"I will go home to Manila with Mama on friday. She wanted to introduce me to her friend's daughter."
Katatapos lang namin kumain ni Jax at nagpapahinga. Nakaupo kami ni Jax sa bean bag. Nasa pagitan ako ng mga hita niya. Nasa kanya ang buo kong bigat at halos nakahiga na sa dibdib niya. Kahit mataas na ang araw hindi ko ramdan ang init dahil sa malamig na simoy ng hangin mula sa dagat papasok sa tent.
"How's Tita Graciela?" Ka-video call niya ang kaibigan niya na ipinakilala niya sa akin kanina.
"She's resting. She feels better now. Hindi ka makakapunta? Nakapangako na sa akin si Levi na aattend siya sa party ni Mama."
"I can't promise. Can't you see I'm busy?"
Tinapat sa akin ni Jax ang camera. Ako yata ang ibig sabihin niyang pinagkaka-busy-han niya. Natawa ang kaibigan niya at napailing. Hindi na inalis sa akin ni Jax ang camera. Dalawa na kaming kita roon.
"Hey, woman! Look at me! I have something to tell!" Kinuha nito ang atensyon ko.
"Ano na naman iyan?" Si Jax.
Hinahalikan at inaamoy niya ako sa balikat. Kahit natatabunan iyon ng tshirt nararamdaman kong tumatagos sa tela ang mainit na hininga niya.
Hindi nito binigyan pansin si Jax at sa akin lang nakatingin. Hindi pa siya nagsasalita, nangingibabaw na ang pagkapilyo sa mga mata niya. Kung magkamukha lang sila ni Jax, iisipin ko na kambal sila dahil mga mukha silang babaero. Nang makita ng kaibigan niyang nakikinig ako, nagpatuloy siya.
"Listen carefully to me, okay?" Seryoso ang boses nito. Kahit mukha siyang manloloko, napakinig tuloy ako ng mabuti. "I hate to break it to you. But he has a girlfriends in Manila. Don't trust him. He's an asshole-"
"Gago! Isa lang ang girlfriend ko!" Putol ni Jax sa kaibigan.
"Isa lang ang girlfriend mo pero maraming ibang babae-"
"Tangina mo, Enzo!"
Sabay silang natawa. Itinakip ni Jax ang isang kamay niya sa tenga ko. Na akala mo nama'y hindi ko maririnig kung tatakpan niya iyon. Kahit naroon ang kamay niya, narinig ko pa rin.
"May pupuntahan pa kami. Magkita na lang tayo sa Manila kapag dumating si Mason."
Inalis niya ang kamay sa tenga ko. Niyakap niya ako sa bewang. Hinila niya ako sa tiyan para mas dumikit ang katawan ko sa kanya.
"Kailan ba raw?"
"He said he would call me this month. May kasama siyang kaibigan. Sa casino ni Mr. Campbell siya nakikipagkita. Huwag mong kakalimutan. Huwag ka munang babalik sa Aklan."
"Saang casino? Sinong Mr. Campbell?"
"I'll send you the details once we get to Manila."
Pagkatapos nilang mag usap, hinagis ni Jax ang phone niya sa pulang bean bag na nasa aming tabi. Malambot ito at mababa. Parang kama na rin sa lambot kaya't tumalbog lang ang telepono niya roon.
Nasa hinagis niyang telepono ang mata ko. Hindi ako nakapaghanda nang itulak niya ako pagilid para maihiga niya at madaganan. Mahina akong napatili. Napahagikgik ako at hinarang ang mga kamay upang hindi magdikit ang mga dibdib namin.
"Sabi mo 'I have no plans to lay with you naked'," nilakihan ko ang boses ko para gayahin ang boses niya. "Anong ibig sabihin nito ngayon? Bakit nandadagan ka?"
Tinawanan niya ako. Gamit ang isang kamay ay hinuli niya ang mga pulsuhan ko na nakapagitan sa gitna namin. Pinatakan niya ako ng mabilis at mariin na halik sa labi. Mabilis ding natapos iyon. Nakangisi niya akong tiningnan sa mata.
"Are we naked now?"
"Hindi-"
"I can do this without taking our clothes off," he said looking at my lips. Napalunok ako.
His one hand holding my wrists. His other hand quickly grab me by my nape for a deep kiss. Malalim at mapaghanap ang labi niya subalit hindi bumababa ang kamay para hawakan ako.
Kung hahawakan niya ako, baka pareho kaming makalimot. Naisip niya siguro iyon kaya tanging mga labi lang namin ang pinaglaban niya. Habol na namin ang aming paghinga nang bumitiw kami sa halik at ilayo niya ang kanyang mukha.
Hinampas ng ilong niya ang ilong ko. Dinampian niya ako ng halik sa aking noo, sa mga mata, sa ilong, sa pisngi, at sa gilid ng labi. Nang pumantay ang labi niya sa akin, nagsalita siya sa ibabaw ng labi ko.
"Ang sabi ko hindi natin gagawin iyon ngayong araw. Pero wala akong sinabi na hindi kita hahalikan."
Pagkasabi niyon ay agaran niyang muling sinakop ang labi ko. Nang maglapat ang mga labi namin, walang pagpapakipot akong tumugon. Mahina siyang napapadaing habang hinahalikan ako. Doble dobleng pagtitimpi ang ginagawa niya. Hindi man lang bumaba ang kamay niya sa dibdib ko.
Pagkatapos ng isang oras, nagdesisyon siyang umalis na kami. Binalik niya sa paa ko ang gym shoes na hinubad niya sa aking paa kanina. Hinintay ko siyang matapos magsuot ng sariling sapatos bago ako sumampa sa kanyang sasakyan.
Gamit namin ang sasakyan niya paalis. Wala siyang sinasabi na pupuntahan namin kaya sa aming dalawa ako lang ang walang kaalam alam sa kung anong nakaabang sa amin ngayong araw. Hindi na ako nagtanong, mukha naman kasing wala siyang balak na sumagot. Kung sasabihin niya kasi iyon sana kanina pa.
Hindi ko alam kung patungo saan ang kalsada na nilabasan namin. Nakaidlip pa ako sa sasakyan at nagising na lagpas isang oras na kami sa biyahe.
"Saan ba tayo-" Hindi pa ako natatapos sa pagtanong, tumigil na ang sasakyan niya.
"Nandito na tayo," anunsyo niya.
Pinatay niya ang makina. Hinubad niya ang seatbelt niya. Isinunod niya ang akin. Dahil inaantok pa, ginaya ko na lang siya nang lumabas siya. Nauna siya sa akin. Kasasara ko pa lang sa pinto ng sasakyan natanaw ko na siyang may kausap na mga lalaki.
Sumandal ako sa pinto ng sasakyan. Iginala ko ang medyo singkit pang mga mata sa paligid kung nasaan kami. Nakakasilaw ang tirik na araw ngayon dahil kagigising ko lang.
Mahangin sa buong lugar. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko ay ang tulay na gawa sa bakal. Kahit hindi ako lumapit para sumilip sa ibaba masasabi kong nasa mataas kaming lugar. Nagmistulang maliit ang mga puno mula rito sa itaas. It's probably even higher than the mountains.
"Sino po ang kasama niyong tatalon? Kaibigan niyo?"
"No. I'm with my girlfriend," sagot ni Jax sa kausap sabay lingon sa akin. Nagkatinginan kami.
"Naitawag na iyan ni boss! Girlfriend nga raw ang kasama!" Singit nang isang lalaki. Kakilala yata ni Jax ang may ari.
Noong umpisa hindi ko maproseso kung bakit kami narito. Mula sa kanila'y nilagpas ko ang tingin ko. Sa tulay ay mayroon ibang mga tao. Napatayo ako ng maayos. Nanlamig ako at kahit hindi ako ang tumalon, nanlambot ang tuhod ko.
Babae ang namataan kong tumalon. Mayroon itong suot na harness sa katawan. Namutla ako nang bumagsak siya. Umalingawngaw sa tahimik na paligid ang malakas na sigaw nito hanggang sa unti unting lumabo sa pandinig iyon dahil sa pagbulusok niya pababa.
