Mari’s POV Sabay kaming napatingin ni Shaun kay Sir Keaton nang bigla itong tumawa. Nanonood siya ng TV pero wala namang nakakatawa ro’n sa palabas. Puro iba’t ibang isda ang pinapakita pero entertaining pa rin naman panoorin. May problema ba siya sa utak? “What? Don’t mind me. I’m just watching. You guys can continue whatever you’re doing right now. Nakakatawa lang kayo. Dito pa talaga sa sala? Really, Mari? To confess your feelings? Do you think papatulan ka ni Shaun?” puno ng pag-iinsulto niyang sabi. “Sa tingin mo may magkakagusto sa’yo? You’re just a maid.” Nabura ang ngiti niya sa labi at tumitig sa akin ng malamig. Bigla akong nahiya. Nanliit ako sa sarili. Ganun ba talaga kapag mayaman ang lalaki? Kapag mahirap ang babae at isang kasambahay, wala nang karapatang magkagusto? O

