"Fifteen minutes," huling tawad ko.
Pangalawang beses niya na akong ginigising. Pero sa tuwing magigising ako, natutulog ulit ako.
"Okay," iyan lang din ang paulit ulit niyang sagot.
Hindi yata siya natutulog at mukhang binabantayan ako dahil kada labing limang minuto talaga ang paggising niya sa akin.
Nasa likuran ko siya at nakayakap. Nakaunan ako sa braso niya. Sinisilip niya ako sa tuwing napapagalaw ako at naaalimpungatan. Nakadantay sa akin ang isa sa mga binti niya subalit hindi naman mabigat dahil sadyang hindi siya nagpapabigat. Ang balbon niya sa binti'y kumikiliti sa akin. Kahit na ganon at kahit na para siyang sawang nakapulupot, hinahayaan ko na at bumabalik na lang ako sa pagtulog.
Napasinghot ako kahit nakapikit. Sa sobrang dikit namin, amoy na amoy ko ang pabango niya. Shower gel niya o fabricon? Siguro dahil nakapaglinis na siya ng katawan habang natutulog ako? O dahil kaamoy niya ang hinihigaan namin? Hindi ko alam alin doon ang naaamoy ko. Basta ang bango niya!
Ako, palagi na lang malagkit. Nang una ganito rin, nakatulog ako nang walang ligo. Ngayon naman wala pa akong banlaw mula nang magdagat kami. Kahit na mabango ang bagong damit na isinuot niya sa akin, pakiramdam ko ang lansa ko pa rin.
Paano niya ako nagagawang yakapin ng mahigpit? Amoy pa siya ng amoy sa aking buhok sa tuwing nagigising ako. Nakalugay na iyon at hindi na nakapusod hindi 'tulad kanina bago ako makatulog. Siya malamang ang nag ayos ng buhok ko para walang sagabal sa aking paghiga. Maalaga at maalalahanin si Jax na nitong huli ko lang napapansin. Kahit hindi pa kami, nakabantay na siya sa kilos ko. Hindi ba't pati butas nga ng salawal ko noo'y nakita niya pa.
"Come on, my beautiful sleepyhead, you really have to wake up now."
Mainit na hininga niya sa aking pisngi ang gumising ng pangatlong beses sa diwa ko. Kumilos ako subalit hindi kaagad nagmulat.
"Ayaw sana kitang gisingin. I want you to sleep here but I know if I don't wake you up you will get mad at me," maagap na paliwanag niya nang masulyapan akong maghikab.
Tinaas ko ang aking isang kamay at napakusot ng mata. Inaantok pa ako pero kung magpapatalo ako sa hatak ng kama niya baka abutin na ako ng umaga. Masiyadong naging kumportable ang pakiramdan ko at tila nawalan na ng balak na bumangon. Maaari ring dahil katabi ko siya kaya ang sarap palagi ng tulog ko rito.
Gamit ang halos pikit pang mga mata'y binisita ko ang ayos ng kanyang kwarto. Madilim at kaonting ilaw lang ang bukas. Malamig dahil sa nakatodong aircon. Hindi ko iyon gaanong ramdam dahil balot ako ng kumot at katawan niya. Nang ilabas ko lang sa comforter ang kamay ko para makusot ang mata saka ko lang nadama ang matinding lamig.
"Anong oras na?" Napapaos na tanong ko.
Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Ganito ang boses ko, marahil ay dahil kagigising lang. Ni wala akong ideya kung ilang oras akong nakatulog. Basta ang alam ko hanggang ngayon masakit ang katawan ko at hapong hapo pa galing sa ginawa namin sa shower area at sa sasakyan niya.
Hindi ko first time pero wala kaming maayos na posisyon kanina. Nakatayo kami at nakaupo kaya hindi kataka takang mga binti at hita ko ang masakit. Ang yabang yabang ko pa kanina sa ibabaw niya. Mas masakit pala sa katawan ang posisyon na iyon kaysa sa inakala ko.
"Almost nine in the evening. You slept for two hours," aniya sa matigas na english at napapaos din na boses.