"It's our turn. They are waiting," si Jax na hindi ko namalayang nasa tabi ko.
"A-ano? Huwag mong sabihin na patatalunin mo ako diyan?!" Nangangatog ang kamay kong itinuro ang mataas na lugar kung saan tumalon ang babae.
Bumukas ang labi niya. Bago pa niya sagutin ang naunang tanong ko, sinundan ko na iyon ng sunod sunod na pag iling at pag atras.
"Ayoko, Jax! Ayoko! Uuwi na lang ako!"
Binuksan ko ang pinto nang sasakyan para bumalik sa loob. Mabilis niyang itinulak iyon para sumara ulit. Kinulong niya ako sa pagitan ng pinto at katawan niya. Galit ko siyang tiningala.
"Patatalunin mo ako diyan?! May lihim ka bang galit sa akin, Jax, kaya mo ako dinala rito?! Papatayin mo ba ako?!"
"Takot ka? Hindi ba't sinabi mo na ihahagis ka nga sa actual na sayaw niyo? I thought you were fine because you are not afraid of heights."
"Iba iyon! Kailangan sa sayaw iyon at hindi ganyan kataas! Kung mahuhulog ako sa practice hindi ako mamamatay! Kung patatalunin mo ako diyan at mahulog ako baka durog durog na ang buto ko pagbagsak!"
"That's safe. Don't worry, I am with you. We will jump together-"
"Kahit kasama pa ang buong school, hindi ako tatalon! Nananahimik akong mag-bike hihilahin mo ako rito?!"
"You don't have to be afraid. Trust me, Clem. If you fall, I will fall with you-"
"Huh?! Nagagawa mo pang bumanat! Tingin mo kikiligin ako diyan?! Kung may mahuhulog ikaw na lang mag isa huwag mo na ako isama! Ayoko talaga! Hindi mo ako mapapatalon! Ayoko! Ayoko!"
Nagmamadali ko siyang tinalikuran na parang may humahabol sa aking mamamatay tao. Hinarap ko ang pinto ng sasakyan. Kahit nakatulak doon ang kamay niya, pinilit ko iyong buksan. Kaya lang, hindi pa nangangalahati ang bukas, nagsasara na ulit iyon. Ayaw niya akong papasukin sa loob!
"Please-"
Marahas kong hinarap ang galit kong anyo sa kanya. Namutla siya nang makitang namumula ako sa galit. Ang hilig niyang magdesisyon mag isa! Kaninang nagtanong ako kung saan kami pupunta hindi niya ako sinasagot!
"Ayoko sabi! Wala akong pakialam kahit ilang milyon ang dinonate mo! Kahit idonate mo pa ang buong yaman niyo at balunbalunan mo hindi mo ako mapapatalon diyan!"
Bagsak ang balikat niya akong tiningnan. Tuwang tuwa siya kanina. Nang hindi ako pumayag, bigla siyang nanlumo.
"Clem-"
"Hindi! Kung gusto mong magpakamatay ikaw na lang! Hindi ako martir na sasama sayo sa kabilang buhay!" Pairap akong humarap ulit sa sasakyan.
Naghintay akong pilitin niya ako ulit. Natahimik lang siya sa likod ko. Wala akong narinig na salita. Tumama sa aking batok ang malalim na buntong hininga niya. Matagal siyang hindi kumibo.
"Wala akong ibang naipa-schedule na pupuntahan natin... ito lang... pasensya na..."
Uminit ang likod ko dahilan ng pagdikit niya. Lumuwag ang hawak ko sa pinto. Kanina pa niya ako binibigla. Nasisigawan ko tuloy siya. Lumambot ang mata ko at gusto kong sampalin ang aking bibig. Inuusig ako ng konsensya ko sa tuwing may nabibitawan akong hindi magandang salita sa kanya. Marahan kong ikinurap ang aking mata kasabay ng malalim na paghinga. Nang sumagot ako, binabaan ko ang boses ko.
"Iba na lang, Jaxsen. Hindi ko pa nasubukan iyan. Bakit kasi iyan ang pinili mong puntahan natin?"
"Because this is my first time too... And I want to do it with you... I'll try to schedule another activities... Pumasok ka na sa loob magpapaalam lang ako..."
