"Ayos lang po ako, Sir Khalil. Kaya ko naman po," Mari moved aside. Inabot niya ang cabinet kung saan 'yong wine at kumuha na rin ng ice cubes sa ref. "Mari, kapag pinilit mo—" "Kaya po talaga," pilit niyang nginitian si Khalil at kay Aling Lolita na malungkot na nakatingin sa kanya. "Promise, kaya po." Pero ang totoo, nagsisimula na siyang manghina. No'ng abutin niya kanina ang wine sa cabinet, sandaling nandilim ang paningin niya pero pinilit niyang makabawi dahil baka kapag hindi niya nagawa ang pinag-uutos ni Keaton, tanggalin siya sa trabaho. Napamahal na siya sa trabaho ganun din kay Aling Lolita. Masaya rin siya na pinagsisilbihan niya ang amo kahit minsan hindi niya ito mantindihan at nakakasakit na sa damdamin niya. Pero pinipili pa rin niyang intindihin. Matapos niyang ilaga

