “Saan mo ginamit ang card na binigay ko sa iyo, Anika?!” galit at malakas na tanong ni Harold. “Inutusan kong mamili si Martha ng damit at mga gamit ko dahil wala akong maisuot. Walang natira kahit isang damit ko sa wardrobe, kaya anong isusuot ko?” walang emosyon na tanong ko kay Harold. “Dammit! Anong binili ni Martha at umabot ng tatlong milyon ang ginastos niya?” nagpupuyos sa galit na tanong ni Harold sa akin. “My God, Harold, ipinatapon mo na ang mga damit ko, kaya ngayon anong gusto mong gawin ko? Isuot ko ang mga damit mo?” galit rin na tanong ko sa kaniya. Sa gilid ng aking mga mata,