Sinundan ko ng tingin ang kamay niya nang sumusuko niyang alisin iyon sa pinto ng sasakyan. Nang pinipilit niya ako, ayoko. Ngayong tinanggihan ko siya, pakiramdam ko ako pa ang masama. Na kung hindi ito matutuloy dadalhin ko ito ng matagal. Sasama pa ang loob ko sa sarili ko dahil hindi ko siya napagbigyan.
Gusto niyang gawin sa unang beses ang maraming bagay na ako ang kasama niya. Una pa lang ito sa mga gusto niyang gawin namin ng magkasama, pero tinanggihan ko na. Paano 'yung mga susunod pa na gusto niyang gawin? Hndi ko rin ba siya masasamahan? Hindi ko rin ba siya mapagbibigyan? Tatanggihan ko ba siya ng paulit ulit? Hindi man lang ba ako gagawa ng paraan at magbibigay ng effort para sa aming dalawa? Puro siya na lang?
"Sir, kayo na po. Nakabukod po ang harness niyo. Hindi pa po iyon nagamit ng iba."
Nawala ang presensya ni Jax sa aking likuran. Nang hanapin ko siya'y kausap na niya 'yung lalaki.
"Pagamit niyo na lang po sa iba. Hindi na kami matutuloy. Natatakot ang girlfriend ko. Uuwi na lang kami."
Nag usap pa sila. Nabuksan ko na ang pinto ng sasakyan. Papasok na lang ako pero, nakaramdam pa ako ng pagdadalawang isip. Unti unti kong pinagpatuloy ang pagbukas ng pinto. Huminga ako ng malalim. Dapat nakakahinga na ako ng maluwag ngayon. Subalit kabaligtaran ang nangyari. Sa halip, nanikip pa ang dibdib ko.
"Kayo po, Sir? Pwede po na maghintay na lang ang kasintahan niyo rito at kayo lang po ang tatalon-"
"No, thanks..." mabilis iyon na inilingan si Jax. "That's not what I plan. I need my girlfriend with me."
Suminghap ako at inalis ang tingin sa kanila. Humigpit ang hawak ng kamay ko sa pinto. Pumikit ako at nakagat ng mariin ang ibabang labi ko. Narinig kong biniro pa siya ng lalaki. Natawa siya at mukhang ayos lang sa kanya na hindi ito matuloy. Kaya lang, ako naman ang hindi okay. Kung aalis kami ngayon, hindi ko na makakalimutan na nasira ko ang plano niya.
"Sige po, Sir! Kung magbabago po ang isip niyo magsabi lang po kayo!"
"No. We are leaving now. Thank you."
Natapos ang usapan nila. Lumapit siya sa akin at siya na ang nagbukas ng malaki sa pinto ng sasakyan. Dumampi ang isang kamay niya sa aking likod. Bahagya akong itinutulak nito para pumasok na ako sa loob.
"May gusto ka bang puntahan?" He looked at his wrist watch, then he looked at me. "Maaga pa. We will return to the beach later. I asked Peter to prepare our dinner at five."
Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil hindi siya galit. Alam kong hindi ako madaling i-please at maging girlfriend pero sobra pa sa sobra ang patience na ibinibigay niya. Nakaplano na sa kanya ang buong araw namin mula umaga hanggang gabi. Kanina pa ako panira sa kanya. Una, muntik na akong hindi pumayag dahil sa fundraising. Ngayon naman ito. Gumilid ako ng kaonti upang magtama ang mata namin.
"Halika? Ituloy na lang natin?"
I don't want him to feel he was begging for me. Kung kaya ko naman at kakayanin ko naman ibigay ang gusto niya, hindi ko na dapat hintayin na magmakaawa pa siya.
Agad na rumihestro ang gulat sa kanya. Tinulak ko siya sa kanyang matigas na tiyan upang mapabitaw siya sa pinto ng sasakyan. Inabot ko iyon at isinarado iyon. Pag-ikot ko sa kanya, pinapagmasdan niya ng mabuti ang kilos ko. Marahil ay nag iisip kung anong nagpabago sa isip ko gayong kulang na lang ay itulak ko siya sa bangin kanina nang malaman ko ang gusto niyang gawin namin.
"Are you sure? Hindi masama ang loob ko. I'm fine if you don't want to do it."
"Sigurado na ako, Jax! Halika na!"
Nanguna na ako. Pagkatalikod ko sa kanya, pumikit ako ng mariin. Kinakabahan talaga ako! Mahihimatay yata ako pagkatalon namin! Sana gano'n na lang. Mas okay pang wala akong malay kapag tumalon kaysa gising ako!
Tumigil ako sa harapan ng tulay. Nahirapan akong lumunok at nahirapang ihakbang ang paa. Sumunod si Jax. Pagkatabi niya sa akin, awtomatikong umikot sa bewang ko ang kamay niya. Napatingala ako sa kanya na nasa gilid ko.
"Ipagkakatiwala ko sayo ngayon ang sarili ko. Huwag mo akong hahayaan na masaktan, Jax," seryoso at may pagbabanta sa mga mata ko. Sa oras na masaktan ako. Kamumuhian ko siya.
Napanguso ako. Kung masasaktan ako at malaglag hindi ba't patay na ako no'n? Dalawa kami? Paano ko pa siya kamumuhian kung wala nang tiyansang mabuhay kami kung sabay kaming mahuhulog?
"Opo! Hindi kita sasaktan mahal kong reyna-"
Naiirita kong pinatunog ang dila ko. Pagilid ko siyang sinamaan ng tingin at malakas na siniko sa tagiliran. Ang kapal ng mukha nito! Ni hindi ka pa nga nag-a-i love you!
"Tigilan mo nga ako sa mga ka-cornyhan mo!"
Umirap ako at nagpatiunang maglakad sa tulay. Nagtapang tapangan ako kahit sa totoo'y nangangatog na ako sa loob loob ko. Tumatawa niya akong hinabol. Pagkapantay niya sa akin, hinuli niya ang kamay ko at isinalikop sa kanya. Nakangiti siya na kumaway sa lalaking kausap niya kanina nang matanaw kami nito. May tatlo itong kasama na crew.
Habang palapit, namamawis ang kamay ko. My heart pumps continously, my hands were trembling. Binawi ko sa pagkakahawak niya iyon sa pangambang mapansin niya.
Sinabi ni Jax sa lalaki na tuloy kami at nagbago ang isip ko. Naisara ko ng mariin ang mga labi ko habang pinapanuod ang lalaki na ayusin ang mga harness na ikakabit sa amin. Alam kong pumayag na ako at nanguna pa. Pero... pwede bang umatras ulit? Ang sabi ni Jax hindi naman daw siya magagalit?
Hindi ko alam kung sa takot ba pero walang salitang lumabas sa bibig ko kahit nang isinusuot na sa amin ang harness. Lumapit sa akin si Jax at dinouble check ang mga taling nakakabit sa akin kahit maayos at safe naman ang pagkakakabit nito.
"Starting today, I will be with you to face your fears. Magtiwala ka lang sa akin."
Nabawasan ang kaba ko sa sinabi niya. Panandalian nga lang iyon dahil nang subukan kong silipin kung gaano kataas ang tatalunin namin, bumalik iyon ng doble pa. Tubig, mga puno, at mga bato ang nasa ilalim. Ang alam ko wala akong takot sa heights. Flyer ako at top sa grupo namin subalit hindi ako nakaramdam kahit katiting na takot. Ngayon, nanlalambot ang tuhod ko.
Napaatras ako. Tinawag ko na sa aking isipan ang lahat ng santo. Pati sila nanay at tatay tinawag ko na rin at baka sakaling lumitaw sila rito at iuwi ako. Bumunggo ang likod ko sa dibdib ni Jax sa pangalawa kong atras. I turned to face him just to see that the idiot was smirking. Nagawa pa akong ngisian ng gago kahit alam niyang natatakot ako.
They yanks our harness to check and did a slight adjustments. Natutulala ako. Kung mawawala ako, magiging ayos lang kaya sila nanay at tatay? Magiging maayos ba ang pagtatapos ng fundraising? Sina Harry, Irene, at Cathy, mapapansin ba nila na nawala ako? Paano yung mga tshirt na tinago ni Jax, mahahanap pa ba iyon? Yung dinner namin mamaya, sinong kakain niyon? Yung party...
Umiling ako sa aking isip. Mababaliw yata ako kung sakaling maka-survive kami. Nadarama ko ang pag akyat ng lahat ng dugo sa ulo ko. Nahihilo ako at parang masusuka. Kahit malamig dito sa itaas, pinagpapawisan ako ng malamig at malapot.
Napapatingin ako sa kalansing ng bawat hook at hindi familiar na mga safety equipments. Naglilikot ang mga mata ko na parang masisiraan na ng bait. Kahit ang mga crew pinagdududahan ko na kung gusto ba kaming patayin.
Pagbaling ko sa gilid sinalubong ako ng gutom na halik ni Jax. Napaatras ang ulo ko sa pagkabigla ngunit dahil nasa likod ng ulo ko ang isang kamay niya, hindi naghiwalay ang mga labi namin.
Pumikit ako. Binuka ko ang aking mga labi. Itinagilid ko ang ulo ko upang sabayan ang kaliwa't kanan na galaw ng ulo niya. Sinubukan kong gumanti sa mas malalim na paraan at pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng malambot at mainit niyang labi. Ni hindi na ako nahiya kahit mayroon kaming mga kasama na nakatingin.
"Calm down. Don't be nervous, baby. I'm here." Pagpapakalma niya sa akin pagkatapos tapusin ang halik.
Hinahaplos ng hinlalaking daliri niya ang aking pisngi, binibigyan ako ng seguridad. Marahan akong dumilat at tumango. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Hindi ko na ulit sinilip ang ibaba dahil hindi naman iyon nakakatulong. Hindi na ako kailangan sabihan ni Jax na mag-relax dahil naanod na ng halik niya ang pangamba ko.
They took us a picture as a crew tried to scare us as if they want us to be anxious before we jump. Biro man nila iyon o hindi, nakasalalay pa rin sa kanila ang buhay namin. Pinigilan kong yukuin ang ibaba nang gumalaw ang tungtungan namin. Nakatayo kami. Magharap kami at magkakabit ang harness namin upang kapag bumagsak ay hindi kami maghihiwalay. Magkasama kaming mahuhulog. Tahimik lang ako. Si Jax lang ang tanong ng tanong tungkol sa mga ikinakabit sa amin. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Are you ready?" Tanong niya. Hindi ako nagsalita. Nagkatinginan kami. "This is going to be scary, but I'm here so we'll be fine."
Huminga ako nang malalim. Mahinang nagtaas baba ang ulo ko para sa isang tango. Napapikit ako ng mariin nang magsimulang bumaba ang inaapakan namin para ihulog kami. Nang wala na akong maapakan, nagsimula na akong magtitili. Humigpit ang hawak ko kay Jax. Pakiramdam ko'y nasa bingit ako ng kamatayan.
Sumisigaw din si Jax na may kasamang tawa. Hindi katulad ko na hindi makadilat habang nagsisisigaw at matinis na tumitili. Sobrang lakas ng hangin na humahampas sa amin at tila ako mabibingi.
"Oh my goodness! Oh my god, Jax!"
Nang subukan kong dumilat, agad ko 'yong pinagsisihan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kami kataas at nakadepende sa manipis na bagay ang buhay namin. Bumalong ang luha ko sa takot at pumikit ulit ng mariin.
"Clementine! Will you marry me?!" He shouted in the middle of our fall.
"No! Stop talking to me! I hate you!" Humikbi ako. Sa halip na maawa sa aking pag iyak, humalakhak pa siya.
"I know that will be your answer! I will accept your no for now! But I will ask you again after three years!"
Sumasabay sa hangin ang sigaw niya habang patuloy ang pagbagsak namin. Pagkatapos ng ilang segundo na free fall, tumigil kami sa pagbagsak. Magkaharap kami na dumuyan sa ibabaw ng mga nagtataasang puno. Nakapikit pa rin ako at takot na takot imulat ang mga mata. Dumapo sa pisngi ko ang kamay niya, pinupunasan ang takas na luha galing sa mata ko.
"Look down, Clem! Open your eyes!" Pinagtawanan niya ako. Wala man lang kakaba kaba sa boses niya.
"Nahihilo ako, Jax..." Kaonti na lang babaliktad na ang sikmura ko.
"Just open your eyes for at least a few seconds. We will go up after."
Sinunod ko siya sa kagustuhang makaakyat na. Unang mulat ng mata ko, napapikit ako ulit. Buong akala ko medyo mababa na kami at nasa ibabaw na lang ng mga puno. Mataas pa pala. Pinilit niya akong dumilat. Sa pangalawang dilat ko, kinausap niya ako at dinistract para mabawasan ang takot. Na-enjoy ko rin ang tanawin kalaunan. Kahit gano'n, hindi ko pa rin kayang magtagal na naroon kaya't nagyaya na akong umakyat.
Nanghihina ako. Binuhat niya pa ako papunta sa sasakyan dahil hindi ko kayang maglakad. Nilayasan ako ng mga buto ko sa katawan at hindi na kinaya kahit isang hakbang.
Nang papunta kami roon, nakatulog ako. Walang pinagkaiba pag-uwi, bagsak din ako sa sasakyan niya. Natulog ako sa sasakyan subalit nagising ako sa kumportableng higaan. Mayroon akong maliit na unan sa ulo at nakabalot ng manipis na puting kumot.
Wala nang tali ang buhok ko at nakalugay na iyon 'tulad sa tuwing nakakatulog ako sa kwarto ni Jax. Maging ang suot na damit ko ay nag-iba. Nakasuot na ako ng simple at malinis na puting dress. Nag unat ako bago nilibot ang mata. Na-realize kong nasa tent na ako at nakahiga sa malaki at malambot na bean bag.
Kulay orange na ang araw at maya maya lamang ay maaapula na ng dagat ang apoy nito. The sun faces where the tent is and as it goes down it grows bigger and bigger as if it is slowly approaching me. Ang araw ay parang tao, napapagod din at nagpapahinga.
Napakalawak at puno ng misteryo ang kalawakan. Kung makikita ito ng buo ay siguro isang tuldok lang ang mundong ginagalawan namin ngayon. O 'di kaya'y halos hindi na makita. Hindi ko maiwasan na maisip kung mayroon bang katulad ko sa ibang mundo. Mayroon kaya akong kamukha? Si Jax? Lahat ng tao? Ganito rin kaya sila at pinapanuod ang paglubog ng araw? Sa mundong iyon, kaming dalawa rin ba ni Jax?
"We will go to the party later after we eat dinner."
Walang ingay akong bumangon nang marinig ko ang boses ni Jax. Hinahangin ang puting kurtina na nakatabing sa tent, doon ko sila nasisilip ni Peter. Nagpaalam na si Peter at nagpasalamat siya.
Pagka-alis ng kaibigan niya, lumapit siya sa lamesa. Inayos niya ang mga bulaklak na naroon. May sindi na ng apoy ang mga torch dahil papadilim na. Inisa isa niya ang mga iyon kung matibay ba at walang babagsak kung sakaling kumain kami sa gitna.
Nagpamewang siya. Nakasuot na lang siya ng short at puting tshirt. Nang masiguro na nakaayos na ang lahat, nilingon niya ako. Naabutan niya akong nakaupo sa bean bag at nasa kanya ang tingin. Naibaba niya ang kanyang mga kamay at lakad takbo akong nilapitan. Sinalubong niya ako ng mabilis na halik sa labi at saka itinukod ang kamay sa bean bag na aking hinigaan.
"Kanina ka pa gising?" Tanong niya.
Humikab ako. Umiling ako.
"Kagigising ko lang."
Gamit ang isang kamay, inabot niya ang buhok ko. Inayos niya iyon at isinabit sa likod ng aking tenga ang mga takas kong buhok. Hindi ako makangiti sa kanya kahit sobrang saya ng puso ko. Sobra sobra na ito. Sobra sobra na ang halo halo na emosyong pinaparamdam niya sa akin ngayon.