Sinubukan ko siyang lingunin sa aking likuran dahil maaga pa pala. Pagkatama ng mata ko sa kanya, nakaabang na siya. Nakagilid siya't sa akin nakaharap. Samantalang nakatalikod ako sa kanya. Nasa korte ng bewang ko ang kamay niya. Nang lingunin ko siya'y dumulas iyon papunta sa aking tiyan.
Nakatitig siya sa akin nang humikab ulit ako. Parang alam ko na kung bakit niya ako ginigising every fifteen minutes. Nang tingnan ko kasi siya, may pagyayaya na kaagad akong nabasa sa nangungusap na mga mata niya. Hindi naman nagtangkang magsalita. Mukhang nakikiramdam kung inaantok pa ba ako at pagod pa.
"Still sleepy?" Bumaba ang kamay niyang nasa tiyan ko. Nang nasa hita na'y tinaas niya ang laylayan ng dress ko at ipinasok ang kamay sa loob. Hinaplos niya ako sa tiyan. Unti unti at marahan iyon na umakyat.
Naramdaman ko na sinuotan niya ako sa sasakyan ng damit kanina pero ngayon ko lang natanto na damit lang ang isinuot niya sa akin. Naramdaman ko kasi ang pagdampi ng kumot sa hubad kong ibabang katawan pagkaangat niya sa dress. Mabilis ring nasakop ng palad niya ang dibdib ko na patunay na wala rin akong suot na bra.
Umawang ang labi ko. Hindi tumaas ang balahibo ko sa lamig kanina pero ngayong nanunukso sa tuktok ng dibdib ko ang dalawang daliri niya'y nagtindigan ang lahat ng buhok ko sa aking katawan. Paikot niya iyong pinaglalaruan at bahagyang hinihila.
"Are you still sleepy?" His husky voice tickles me from my ear to the brain. Sapat na ang boses niya at mga daliri para yanigin ang buong nervous system ko.
"No..." Pagsisinungaling ko kahit ang totoo'y inaantok pa ako.
Gumuhit ang ngisi sa labi niya. "Are you sure? I think you're still sleepy..."
Umiling ako. Kung isasagot ko na inaantok ako baka hindi niya ito ituloy. Nakaramdan ako ng kaba. Sa tuwing alam kong may magaganap hindi mapigilan ng puso kong tumibok ng mabilis at mag-unahan.
"Hindi na nga. Kaya lang hindi pa ako naliligo. Ang dumi dumi ko na..."
Mahina siyang natawa. Hinintay niya lang na mag-react ako bago siya kumilos. Na parang tinitimbang niya ako kanina pa at inaalam ang magiging reaksyon ng katawan ko sa pamamagitan ng paghawak lang sa dibdib ko. Nang magsalita ako alam niya na kaagad na kahit inaantok pa'y wala na akong planong matulog ulit.
"That's fine. You still smell sweet. You don't have to clean up. I prefer us doing dirty..."
Tumawa ulit siya. Binitiwan niya ang dibdib ko. Naramdaman ko siyang kumilos sa aking likuran. Kiniling ko ang ulo ko at sinilip siya. Isang baba lang sa suot niyang cotton short ay kumawala ang kanya. Tinaas niya ang isa kong hita at hinawakan niya ako sa bewang. Mula sa likod, tinutok niya ang kanya sa akin. Dahil wala akong panloob at naka-angat na ang aking dress, naging madali sa kanya ang lahat. Hindi na niya kailangan kumatok, nakapasok siya kaagad.
"Fuck..." marahan na mura niya kasabay ng marahan din na galaw.
Pumikit ako ng mariin. Binaluktot ko ang sarili ko at niliyad ang aking pang upo para sa kanya. Para mas malalim ang maabot niya. I suddenly want him to feel so much pleasure from me. Gusto ko na mas masiyahan siya sa tuwing ginagawa namin ito. Gusto ko na siya ang mas manabik na ulit ulitin ito kaysa ako. I enjoy it but I want him to enjoy it more.
"f**k!" Narinig ko ulit siyang paos na nagmura bago ko naramdaman ang unti unti niyang pagtulin.
Niyakap niya ako mula sa likuran habang nagpapatuloy siya. Gusto ko na siya ang mas masatisfy pero mukhang magkaiba kami ng plano. Mas gusto niya yata na ako ang mas mag enjoy. O sabay kami na mag enjoy. Hindi siya papayag na maiwan ang isa sa amin.
Habang nagpapatuloy siya sa paggalaw sa likod ko ay kumikilos din ang mga kamay niya upang hawakan ako. Ang braso niya na inuunanan ko ay gumapang pababa upang abutin ang dibdib ko. Nilamas niya iyon at nilaro ang dulo. Ang isa niyang kamay ay nasa b****a ko. Paikot iyon na kumakalabit doon. Tinukod niya ang kanyang siko sa kama. Hinahalikan niya ako sa gilid ng aking leeg. Pag akyat ng labi sa tenga ko, binulungan niya ako.
"Kiss me, please..." Hingal na pakiusap niya. Pinagbigyan ko siya. Ginilid ko ang ulo ko paharap sa kanya. Mabilis na hinuli ng gutom na labi niya ang akin.
Ako yata ang unang mawawalan ng bait sa aming dalawa dahil sa ginagawa niya. He's massaging my breast one at a time while he's rubbing my entrance's mouth with his fingers, side to side, up and down, and in circling motion until I feel the sensation build right in my pleasure bud. Hawak ng mga kamay niya ang mga sensitibong parte ng katawan ko. Habang walang tigil siya sa paglabas pasok at hinahalikan ako.
Umaalog ang kama niya at tumutunog, sumasabay ito sa galaw niya. Ang comforter niyang nakatabon sa amin ay panay kiskis sa aming magkadikit na katawan. Masiyado siyang eksperto sa ginagawa. Kaya naman wala pang limang minuto'y tuluyan na akong inalisan ng tino. Natigil ako sa paghalik at lalong namaluktot nang maramdaman iyon. My inside twitched deliciously. I can't help but scream for an intense climax that can be felt deep inside my body. Hindi ko napigilang murahin si Jax sa isip. Tangina niya. Bakit sa halip na siya ang baliwin ko, ako pa?
"Oh s**t! Clementine!"
Niyakap niya ako ng mahigpit sa ilalim ng makapal na kumot. Naging perfect timing iyon dahil matapos ng tatlong agresibong mga pagbaon niya mula sa aking likod ay nagkasabay kami. He shouted my name and the next thing I knew he was releasing his hot seeds deep inside my womb. Nakabaluktot kami katulad ng mga bagong silang na sanggol at nanginginig pareho. Nakapikit ako ng mariin samantalang nakabaon ng mariin ang mukha niya sa batok ko. Mabilis ang kanyang paghinga roon at hindi ako binibitiwan kahit sabay kaming nanghina.
Pagkaraan ng ilang minuto, inikot niya ang isa niyang braso sa aking bewang. Hinatak niya ako sa tiyan upang mapaluhod ako kasama siya. Nasa likod ko pa rin siya't nanatili sa aking loob. Sa ganoong posisyon ay muli siyang gumalaw. Naramdaman ko ang muli niyang pagtigas. Nakulong ang malalakas na daing ko sa unan. Nakabaon sa malambot na unan ang aking mukha habang gumagalaw siya't hinahalikan ako sa aking gulugod at balikat.
Hindi ko alam kung anong oras na ba at kung kailan kami matatapos. Kung ano anong posisyon pa ang ginawa niya sa akin. Nakahiga, nakadapa, nakatagilid, nakatalikod, nakaharap, nakaupo, nakatayo, at marami pa. Kung hindi niya ginawa sa akin hindi ko aakalain na maaari pala 'yong gawin. Na maaari pala ang ganoong pwesto.
Habang naliligo ako ganoon din ang nangyari sa banyo. Pagkabihis at bago umuwi, bumagsak kami sa sofa nang mapadaan sa sala. Inabot kami ng alas onse na iyon lang ang ginagawa! Ni pagkain nakalimutan na namin!
