READ THE WARNING!
________________________________________
This is a work of fiction, products of the Author's imagination. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental.
_________________________________________
It contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, spelling, and typos.
I write offensive plots. If you are easily offended or not ready for mature or offensive contents, my stories are not suitable for you.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
__________________________________________
MAGWARNING NA AKO ULIT KASI SA MGA SUSUNOD SA CHAPTER NA IA-UPDATE KO MAY MGA MASESELAN NA SCENE. PAKIBASA ANG WARNING NG MABUTI. DALAWANG CHAPTER ULIT ITO NA 67 DAHIL MAHABA AT HINDI KAKASIYA SA ISANG CHAPTER LANG. SALAMAT.
-----Miss IYA-----
I moaned when I felt a tickle on my skin. Kasunod no'n ay panlalaking tawa. Slowly, I opened my eyes. My whole body hurts but it was a beautiful day when I woke up. Namulatan ko si Jax na nakatitig sa akin. Nakangiti siya. Nakahiga siya ng patagilid. Ang isang siko ay nakatukod sa bean bag at salo salo ng kamay ang ulo. Sa akin siya nakaharap. We're still naked underneath the blanket. The first thing that came into my mind when I saw him was I was thirsty. I don't know if I'm thirsty for water or for him.
"Hmm..." Muling daing ko.
Humalakhak siya nang mamutawi ang mahinang ungol sa akin. Saka ko pa lamang natanto na mayroon siyang hawak na puting feather na mukhang nanggaling sa nasira naming unan. Pinapadaan niya iyon sa hubad kong katawan na umaani ng mahihinang tunog mula sa akin. Nang ulitin niya, sinaway ko siya't itinulak ang kanyang kamay. Humalakhak siya. Iyon siguro ang paulit ulit na nangingiliti sa akin kaya ako nagising.
"Good morning, Love," ngiting ngiti na bati niya.
Ang kamay niya na pinangkikiliti sa akin ay inabot ang buhok ko at inayos. Mahapdi pa ang aking mga mata. Pinilit ko lang na dumilat dahil may araw na at upang alamin kung anong bagay ang gumagapang sa balat ko.
"Ang aga mo magising," wala pa sa diwa na tanong ko. "Natulog ka ba?"
"Hindi ako makatulog. I can't close my eyes and I can't stop staring at you... You are too beautiful..." Umangat ang gilid ng labi niya para sa isang ngisi.
Mahina akong natawa. Umirap ako na mabilis kong pinagsisihan nang masilaw sa pumasok na sinag ng araw. Sa halip na ulitin iyon, ipinikit ko na lang ang aking isang mata.
"Matulog ka na! Hindi naman ako mawawala kahit pumikit ka riyan!"
Ngumiti siya. Napunta ang tingin ko sa pisngi niya. The deep dimples on both of his cheeks was a fresh breath of air. Inayos niya ulit ang buhok ko. Sa tuwing dumadampi ang daliri niya hindi ko maiwasan na kilabutan. Nakakatitig siya sa mga mata ko. Sandali kaming tahimik na magkatitigan bago siya nagsalita.
"Ayos ka lang ba na dito muna tayo? Ipapaayos ko ito para maging cabana house natin? O may gusto kang ibang lugar dito sa Mindoro?"
Ngumuso ako at hindi inalintana na inaantok pa.
"Bakit mo tinatanong?"
"May bibilhin ako na bahay," sagot niya.
Kumunot ang noo ko.
"Bahay? Para kanino? Saan?"
"Of course for us..." Ibinaba niya ang kamay niya at dinala iyon sa baba ko. Hinaplos niya ako roon habang nakatitig pa rin sa akin. "I want to buy the house where we first made love..."
Bumuka ang labi ko. He looked at my lips and played my lower lip with his fingers.
"I talked to the owner. Wala na raw silang balak na tumira rito. Pinagbibili na rin. Sinabi ko na huwag munang ipagbili sa iba at tatanungin muna kita. Malapit sa school iyon kaya mas mabilis tayong makakauwi at makakapasok kung doon tayo titira."
