Labas-masok ngayon si Mari sa mansyon sa pabalik-balik na utos sa kanya ng amo niya at kung minsan ay si Yumi. Kahit na masama ang pakiramdam niya, tinitiis niya dahil 'yon ang trabaho niya, ang pagsilbihan ang amo niya at mga kaibigan nito. Di bale nang may sakit siya, ang importante nagagawa naman niya ng maayos ang trabaho niya. Ayaw naman niyang i-asa lahat kay Aling Lolita ang trabaho niya dahil may sarili din itong trabaho. Bukod doon, iniiwasan din niyang masigawan siya ni Keaton lalo't nakakaharap niya ang mga kaibigan nito. Hindi na rin siya nakikisalo sa kanila kahit naka-ilang invite na si Bry at Shaun sa kanya. Sapat na 'yong naka-bonding niya ang mga ito sa inuman kagabi at huli na rin dahil magfo-focus na lang siya sa trabaho. Hindi naman siya ganun katanga para ipagpil

