Habang nililinisan ko ang rice cooker sa sink, nanatili akong nakayuko, abala sa pagkuskos ng natuyong kanin sa gilid. Gusto ko na sanang matapos agad para makaiwas sa nasa likuran ko kaso ang tagal matanggal. Ngunit nanigas ako nang may naramdaman akong mainit na katawan sa likod ko. Hindi naman dikit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng hininga niya kaya napahinto ako sa pagkilos. Pagtingin ko sa gilid, si Keaton. Nakatayo sa tabi ko, at sumingit para maghugas ng kamay. “Excuse me,” malamig niyang sabi habang patuloy sa paghuhugas ng kamay, suot pa rin ang mask niya. Ang arte talaga kahit kailan. Bahagya akong napalunok. Kailangan bang sumingit? Dumikit? Hindi makapaghintay na matapos ako? Ang bossy ha! Hindi alam kung gagalaw ba ako o iiwas. Pero hindi pa siya natapos. “I

