ANIKA Hindi mawala sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Leo kahit nakauwi na ako dito sa bahay namin ni Harold. Nakaupo ako dito sa sofa at tahimik na nag-iisip nang dumating sina Clara at Claire. Tuloy-tuloy silang pumasok at hindi ako pinansin ng batang pinalaki ko, kaya tinawag ko siya. “Come here,” matigas na utos ko kay Claire. Tumingin siya kay Clara na para bang humihingi siya ng permiso bago bumitaw sa kamay ng tunay niyang ina at dahan-dahang humakbang palapit sa akin. “Hindi kita pinalaki para bastusin ako,” pormal ang ekspresyon na sabi ko kay Claire. “Hindi mo na ba ako nakikita ngayon at dinadaan-daanan mo lang ako dito sa sala?” “I hate you!” malakas na sigaw ni Claire sa akin. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang ngiting sumilay sa labi ni Clara nang marinig niya an

