ANIKA Hindi ko masikmura na nasa isang silid lang kami ni Harold dahil nakakaramdam ako ng pandidiri sa kaniya pagkatapos kong napanood ang kababuyan nilang dalawa ni Clara. Pinalayas ko siya dito sa silid. Agad namang lumabas si Harold at pumunta sa guest room kung saan siya natutulog. Alam ko rin na kahit hatinggabi ay pumupunta roon si Clara at umaga na lumalabas. Wala akong hidden camera sa loob ng guest room kaya hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa, pero sigurado ako na gumagawa sila ng milagro doon kapag magkasama silang dalawa. Pinilit kong makatulog kahit hindi ako dalawin ng antok. Umaga na ako nagising, pero hindi ako lumabas ng silid. Tinanaw ko lang sa bintana nang umalis si Harold para pumasok sa kaniyang opisina. Umalis rin ang kotseng maghahatid kina Cl

