Saka pa lang ako nakahinga pagkabalik sa condo ni Jax. Pabagsak akong nahiga sa kama. Ilang oras lang naman ang meeting nila pero pakiramdam ko inabot iyon ng taon bago matapos.
"Huwag mo na ulit akong isasama sa meeting niyo! Nakakatakot kasama ang mga kaibigan mo!" Komento kong nakapikit.
Narinig ko siyang natawa sa tabi. Dumilat ako upang alamin ang ginagawa niya. Naghuhubad siya ng relo ngunit nasa akin ang mata. Pagkatapos sa relo, umupo siya sa kama. Sinunod niyang hubarin ang sapatos niya. Nang matapos sa sapatos ay hinubad niya ang belt niya at pantalon. Sa lahat ng iyon hindi niya inaalis ang mata sa akin.
"Pagod ako Jax!" Agap ko na kaagad bago pa ang lahat. Hinila ko ang isang unan at hinarang sa gitna namin "Hinihintay tayo ng mga kasama natin! Nangako ka kay coach na sasama tayo sa kanila ngayong gabi!"
Napanganga siya bago unti unting napahalakhak sa pangunguna ko. Titingin siya sa unan at sa mukha ko 'tapos hahalaklak ulit. Yung tawa na parang nainsulto siya pero pabiro. Natapos ang halakhak niya at naiwan na lang ay ngisi.
"What are you saying? I'm just quietly undressing myself here and I just want to lie down next to my girlfriend! Kung anu ano ang nasa isip mo! May ginawa ba ako sa banyo ng restaurant kanina?"
"Wala! Kasi restaurant iyon! Dito sa kwarto mo baka may gawin ka!"
"If I wanted to, nothing could stop me from doing that in the bathroom. Hindi ba't nagawa na nga natin sa resort?"
Natatawa niyang inabot ang unan. Pinigilan ko siya nang balak niyang alisin iyon. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang lakas ng tawa niya at naiiling pa. Naghilahan kami sa unan. Sinasadya niyang hindi lakasan ang hila. Inaasar lang ako.
"Pahiga ako! Hindi kita hahawakan! Wala akong gagawin! Tatabi lang ako-"
"Kung tabi lang ang gusto mo! Diyan ka sa kabila! Dito ako!"
Tumawa na naman siya. Sumampa siya sa kama at tinabihan nga ako. Nasa magkabila kaming side. Malaki ang kama niya kaya malaki rin ang space na naka-pagitan sa amin bukod pa sa nakaharang ang unan. Nakagilid ang mukha niya paharap sa akin. Nginingitian niya ako pero hindi nagtatangkang lumapit. Habang nakahiga'y kinakalas niya ang butones ng suot niyang dress shirt.
"That island is vast and beautiful, Clem. I have visited there once. Kung mga magulang mo ang iniisip mo. Pwede natin silang isama kung nasaan tayo."
Kumilos ako at humiga paharap sa kanya. Nakatagilid na ako. Pinagdaop ko ang mga kamay ko at ginawang unan. Nasa pisngi ko iyon habang nakatitig ako kay Jax. Gusto niya talagang tumira roon kasama ako. Payag naman daw siya na bakasyunan lang iyon pero sa tingin ko mas gusto niya pa rin talaga na doon kami tumira. Siguro dahil malayo ito sa kabihasnan at tahimik. Tahimik naman sa Mindoro subalit kung sa isla na iyon iisa lang ang bahay niyang nakatayo sa napili niyang lupa. Kaming dalawa lang ang naroon at kung sakali na magkakapamilya.
"Pag-iisipan ko, Jax. Hindi naman ibig sabihin na ayoko ngayon ganoon pa rin sa mga susunod. Lahat ng desisyon maaaring magbago."
Napangiti siya sa tinuran ko at tumango.
Nakatihaya siya at tanging ulo lang ang nakaharap sa akin. Hindi pa siya tapos sa pag-tanggal ng butones ng damit niya ngunit nasa gitna na iyon kaya't labas na ang ilang balat ng dibdib niya. Titig na titig siya sa akin na parang wala nang ibang importante sa mundo kung hindi ako lang.
"May gusto ka bang ipagaya o may naiisip ka bang sariling design mo ng bahay?"
Mahina akong natawa. Hindi nagbago ang titig niya. Puno ng pagkaseryoso iyon. Pansin ko ang ugali ni Jax. Kahit saan kaya niyang makibagay. He can be jolly and can also be overly serious. Minsan sobrang pilyo ng mga mata. Kapag naman nagseryoso ang hirap basahin kung anong iniisip niya. Nag-iiba ang kulay at dilim ng mga mata niya depende kung ano ang gusto niyang ipakita.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Wala akong alam sa mga ganyang bagay, Jax. Ang bahay nga namin si tatay lang ang gumawa."
