No matter what people say, it's me who chose him. It's me who chose to fight for him. Susubukan kong sabayan. Susubukan kong hindi isipin ang lahat. Susubukan ko na saka na harapin. Kapag hindi na kaya at saka na ako bibigay. Dahil kahit ipagpaliban ko itong isipin at harapin ngayon alam ko na hindi ko ito maaaring talikuran at takbuhan.
Sa huli, ako naman ang may control sa sarili ko. It's me who owns my heart. It's me who owns my mind. It's me who owns myself. I will not permit anyone to own and control me. They can't hurt me, they can't disrespect me, and they can't bring me down without my consent. Kung papayagan ko na pumasok sila sa sistema ko saka lang ako maaapektuhan. Pero kung hindi ko papayagan, kahit ano pang sabihin nila hindi ako masusugatan.
Natulog akong mugto ang mga mata. Pagkagising ganoon pa rin. Kung hindi dumikit sa aking katawan ang amoy ni Jax iisipin ko na nanaginip lang ako kagabi na narito siya. Hindi pa ako nakakalagpas sa arc nasa akin na ang mata ng karamihan. Senior o freshmen may mga dismaya sa mga mata.
Wala akong tiningnan ni isa. I just looked straight ahead and didn't bother to look them in the eyes one by one. Kaya kong magpanggap na maayos ako pero hindi ko kayang magpanggap na wala akong alam na pinag-uusapan nila ako sa tuwing nakatalikod ako sa kanila. Wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Basta alam ko na malinis ang konsensya ko dahil wala akong ginawang masama. Wala akong inagawan at wala akong inagaw.
"Kapag bumagsak pa ako sa subject na ito hindi na ako makaka-graduate!"
Binagsak ni Irene ang ulo niya sa ibabaw ng libro. Umungot siya at tila batang pinadyak ang mga paa. Katatapos lang ng maikling pagsusulit at wala siyang naisagot. Wala akong sinabi dahil maging ako hindi sigurado sa isinagot ko. Ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang ako hindi nakapag-focus at hindi nakapag-review. Kahit paulit ulit kong sinasabi sa sarili na ihiwalay ko ang personal na problema sa pag-aaral. Mahirap pa rin pa lang gawin. I can ignore the rumors but I can't help but think about how and when it will end. Ilang linggo? Ilang buwan? Pagkatapos ng paternity test matatapos na ba ito?
"Kung hindi ka namin kasama na gagraduate. Magpa-photoshop ka na lang na nakatoga."
Sa klase ng ngisi ni Cathy alam ko nang inaasar niya na naman si Irene. Nag-angat ng mukha si Irene. Hindi pa nagsasalita'y umiirap na siya kay Cathy.
"Thank you ah! Ang laking tulong ng advice mo!" Sabay ligpit sa gamit niya.
Pinasok niya iyon sa kanyang bag. Ginaya ko siya. Sabay sabay kaming lumabas at sabay sabay din na nahinto dahil sa nag-aabang sa akin sa labas. Naroon si Jace. Napatingin ako sa pulso ko para tingnan ang oras. Magkikita naman kami sa unang subject niya at wala kaming usapan ngayon kaya nagtaka ako na narito siya. Tiningnan niya sina Cathy at Irene na nasa magkabilang gilid ko bago tumigil sa akin.
"Ibibigay ko lang sana ito," may inabot siya na folder. "I just want you to check it and ask for your approval. Ipapasa ko sana ngayong araw."
Nasa kanya ang mata ko nang kinuha ko ang folder. Hindi ko nilingon sina Cathy at Irene kahit narinig ko ang paalam nila na mauuna na. Nagbaba lang ako nang tingin nang magsimulang buklatin ang folder. Napasinghap ako at nahiya bigla. Ang laman ng folder ay ang tapos nang project proposal. Nakalimutan ko na ipapasa ito ngayon bago namin puntahan ang manggahan at bukuhan. Siya na ang tumapos at wala naman akong naitulong.
Sinarado ko ang folder at nahihiyang tumingin kay Jace. Naitulak ako palapit sa kanya nang lumabas ang maraming estudyante. Nadikit ako sa dibdib niya. Nahuli ko ang mata ng mga lumabas na kaklase. Nakatingin sila sa amin ni Jace. Klase ng tingin na may ibang kahulugan. Dali dali, humakbang ako patalikod at agaran na lumayo. Hindi pa nga tapos ang balita na inagaw ko si Jax kay Maya. Ngayon makikita akong halos nakayakap sa pinsan niya.
"Hindi ko na ito kailangan makita. Kung ikaw ang gumawa okay na ito Jace."
Kung iisa isahin ko pa ang pages matatagalan ako lalo at may klase pa kami. Hindi ko ito pwedeng basahin habang nasa klase ng ibang subject. Binalik ko sa kanya ang folder. Dumarami na ang estudyante. Ayoko sanang isipin niya na dumidistansya ako sa kanya kaya lang kasi baka madamay pa siya. Nag-uusap pa lang kami kakaibang tingin na ang ibinibigay nila sa amin. Kung walang masiyadong estudyante walang kaso sa akin ngunit kapag ganito nakakahiya na pati pangalan niya'y maikabit sa akin.
"Alright... Ipapasa ko na..." nag-aalangan na sagot niya. "Uh... Mamayang hapon... Sa manggahan tayo?"
Salitan niya akong tiningnan sa mata. Hindi ko alam kung bakit palaging mukha siyang nahihiya kapag kausap ako. Hindi siya ganito nang minsan ko siyang masulyapan na kausap ang ibang tao. Pansin ko na hindi sila gaanong malapit ni Jax ngunit masasabi ko na mabuti siyang tao. Mas mabuti siya kay Jax kung ugali ang pagbabasehan. Magalang siya samantalang si Jax ay magaspang ang ugali. Kahit hindi niya kilala si nanay noon, nagpaasikaso siya at hindi tinanggihan ang pagkain na inalok ni nanay sa kanya. Napangiti ako. Tumango ako. Bumuka ang labi ko upang magpaalam. Naisarado ko lang muli nang magawi ang mata ko sa field.
Jax's forehead furrowed as his lips moved. Salubong ang mga kilay ni Jax at hawak sa pulso si Maya. Bumubuka ang mga labi nila ngunit hindi abot dito ang pinag-uusapan nila. Sa palagay ko'y nasa tagong lugar sila nag uusap kanina. Hinabol niya lang si Maya kaya nasa malapit sila na field ngayon at hawak niya. Nakawala si Maya sa hawak ni Jax nang pumalag ito. Dahil natutok sa kanila ang aking mata, nasundan ni Jace ang tinitingnan ko. Kahit hindi ako luminga alam ko na ganoon na rin ang ginawa ng mga estudyante na nasa labas ngayon.
Humakbang ako ng isang beses palapit sa bakal na railing upang mas makita sila. My eyes focused on them. While watching them, it hit me. They are not just talking. They are in a heated argument. Jax pulls Maya while Maya tries to escape. Unti unti, nanlaki ang mga mata ko nang mapahawak ito sa tiyan. Doon pa lang siya nabitiwan ni Jax. Napaupo si Maya at namilipit sa sakit. Si Jax, natulala at tila nanigas na sa pagkakatayo.
"Mayroong dugo sa binti niya! Dinudugo si Maya!" May sumigaw mula sa second floor. Nasa third floor kami ngunit narinig ko iyon.
Gumapang ang mata ko sa sinabi nang sumigaw. Sa binti raw... at doon... dugo...
Kahit wala ako sa harapan nila nag-ugat din ako sa kinatatayuan ko. Napatakip ako ng kamay sa aking bibig. Si Jax hindi pa rin gumagalaw. Gulat lang itong nakatingin kay Maya. Kung hindi pinuntahan ng mga kagrupo ni Jax si Maya, walang magbubuhat sa kanya. Si Jigs at Peter ang nakita kong pinagtulungan na buhatin ang nanghihinang si Maya. Matagal bago tumalima si Jax sa sigaw ni Peter. Kinailangan pa siyang hilahin nito para sumama sa kanila. Nang lumitaw ang hita ni Maya dahil sa pagkakabuhat ay lalong naging malinaw din sa paningin ng lahat ang matingkad na kulay pulang dugo na naroon. Wala nang tao sa field ang natira na lang ay ang mga kuryusong bulungan at singhapan sa paligid.
"Kasalanan ni Clementine iyan! Alam niyang magkakaanak na sina Jax at Maya pero isinisiksik niya pa rin ang sarili niya!"
Hindi pa natatapos ang gulat ko'y tumama na ang balikat ko sa bakal na railing. May tumulak sa akin mula sa aking likuran. Hindi ko naramdaman ang sakit no'n dahil nasa ibang bagay ang isip ko. Namutla ako nang makita ang maraming dugo kay Maya. Naiwan iyon at tumanim sa utak ko. Kahit hindi ko siya sinugatan pakiramdam ko ako ang may gawa ng dugo na iyon. Kausap niya si Jax bago mangyari iyon. Ano ba ang maaari nilang pag-usapan? Paternity test ba? Ayaw pumayag ni Maya at pinipilit siya ni Jax? Para sa amin ni Jax ang test na iyon at kung dinugo si Maya dahil doon ibig sabihin totoo nga na kami ang may kasalanan kung may masamang mangyari sa dinadala niya?
"Nandoon siya!" Nakarinig ako ng mga nag-akyatan mula sa second floor.
Papalapit sa akin ang mga yabag. Tulala pa rin ako hanggang sa makaramdam ako ng hapdi sa anit ko. Someone pulled my hair. Hard. Napatingala ako ngunit naiwan ang mga mata ko sa field. Ang isang paghila sa buhok ko ay nasundan ng marami. Hindi iisang kamay ang humila sa akin.
Napatingin sa akin si Jace. Saka niya pa lang napansin ang kumusyon na nangyayari sa tabi niya. Napakapit ako sa railing bilang suporta at hindi tuluyang bumagsak sa ginawang malakas na paghila sa buhok ko. Tila ngayon naglabasan ang mga tinatagong galit sa akin ng mga babae. Ngayon nagkaroon ng pagkakataon ang mga taong may ayaw sa akin. They are like treacherous cats waiting for the right time to scratch me.
"Kung may natitira pang kahihiyan sayo sana nagparaya ka na dahil magkakaroon na ng ibang pamilya ang boyfriend mo! Pero hindi! Inuutusan mo pa yata si Jax na makipag-away kay Maya!"
"Sinulot mo ang boyfriend niya! Tapos ngayon ang gusto mo naman na mawala sa kanya ay ang anak niya!"
Mas malakas na hila ang kasunod niyon. Kahit nasaktan at kahit pakiramdam ko'y natanggalan ako ng buhok. Hindi ako makaiyak at hindi ko magawang magreklamo sa sakit. I just let them hurt me and thought that this time I deserved it.
"Sabunutan niyo pa! Dapat lang sa kanya iyan! Matatauhan iyan kapag nasaktan!"
Hindi ko na alam kung sino sino at kung saan saan nanggagaling ang mga boses at kamay. Tumama ang noo ko sa kanto ng railing. Nakaramdam ako ng hilo. Umaawat si Jace ngunit sa dami ng mga babae nahirapan siyang ilayo ako sa kanila. May humihila sa akin at mayroon tumutulak.
"Tigilan niyo na iyan!" Nailalayo ni Jace ang iba ngunit pumapalit ang iba. Hinarangan niya ako ng kanyang katawan pero nakakagawa ng paraan ang mga babae para maabot ako.
"Bakit mo pinagtatanggol iyan?! Kung may girlfriend ka lumayo-layo ka na riyan! Makamandag na ahas iyan! Tahimik pero nanunuklaw!"
Nanghina ang kamay ko na nakahawak sa railing. Humarap ako at nakita ang galit na itsura ng mga babae. Namumula ang mukha nila maging ang mga mata na matalim na nakatingin sa akin. It was like my presence could provoke them and piss them off, that's why they want me out of their sight or murder me.
Mayroon na rin ilang mga lalaki na nakisali sa pag-awat. Narinig ko ang sigaw ni Irene at awat ng mga kagrupo ko bago nawala ang mga kamay na pinagtutulungan ako. Wala pa akong gaanong tulog. Walang kain. Kung hindi ako naagapan ni Jace na hawakan sa bewang baka nabuwal na ako. May kalmot ako sa kung saang parte ng katawan. Ramdam ko ang hapdi ngunit hindi ko alam kung saan.
"Nagdurugo ang noo mo," nag-aalala ang tono ni Jace. Nasa dibdib niya ang mata ko. Tulala ako.
Lumapit si Cathy sa akin at kinausap ako. Si Irene umiiyak at galit na galit sa mga babae na nagsialisan nang dumating sila. Kahit pagtango at pag-iling hindi ako makasagot kay Cathy sa sinabi niyang dadalhin niya ako sa clinic. Sumama si Jace at alalay ako. Si Irene at iba pa ay humiwalay upang maisumbong ang nangyari. Ang daming gulo na nagaganap sa paaralan at isa ako sa nagsimula. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong pumasok. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga may-ari ng paaralan. Hangga't nakikita ako ng mga estudyante rito at hangga't may nangyayari kay Maya, hindi nila ako titigilan.
"Pupunta ako sa hospital," bigkas ko pagkatapos pigilan si Cathy sa paggamot sa noo ko.
Napatuwid sa pagkakatayo si Jace na nakasandal sa pader malapit sa kama na kinauupuan ko. Gusto ko siyang paalisin. Nadadamay na siya sa akin. Pero hindi ko alam kung paano siya itataboy matapos niya akong ipagtanggol sa mga babae.
"Anong gagawin mo roon? Kung makikita ka ni Maya lalo lang magagalit sayo iyon!" Pinigilan ako ni Cathy.
"It's useless to stay here... Walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang kung ano na ba ang nangyari sa bata... Pupunta ako sa hospital kahit pigilan mo ako, Cathy..." Bumaba ako sa kama.
Hindi ako nag-alala dahil isisisi sa akin kung sakaling may mangyari sa dinadala niya. Nag-aalala ako dahil walang kinalaman ang bata. Anak man ni Jax o hindi, inosenteng buhay pa rin iyon na maaaring madamay dahil sa pagpipilit namin ni Jax sa paternity test. Gusto kong makausap si Jax na pagkapanganak na lang ni Maya saka na gawin ang DNA. Kung maaapektuhan ang bata ngayon magtitiis na lang ako at maghihintay ng ilang buwan. Hindi na baleng maging marumi ang pangalan ko sa lahat sa mga buwan na iyon basta't ligtas ang bata at hindi mapahamak.
"Sasamahan na kita. Dala ko ang sasakyan ko," baritonong boses ang pumigil sa akin.
Hinarangan ako ni Jace. Napatingin ako sa kanya. Agaran ang aking pag-iling upang tumanggi. Ni hindi kami ganoon kalapit at ilang beses pa lamang nagkasama pero sobra na ang nagawa niya para sa akin. Pati ang klase niya ngayong araw hindi na niya napasukan. Nasigawan siya ng mga babae at ang proposal namin hindi niya na naipasa.
"Hindi na Jace. Kaya naman ng tricycle papunta sa hospital-"
Umiling siya. Tiningnan niya ang noo ko bago ang aking mata.
"I insist. You can't go there alone especially now that you are injured."
Nagtagal ang tinginan namin. Naglalaban sa isip ko na ayoko na siyang isama sa gulo at gusto ko siyang pagbigyan dahil maaaring tama siya na mahirapan akong mag-isa.
"Sasama na rin ako," mula kay Jace ay nalipat kay Cathy ang mata ko. Inayos nito ang medicine box sa ibabaw ng kama.
Sa huli, wala na rin akong nagawa dahil gusto ring sumama ni Cathy. Sa sasakyan na kami ni Jace sumakay. Sa malapit na bayan pa ang hospital. Habang nasa biyahe naiisip ko kung gaano karaming dugo ang nawala kay Maya bago marating ang hospital. Ang daming pumapasok sa isipan ko. Paano kung wala na ang bata bago pa sila makarating? Nanginig ang kamay ko sa kaisipang iyon. Pagkatigil ng sasakyan nagdadalawang isip akong bumaba. Ako ang may gustong magpunta rito pero ni pagtanong sa nurse kung saan dinala si Maya hindi ko magawa. Si Cathy pa ang gumawa para sa akin no'n.
Hinintay pa namin na matapos ang nurse sa kausap nito sa telepono. Nakaipit ang handset ng telepono sa pagitan ng leeg at balikat nito. Habang ang kamay ay mayroon hawak na papel. Mayroon itong binasa roon bago ituro kay Cathy ang isang hallway at inusal ang room number kung nasaan ang pasyente na hinahanap namin. Hahakbang ako na hindi. Pareho nilang ramdam ni Jace ang pagdadalawang isip ko. Kaya lang, nandito na kami. Naistorbo ko na sila.
"Are you trying to insult our family?! You got my only daughter pregnant and now you are asking for a paternity test?!"
Hindi pa kami tuluyang nakakaliko sa hallway, nakarinig na kami ng sigaw. Ilang hakbang pa'y lumitaw sa amin ang pigura ni Jax at ang galit na ama ni Maya. Hawak ang ama ni Maya ng kapatid nitong lalaki upang awatin ito na lumapit kay Jax na nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ng kwarto.
"Kung takot kang makabuntis! Sana inisip mo iyan bago mo galawin ang anak ko! You almost killed my grandchild! You almost killed your child!"
Igting panga na umiling si Jax. Binasa niya ng dila ang kanyang mga labi bago ibinuka ang kanyang bibig upang magsalita. Matapang ang mga mata niya at tila walang pakialam kahit malaki ang tanda sa kanya ng kaharap.
"Hindi ko anak iyan. Bakit hindi niyo siya tanungin kung sino ang ama? Kung anak ko iyan at wala siyang tinatago hindi niya ide-decline ang request ko na paternity test. I'm not insulting your family, Sir. I just want the truth. I want a proof that that's not my child-"
Pumalag ang ama ni Maya at gustong lumapit kay Jax. Napahakbang ako ng isang beses palapit. Muli lamang akong umatras nang maalala na mayroon umaawat sa kanila. Mayroong humaharang sa ama ni Maya kaya't nang hindi malapitan si Jax ay idinuro na lang nito ang huli.
"Tarantado ka! Ikaw ang gumawa nito sa anak ko pero ikaw pa ang malakas ang loob na sumagot sa akin ng ganyan?!"
Mayroon lumabas na babae galing sa loob ng silid. Nakilala ko itong Mama ni Maya. Marahil ay dahil narinig ang mainit na pagtatalo ng dalawa. Ngunit sa halip na isa kina Jax at sa asawa niya siya mapatingin ay mata ko ang nahuli niya. Medyo nagulat siyang makita ako na naroon. Nasa dulo kami ng isang hallway at hindi nakita ng dalawang lalaki dahil nahaharangan kami ng dingding. Samantalang ang nanay ni Maya ay sa amin nagawi dahil pagkalabas ng pinto ay ilang hakbang lang naroon na kami. Tinanggal nito ang mata sa akin. Kinausap nito ang asawa. Pagkatapos no'n ay pumasok ang asawa nito sa loob.
Si Jax at ang ina na lang ni Maya ang nasa labas. Binalingan nito si Jax pagkasara ng pinto. She looked at me and looked at Jax again. Katulad ni Maya ang Mama niya. Mabait ito at mahinhin kumilos kahit mayroon nang anak. Kahit hindi ko aminin alam ko na kagagawan ni Jax kung bakit nagkaganito si Maya. May parte na may kasalanan si Jax pero matalino si Maya at kung ginamit niya ang isip niya'y hindi ito mangyayari sa kanya. I realized, at some point, we have similarities. Pareho kami na puso ang pinakinggan. Pareho rin kami na nasa magulong sitwasyon ngayon.
"I need to talk to you," ika nito kay Jax sabay baling sa akin. "Both of you."
Jax was looking at her so when he followed her line of vision, he saw me. Madali siyang napatuwid sa pagkakatayo pagtama ng mga mata namin. Nasa akin ang mga mata niya bago napunta sa mga kasama ko. Kumunot ang kanyang noo. Humakbang siya palapit na nakay Jace ang tingin. Pagkalapit sa akin, maagap na lumakad ang kamay niya sa bewang ko. Hinapit niya ako palapit sa kanya at palayo kay Jace. Alam ko ang mga ganitong kilos niya ngunit hinayaan ko muna iyon.
"What are you doing here?" Tanong niya na nasa pinsan ang mga mata ngunit alam kong para sa akin.
"Kumusta si Maya?" Tanong ko at iyon na rin ang sagot ko sa tanong niya. "Nakita ko ang nangyari kaya sinamahan nila ako-"
"What's this? Is it a fresh wound? What happened?" Nagsasalita pa lamang ako'y nasa noo ko na ang kamay niya.
"The students saw what happened to Maya and they blamed Clementine. Pinagtulungan siya. Mabuti at nandoon si Jace," si Cathy.
I felt Jax's grip tighten on the side of my waist. Tiningala ko siya. Inalis niya ang kamay sa noo ko. His jaw was tense and his eyes were dark. Pumikit siya ng mariin at mas umigting ang panga. Pagdilat, nakatingin na ito sa pinsan niya.
"Thank you for helping," matigas ang boses niya at para bang insulto iyon sa kanya. "Thank you but you can leave now. I can take care of my girlfriend."
Pumagitna ako sa kanila ni Jace. I knew he was jealous and his ego was trampled because he wasn't there to defend me. Sa halip na siya'y ibang lalaki ang nandoon. Pero alam ko rin na hindi ito ang tamang panahon para diyan. Pagsasabihan ko sana siya ngunit hindi ko na itinuloy dahil sa paglapit ng mama ni Maya. Sa akin ito nakatingin kahit apat kami na narito. Ang sabi niya kanina'y gusto niya kaming makausap ni Jax. Subalit sa palagay ko ay ako ang pinaka gusto niyang makausap. Wala pa siyang sinasabi alam ko nang tungkol ito sa anak niya.
Hindi na kinailangan paalisin ni Jax si Jace. Si Cathy na ang nagyaya rito na umalis. Ngumiti ako kay Jace upang tahimik na magpasalamat. Binigyan ako nito ng huling sulyap bago magpahila kay Cathy. Hindi siya hinarap ni Jax. Nagkatinginan kami ni Jax. Nasa mga mata niyang ayaw niyang makausap ko kahit isa sa mga magulang ni Maya. He doesn't want me to get involved, but I'm already involved even though he doesn't want to involve me. Kapag nasambit ang pangalan nila ni Maya, karugtong na ako roon. Kaya hindi niya ako mapapaalis at hindi na ako mawawala sa litrato dahil tatlo na kami na naroon.
"The baby is not healthy," sa akin siya nakatingin.
Mahina ang boses nito. Kabaligtaran ito kanina ng asawa niya na gustong saktan si Jax. Nakikita ko sa kanya si nanay. Lumambot ang puso ko dahil doon. Anak ako at ina siya. Nararamdaman ko ang pag-aalala niya. Dahil nag-aalala rin ako ngayon kay nanay habang siya'y sa anak niya.
Nasa rooftop kami ng hospital. Dito niya kami niyayang makausap. Nakasandal si Jax sa batong harang ng rooftop. Lagpas lang ng kaonti sa bewang niya iyon. Nakapamulsa siya. Nasa malayo ang tingin niya. Hinahangin ang kanyang buhok subalit mariin pa rin ang pagkakasara ng mga panga. Magkadikit ang mga kilay niya. Wala sa amin ang tingin ngunit alam ko na nakikinig.
"Hindi ako tutol sa paternity test. I actually wanted that test to prove that my daughter was not lying..."
Narinig ko ang palatak ni Jax. Nalipat sa kanya ang tingin ko. Umiling siya at tinalikuran kami. Humarap siya sa labas ng rooftop at niyuko kung gaano kataas ang building. Inalis ko ang mata sa kanya at binalik sa nanay ni Maya. Nakita at narinig din nito ang ginawa ni Jax ngunit hindi naman nagkomento. Nagpatuloy ito nang makitang nasa kanya na muli ang mata ko.
"Pero nakausap ko ang Doctor ng anak ko. Hindi siya maaaring ma-stress. Kung duduguin ulit siya hindi na maililigtas ang bata..."
Nanatiling nasa akin lang ang mga mata nito. Nakakaintindi akong marahan na tumango. Sinusubukan kong intindihin ang sitwasyon dahil kahit ako hindi ko na gustong maulit ang nakita ko. Ang dami ng dugo sa binti niya. Kung mauulit iyon baka hindi na maagapan pa at tuluyan nang may mangyaring masama.
"Mahina ang kapit ng bata. Palaging nag-iisip ang anak ko at walang katuwang. Nag-iisa siya sa school sa tuwing pumapasok siya kaya nag-aalala kami ng Papa niya na may mangyari sa kanya at walang makakita..."
Hindi ako nagsasalita. Siya lang ang nagsasalita. Nakikinig lang ako at pilit na kinakalimutan ang nangyari sa akin sa school at nakita kong dugo kay Maya. Kung hindi ko kakayanin ngayon, paano ko pa kakayanin sa mga susunod?
"Kinausap ko kayo dahil makikiusap sana ako na kung maaari ay pagkapanganak na lang gawin ang paternity test at samahan muna ni Jax ang anak ko hanggang sa manganak siya-"
Nilingon ko si Jax. Doon pa lamang din siya napatingin sa mama ni Maya. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya habang tumatabi sa akin.
"What?! Why me?! Hindi niya ako asawa kaya bakit ko siya sasamahan?!"
"Jax!" Tawag ko dahil gusto kong maging maayos ang pag-uusap na ito at na hindi kailangan magsigawan.
Kahit hindi pabor si Jax doon, maayos kaming pinapakiusapan ng mama ni Maya kaya gusto kong maging maayos din ang pagsasalita niya. Iyon ang nais ko subalit hindi ko yata mapipigilan si Jax kapag ganito na ayaw niya ang nangyayari at naririnig. Hinarap niya ako. Isang beses siyang umiling.
"Nagiging risonable lang ako, Clementine! Kung gagawin ko iyon lalong iingay na anak ko iyon! Oo na kasalanan ko na na ginalaw ko siya! Pero hindi ko siya pinilit! Bago ko gawin iyon, sinabi ko sa kaniya kung hanggang saan lang kaming dalawa! Siya ang nagbigay nang motibo! Siya ang lumapit! Hindi ko siya gagalawin kung hindi siya lumapit at inalok ang sarili niya!"
Tinitigan ko siya. Umiling din ako. Hindi na ito tungkol sa kanila. Hindi na ito tungkol sa amin. Tungkol na ito sa bata. Mas importante iyon kaysa sa aming tatlo.
"Sige! Wala kayong kasalanan pareho! Wala tayong kasalanan! Pero nandito na ito kaya wala na tayong magagawa!"
Inangat ko ang aking isang kamay at itinuro ang pintuan ng rooptop.
"Buhay ng bata ang nasa peligro, Jax! Kaya mo bang may madamay na ibang buhay dahil dito? Hindi ka ba nakokonsensya na kamuntikan nang mawala ang bata kanina dahil sa pagpilit mo?!"
Nakita ko ang nangyari. Tumanggi si Maya ngunit pinilit niya ito ng pinilit. Ilang beses na kumawala si Maya at ilang beses din niyang hinila pabalik. Nagkiskisan ang ngipin niya nang madako ang mata niya sa aking noo. Tinitigan niya ako sa mga mata at agresibong umiling.
"Tingnan mo ang sarili mo! May mga sugat ka! Wala na akong pakialam! Hindi ko na kasalanan kung mamatay o may mangyaring masama sa bata!"
Umawang ang labi ko kasunod ay singhap. Narinig ko rin ang singhap ng nanay ni Maya. Mabagal na nanlaki ang mga mata ko. Ang kamay ko na nakaturo sa pinto ng rooftop ay napalipad ko papunta sa pisngi niya. Malakas ang nilikhang tunog no'n.
"Saint Jaxsen!" Sigaw ko pagkatapos ko siyang sampalin.
Sige, sabihin na natin na hindi niya anak iyon. Pero ang sabihin na wala siyang pakialam kahit mamatay ang bata ay sobrang ikinagulat ko. Nagulat ako na walang kahit katiting na konsensya sa mga mata niya nang sabihin niya iyon.
Naibaba ko ang kamay ko at nabigla rin na nasampal ko siya. Kinuyom ko ang kamay ko para hindi ko na maulit iyon. Namula ang pisngi ni Jax. Namula rin ang mga mata niya ngunit hindi nagbago ang nakapaloob doon. Hindi siya nagpatinag kahit na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
"I just want her f*****g tiny blood! That's not even dangerous and scary! Kung hindi siya natatakot walang mangyayari sa anak niya! Kung may mangyaring masama sa bata hindi ko kasalanan iyon! Natatakot siya na malaman ko ang totoo kaya siya dinugo! Kung may mangyari sa anak niya siya ang may kasalanan at hindi ako!"
Ako ang kausap niya ngunit nabaling namin ng sabay ang tingin sa nanay ni Maya nang magsalita ito. Namumula ang ilong nito at katulad ko'y nagulat din sa nasabi ni Jax.
"You just want my daughter's blood? Walang non invasive paternity dito-"
"Then we will do the other way and different hospitals! Maraming paraan para maisagawa ang paternity test kahit maliit pa ang tiyan niya! Kung wala rito dadalhin ko siya sa ibang bansa!"
"Other way of paternity test? The child's life will be in danger if you do that. Kakailanganin nilang galawin ang bata sa loob para magawa ang test. Maaaring magkaroon ng komplikasyon-"
"Naaapektuhan na ang relasyon namin! Kung magtatagal pa na hindi napapatunayan na hindi ako ang ama hindi nila titigilan si Clementine! She's hurt! The students are blaming her! Kung pinapaamin niyo si Maya kung sino ang totoong ama ng dinadala niya sana hindi nasasaktan ang girlfriend ko!"
Hinablot ko siya sa braso upang mapunta sa akin ang atensyon niya. Maya's mother is not against to the paternity test. She's actually fine with it. Payag siya kahit sinabi ng anak niya na si Jax ang ama. Ang ipinapakiusap lang ng ina ni Maya ay ang kaligtasan ng anak at apo niya hanggang sa isilang ang bata.
"Jax, Maya's bleeding. Delikado ang lagay niya. She's worried because she's a mother. Buhay ng apo niya ang iniisip niya kaya naiintindihan ko siya-"
Marahas ang pag-iling at pagtanggi niya na binalingan ako. Determinado siya at walang makakapigil sa desisyon niya. Kahit ako pa.
"Naiintindihan mo pero ako hindi! Paano ka?! Walang ibang mahalaga sa akin kung hindi ikaw! Alam kong hindi ko anak iyon kaya ko ito ipinipilit-"
"Naniniwala ako sayo pero-"
"No, Clementine! Paano ko maiintindihan kung kada lalapit ako sayo may mga taong masama ang tingin sa atin dahil akala nila nakabuntis ako? Na akala nila ikaw ang umagaw sa akin kahit pag-aari mo ako? I will postpone the test now because she's bleeding! Kapag umayos na, hindi ako papayag na hindi iyon maisasagawa sa lalong madaling panahon! I want to be with you in school! I wanted to marry you immediately the moment you said yes! Pero alam ko na hindi ka papayag na ikasal tayo hangga't hindi ito naaayos!"
Umawang ang bibig ko habang nakatingala sa kanya. Lumamlam ang mga mata ko at naitikom ang aking bibig. Huminga ako ng malalim. Tinitigan niya ako. Nang makitang wala na akong sasabihin ay hinarap niya ang ina ni Maya. Bagsak ang balikat nito marahil ay dahil si Jax ang masusunod. Kahit pa lumuhod siya at makiusap sa akin ay hindi ko na mababago ang gustong mangyari ni Jax.
"I'll be with Maya and take care all she needs for two or three weeks. Her vitamins. Her check ups. Her foods. Sisiguraduhin ko na malusog ang bata para matuloy ang request ko na paternity test. But I'm sorry, Ma'am, I can't abandon my woman to stay with your daughter until after her pregnancy. I can't be with her until she gives birth. Hindi ko kayang maghintay ng ganoon katagal."