"Ano nga ba, Mari?" seryosong tanong niya na medyo ikinagulat ko dahil alam niya ang pangalan ko. "Have a guess. I'll reward you if you guess it right."
Napalunok ako. Sa sinabi niya parang hinahamon niya ako. "Hulaan po, Sir?"
Wala akong nakuhang sagot ng ilang segundo mula sa kanya.
"Sir?"
"I was wondering, do you even know basic english?"
Napakamot ako ng buhok. "Tagalog please, Sir. Bobô ako sa english. Limitado lang po ang alam ko." Nahihiyang sagot ko rito.
Napansin kong napasuklay siya ng buhok na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "So, ako pa ang mag-a-adjust dahil hindi ka marunong umintindi ng english?"
Napaurong ako. Mukhang mapapasubo pa ako nito. "Medyo lang, Sir. Huwag niyo lang bilisan at 'yong hindi sana labas sa ilong 'yong salitaan. Wala po tayo sa ibang bansa."
"Huh! Are you saying na bawal akong magsalita ng english just because nasa Pilipinas tayo? Wow ha!"
Nakagat ko ang ibabang labi at tumalikod. Dapat pala hindi na lang ako nakipag-usap sa kanya at mukhang mauuwi pa 'to sa away.
Sino ba naman kasing matinong kasambahay na sa first day pa lang ay nagagawang sumagot-sagot sa amo niya. Ako lang siguro. Huwag sana niya akong sibakin sa trabaho.
"Oh, ba't tumalikod? Takot?"
"Mismo, Sir. Maglilinis na po ako."
Tinuldukan ko na ang pakikipag-usap sa kanya at baka kung saan pa mapunta. Gusto ko pang manatili. Hindi ko kayang bumalik sa pamilyang iniwan ko. Titiisin ko na lang ang pagiging strikto at masungit ni Sir Keaton.
"Hindi mo pa nahuhulaan ang tanong ko kanina, Mari."
At talagang binalikan pa niya. Nawala na nga 'yon sa isip ko dahil parang may iba pa siyang ibig sabihin doon.
Hindi ako inosente para hindi makaramdam sa sinabi niya. Maaga akong namulat sa makamundong pagnanasa dahil sa asawa ng tiyahin ko na puro kamanyákan ang tumatakbo sa isip pero kung totoo mang may alaga siya, eh 'di maganda! Pero kung wala, naku, in heat si Sir.
Mahina akong umiling para iwaglit 'yon sa isip ko. "Hindi ko po mahulaan, Sir. Maglilinis na po ako."
"Are you trying to piss me off, Mari? Try guessing."
Huminga ako ng malalim. "Anaconda? Iyon po ba?" baling ko sa kanya ngunit kumunot ang noo ko nang bigla siyang humagalpak ng tawa. "Sabi ko naman po sa inyo Sir na hindi ko talaga mahuhulaan. Pero nagbase naman po ako sa sinabi niyong nanunuklaw ang alaga niyo."
"Well, may tama ka naman. Malaki, nanunuklaw kapag nagising lalo na kapag ginalit."
Namilog sandali ang bibig ko. So totoo talagang may alaga siyang anaconda? Pero nasaan? Tulog pa ba?
"T-Talaga po? Gaano po kalaki? S-Saan po nakalagay?"
Baka nandito lang 'yon tapos tuklawin ako! Jusko! Gusto ko pang mabuhay ng matagal!
Nang mapansin kong hindi siya kumibo, kahit malayo, napansin ko ang malalim nitong paninitig sa akin.
"Gusto mo ba talagang malaman kung saan?"
Mariin akong napalunok, kinakabahan at baka nasa likuran ko lang. "O-Opo."
"Come here, I'll show you."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang tapikin niya ang kama nito. "S-Sa kama?"
"Yeah, why? Saan ba dapat?"
"Ah, h-hindi na po. Maglilinis na lang po talaga ako." Tarantang tinalikuran ko siya at nangapa kung saan-saan.
Pakiramdam ko luluwa ang puso ko sa matinding kabang nararamdaman ko.
Bakit sa kama? Nandoon ba sa kumot niya? Sa ilalim ng kama? Saan?
Marahas akong napailing sa iniisip. B-Baka pinagttrip-an lang ako ni Sir.
"What are you thinking, Mari?"
Natigilan ako at nanlamig. "W-Wala naman po, Sir. Hindi na po ako interesado malaman kung saan."
"Really? Sayang."
Sayang? Anong sayang? Ah! Ito't naglilikot na naman ang utak ko! Nakaka-intriga!
"Hey, be careful with that!" biglang sigaw niya.
Mabilis kong nailapag ang vase sa lamesa. "Sorry po, Sir. Nililinisan ko lang po."
"Just be careful. Mamahalin lahat 'yan, and just so you know mas mahal 'yan kesa sa buhay mo."
Grabe naman si Sir, pero alam ko naman 'yon. Lahat yata sa bahay na 'to mamahalin.
"Dahan-dahan sa pagtanggal ng tela sa mga gamit, nababahing ako. I'm allergic to dust." Reklamo niya.
"Eh bakit niyo po pinalis ngayong madaling araw kung pwede naman pong bukas?" tanong ko pa at nagpatuloy sa ginagawa.
"I want to observe you. Kung paano ka maglinis, kung polido ba o hindi. If not, baka ibang bagay ang ipagawa ko sa'yo."
Napatigil ako sa ginagawa. "Po? A-Ano pong trabaho?"
"Hm, let me think... ano bang magandang ipagawa sa'yo? You said magaling ka 'di ba? Sa lahat ba?"
"Hanggang sa makakaya ko, Sir," sabi ko na may halong panginginig ang boses. "Pero sa paglilinis po talaga ako—"
"Do you know how to massage?"
"Masahe po?"
"Oo, Mari, masahe." Diin niyang sabi.
"Saan po banda, Sir?" pagkklaro ko.
"Saan ba dapat minamasahe, Mari? Di ba sa likod?"
Bakit ba ang sungit-sungit niya? Pag tinatanong ng maayos, binabato rin niya ako ng isa pang tanong tapos parang may bahid na iritasyon sa boses o baka gano'n lang talaga? Ewan ko sa amo kong 'to. Ang hirap e-spelling-in.
"G-Gusto ko lang pong klaruhin kung saan." Kinakabahang tugon ko rito.
"Pero marunong ka 'di ba?"
"Opo, Sir. Marunong naman po."
"Kung gano'n, buong katawan ko ang masahiin mo."
"Po?!" gulat kong reaksyon.
"Bakit? May reklamo ka? I'll double your salary or name your price just massage my body. Tapusin mo muna 'yan at maghugas ng kamay bago pumunta rito. I'll wait."
"Pero..." halos pabulong kong tutol.
Pinapasok ba niya ako rito para maglinis o magmasahe?
Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis at talagang binagalan ko ang kilos dahil hindi ko kayang masahiin siya.
Kasambahay lang ako rito at hindi masahista. Pero ano bang magagawa ko kung utos ng amo ko? Sa taranta ko ba naman kanina, napa-oo na lang ako na magaling sa lahat kahit hindi naman.
Napabuga ako ng hangin at namalayan na lang na tapos ko na lahat kaya ultimo sahig pinunasan ko kahit ilang beses kong binalikan.
"Tatlong beses mo na 'yan sa sahig, Mari. Are you intentionally taking it too long para hindi mo 'ko ma-masahe?"
Mabilis akong napatingala sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko at halos takasan ako ng hangin sa lalamunan nang dumako ang tingin ko sa mahabang bagay na nakadikit sa puson niya.
Oh my God! Ito na ba 'yong tinutukoy niyang alaga niya?!
"S-Sir..."