"Mari?" Mabilis kong nilingon ang tumawag sa akin at agad kong nginitian si Sir Khalil. Busy ako ngayon sa kusina dahil sa ipinag-uutos ng magaling kong amo. Pinagagawa niya ako ng tiramisu. Eh, hindi naman ako marunong gumawa no’n, kaya eto, nagpa-practice ako. First time ko pa lang sumubok nito, at ngayon ko lang na-realize na mahirap pala. Ang sabi pa ni Sir K, dapat daw may halong alak. Kaso wala akong guide kung paano gawin. "Bakit po, Sir? May ipapagawa po ba kayo?" tanong ko at binalik ang tingin sa ginagawa. "Pasensya na po ah. Si Sir K po kasi, pinapagawa ako ng tiramisu. Mahirap pala, lalo na’t walang guide. Wala rin po akong cellphone para mapanood sa YouTube kung meron man." "Here, hiramin mo muna 'tong phone ko. Nakalaptop naman ako. Hindi rin ako masyadong nagse-cellphon