"Gutom na ako!" Reklamo ako.
Pinagsalikop ko ang mga bisig ko sa aking dibdib. Nakahalukipkip kong dinaan sa pag-irap ang pangingilid ng luha ko. Ang ganda ganda ng ayos ng buong lugar, mas romantic ngayong papadilim na kaysa kaninang umaga 'tapos iiyakan ko lang siya?
Tinawanan niya ako at tinulungan na tumayo. Niyuko niya ang mga paa ko nang maglakad akong nakayapak kahit nasa gilid ng bean bag ang sinuot ko kaninang tsinelas. Masarap kasi sa paa ang maliliit at makikintab na pebbles. Para na akong nakaranas ng free foot massage.
Luto na ang pagkain. Umuusok pa iyon at parang kaluluto lamang nang makalapit kami sa lamesa. Medyo marami ngayon hindi katulad sa brunch na steak lang. Iba't ibang putahe ito ng mga ulam at karamihan ay gulay. May mga prutas din. Mas malaki ng bahagya ang lamesa na ito at napalitan na ang kanina. Habang tulog ako'y tinuruan at tinulungan yata siya ni Peter na magluto at ayusin ang lugar.
He sat me down and put the napkin on my lap. Nilagyan niya ako ng mga pagkain sa pinggan. Hindi niya ako pinapakilos at kanina pa pinagsisilbihan. He feeds me. He's taking care of me. He spend time to prepare our date and cooks me food that he think I'll enjoy. He ensure that I am happy, safe, protected, healthy, comfortable, and cared. He's my boyfriend right now but I think he could be a good husband and father in the future.
"Kainin mo itong lahat..."
He's not perfect. I am not either. Nothing can be called perfect. All of God's creation has its own uniqueness. He made all things different and beautiful.
Nasa pagkain na nililipat sa aking pinggan ang mga mata niya. Iba na naman ang kulay ng kanyang mga mata dahil sa papalubog na araw. Hindi niya napansin ang pagkilos na pagtayo ko dahil abala siya at nagsasalita.
"After you eat these vegetables, you will eat these fruits-"
I covered his lips with mine before he could even finished his words. As soon as he realized I was kissing him, he kissed me back. His lips moved and pulled me by my waist closer to him. Binitiwan niya ang hawak na serving spoon sa kanyang isang kamay at dinala iyon sa batok ko.
It feels like the world has stopped. Time halted and the sun ceased to set. I was too focused on our kiss, hindi ko namalayan na binitiwan niya ako. Natanto ko lang nang makaramdam ako ng malamig na bagay na dumikit sa leeg ko. Nailayo ko ang aking mukha sa kanya at napatingin sa isinuot niya sa akin.
I gasped as my heart pounded when I saw the gold necklace he wore around my neck. Hinawakan ko iyon. Pambabaeng manipis ang chain nito at ang pendant ay maliit na bilog. Napatingin ako sa suot niya. Kapareho ng kanya ang kwintas na isinuot niya sa akin. Panlalaki lamang ang sa kanya at mas makapal kumpara sa akin na manipis at mapapansin lamang kung kikinang sa palibot ng aking leeg.
Nabitawan ko iyon nang hilahin niya ako sa braso at ibalot ako sa mga bisig niya. Nasa dibdib niya ang aking mukha. Humalik siya sa tuktok ng aking buhok. Kinuyom ko ang aking kamay sa kanyang dibdib. Hila ko ang damit niya roon at pilit kumakapit sa kanya kahit nahulog na. Matagal na akong nahulog sa kanya, noon pa at hindi ko lang napagtuunan ng pansin. Nang matanto ko iyon, hindi ko na napigilan ang paglaglagan ng mga luha ko.
"I give that to you as a promise necklace. As long as I'm alive I promise to protect you. Hindi mo rin kailangan sumama sa akin sa kabilang buhay dahil ako ang handang magbuwis ng buhay para sayo."
"Jax..." Nanginig ang boses ko. Lalong bumuhos ang luha ko. Humigpit ang yakap niya.
"Iyan muna sa ngayon. Kwintas muna. Next time when you're ready, I will give you a ring."