NAALIMPUNGATAN si Mari nang makaramdam ng uhaw. Pero ganoon pa rin—masama pa rin ang pakiramdam niya, bagama’t hindi na tulad ng kanina. Nag-inat siya at bahagyang minulat ang kaliwang mata, naniniguro kung nasa mismong kwarto ba niya ito o nasa kay Keaton, katulad ng nanyari noon. Pero hindi naman siya umaasa. Ni hindi na nga niya ito pinapakasimahan ng maayos, ang dalhin pa kaya sa kwarto nito. Nang mapagtanto niyang nasa mismong kwarro naman siya, doon pa lang siya nakahinga ng maluwag at parang nabunutan ng tinik. Hindi niya kayang harapin ang amo niya at hindi niya alam kung bakit. Wala naman siyang ginawang mali. Nahimatay lang siya kakapilit na magtrabaho kahit pinagsabihan na siya na magpahinga. Aminado siyang naging matigas ang ulo niya at hindi nakinig kaso wala eh, trabaho p

