Kabanata 1

1208 Words
Mari's POV "You're hired," anang lalaki sa malamig na boses. "I'll be expecting you in my room to clean it." "M-Masusunod po, Sir." Sagot ko rito sa nanginginig na boses, halatang kinakabahan. Napalunok ako nang muli niya akong pasadahan ng tingin na para bang binabasa nito ang buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano dahil mukha siyang strikto pero mas gusto ko naman 'to kaysa sa tiyahin kong abusàdo at asawa niyang manyâk. Nilihis ko ang tingin nang 'di ko na matagalan ang paninitig nito. Para akong nalulunod sa kulay kayumanggi niyang mga mata. "I expect you to be hardworking, not lazy. I didn't require you to submit a resume because it was Aling Lolita's choice, and I know her standards." Napalunok ako ng mariin sa sinabi nito. "H-Hindi po kayo magsisisi." "Really? Why stammering then?" Mapapasabak pa yata ako sa english. Eh limitado lang ang alam ko sa lengguwahe na 'yon. "Kayo na po ang humusga, Sir. Ipapakita ko na lang po ang gawain ko kaysa magsalita." Lakas loob kong sabi rito. "Kung sa tingin niyo po hindi ako magaling at tatamad-tamad, tanggalin niyo po ako sa trabaho." Pinagdaop ko ang nanlalamig na kamay at matapang na sinalubong ang paninitig nito sa akin. "Don't disappoint me. If you do, I'll punish you before leaving." Sandaling tumigil ang pagtibôk ng puso ko nang lampasan niya kami habang nakapamulsa. Sumunod sa kanya ang driver at no'ng makapasok na sila sa mansyon, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. "Gano'n po ba talaga siya?" baling ko kay Aling Lolita na tahimik lang sa tabi ko. "Hindi naman, hija. Baka nanibago lang kasi dalaga ka eh, kaya gano'n ang naging pakitungo niya sa'yo. Madalas kasi may edad na 'yong nagiging kasambahay niya." Napatango na lang ako. Kaya naman pala. Baka nanibago lang at naninigurado. "Matanong ko lang po, ilang taon na po siya? Saka hindi niyo pa po nasasabi sa akin ang pangalan niya." "Ah, oo nga 'no? Thirty two na siya pero mukhang bata. Keaton ang pangalan niya pero mas maganda kung tawagin mo na lang na sir. Huwag na ang pangalan. Ayaw niya." "Gano'n po ba? Ba't po pala siya nakasuot ng mask?" "Iyan ang hindi ko masagot." Namilog sandali ang bibig ko. "Sige po." Mukhang napasobra ako ng tanong. Private yata ang usapin na 'yon. Pero sigurado ako, hindi 'yon pangit. "Pumasok na tayo. Dito na muna ako magpapalipas ng gabi nang matulungan kita sa paglilinis." Si Aling Lolita. Sumunod na lang ako sa kanya nang magsimula itong maglakad papuntang mansyon. Nang makapasok, sandali akong natigilan habang inililibot ang tingin sa lugar. Kung paano ako nawindang kanina sa labas, mas malala pa rito sa loob. Ang ganda! Lahat gawa sa gintong marmol, tapos may paikot na hagdan at naglalakihang chandelier sa kisame. "Wow!" Narinig ko ang mahinang tawa ni Aling Lolita. "Ganyan na ganyan din ang reaksyon ko no'ng unang araw ko rito. Hali ka, ihahatid kita sa magiging kwarto mo. Saan mo gusto? Sa baba o sa taas? Sa taas si Sir K." Bumaling ako ng tingin sa kanya. "Saan po maganda? Iyong madali po niya akong makakausap kapag may i-u-utos." "Ah? Maganda kung dito ka na lang sa baba. Saka may intercom naman sa kwarto mo kaya madali ka niyang mautusan." Napakamot ako ng buhok. "Turuan niyo na lang po akong gamitin. Hindi po kasi ako maalam sa mga ganyan." Nginitian niya ako. "Walang problema hija." Binagtas namin ang isang pasilyo hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto. Nang itulak niya ang pinto, tumambad sa amin ang malinis na silid na may iilang puting tela na nakatakip sa mga