Pagkatapos ng pangalawang araw na book signing event ni Keaton, inako lahat ni Mari ang trabaho mula sa paglilinis sa front yard, pagtatanggal ng dekorasyon at pagpupunas ng mga lamesa. Maski paghuhugas ng mga plato. Para lang mawaglit sa isip niya si Keaton, inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho. Halos tumambay na siya sa labas upang 'di magkrus ang landas nilang dalawa. Bukod doon, palaisipan pa rin niya ang sinabi sa kanya ni Khalil at 'yon din ang isa sa dahilan bakit iniiwasan niya ang amo. Gusto niyang makilala si Keaton pero sa tuwing sinusubukan niya, ramdam na ramdam niya kung gaano ito kailap. Nahihiwagaan pa rin siya sa lalaki. Kaya paano niya ito magagawang mahalin ng buo kung kasing taas ng puno ng acacia ang pader nito sa sarili? Punong-puno ng misteryo. Ano bang tinata