Lalong umawang ang bibig ko. Malapit nga iyon pero patapos na ang school year. I don't think that's his only reason. Maaaring iniisip niya na ayoko magpakasal dahil sa problema ng mga magulang namin kaya inaalok niya ako na magsama na lang muna kami. I think deeply about his offer. Kalaunan, namungay ang mga mata ko at saglit na nalimutan ang antok.
"Gusto mo na mag-live in tayo?" Tanong ko.
Nahinto ang daliri niya sa paglalaro sa aking labi. Mula sa aking labi, napunta sa mata ko ang tingin niya. Salitan niya akong tinitigan sa mata.
"Ayaw mo pa ba?"
Hindi ako nakasagot. Nanunuyo lang ang lalamunan ko nang magising, ngayon may biglang bumara na roon. I suddenly feel touched. I suddenly feel a good sensation, not physically but emotionally.
"Are you okay with us living in a tent? Or maybe you want us to live somewhere else? Maganda naman ang pwesto na iyon kinulang lang sa renovate-"
Inabot ko ang labi niya bago pa man siya matapos. Nagdiwang bigla ang puso ko dahil naisipan niya 'yung bilhin. Sa totoo lang wala naman special sa lugar na iyon. Puro sapot at maalikabok kaya hindi pumasok sa akin na maiisipan ni Jax na bilhin iyon. At iniisip pa niya kung saan ako magiging kumportable kung sakali na magsasama kami sa iisang bubong.
"What does that kiss mean? Does that mean, yes?" Hindi siguradong tanong niya matapos putulin ang halikan namin.
Nanunubig ang mga mata ko na tumango. Tumawa siya at nagmamadaling napaupo. He shouted yes and reached for his phone. Bumalik siya sa paghiga sa tabi ko habang mayroon tinatawagan sa telepono.
He was kissing me on my shoulder while he was talking to the owner of the house. Naririnig ko ng buo ang usapan nila. Nasa ibang bansa iyon pero nagawa niyang makausap kahit malayo. Garalgal ang boses nito at kahit hindi namin nakikita, nakikinita ko na itong kulubot na ang balat.
"No problem, Sir. I will actually about to double the price. I will transfer fifty million pesos to your account right after this call."
Napasinghap ako. Tinaasan niya ako ng kilay nang mapatingin siya sa akin. Kamuntikan na akong mapabangon. Kulang sa akin ang salitang nagulantang. Pinigilan kong sumingit at magreklamo. Ako na lang ang nahiya dahil nag-usap pa sila. Hindi lang pala ang lupa na kinatitirikan ng bahay. Buong lupain na nakapaligid doon kasama sa binili ni Jax. Kung tatantyahin, lalagpas iyon sa thirty hectares na ibinigay sa akin ng lola niya. Halos sakupin nito ang kalahating baryo.
"Thank you," tinapos ni Jax ang tawag.
Nang magkasundo sa presyo at wala nang problema, agad iyon binayaran ni Jax. Nakatulala lang ako. Huli ko nang natanto na isang click lang bayad niya kaagad ang lupa. Na seryoso siyang pagkababa sa tawag, babayaran na niya.
"Sigurado ka na ba riyan? Kapapayag ko pa lang! Pwede pa magbago ang isipan mo!"
Tumawa siya at itinuro sa akin ang cellphone niyang kalalapag lang sa gilid ng lampara.
"Hindi mo nakita? Nabayaran ko na. Kaya siguradong sigurado na ako-"
"Ang laking halaga ng fifty million! Bakit kailangan mo pa kasing doblehin!"
"What do you mean expensive? I was even shocked at first, because in fact, the price was so cheap!"
"Tigilan mo nga ako sa kayabangan mo! Bakit kasi kailangan mong bilhin ng buo? Pwede naman na 'yung bahay lang!"
"That house is special to me. If I don't buy it in full, other buyers might buy it. I don't want another house near us. Maiingayan sila..."
Nagtaas baba ang kilay niya. Pabuga at pasarkastiko akong natawa. Hindi ako makapaniwala. Si Jax 'yung tao na isang pitik lang, nandiyan na sa harapan niya ang gusto niya.
"Bahala ka na nga! Pera mo naman iyan!"
"I will name it after you. Ipaparenovate natin pagkalipat sa pangalan mo-"
"Bakit sa akin?!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Halos atakihin ako.
Naintindihan ko pero nagulat ako. Laglag ang panga ko at hindi ko na mapulot iyon. Hindi ko pa nga naibabalik sa lola niya ang titulo na pinangalan nito sa akin, uulitin pa ng apo? Hindi naman ako nanghihingi ng lupa kaya bakit ba sila bigay ng bigay?
"Huwag sa akin, Jax! Ikaw ang nagbayad kaya sa pangalan mo iyan ipalagay!"
Natawa siya pagkakitang nainis ako. Hindi ko sigurado kung susundin ako nito. Kung paano nila nagagawa at magagawa iyon na wala ang pirma ko, hindi ko alam! Nagawa ng lola niya at hindi malabo na pati siya!
"That's fine. That will be our first conjugal property-"
"Hindi naman tayo kasal!"
"Doon din naman ang tuloy natin," ngumisi siya.
Bago pa makaangal, hinawakan niya ako sa bewang. Inangat niya ang isang hita ko. Bumaba siya ng kaonti at habang magkaharap kami'y unti unti siyang pumasok sa aking loob. Ang balak kong paninigaw ay unti unting natunaw. He kissed me. He thrust violently. Kung makapasok ngayong araw o hindi, bahala na.
"Ah..." Ako nang hindi ko na mapigilan at sa isang kalabit ay halos mangisay ang katawan ko sa pagkakahawak niya.
Abala pa akong manghina nang baguhin niya ang pwesto namin at umibabaw siya. Mula sa pwestong iyon, maraming beses siyang umulos.
"Jax! Ah!"
Naitulak ko siya. Natigil kami sa halikan. Napakapit ako sa isang braso niya at naibaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Nagmura siya. Ilang sandali lang, naramdaman kong nanigas siya sa aking ibabaw. Nagbitiw siya ng igting panga na mura kasabay ng pagputok niya sa akin ng mainit na kanya at ikinalat iyon sa aking loob.
Dalawang beses pa naming ginawa bago tumigil. Malaki akong humikab. Pumikit ako. Inaantok pa. Tinalikuran ko siya kahit ramdam ko siya sa aking tabi na walang kapaguran. Narinig ko siyang humalakhak at agarang nadama ang pagsumiksik niya sa akin. Bago ako makatulog ulit, napangiti ako dahil nasa presensya niya na masayang masaya siya.
"Are you raising your voice at me, Jax?!"
"Hindi po-"
"Pakikialaman ko ang buhay mo kung kailan ko gusto! Ako ang magpapatakbo sa buhay mo at ako lang ang susundin mo!"
At first I was just frowning. But eventually, the shouting was forced me to wake up. I lazily opened my eyes, confused from the sound. The light of dawn seeped into the curtain. Napatakip ako sa aking mata ng kamay dahil sa biglaang pagkasilaw. Nang magising ako kanina, payapang tunog lamang ng alon ng dagat at pagtawa ni Jax ang naririnig ko. Sa pangalawang gising ko, halos hindi na marinig ang alon dahil tinatalo ito ng matinis na sigaw.
"Nasa loob ba ang anak ko?" Malumanay ngunit may diin at pamilyar ang boses.
"Opo, Tita. Nasa loob po..."
Magalang ang boses ni Jax ngunit hindi iyon ang umagaw sa atensyon ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyang nagising. Kabado at nagkakarerahan ang t***k ng puso ko. Tila iyon umakyat at napunta sa magkabilang tenga ko. Dinig na dinig ko sa sariling puso ang pinaghalong takot at kaba. Agaran akong napabangon nang matantong may ibang tao bukod sa amin ni Jax. Hindi ibang tao! Boses iyon ni nanay!
"Natutulog pa po siya, Tita. Ihahatid ko na lang po pagkagising niya..." Puno ng galang at mahinahon ang boses ni Jax ngunit hindi niyon mabawasan ang kaba ko. Lalong tumindi nang matanto na nasa labas ang mama niya at nanay ko.
Nataranta ako at hindi alam kung ano ang unang gagawin. Nagkabuhol buhol ang lohika sa isip ko. Nakahubad ako at walang kahit anong suot maliban sa medyas na nasa aking mga paa. May nginig akong lumapit sa bag niya at naghanap ng madaling isuot doon. Alam kong mayroon akong mga damit dito dahil ito ang bag niyang nasa sasakyan. Dress na ipinahiram sa akin ni Ynah noon ang una kong nahigit. Habang nagbibihis tumatakbo sa isipan ko kung ano ngayon ang iniisip ni nanay lalo't naabutan niya kami ni Jax na natutulog at nasa ganitong sitwasyon. Pagkauwi niya ito pa ang ibubungad ko.
"Kailangan kong kunin ngayon ang anak ko..." si nanay ulit.
Nang matapos ang taranta at maiayos ang pagbibihis, humakbang ako at sumilip sa puwang nang nakahawing kurtina. Si Jax at ang Mama niya ang unang nahanap ng mata ko. Nakatalikod ang mga ito sa akin. Kabado kong nakagat ang aking kuko sa hintuturong daliri. Kinagat ko ang ibabang labi ko at gusto kong maiyak nang kaonting lapit pa'y nasilip ko si nanay.
"Dapat lang! Dahil hindi ko matatanggap ang anak mo! I have a woman chosen for my child and that is not your child! Never!"
Si Jax ang kausap ni nanay ngunit mabangis na sumabat ang Mama niya. Matalim ang mata nito. Noong una'y nagulat akong makita siya. Nang mapunta ang aking tingin sa likuran ni nanay, mas lalo kong ikinagulat nang makita si tatay. Seryoso lang siyang nakatayo sa likod ni nanay na akala mo'y bodyguard at nakabantay.
"Ma... please..."
"No! You're coming home with me! We brought you to this province because we thought you would never do that again! Isn't it enough that Georgina has suffered thrice because of what you've done? You have added that Maya! And now Gary's daughter?! Narinig ko pa na nakarelasyon mo ang isa sa mga guro mo sa school ninyo?! Ilan ang mga babaeng ginalaw mo sa lugar na ito?!"
Nagbaba ako ng tingin sa pagkuyom ng kamao ni Jax. His palms were tightly closed. Kahit nakatalikod sa akin, pansin ko ang pag-igtingan ng mga panga niya. Namumula ang kanyang batok na tiningnan ang reaksyon ng mga magulang ko. He must be agitated and embarassed in front of my parents right now. Pagbalik niya ng tingin sa mama niya'y mas tumigas ang pagsara ng kanyang kamao. Maaaring nagpipigil na lang siya ngayon na sagutin ng pabalang ang mama niya. I can see how much he holds back his anger in front of his mother. Even though he wants to shout at her, he still tries to be gentle.
"Ma... Let's just talk about it at home...."
"Yes! We're really going home because Georgina is waiting for you at the mansion!"
Nanlaki ang mga mata ko. Parang may isiniwalat na maruming sikreto sa harapan ko. Nakapagpasinghap sa akin ang pangalan na sinambit ng mama niya. Napatakip ako ng kamay sa aking bibig. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Bigla na lang akong kinabahan. I was stunned at the thought that Georgina's here. Jax didn't know about her message. I was about to tell him too about that pero nakaligtaan ko iyon kagabi at kanina.
"She pleaded with me to send you home! Malaki ang atraso mo sa kanya! You should have taken care of her after what you did! Pero siya pa ang nagmakaawa sa akin na pauwiin na kita sa halip na ikaw!"
Inalis ko ang isip sa naririnig na usapan sa labas. Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nabasa ko. Masakit iyon nang una kong mabasa pero sa paglipas ng araw at sa mas maraming nangyari, nawala na ang sakit, kaba at katanungan na lang ang naiwan. Kung hindi niya girlfriend? Ano? Kaibigan? Pero may magkaibigan ba na nagtatawagan na babe? Mayroong I miss you? Mayroong I love you? Normal ba iyon sa bansa nila?
Napapikit ako ng mariin at napahawak sa aking noo. Nabawasan nga kagabi ngunit nadagdagan na naman ngayon ang iniisip ko. Hindi ako makapili kung ganitong sisilip na lang ba ako o lalabas. Pero kahit piliin ko na hindi lumabas, hindi rin naman ako pwedeng nandito lang sa loob dahil mukhang nandito sila nanay para iuwi ako.
Dumilat ako nang maramdaman ang hangin dahilan ng paghawi sa kurtina. Napaatras ako nang pumasok si Jax. Ngayong nasa loob saka ko siya napagmasdan. Lukot pa ang pang itaas niyang puting damit at ang buhok ay sinusuklay niya ng kanyang kamay, o sinasabunutan? Hindi ako sigurado dahil mahigpit ang kapit niya habang pinapadulas ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok.
"You're awake..." Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko bago sa aking mata. "Nasa labas ang magulang mo-"
"Galit sila?" Kinakabahan na putol ko.
Binasa niya ng dila ang labi niya at tinigilan ang kasasabunot sa kanyang buhok. Binaba niya ang kanyang kamay. Umiling siya at problemadong nagpamewang.
"Hindi... Kinukuha ka lang..." Pumikit siya ng mariin. Tumingala siya at huminga ng malalim.
Masaya ako na nariyan sila at mukhang maayos sila. Pero parang ayokong lumabas at magpakita sa ganitong sitwasyon. Nais ko na lang na kainin ako ng mga pebbles dito at iluwa ako sa sala ng bahay namin. Hindi ko inasahan na magigising ako na mayroon ganitong eksena. Si nanay at tatay, na nasa labas at hinihintay ako na sumama sa kanila. Hindi ko naimahe na ganito ang madadatnan sa muling paggising ko. Ang inasahan ko ay sabay kaming papasok sa eskwelahan at sabay na uuwi ni Jax. Pag-uusapan namin kung kailan kami magsasama. Ngayon, pareho namin alam na kailangan namin i-isantabi iyon.
"Sasama ka ba?" Nanghihinang tanong niya pagkayuko niya sa akin. "Kung ayaw mo, kakausapin ko sila na dito muna tayo. Ihahatid ko lang si mama. Babalikan kita-"
Umiling ako.
"Hindi pwedeng hindi ako sumama, Jax. Hindi sila aalis na hindi ako kasama..." Sabi ko dahil base sa maikling sagot ni nanay, buo ang loob niya na maiuwi ako.
Alam niya rin na hindi pwede. Kailangan kong kausapin ang mga magulang ko. Umupo ako sa bean bag. Ang suot kong uniform kagabi'y isinilid ko sa aking school bag. Naramdaman ko siyang tumabi sa akin hanggang sa yumakap na siya sa aking likuran. Pareho kaming nakaupo sa bean bag. Tumingin ako sa gilid. Hawak niya ang necktie ko at inaabot sa akin.
"Tatawag ako..."
Ginilid ko ang aking mukha paharap sa kanya. Nagkatitigan kami. Ang palad niyang nasa aking tiyan ay taas babang humaplos habang magkatitigan kaming dalawa. The way he caressed me, it feels like deja vu. Malinaw na lumitaw sa balintanaw ko ang mga naganap sa amin kagabi at kani-kanina lang. It was passionate, wild, and consuming. We both hot last night. Nasulit ang mga araw na hindi kami nag-usap. Walang mag-aakala na ganito ang mangyayari kinabukasan.
"Tatawag ako... Sagutin mo..." Dinilaan niya ang labi niya.
Hindi nagbago ang higpit ng yakap niya. Para bang ayaw niya akong palabasin pero hindi niya ako mapigilan dahil mga magulang ko ang nandito. Tumango ako at kinuha sa kamay niya ang necktie ko na inaabot niya. Pinapanuod niya akong isarado ang zipper ng aking bag. Humarap ako sa kanya. Hindi ako kaagad nakatayo. Parang ayoko lumabas. This scene is too awkward and... scary.
Base sa narinig ko sa mama niya, hindi ito payag sa relasyon namin. At nasa mansion nila si Georgina. Hindi ko siya kilala. Hindi ko pa siya nakikita pero may kung anong humahalukay na bagay sa aking tiyan marinig ko lamang o maisip ang pangalan niya. Nasusuka ako sa panlalamig ng tiyan. Siguro kasi may alam ako. Kasi nabasa ko ang message niya kay Jax at alam ko sa sarili ko na hindi iyon galing lang sa isang kaibigan o kamag-anak.
"Bumili siya ng lupa para sa aming dalawa! Handa na siyang ibahay ako kung hindi lang nakialam si Papa! Hindi mo ba napapansin na hindi ka man lang niya inalis sa lugar na ito? Kaya nandito pa rin siya kasi alam niya na babalik ako!"
Napatayo ako, ganoon din si Jax. Sabay kaming tumingin sa kurtina ng tent. Kapwa kami walang balak na lumabas kung hindi namin narinig ang kumusyon ng mga magulang namin.
"Tama na, Calina!"
Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni tatay. Lakad takbo kong nilagpasan si Jax upang maharap ang mga nagsisigawan sa labas. Naramdaman ko na sumunod si Jax sa akin. Salitan akong napatingin sa tatlong tao na narito. Nakaharang na si tatay. Kung kanina'y nasa likuran lang siya, ngayon nakaharang na siya sa pagitan ng mama ni Jax at ni nanay.
"Hindi ba't totoo naman iyon? Niyaya mo ako magpakasal at magsasama na tayong dalawa! Aminin mo sa kanya na kaya mo lang siya inanakan dahil gusto mo akong gantihan nang mabuntis ako!"
Kumunot ang noo ni tatay at tila hindi na nakakasunod sa sinasabi nito.
"Kung hindi isinilang ang salot na anak ko sana may pamilya na tayong dalawa ngayon!"
Nanlaki ang mga mata ko. Nag-aalalang napatingin ako kay Jax na nahinto ilang hakbang sa aking likuran. Nakatitig siya sa mama niya. Nang maramdaman ang pagbaling ko, nilingon niya ako. Nabigla ako pero parang normal na lang iyon kay Jax. Na sanay na siyang nakakarinig ng masasakit na salita sa mama niya.
"Calina!" Si tatay. Bumalik ang tingin ko sa kanila.
"Kung hindi ako nagkaanak, kahit nabuntis mo siya alam ko na babalikan mo ako nang unang makiusap ako sayo!"
"Tama na! Gusto kitang kausapin ng maayos dahil naaawa ako sayo na hanggang ngayon pagkatapos ng maraming taon pinipilit mo pa rin na mahal pa kita!"
"Dahil iyon ang totoo! Ginawa mo siyang panakipbutas sa kagustuhan mong makalimutan ako!"
Sunod sunod at galit na umiling si Itay. Nilingon niya si nanay at muling hinarap ang mama ni Jax. Inilingan niya ulit ito.
"Walang katotohanan iyan! Naging parte ka ng buhay ko at ikaw ang una kong minahal pero hindi ibig sabihin no'n na ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon, Calina! Kung mahal pa kita, kahit sa ibang bansa hahanap ako ng paraan para mapuntahan ka! Hindi ako gagamit ng ibang babae para maghiganti at maging panakipbutas! Bago ko pa mabuntis si Caroline, nakalimutan na kita at minahal ko na siya!"
Natutok kay nanay ang mata ko. Gulat siya. She did not expect that confession from Tatay. Kahit ako ang alam ko ay minahal niya lang si nanay nang ipanganak ako. At iyon din ang alam ng lahat. My father is not vocal and he doesn't voice everything he feels. Naguluhan ako dahil ibang tagpo ang naabutan ko noon. Nang umalis ako, nag-usap pa ba sila at hindi ko na iyon narinig?
"Nay..." Mahinang bigkas ko.
Tatlong pares ng mga mata ang lumingon sa direksyon namin ni Jax. Nagpatuloy ako sa paglapit. Tumigil ako malapit sa aking magulang. Pagbaling ko, nasa tabi ko na si Jax. Dumulas ang isang kamay niya sa bewang ko. Pagkaharap ko kay nanay, nakatitig ito sa kamay ni Jax na nasa kurba ng aking katawan.
"Jax, iuwi mo na ang mama mo," utos ni tatay.
Dahil sa sinabi ni tatay, napunta sa mama ni Jax ang atensyon ko. Umiiyak na ngayon ang mama niya. Masama ang tingin nito sa akin. Na para bang ako ang umagaw kay tatay mula sa kanya. Magulo ang buhok nito at halatang galing sa pag-iyak ang mga mata. At ngayon ay muling umiiyak na naman. Paiba iba na ang nararamdaman ko. Noon, kay nanay ako naaawa at galit ako sa kanya. Ngayon kahit masama ang tingin nito sa akin, sa kanya ako naaawa. Mayroon itong hawak na bote ng red wine at kahit hindi ko amuyin at lapitan ay sa anyo pa lang nito masasabi na kaagad na nakainom siya. Hindi ko nakita ang hawak niyang wine kanina. Ngayong lumapit lang ako.
"Opo, Tito," magalang na sabi ni Jax.
Nilingon niya ako. Tinanguan ko siya at saka niya ako binitiwan. Naghiwalay kami at magkaiba ang tinahak. Lumapit siya sa mama niya samantalang nakayuko akong tumabi kay nanay.
"Ma, come with me. I'll take you home..."
Maingat ang boses ni Jax. Marahan ang hawak nito sa braso ng mama niya. Iuuwi niya ito katulad nang bilin ni tatay. Ngunit hindi pa niya tuluyang nahihila sa braso'y napasinghap na ako nang sabuyan siya nito ng wine. Napahakbang ako palapit kay Jax ngunit hindi ako tuluyang nakalapit nang hawakan ako sa braso ni nanay.
Wala akong nagawa kung hindi ang tingnan lang siya. Nabasa ang pisngi ni Jax nang maigilid niya ang kanyang mukha bago pa maisaboy. Ang kulay dugo na wine ay kumalat sa kanyang puting damit, partikular sa kanyang dibdib. Balak pa nitong ibato ang bote kay Jax subalit naagapan na iyon nang huli at inagaw iyon sa pagkakahawak ng mama niya.
"Ma-"
"Ikaw ang may kasalanan nito! Hindi ka dapat ipinanganak!" Nagwala ang mama niya at pinaghahampas siya.
Umigting ang panga ni Jax. Pwede niyang iwan at lumayo siya sa mga magulang niya. May sarili siyang pera at kayang magsarili na hindi umaasa sa mga magulang. Pero alam ko na hangga't kaya niya at kahit wala itong ipinapakitang pagmamahal sa kanya, hindi niya kayang abandunahin ang mama niya.
Tahimik siya. Hindi na niya ako nilingon habang pilit na ipinapasok sa sasakyan ang mama niya. Mabilis niyang pinaandar iyon. Naiwan ang mata ko sa pinag-alisan ng sasakyan. Naroon ang bike na gamit namin kagabi. Wala ako sa sariling sumunod sa aking mga magulang. Pagkauwi sa bahay, nauna si nanay na pumasok sa kwarto. Pumasok din si tatay. Subalit wala pang isang minuto'y lumabas ulit.