"Pvssy po, Sir? Ah, iyong mani po ba?"
Napapikit ako nang biglang siyang tumayo.
"You're impossible, woman! Pagsabihan mo nga 'yan, Aling Lolita! Nandidilim paningin ko sa kanya! Nakakawalang ganang kumain! Tabi!"
Akala ko pagbubuhatan niya ako ng kamay pero naramdaman kong nilampasan niya lang ako.
"Sa labas ako mag-aalmusal! Sa harap ng fountain!" sigaw nito at doon pa lang ako nakahinga ng maluwag nang maramdam kong nakalayo na siya.
Jusko! Akala ko aatakihin na ako sa puso. Buti na lang at hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay kundi kawawa talaga ako. Kahit pagtulungan pa namin siya ni Aling Lolita, tingin ko hindi pa rin kami mananalo.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata at sinilip kung nakalabas na siya at no'ng masigurado kong wala na siya, agad akong lumapit kay Aling Lolita.
"Nay, ano 'yong pvssy na sinasabi niya? Iyon ba 'yong english ng mani?" usisa ko pa at kumunot ang noo nang tawanan niya ako.
"Ikaw talagang bata ka. Ang init tuloy ng ulo sa'yo ni Sir K. Iba tuloy ang pagkakaintindi niya sa sinabi mo."
Ngumuso ako. "Hindi ko naman po kasi alam ang sinasabi niya. Ano ba 'yong pvssy?"
"Pvke," tipid niyang sagot na nagpanganga sa akin. "Alam mo na ha? Sige, tatapusin ko lang 'to nang maihatid mo sa kanya ang almusal niya."
"Po?! Teka lang po, ibig niyo po bang sabihin sa pvssy ay pvke ng babae? Gano'n po ba?"
Napatakip ako ng bibig nang tumango siya.
Patay na talaga ako nito! Parang ayoko nang humarap kay Sir K. Nakakatakot na at baka kapag napuno na siya sa akin ay bigwasan niya ako. Naku naman. Hindi ko naman kasi alam na gano'n pala ang meaning no'n.
"Ayoko po! Kayo na lang po ang maghatid sa kanya! Baka sakalîn niya ako sa inis. Hindi ko naman kasi alam." Mangiyak-iyak kong sabi, natatakot na baka tanggalin niya ako sa trabaho at palayasin.
"Huwag kang mag-alala, humupa na 'yang inis niya sa'yo kaya ikaw na. Maglilinis pa ako ng banyo dito sa kusina. Ikaw naman, asikasuhin mo si Sir K nang magkasundo kayo. Hindi ba't gusto mong magkasundo kayo? Eh 'di gawin mo sa posibleng paraan. Mabait naman 'yon, Mari. Hindi 'yon nangangain." Sabay tawa niya at tinikman ang niluluto. "Kumain ka muna para may lakas loob kang harapin si Sir K."
"Pero Aling Lolita natatakot po ako," sabi ko habang kagat-kagat ang kuko, pabalik-balik ng lakad, hindi mapakali. "Paano kung mapalaban ako?"
"Ikaw bahala. One time opportunity lang 'to. Saka nakausap ko naman si Sir K kaya babait din 'yan. Nag-a-adjust lang kasi dalaga ka."
"S-Sige na nga po," pagpayag ko na lang. "Hoo! Kaya ko 'to."
Gaya ng sabi ni Aling Lolita, kumain muna ako para kahit papaano may lakas loob akong harapin ang amo kong masungit na sobrang maldito at strikto.
Pero sa totoo lang, gustong-gusto kong makita ang mukha niya. Ano kaya ang istura niya?
Nang matapos kumain, ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Si Aling Lolita naman ay tumungo na ng banyo para maglinis doon. Buti na lang at naihanda niya ang pagkain ng senyorito kundi mapapasubo ako. Hindi ko pa naman kabisado ang lalaking 'yon.
Dinala ko ang tray at nang makalabas ng mansyon, natanaw ko siyang nakaupo sa fountain habang naka-krus ang mga hita. Malalaman mo talagang maarteng lalaki eh.
Humungot ako ng malalim na hininga at hinigpitan ang pagkakahawak sa dala kong tray. Kung sakali man na saktán niya ako, hindi ako magdadalawang isip na ihampâs 'to sa likod niya. Huwag na sa ulo at baka matuluyan. Makulong pa ako.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa kinaroroonan niya, at habang papalapit, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Gusto kong umurong pero nandito na 'to, bahala na.
"S-Sir, ito na ho ang almusal niyo," sabi ko nang makalapit sa kinaroroonan niya pero hindi man lang niya ako pinansin o nilingon.
Gano'n ba siya naiinis sa akin?
Tumagal ako ng ilang minuto kakatayo hanggang sa mangalay na ang mga kamay ko pero hindi talaga niya ako pinansin.
Pinaparusahan ba niya ako dahil sa mga nangyari? Pero sige, titiisin ko na lang kaysa bungangaan niya ako na makakapagtrigger sa akin. Mas mabuti na 'yong ganito.
"S-Sir?" Halos pabulong kong tawag sa kanya nang mahigit isang oras na akong nakatayo, namamanhid ang mga kamay at nangangatog ang mga tuhod. "Malamig na po ang pagkain niyo. Papainitin ko na lang po ulit sa loob."
Bahagya akong napaatras at muntik nang mailaglag ang tray nang bigla siyang humarap sa akin.
Humalukipkip siya saka tumayo. "Do you really think kakainin ko pa 'yan pagkatapos mabilad sa araw at ma-expose sa maruming hangin?"
"P-Pero Sir... pagkain pa rin po ito. Alam niyo po ba kung ilang tao sa buong mundo ang nagugutom dahil walang makain tapos kayo nagsasayang?"
"Are you lecturing me?!"
"Nagsasabi lang po ako. Kung hindi niyo po kakainin, ako na lang po." Umupo ako sa upuan ng fountain at sinimulang kainin ang 'di nagagalaw na pagkain ngunit hindi pa ako nakaka-tatlong subo nang tabigin niya ang tray dahilan para tumapon lahat ng nandoon.
"Sir, bakit niyo po tinabig?" Nakatingalang tanong ko sa kanya.
"Eh 'di kainin mo!" sigaw niya pero hindi ako nagpatinag.
"Wala po talaga kayong puso 'no?" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Palibhasa po kasi mayaman kayo. Hindi niyo naranasan maging mahirap kaya ang dali-dali para sa inyo itapon ang mga pagkain."
Lumuhod ako sa harap niya, hindi dahil gusto kong humingi ng kapatawaran sa kanya kundi pulutin ang pagkain na natapon.
"Ayos lang po kung tanggalin niyo ako sa trabaho. Malugod ko pong tatanggapin." Tumayo ako pagkatapos pulutin lahat ng pagkain. "Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin dito."
Kahit mabigat sa loob ko dahil si Aling Lolita ang nagbigay ng opportunity na 'to sa akin, tatanggapin ko kung anong magiging desisyon niya.
Tinalikuran ko siya kahit gustong-gusto kong humingi ng paumanhin sa kanya na huwag niya akong tanggalin pero pinilit kong huwag lumingon para panindigan ang sinabi ko sa kanya.
Alam kong galit at naiinis siya sa akin pero hindi sapat na dahilan para idamay niya ang pagkain.
"Mari..."
Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko nang maramdam kong hinawakan niya ang kamay ko na para bang may dumaloy na bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.
Humugot ako ng malalim na paghinga bago humarap sa kanya.
"Bakit po, S-Sir?"
"M-May tagos ka..."
"P-Po?!"