"Just think of whatever design you want. Do you have a specific design you like? Ano ang pangarap mong bahay? Ilang floor? Ilang kwarto?"
"Wala, Jax-"
Pinatawid niya ang kamay niya. Lumagpas iyon sa unan kaya naabot niya ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at isinalikop sa kanya. Ipinatong niya ang magkasalikop namin na mga kamay sa nakagitna sa aming unan. Nakatagilid na rin siya at nakaharap sa akin. Magkaharap kami at magkatitigan.
"Just think about it, baby. Paano mabubuo ang ipapagawa kong bahay sa isla kung hindi ikaw ang pipili? Makikipagkita tayo sa mga kakilala ko na architect para magkaroon ka ng idea."
Sumang-ayon ako kahit wala akong alam sa mga ganoon. Wala akong maisip na gusto kong bahay. Kung papipiliin ako ni Jax alam ko na dapat ay malaki iyon at maganda. Hindi ko gusto iyon. Marahil ay dahil kuntento na ako sa kung anong mayroon ako bago ko pa siya makilala. Maliit ang bahay namin ngunit maayos naman. Sa likod-bahay namin ay ang mga alagang hayop. Sa harapan naman papunta sa gate ay mayroon mga tanim na puno. Nagkakalaglag ang mga prutas doon at maaaring manungkit. Para sa akin hindi mapapalitan iyon ng kahit ilang mga nagtataasang building dito. Pero katulad nga ng sinabi ko, pwede pang magbago iyon.
"Bakit hindi mo sinabi? Kahit sa akin lang sana! Madaldal ako pero kapag sinabi sa akin na sikreto, sikreto talaga!"
"Pasensya na, Irene..."
Nakatungo ako pero ang mga mata ko ay nasa kanya. Pinaglaban ko ang mga kamay ko. Kahit na pagalit ang boses niya alam ko na hindi siya talaga galit. Sumama lang ang loob. Noong una akala ko dahil kay Jax kaya ayaw niya akong kausapin. Iyon pala ay dahil sa paglilihim ko sa kanya. Nakahinga ako dahil doon kahit hindi pa kami tapos mag-usap. Paulit ulit ang paglabas ng hangin sa ilong niya. Paulit ulit din niya akong iniirapan.
"Feeling ko hindi kaibigan ang tingin mo sa akin! Wala kang tiwala sa akin na kaya kong magtago ng sikreto!"
Tinikom ko ang bibig ko upang mapigil na sumabat. May mga sikreto siya na sinabi sa akin pati ibang sikreto ng ibang tao. Minsan hindi niya napipigilan na bigla niyang nasasabi. Nagugulat na lang siya na naisiwalat na niya. Hindi ako palakwento lalo kung tungkol sa personal na buhay ng ibang tao. Pero kung sa iba niya nasabi iyon, kumalat na iyon. Hindi ko na sinumbat sa kanya ang mga iyon. Kung gagatungan ko pa, hindi kami magkakaka-ayos.
"Kailan pa?"
"Isang buwan na kami bukas," pinalobo ko ang pisngi ko pagkasagot ko.
Pumalatak siya at umirap ulit. Nilingon niya ang lamesa kung nasaan si Jax at ang mga kasama namin. Sabay sabay kaming kumain ng dinner. Nasa loob sila samantalang nasa labas kami ni Irene para mag-usap. Galing kami sa meeting at ilang oras na umidlip ni Jax bago nagtungo rito. Sila naman, galing sa itinerary na ibinigay ni Jax. Bukas, mayroon pa muli silang pupuntahan. Hindi ko nga lang natanong si Jax kung sasama na ba kami sa kanila. Huling araw na rin kasi iyon. Pagkatapos ng araw bukas, kinagabihan ay babalik na kami sa Mindoro.
"Mahal mo?"
Nagkatinginan kami ni Jax. Nasa loob sila at mayroon harang na babasaging dingding. Umiwas ako ng tingin. Mahina akong natawa kay Irene at namula. Tinaasan niya ako ng kilay. Gustong malaman ang sagot.
"Ano nga?!"
Hinawakan niya ako sa braso. Natatawa at namumula kong nabawi iyon. Noon ko pa naman ito naamin sa sarili ko.
"Oo nga!"
"Mahal mo?"
"Mahal ko!" Mas klaro na sagot ko.
Pagkabigkas ko niyon nagtakbuhan ang mga namamahay sa dibdib ko. Mula nang makilala ko si Jax, tumira na sila sa puso ko at madalas maghabulan. I shyly bit my lower lip and looked back at Jax who was inside the restaurant. Kahit mayroon kausap, kada limang segundo ay napapalingon sa akin ito.
"Sinabi mo na sa kanya?"
Bumalik kay Irene ang atensyon ko. Pinakawalan ko ang labi ko. Umiling ako.
"Hindi pa-"
"Huh?! Bakit hindi pa?!"
"Kailangan pa ba iyon? Hindi niya pa rin kasi sinasabi. Ano? Ako ang mauuna?"
"Anong problema doon? Kung nararamdaman mo sabihin mo! Hindi na kaso kung sino ang mauunang magsabi sa inyong dalawa!"
I turned to Jax. I pouted and wondered why he hadn’t said that yet. Nagkibit balikat ako kalaunan. Hindi ko masiyadong naiisip iyon. Kahit walang ganoon hindi ako nakakaramdam ng pangamba. I think we both prefer to express our feelings by actions and not by words. Maybe he's one of those men who show their love without saying it. Nararamdaman ko sa kilos niya. Pinaparamdam ko rin sa kilos ko. We likes being physically close to each other. He loves kissing me. He loves holding me. Hug me and arms around me. He puts a lot of efforts to makes me feel loved. He makes me laugh. He's asking how's my day. He listen and remembers every detail about me. We're comfortable around each other. He plans for our future. Ramdam na ramdam namin at kahit walang salita'y sigurado na kami sa isa't isa.
"Susubukan kong sabihin bukas kahit nakakahiya," sabi ko sa ngalan ng katahimikan ni Irene.
"Nahihiya ka? Bakit? Wala pa bang nangyayari sa inyo? Huwag mong sabihin na virgin ka pa rin? Kung boyfriend ko si Jax aaraw arawin ko iyan!"
Malakas akong natawa. Gusto kong mailang na ganoon ang nasa isip niya. Kung iba siguro ang magsasabi makakaramdam ako ng galit. Pero si Irene kasi ito. Madalas ang mga sinasabi niya exaggerated na lang pero hindi niya naman talaga kayang gawin.
"Ano nga? Virgin ka pa?"
Hindi ako sumagot. Umiling lang ako. Nakuha niya na kaagad. Kahit naiisip niya na kanina na may nangyari na sa amin ni Jax nakita ko pa rin na nanlaki ang mata niya. Napaupo siya sa batong benches na nakapaikot sa puno at tila mahihimatay.
"Malaki?" Puno ng kuryusidad at nahihibang na tanong niya.
Tinawanan ko siya dahil bakas sa kanyang seryoso siyang naghihintay. Napangiti ako at tumabi sa kanya.
"Paano ko malalaman kung malaki o maliit? Sa kanya lang naman ang nakita ko wala nang iba. Kahit nga sa mga subjects na may ganoon hindi ko gaanong tinitingnan-"
"Sige ganito na lang! Ako na lang ang magsasabi! Dinugo ka ba?" Tanong niyang akala mo'y nag-iinterview lang about sa thesis.
Napausog ako palayo sa kanya. Pulang pula ako. Kung hindi lang siya magagalit, iiwan ko siya rito.
"Ano ba iyang mga tanong mo! Lahat naman dinudugo sa una!"
"Merong hindi! Depende sa size! Kapag maraming dugo ibig sabihin sobrang laki at mataba!"
Nanlaki ang mata ko. Nagtakip ako ng kamay sa tenga ko. Ginala ko ang aking mga mata. Nakakahiya kung may ibang tao na nakakarinig sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o kuro kuro niya lang ito. Hindi ko magawang paniwalaan ang lahat ng sasabihin niya. Madalas kasi nag-iimbento siya at nanghuhula at sa huli na sasabihin sa akin na hindi iyon totoo. Pero 'yung maraming dugo, totoo iyon. Para akong na-m******e sa unang beses namin.
"Ano nga? Malaki ba?"
Nagawa pa niyang lumapit sa akin. Paiwas ako pero bago pa iyon nahawakan na niya ako sa braso. Hindi yata ako tatantanan nito hangga't hindi ako sumasagot.
"Hindi ko nga alam kung malaki... pero maraming dugo... at saka ano... nilagnat ako?"
Napanganga siya. Maya maya napangisi. Taas baba niyang pinadaan ang mata sa aking buong katawan. Napayakap ako sa katawan ko.
"Malaki nga! Ang swerte mo!" Nagulat ako nang hampasin niya ako sa braso. "Hindi ka na tuyong bulaklak! Para ka nang hardin na nadiligan!"
Nagkunwari siyang naiiyak sa inggit. Ngumiwi ako. Inayos ko ang aking buhok. Hinaplos ko ang hinampas niya sa akin. Bumakat yata ang kamay niya. Ang bigat ng kamay niya.
"Si Peter ba ayaw mo?"
Nahinto siya sa kunwaring pag-iyak. Laglag panga siya. Matalim niya akong tiningnan. Wala pa siyang sinasabi, nagsusumigaw na ang pandidiri sa mukha niya. Napangisi ako at naalala na ganito ako kay Jax noon. Mabanggit lang ang pangalan niya nag-iiba na ang timpla ko. Nag-usap pa kami at nag-asaran. Inaasar ko siya kay Peter at ang pagtulog nila na magkatabi sa tent. Pumasok lang kami nang tinawag ako ni Jax para pakainin ako. Pagkatapos kumain nag-inuman pa sila. Hindi na yata mawawala iyon bilang selebrasyon na rin ito ng grupo nila.
"Ayos ka lang?"
He nodded. We just got back to the condo. Namumula siya at medyo nakainom. Tahimik akong nakasunod sa kanya. Pinauna niya ako sa taas na maligo at sinabihan na bumaba pagkatapos. Medyo nawirduhan ako. Madalas ay nangungulit siya at sinasabayan ako sa pagligo.
Nakapikit ako at nags-shampoo ng buhok. Habang nasa restaurant pansin kong medyo tahimik na siya. Lumayo rin siya kanina sa akin at may kausap sa telepono. Nang lumapit naman ako mabilis niya ring ibinaba na parang hindi ko pwedeng marinig ang pinag-uusapan nila ng kung sino mang kausap niya.
Nagtagal ako sa pag-iisip. Tanging maingay na bagsak ng tubig ang umiistorbo sa akin. Naging mabagal ang pagbabanlaw ko at pagsasabon. Binalikan ko ang mga nangyari sa restaurant. Inaalala ko kung mayroon ba akong nagawa o nasabi para manlamig siya. Kahit nang pauwi na, hindi niya ni isang beses hinawakan ang kamay ko. Para lang akong estranghero na nasa tabi niya. Is that because of that call? Mama niya ba iyon? O ibang tao?
Pagkalabas sa banyo ang una kong napansin ay ang tahimik na sala at patay na mga ilaw. Nasa kwarto ako at pinapatuyo ang aking buhok gamit ang maliit na tuwalya. Tanaw ko mula rito ang sala. Natigil ako sa pagpupunas at hindi ko napigilan na sipatin ang orasan. Malalim na ang gabi. Alas dose na. Lumabas ba siya? Saan naman siya magpupunta? Iniwan niya akong mag isa rito?
Binitiwan ko ang maliit na tuwalya. Ipinatong ko iyon sa sandalan ng isa sa mga upuan saka nagtungo sa pintuan ng kwarto upang lumabas. Suot ko ang manipis na sandong puting dress na pantulog. Nakaramdam ako ng panlalamig sa aking sikmura kasabay ng pagkagat ng lamig sa aking balat habang tinatahak pababa ang hagdan. Wala siya kahit saan sa sala. Wala sa kusina. Nang makaapak sa huling baitang, tiningala ko ang mga kwarto sa itaas. Walang laman ang dalawa pang kwarto na naroon. Wala siya sa buong kabahayan. Ang tanging narito lang ay kadiliman at katahimikan.
Umupo ako sa ikalawang baitang ng hagdan. Tinitigan ko ang mga paa ko na nasa sahig. Nakakalungkot kapag ganitong malamig at sobrang tahimik. Ni wala akong kuliglig na marinig at mga hampas ng hinahangin na dahon sa bubong hindi katulad sa probinsya. When I realized that I was really alone, I was immediately enveloped in sadness and loneliness. I suddenly remembered Jax. Has he felt this way all his life? Ngayon pa lang hindi ko na kayang mag-isa. Siya, kinaya niya ng maraming taon.
Abala ako sa pag-iisip kung gaano kalungkot ang mag isa nang makarinig ako ng tunog ng piano. Mula sa aking paa'y napa-angat ako ng tingin sa pagbaha ng ilaw sa buong sala papunta sa salaming pinto palabas sa pool. Dahan dahan, tumayo ako. Awang ang labi ko na tinalunton ng tingin ang sahig ng condo na mayroon mga talulot ng puti at pulang rosas. Nakaayos iyon at mistulang aisle carpet na daraanan ko. Kahit hindi ko alam kung para saan iyon, nagsimula akong maglakad at sinundan iyon. Pagkarating ko sa pintuan ay mayroon doong maliit na lamesa. Sa ibabaw ng lamesa ay nakapatong ang tatlong puting rosas. Mayroon note sa tabi nito. Dinampot ko iyon kasabay ng pagkuha ko sa tatlong bulaklak.
"Happy first monthsary..."
Unang linya pa lang nanginig na ang boses ko. Nahirapan akong huminga dahil sa pagpipigil na umiyak. Kinurap ko ang aking mga mata upang pabalikin sa mga mata ang naipon na luha at upang maipagpatuloy ang pagbabasa. Tumikhim ako. Ang tunog ng piano ay patuloy sa pagtugtog.
"I will marry you in our first month... and I'll marry you again in the next months... and years... Pakakasalan kita habang nabubuhay ako, Clementine-" Nagawa kong tapusin ang pagbabasa bago ako tuluyang napahagulgol.
Today, I held flowers
And I dressed in white
Pumailanlang ang boses ng babae. Humugot ako ng hangin at pinigilan ang aking pag-iyak. Hawak ang note at bulaklak ay nakayapak akong lumabas para lang makita si Jax na naka-ayos at nakaputing damit. Namumula ang mga mata niya habang pinapanuod akong dahan dahan na naglalakad papunta sa kanya. Tila nawala ang lahat. Ni hindi ko nabigyan pansin ang swimming pool na mayroong mga kandila sa gilid at naglulutangan sa ibabaw ang mga bulaklak.
'Cause I never knew
Love like you show me
You see me you know me
Like no one else
Kahit gusto ko siyang malinaw na makita, hindi napigilan na humarang ng mga luha ko. Naging malabo siya sa aking paningin ngunit sa kabila niyon ay malinaw ang nararamdaman ko. Malinaw sa akin. Malinaw na malinaw sa akin na mahal ko siya.
When I found you
I found my safety
And I let it change me
"Jax..." Humahagulgol akong huminto sa harapan niya. Hinahangin ang buhok naming dalawa dahil nasa mataas na lugar.
Nasa mga mata niya ang atensyon ko habang umiiyak. Napababa ang mata ko nang mayroon siyang buksan na maliit na kahon sa aking harapan. Laman nito ay dalawang gintong singsing at ang isa ay mayroon nakapalibot na maliliit na bato. Bumalik sa kanya ang mga mata ko nang kunin niya ang isa roon. Tinitigan niya ako gamit ang mapupungay at namamasa niyang mga mata.
"I..." His voice trembled. He cleared his throat and tried to speak clearly. "I, Saint Jaxsen Dawson, take you, Clementine Alvarina, to be my wife..."
"Jax..."
Humakbang ako palapit. Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at kagat ang ibabang labi na paulit ulit na tumango. Hindi na kailangan ng tanong. Oo, yes, I do, na ang sagot ko.
And open my world
When I found you
I found myself
Mahina siyang natawa sa ginawa ko. Habang isinusuot sa akin ang singsing ay nagsilbing background music namin ang boses ng kumakantang babae sa wireless speaker na malapit sa aming dalawa.
Nang matapos niya itong maisuot sa akin ay kinuha ko ang isa pang mas malaking singsing na nasa kahon. Wala itong disenyo at walang bato. Nanginginig ang mga kamay kong isinuot iyon sa kanya. Mabilis ko siyang dinamba ng yakap nang pareho na naming suot ang singsing.
Malakas akong umiyak sa leeg niya. Katulad ko, niyakap niya rin ako ng mahigpit at malambing na itinago ang kanyang mukha sa aking leeg. Sobrang lamig sa labas ngunit hindi na namin alintana iyon dahil balot namin ng init ng yakap ang isa't isa.
"Somehow, I am grateful to my parents. Kung hindi nila ako pinadala rito, hindi kita makikilala. When I found you, I found myself, I found reasons to live, I found my sanity, I found my happiness, I found my life. Maybe it's really the destiny who sent me here. Fate sent me here to find you so you can fix the broken in me."
"Jax..." Wala akong masabi at maisip. Wala akong magawa kundi banggitin ng banggitin lang ang pangalan niya at umiyak.
"Isang tao lang sapat na para maging masaya ako. Ikaw lang ang kailangan ko. Mahal kita, Clementine."