There are two chapter 58. The limit of this App is only up to 5k words so I am dividing some chapters so that I can publish it here. Kapag sobra sa 5k words, hinahati ko. Kaya huwag magtataka kung bakit doble ang ibang chapter. Thank you.
-----Miss IYA-----
Jax:
Good morning, wife.
Jax:
I am here in Manila. I need to personally pick up some papers for our wedding. I don't think I can come home to you today. Can we just talk to your parents tomorrow?
Jax:
I miss you already. I love you.
I seemed to hear his gloomy sigh in his last message. All his messages have hearts and kisses emoticon but it surprisingly didn’t make my heart skip a beat. I just replied a bland okay. Sa unang beses na gamitin niya ito sa after party, halos tumalon palabas ang puso ko at dambahin siya. My heart beats faster then but now my heart just feels blank. I can't afford to recognize any emotions at this moment. I couldn't even cry.
I wonder how I suddenly stop my feelings? How I suddenly can't express anything? Or maybe, it's just that, I'm emotionally numb? Maybe this is my defense mechanism? Sa halip na damahin ang sakit, pagmamanhidin ko na lang ang aking sarili nang sa ganoon ay hindi makaramdam. Siguro ganito ako. Ganito akong masaktan.
"Miss Clementine Alvarina! Are you listening to me?"
Naputol ang pagiging tulala ko dahil kay Mrs. Montemayor. Ginilid ko ang aking mata. Hindi ko na kinailangan lingunin ang lalaking katabi ko. Kaonting gilid lang sa aking mata'y naaninag ko na ang paninitig niya.
"Jace Alcantara? Right?" Tanong ng matanda habang hawak ang gilid ng salamin na madalas nitong gawin.
"Yes, Madam." Magalang ngunit malalim ang boses ng lalaki. Hindi Valiente ang gamit nito kundi Alcantara na pangalan ng Senyora. Kung hindi ako nagkakamali'y kapatid ng Senyora ang Lolo niya kaya't maituturing na rin siyang apo ng Senyora.
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Nakay Mrs. Montemayor ang mga mata niya ngunit hindi ako sigurado kung alam niyang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko mapigilan. May pagkakahawig kasi sila ni Jax. Pareho ang hugis ng mga mata ngunit iba ang kulay. Ang buhok nito ay kulay itim hindi katulad ni Jax na may pagka-kulay brown. Wala siyang dimple hindi katulad ni Jax. Magkahugis ang panga at parehong mapula ang mga labi. Kanina ko pa siya katabi pero hindi ko siya nililingon. Nagbuntong hininga ako. Ang daming gumugulo sa akin. Sa sobrang dami parang ayoko na lang isipin ang kahit ano.