Pagkatapos sa sala, mabilis kaming nagbihis ulit upang maihatid na niya talaga ako. Pagkarating sa tapat ng bahay ayaw niya naman akong pakawalan. Ang mga braso niya'y tila kadenang nakapaikot sa aking bewang. Buti na lang at maaga pa lang ay tulog na ang mga kapitbahay. Tuwing ganitong oras sarado na ang mga pinto at bintana nila at patay na ang mga ilaw. Palalim na ang gabi at malamig na ang simoy ng hangin. Kung hindi niya ako hahayaan na umuwi nag-aalala akong abutin na ako ng madaling araw sa labas.
"Damn it... Why don't you just live with me so you don't have to go home?"
Binaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Ayaw niyang mahiwalay ako sa kanya ngayong gabi.
"Magkikita naman tayo bukas!" Mahina ngunit mariin ang boses ko. Hinampas ko siya sa balikat at sinubukan na kumawala.
Mahina akong natawa nang magmura siya dahil ayaw akong bitawan. Nakarami na siya pero nakukulangan pa yata. Hindi ko siya masisi dahil ngayon lang kami nagkaroon ng mahabang oras. Tapos tinulugan ko pa siya. Kunsabagay, wala naman siyang inaksaya kahit isang minuto pagkagising ko.
"Bukas pa iyon... Gusto kitang kasama bago ako matulog at paggising ko..."
"Pakawalan mo na ako! Kailangan ko nang pumasok, Jax! Mapapagalitan na ako!"
Natatawa ako na medyo kabado nang sapilitan kong alisin ang braso niya. Ang higpit kasi ng hawak niya. Eh alas onse pasado na! Lagpas na ako sa oras ng paalam ko! Ayaw niya raw akong mahuli sa oras na pinaalam ko dahil baka mapagalitan ako. Pero nang mahawakan ako, ayaw naman na akong bitawan.
Pagkatakas ko sa braso niya, lakad takbo kong tinungo ang kahoy namin na gate bago pa ako abutin muli ng braso ni Jax. Pagkapasok ko sa bahay, tahimik na at mukhang tulog na sila nanay.
Maingat ang galaw kong pumasok sa kwarto. Sumilip ako sa bintana. Nakahawak si Jax sa kahoy na gate at nakatanaw sa bintana ko, inaabangan ang pagsilip ko. Nangingiti ko siyang itinaboy para umalis. Tumango siya. Bago tumalikod ay sinenyas niya ang kanyang kamay para sabihing tatawagan niya ako pagkauwi niya.
Nakangiti akong pumikit pagkahiga sa sariling kama. Bumuntong hininga ako. Kahihiwalay lang namin gusto ko na ulit siyang makasama. Kung pwede nga lang na tumira na ako sa kanya gaya ng alok niya, ginawa ko na. Pero hindi pwedeng mangyari iyon dahil hindi ko naman siya asawa. Bata pa ako at hindi pa handa para roon. Masiyado pa kaming malayo sa bagay na iyon.
"Rowan! You forgot to juggle the ball!"
"Gael! Go to the ladder!"
"Henry! Go back to the first sets!"
Kinabukasan, nabungaran ko ang sigaw ni Jax. Pinapagalitan niya ang ilan sa mga kagrupo niya. Mayroon mga nakalatag sa damuhan na gamit nila sa pagpapraktis. He's wearing soccer shirts, soccer shorts, soccer socks. Nakaputi siyang sapatos at kulay puti ang medyas. Nakapamewang siya at umaga pa lang pawis na pawis na. Sa itsura nila, mukhang madaling araw pa lang nagpa-practice na sila.
Napangiti ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad na kipkip sa isang balikat ang dala na shoulder bag. Sinadya kong bagalan ang paglalakad sa tapat nila. Pinagmasdan ko siya. Halos lumuwa ang puso ko sa aking lalamunan nang maisip na boyfriend ko iyang magandang lalaki na iyan at inangkin ako ng paulit ulit kagabi.
Salubong ang kilay niya habang pinapanuod ang pagtakbo ng mga kagrupo. Panay turo at sigaw niya sa mga nagkakamali. Nang dumaan ako sa fence, nahagip ako ng mata niya. Dalawang beses siya na napalingon sa akin bago nasiguro na ako iyon.
Unti unting nawala ang pagkunot ng kanyang noo. Kumalma siya nang makita ako. Maliit akong ngumiti at patagong kumaway. Lumabi siya at pigil ang ngiting sinigawan ang dumaan sa harapan niyang nagkamali na naman na ka-team. Suminghap ako ng sariwang hangin. Isang huling sulyap pa namin sa isa't isa bago ko nagawang lagpasan ang field.
Simula nang maging kami, pakiramdam ko bumilis ang mga araw. Hindi ko namalayan na magdadalawang linggo na kami. Araw araw kaming nagkikita. Bago pumasok hindi na kami nagkikita sa puno o sa waiting shed dahil pareho kaming abala at magkaiba ang oras ng pasok. Mas maaga na siya ngayon pumasok kaysa sa akin dahil nga sa practice nila.
Sa oras ng break time, sa canteen na sila kumakain. Madalas ay kasama nila si Coach Roiland. Nagbabaon ako madalas noon pero dahil bayad niya ang pagkain ko naisipan ko na tanggapin na lang ang inaalok ni Ate Amor sa akin. Sobra sobra pa nga ang bente mil na binayad niya.
Sa tuwing kukuha pa ako ng pagkain sinasabayan ako ni Jax. Sa tuwing nagkakatabi kami sa pila umaani iyon ng panunukso galing kay Ate Amor. Madalas ko siyang sawayin sa takot na baka may makarinig sa panunukso niya. Namumula ako at nagkukunwaring hindi napapansin si Jax na nasa aking tabi kahit amoy na amoy ko siya.
Sa uwian na kami nagkakasama. Sa kwarto niya kami madalas. Kung hindi ko siya sa sala ng kwarto niya tinuturuan, sa kama niya kami. Maayos naman siyang nag-aaral. Nakikinig ng mabuti. Pagkatapos nga lang niyang magsagot, may nangyayari sa amin. Dalawang oras akong namamalagi sa kwarto niya bago niya ako ihatid. Isang oras niya akong tutor. Ang isang oras naman ay pinupunan namin bilang mag-boyfriend at girlfriend.
Siya na ang mas madalas na nag-aadjust sa sitwasyon namin lalo't hindi ako makapagdahilan sa mga kasama ko para makipagkita sa kanya sa locker room. Hindi na siya nagrereklamo. Nabawasan din ang pagiging seloso niya. Sa tuwing may lalapit sa akin na lalaki naaabutan kong nakatingin siya. Ngingitian niya ako pero alam kong sa loob loob niya nagseselos siya kaya ako na ang lumalayo. Our relationship involves two people. We are both responsible for each other. Kung nag-a-adjust siya. Mag-a-adjust din ako.
Jax:
Mamaya ka na umorder. Sabay na tayo. Papunta na kaming canteen. Magpapalit lang ako ng damit.
Katatanaw ko lang sa second floor ng building na papunta sa locker room ang grupo nila, nakatanggap na ako ng message galing sa kanya. Habang naglalakad nagt-type ako.
Me:
Ako na lang ang pupunta sayo. Wala akong kasama ngayon na kumain. Bumili ako ng tinapay. Kainin natin sa locker room niyo.
Hindi na ako nakatanggap ng message galing sa kanya. Pagkapasok ko sa building ng locker nila, naabutan kong pinagmamadali niyang umalis ang mga kagrupo niya. Nagtago ako dahil madadaanan nila ako. Nakalimutan kong may mga kasama nga pala siya. Ang iba'y nagrereklamo at bitbit ang tshirt na hindi pa naisusuot. Ang isa pa ay nakita kong nakaboxer lang na lumabas at doon na sa labas nagsuot ng uniform.
"Anong problema nitong si Jax? Bakit pinalabas tayo?"
"Hindi pa nga ako tapos maligo! Kasasabon ko pa lang pinagbanlaw na ako!"
"Buti ka pa nga nakapagsabon ka! Hindi pa nga ako nakakaligo! Maghuhubad pa lang ako hinila na ako palabas ng banyo! Hindi man lang ako pinaghugas ng itlog ko!"
Nagtawanan sila. Pinamulahan ako. Gago talaga ang ilan sa mga ka-team niya. Halos lahat pa kaugali niya na babaero at bulgar. Kaya siguro mga nakasundo niya ang mga ito.
"Ang alat na niyan! Makikipagkita ka pa yata kay Pia!"
Nagtawanan ulit sila. Inakbayan ni Peter ang mga kasama nilang hindi nakapaglinis ng pawisang katawan mula sa praktis.
"Huwag na kayong magreklamo! Nagbigay si Jax ng pera ilibre ko raw kayo sa sabong!"
Nagsigawan silang lahat at mabilis nakalimutan ang ginawang pagpapalabas sa kanila ni Jax. Nang malagpasan nila ako. Sinilip ko si Jax. Nasa pintuan siya at nagkakanda haba ang leeg. Hinihintay siguro ako dahil pagkalabas na pagkalabas ko sa pinagtataguan ko, sinalubong niya ako. Hinila niya ako papasok sa locker room nila at mabilis na sinarado ang pinto.
Hindi pa siya nakakapagbihis. Basa pa ng pawis ang buhok. Wala yatang araw na bumaho itong tao na ito. Kahit pawisan siya amoy na amoy ko ang pabango. Iba talaga ang dating ng amoy niya sa akin kumpara sa amoy ng ibang lalaki. Wala pa siyang ginagawa, basta maamoy ko siya may kung ano nang mga naghahabulan sa loob ko.
"Bakit wala kang kasama?" Tanong niya pagkahinto sa tapat ng locker niya.
Binuksan niya iyon. Binitawan niya ako. Naghubad siya ng pang itaas na damit. Kumuha siya ng towel at isinabit iyon sa leeg niya.
"Ayaw mo ba?" Tanong ka. Nakatingin ako sa kanya. Abala siya sa locker.
Hindi maiwasang bumaba ng mata ko sa katawan niya. Habang nagdadaan ang araw parang lalong lumalaki iyon. Nag-iiba rin ang kulay niya na mas bumagay sa kanya. Malaki ang puti niya sa akin sa unang araw na tumuntong siya sa probinsiya. Ngayon medyo nagiging kakulay ko na siya. Sa hangin siguro rito lalo at madalas siyang nasa field para maglaro at magpraktis ngayon.
"Gusto ko naman. Pero siyempre nagtataka lang ako."
Nasa gilid niya ako habang may inaayos siya sa loob ng locker. Nakalabi akong tumitig sa kanya bago nagpaliwanag.
"Hindi pumasok si Irene. May meeting si Harry. Si Cathy naman uuwi raw muna dahil dumating ang kuya niya kaya doon na kakain."
Tumatango siya habang sinasarado niya ang pinto ng locker. Bago magsara, nahagip ko ng tingin ang litrato naming naroon na patago niyang kinuha noong nakaraang araw.
Nakadapa ako at tulog sa kama. Nakaladlad ang mahaba kong buhok sa unan. Nakahubad ako't nakatakip lang ng kumot mula sa bewang. Nakaunan siya banda sa pang-upo ko at malaki ang ngisi sa mukha. Nalaman ko na lang na may picture kami nang napa-print na niya. Likod at buhok ko lang naman ang kita kaya hinayaan ko na.
Hinarap niya ako. Nagbaba siya ng tingin sa katawan niya at sa katawan ko. Makintab ang dibdib niya pababa dahil sa pawis. Ako, malinis na malinis ang damit at katawan. Nakalugay rin ang buhok ko na makintab ngayon dahil kasusuklay ko lang.
"Ang bango bango mo kahit hindi kita amuyin. Pawisan pa ako. Mamaya na kita yayakapin, ah? Maliligo muna ako."
"Okay," ikinibit ko ang aking balikat. Ngumisi siya at hinalikan ako sa ulo na hindi ako hinahawakan.
Pagkapasok niya sa shower room, inikot ko ang tingin sa buong locker room nila. Mas malaki ito kaysa sa locker room ng cheering. Mas malinis din. May limang pinto ng toilet. Malaki ang bawat locker. Nang pumasok si Jax sa banyo, nahagip ng mata ko ang wall mirror at sink. May mga pahabang upuan sa tabi ng locker na pwede pagpahingahan. Pwede pa ngang higaan dahil malambot at may kutson.
"Ikaw ang nagpaayos nito?"
Nakaupo ako sa isa sa mga pahabang upuan nang lumabas si Jax. Nakatapis siya ng puting tuwalya. Ang isang maliit na towel ay nasa ibabaw ng ulo niya.
"Si Lola. Maayos naman ito paglipat ko. Pinadagdagan niya lang ang banyo."
Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. Nilapit niya ang kanyang mukha para halikan ang labi ko pero lumayo ako. Sumimangot siya nang hindi niya naabot ang labi ko.
"Pati halik bawal sa loob?"
Natawa ako. Ako na ang lumapit at pinatakan siya ng mabilis na halik. Umiling siya at kunwaring masama ang loob na tumayo. Hindi namin iyon ginagawa sa loob ng school. O hindi pa? Hindi ko siya binawal pero parang naintindihan niya na ayokong gawin iyon sa school kaya hindi niya ginagawa. Wala rin naman kasi kaming pagkakataon sa loob ng school at ngayon lang ako nagkaoras na puntahan siya rito.
Lumapit siya sa locker. Napaiwas ako ng tingin nang hubarin niya ang tuwalya na nasa bewang niya. Nakatalikod siya sa akin. Sa locker siya nakaharap para kumuha ng susuotin kaya't pang-upo niya lang ang nakita ko. Pinamulahan pa rin ako kahit hindi ko na mabilang kung ilang beses na naming nagawa iyon. Sinadya niya at alam niyang namula ako dahil narinig ko siyang mahinang natawa.
Imbis na panuorin ang lantarang paghuhubad niya, inabala ko na lang ang sarili ko sa paglabas ng mga pagkain sa bag. Mga tinapay lang ito, chichirya, at inumin. Pagkalabas ko sa lahat ng pagkain, nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa aking likod. Nang lingunin ko'y nakabihis na siya at preskong presko.
"Thank you for coming here," bulong niya't hinalikan ako sa leeg at pisngi. His embrace tightened, iniipit na niya ako at parang gustong pisain. "Oh damn... I can't believe you're my girlfriend... and I don't know that it's possible to miss you even if you're just next to me..."
Napangiti ako. Pinatong ko ang kamay ko sa braso niyang nakayakap sa akin. I never thought Jax could be this sweet. Hindi ko naisip na kaya niyang maging ganito. Na may ganito siyang ugali. Na isang araw magbabago siya.
Nakikisama siya sa mga kaibigan niya pero hindi na siya umiinom ng alak. Hindi na naninigarilyo. Lalo namang hindi na nagsusugal at nagka-cutting. Kapag oras ng aral, nag aaral siya. Maganda rin ang kinakalabasan ng practice nila sa soccer. Narinig ko pang pinupuri siya ng ilang guro na napapansin ang ilang magandang pagbabago sa kanya.
He changed. I inspired him to change. And I can see how he genuinely want to improve himself and get rid of his bad habbits. To be a better person. To be a better man for me as he promised.
Sinandal ko ang likod ng aking ulo sa kanyang dibdib. Ginilid ko ang aking ulo at hinayaan siyang paulanan ako ng maliliit na halik sa aking leeg. Itinaas ko ang isa kong kamay. Humawak ako sa basa niyang buhok. Sinuklay ko iyon ng aking mga daliri. Namumungay ang mga mata ko. Para akong sasabog sa nararamdaman ko sa kanya dahil hindi na iyon magkasiya sa dibdib ko.
"I miss you too Jax... I miss you more and more each day..."