gamit. Tumuloy na kami sa loob at una kong napansin ang piano, sunod ang kama na tingin ko ay queen size, the rest hindi ko na alam. "Okay ka na ba rito?" baling sa akin ni Aling Lolita. "May isa pang kwarto pero walang kagamit-gamit." "Okay na po ako dito." Sabi ko habang tumitingin-tingin sa loob. "May garden po sa labas nitong kwarto?" "Ah, oo, pero pátay na ang mga bulaklak. Sa taas naman tayo? Para maging pamilyar ka sa mansyon." "Sige po!" sabik kong tugon, 'di na nakaramdam ng antok. Lumabas kami ng kwarto saka ako inilibot ni Aling Lolita sa mansyon. Hindi na namin namalayan ang oras at kahit si Aling Lolita ay nag-enjoy din sa paglilibot sa akin habang nagk-kwento. Ngunit no'ng tumapat kami sa isang pintuan, napatigil kami nang biglang bumukas 'yon. "Saan ka, Bernard? Uuwi na?" tanong ni Aling Lolita sa lalaki. Siya 'yong driver ni Sir Keaton. "Hindi. Mag-grocery lang. Bukas pa uwi ko. Siya nga pala, pinapatawag ka ni Sir K." Baling sa akin ng lalaki. "Ako? Ngayon na?" nagugulat kong tanong at hindi maiwasang makaramdam ng kaba. Kami lang dalawa? "Sige na hija. Pumasok ka na. Mag-aayos lang ako sa kusina." Paalam ni Aling Lolita. "Hali ka na sa baba, Bernard." Mariin akong napalunok. "Ah, s-sige po." Hinintay ko mo nang makababa sina Aling Lolita at Kuya Bernard bago humarap sa pintuan. Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses saka pumasok. "S-Sir?" mahinang tawag ko rito. Sa sobrang dilim ng kwarto, nangapa ako hanggang sa may napindot ako pader. "Ugh, the lights... turn it off." Tarantang pinatáy ko ang ilaw at napahawak sa dibdib. Pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa sa lalim ng boses niya. Napabuga na lamang ako ng hangin at mariing napapikit. Makakatagal naman siguro ako nito? Kahit binabalot na ako ng takot dahil sa amo ko? Kahit hindi ko siya nakikita, na-i-intimidate pa rin ako sa presensya niya. Nahagip ng mata ko kanina ang puti at lapad ng likod niya at nasisiguro kong nakadapa siya ng higa. "Clean the room,"striktong utos nito. "Walang dapat na maiwang alikabok." "O-Opo, Sir." Sagot ko na lang kahit hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko makita ng buo ang silid pero alam kong malawak. Malaki lang talaga 'yong kama niya. Tantya ko king size o mas malawak pa roon. Ang tangkad niya eh. Kung tingnan niya ako kanina, parang ang liit ko. Nakababa lang siya ng tingin sa akin. "Are you going to stand there?" Shiit! Ito na naman! Kumalabog na naman ang pusô ko sa kaba. "P-Po? Hindi po ako makakita kaya papaano po ako maglilinis?" "Stop stuttering. Natatakot ka ba? Do I look like a monster to you? Gano'n ba ako ka-intimidating?" Ay, aware siya? "Hindi naman po, Sir." Talagang tinuwid ko ang dila para makapagsalita ng deritso. "Good. Start cleaning. I'll observe." Magtatanong sana ako kung mangangapa na lang ba ako sa paglilinis pero dahan-dahang nagliwanag ang lampshade nito sa bedside table. Grabe. Kahit sa pagtulog, nakasuot pa rin siya ng mask? O baka dahil nandito ako kaya sinuot niya? Takot ba siyang makita ko ang mukha niya? "Baka iba pa ang makapa mo at tuklawin ka," rinig kong sabi niya kaya napaurong ako. Tuklawin? "S-Sir? N-Nananakot po kayo?" baling ko sa kanya at naaninag na nakasandal siya ngayon sa headboard ng kama. "Sa tingin mo?" pagsusungit niya. "Magsimula ka na bago pa magising at manuklaw 'tong alaga ko." "May alaga po kayo? A-Ahas? Makamandag po ba?" Hindi siya umimik. "Do you think I have time for that?" Kumunot ang noo ko. "Eh ano pong 'alaga' ang tinutukoy niyo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD