Kabanata 3

1213 Words
"Mari, wake up!" "Ay hotdog!" balikwas ko at napangiwi nang mauntog ang ulo ko sa ilalim ng mesa. "S-Sir, b-bakit po?" Nakatingalang tanong ko rito. Buti na lang at may suot siyang pang-itaas at kung wala, baka magkatotoo pa 'yong nasa panaginip ko. "Umaga na! Did you just sleep here? I told you to massage me. Bakit masakit pa rin ang katawan ko?!" Napapikit na lamang ako sa paninigaw nito at napayuko. "Pasensya na po kayo Sir, nakatulog po ako nang hindi namamalayan," nanlulumong sabi ko rito. "Ima-masahe na lang po kayo mamaya." "Mamaya?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Do you think I have time for that? Baka nakakalimutan mong kasambahay ka lang dito? Huwag kang umastang magagawa mo lahat ng gusto mo rito! Hindi mo hawak ang oras mo, babae. Bullshît!" Mas lalo akong napayuko at hindi na lang umimik. Hindi ko alam na gano'n ka-bigdeal sa kanya ang masahe. Sa nakatulog ako dahil sa pagod. Anong magagawa ko? Kahit na gano'n, ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya na para bang gustong-gusto niya akong bigwasán dahil lang sa hindi ko siya namasahe. Babawi na lang siguro ako kapag gusto na niya kesa naman sa masermonan ako ulit. Takot ko na lang sa kanya. "Dàmn it! I shouldn't have hired you! Kung hindi lang dahil kay Aling Lolita, hindi kita tatanggapin dito. Unang araw mo pa lang sa trabaho, palpak ka na." "Pasensya na po talaga, Sir." Kagat labing saad ko, hindi magawang tumingin sa kanya. "Sorry po talaga." "Get out!" Muli akong napapikit ng mariin nang hampasin niya ang lamesa. "Out, Mari! Out!" Taranta akong tumayo, iwas na iwas at baka sapákin o hampasîn niya ako dahil sa galit. "Fvck!" Paglabas na paglabas ko sa kwarto, dumaosdos ako sa sahig habang nakatakip ang mga tenga ko. Nag-unahan tumulo ang mga luha ko, pinipigilan ang sarili na huwag humikbi. Napapikit ako ng mariin at wala sa sariling pinaghahampás ang ulo ko nang maalala ko na naman lahat ng mga nangyari sa akin mula sa sigawan, pagwawala, pang-aabuso ng tiyahin ko, pagtatangkang panggagahása ng asawa niya, lahat. Lahat bumalik sa akin. Lahat ng traumang gusto ko nang ibaon sa limot ay bumalik. "T-Tama na! T-Tama n-na!" Sinakál ko ang sarili hanggang sa hindi na ako makahinga ng maayos. "Mari! Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Aling Lolita at mabilis na dumalo sa akin, pilit na tinatanggal ang kamay ko sa aking leeg. "Mari! Mari! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Niyugyog niya ako at no'ng halos malagutan na ako ng hininga, sinampál niya ako at doon pa lang natauhan. Natulala ako sa kawalan habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko. "Mari?" tawag ni Aling Lolita ngunit parang bulong lang sa akin ang tinig niya. "Mari? Naririnig mo ba ako?" "N-Natatakot po ako," tanging lumabas sa bibig ko. "S-Saan, Mari? Saan ka natatakot? Pinagalitan ka ba ni Sir K?" sunod-sunod niyang tanong. "B-Baka k-katulad lang din siya ng asawa ng tiyahin ko," halos pabulong kong sabi. "Ano bang nangyari, hija? Ikwento mo sa akin. Makikinig ako." Hinagod niya ang likod ko at inalalayang tumayo. Bumaba kami at dumiretso sa kusina saka niya ako pinainom ng tubig. Nang mahimasmasan, kinuwento ko lahat sa kanya ang karanasan ko kung bakit ako tumakas sa amin. Habang nagk-kwento, tulala lang ako sa kawalan at siya walang humpay na umiiyak. "Mga wala silang puso! Hayop sila! Kadugo ka ng tiyahin mo, paano niya nagagawa sa'yo 'yon?!" gigil na sabi nito, galit na galit. "Paano nasisikmura ng tiya mo ang gano'ng klaseng asawa?" "Wala po eh, mahal niya. Nagbulag-bulagan. Takot maiwan." Walang kabuhay-buhay kong tugon rito. "Wag kang mag-alala hija, simula ngayon sasamahan na kita rito nang hindi ka matakot. Nang mapanatag ang loob mo. Pero gusto kong malaman, senirmonan ka ba ni Keaton kaya natrigger ka para gawin 'yon sa sarili mo?" Mahina akong tumango. "Opo. Hindi ko nasunod ang gusto niya." Napabuntong hininga siya. "Iyan ang iniiwasan ko, iyong hindi masunod ang gusto niya. Lahat kami na nagtrabaho rito, dumanas niyan kaya magmula noon, sinusunod namin kahit maliit na bagay. Sa tingin ko may pinagdadaanan si Sir K, at sana maintindihan mo. Pero hija, huwag mong ipaalam sa kanya na may pinagdadaanan ka rin. Hindi siya magdadalawang isip na sibakin ka sa trabaho kapag nalaman niya." Payo nito na siyang tinanguan ko. "Susubukan ko po. Na-trigger lang po dahil nasigawan niya ako." "Kapag nasa gano'n kang sitwasyon, mahigpit mong takpan ang mga tenga mo. Takasan mo kapag sa tingin mo ma-t-trigger ka. Huhupa rin naman ang galit niya at parang walang nangyari." "Sige po, Aling Lolita. Salamat po sa payo at sa pakikinig." Nginitian niya ako, isang ngiting pakiramdam ko'y humahaplos sa dibdib ko dahil hindi niya ako hinusgahan sa mga karanasan ko. "Walang anuman, hija. Nandito lang ako handang makinig sa'yo," malamyos niyang wika. "Matulog ka muna at mukhang wala kang sapat na tulog. Kakausapin ko lang din si Sir K tungkol sa pananatili ko rito." "Sige po, Aling Lolita." Maaga pa naman para magtrabaho kaya bumalik na ako ng kwarto at natulog. Hindi ko alam kung ilang oras ang tinulog ko pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Iyong mata ko lang namaga dahil sa kakaiyak. Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto saka dumiretso sa kusina. Nadatnan ko si Aling Lolita na nagluluto at 'di maiwasan na kumalam ang sikmura nang manuot sa ilong ko ang amoy ng adobo. Napalunok ako at kahit amoy pa lang, natakam na ako. "Magandang umaga po, Aling Lolita." Masiglang bati ko rito na may maliit na ngiti sa labi. "Magandang umaga rin, hija." Lingon niya sa akin at sinuklian ako ng matamis na ngiti. "Bagay sa'yo ang bestida. Marami 'yan sa aparador mo." "Ah, opo. Salamat. Kamusta naman po ang pakikipag-usap niyo kay Sir K?" "Ah, 'yon ba? Pumayag naman. Hindi ako matiis no'n kaya walang naging problema. Mainit nga lang ang ulo. Hindi makapagsulat." Kumunot ang noo ko. "Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Humarap siya sa akin habang hawak ang sandok. "Hindi mo ba alam? Hindi mo ba siya nakikita ang mga larawan niya sa mga lugar?" Umiling ako, nagtataka. "Bakit po? Ano pong meron?" "Isa siyang sikat na author. Manunulat kumbaga at mainit ang ulo niya ngayon dahil hindi siya makapagsulat ng maayos." "Dahil po ba sa akin?" Napayuko ako at pinagdaop ang mga palad. Nasira ko yata ang araw ni Sir. "Sorry po." "Hindi naman ikaw ang dahilan—Ah, magandang umaga, Sir K." Nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang presensya sa likuran ko. "Morning, Aling Lolita." Bati rin nito pabalik sa ginang pero halatang wala sa mood dahil walang kagana-gana ang boses nito. Napigil ko ang hininga nang lampasan niya ako. "G-Good morning, Sir." Lakas na loob na bati ko rin dito. "Come here." Napa-angat ang tingin ko sa kanya at baka mali lang ako ng dinig. "Hindi mo ba ako narinig? I said, come here. Tagalugin ko pa?" "Ah, hindi na po..." Mabilis akong pumunta sa kinaroronan niya at yumuko. Paano kaya siya kakain kung nakasuot siya ng mask? "Ano pong i-u-utos niyo?" "Marunong ka bang magluto ng tahong?" "Tahong? Iyon po ba 'yong parang may mani sa loob?" Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "What the fvck?! Mani?! We're not talking about pvssy here! Are you out of your mind?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD